stainless longganisa
August 5, 2007
nabasa mo na ba ‘to?
Stainless Longganisa
ni Bob Ong
————
2005 pa napublish ang librong ‘to pero nung huling Sabado ko lang nabili (2007 na ngayon), kaya ngayon ko lang nabasa. ito ang pinakahuling libro ni Bob Ong… so far.
una akong nakabasa ng libro ni BO nung nasa college ako. hiniram ko sa isang kaibigan ang ABNKKBSNPLAKo? grabe!!! tawa ako nang tawa habang nagbabasa. akala ng mga tao sa bahay nasisiraan na ‘ko ng ulo kasi mag-isa lang ako sa kwarto, may hawak na libro pero kung makatawa ako parang nanonood ng “Who’s line is it anyway?” isa pa, napapataas ang kilay nila dahil hindi lahat ng tao sa bahay namin nagbabasa (boring daw yun kaya hindi ‘hobby’), kaya imbyerna sila dahil akala nila nagpapa-panchin lang ako para maengganyo ko silang magbasa. bwahahaha!!! hindi ko sinadya yun dahil nakakatawa talaga yung libro, pero naging effective naman ang pagpapa-panchin ko, dahil pagkatapos kong basahin ang libro hiniram ‘to ng ate ko. ng ate ko na hindi nagbabasa ng librong miski ano maliban sa songbook pag may hawak siyang gitara.
tulad ko, tawa rin siya ng tawa habang binabasa ang ABNKKBSNPLAko? kaya sabi ng tiya ko, nahawaan ko raw ng virus ang ate ko. nabaliw na rin ang ate kong very normal. so dahil aliw na aliw ang ate ko, pinabasa nya rin ‘to sa asawa niya. biruin mo, sobrang walang sense of humor yun pero tawa rin ng tawa. ngayon medyo nakakatawa na siya at patok na rin humirit (minsan). kaya ngayon, ang bahay namin ay isa ng mental hospital.
anyway, pinabasa ko rin ang libro (mind you hindi akin ‘to) kay H, kaya tuwing napapadaan kami sa bookstore tinititigan namin ang mga BobOng books. bakit kanyo tinititigan lang. kasi writer ako, wala akong pera. pag writer ka, wala kang perang pambili ng libro (tsk! diba. minsan nga gusto ko na ring sabihin ang “ayoko ng putik!!!” ala Maricel Soriano).
Note: kung mabasa man ito ni Mr. Bob Ong, 4 na po ang recruit ko (well, yun ang naaalala ko habang sinusulat ko ‘to pero alam kong marami pa) try ko uli isipin mamaya kung sino-sino pa ang mga na-recruit ko) so, 16 na lang ang kulang ko para makakuha ng kalendaryo.
bukod sa ABNKKBSNPLAko?, nabasa ko na rin ang “Paboritong Libro Ni Hudas” (hiniram ko rin). kaso hindi ko pa nababasa yung “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino” (dahil hindi napahiram ni Jeck sa ‘ken. risky na siguro dahil ga-gradjweyt na kami) at yung “Alamat ng Gubat” kasi hindi ko alam na meron na pala non. nung grumadjweyt na kasi ako, wala na ko mga nakakasalamuhang mahilig rin magbasa. Tapos, tinigil ko na nang tuluyan ang pagpasyal sa mga bookstore dahil lalo lang ako nabubwiset sa tuwing makakakita ng librong gusto ko pero di ko kayang bilhin. kaya yun. papanchin na naman… uiiii!!! hehehe
idol ko si Bob Ong (yes naman!), kasi ang galing-galing. ang daling intindihin ng mga libro niya. hindi naman sa tamad akong mag-isip, pero hindi ko kasi keri ang magbasa ng kung ano mang ma-superfluous words. minsan nga naiirita ako sa mga ganun, natutunan ko lang din maapreciate ang ilan kasi ganun naman magsulat si H.
si Bob Ong ang nagpakita sa aking pwede pala akong maging writer (Mr. BO, feeling ko ‘di ko na kailangan ng recruit. ano sa tingin mo?), kasi pwede ka palang magsulat ng normal na mga salita lang ang ginagamit mo. hindi laging kailangan matalinhaga ang mga salita at pangungusap na isinusulat mo para mabansagan kang writer. sa totoo lang, nung una akong nakabasa ng libro ni BO sumagi sa isip ko ang Eraserheads. para kang nakikinig ng Utraelectromagneticpop pag nagbabasa ka ng BobOng books. kasi simple, pero may dating. higit sa lahat may sense.(woohooo!!! ayus na ba? parating na ba ang kalendaryo ko sir?)
anyway, balik tayo sa stainless longganisa…
nalaman ko lang ang tungkol sa librong ito nang pumunta ako sa site ng POWERBOOKS for ‘research’ (kasi nasa office ako ng mga sandaling ‘yon). sa totoo lang, ang hinahanap ko ay ang isa pang libro ni Judith Hermann na isang German writer na kinababaliwan ko sa mga panahong ito. pero sadyang sa mga bargain bookstores ko lang talaga ata ma-te-tiempohan ang mga libro nya kaya di ko nahanap, so cli-nick ko ang Best Sellers tab. doon ko nakita ang Stainless Longganisa. sabi sa description;
ISBN# 9719257423
150.00 Php
About the book
The fifth and latest Bob Ong book that gives tips to aspiring writers – tips worth taking considering the popularity of these books.
ako: “HUWOW! 150 lang!!! kaya kong bilhin yon ngayon!!! SHETTTTT!!!! Pupunta ko sa Powerbooks mamaya
pero, tulad nang lagi…
devil’s advocate: sigurado ka na bang bibilhin mo yan. hindi ka ba magsisisi mamaya habang naiisip mong “sana pinambili ko na lang bigas yung 150.”
ako: hindi! writer’s manual ‘to. sinisimulan ko ang libro ko (pa-panchin!). kailangan ko ‘to.
kaya yun. binili ko sa Powerbooks ang Stainless Longganisa ni Bob Ong kinabukasan.
i-she-share ko sa inyo ang ilan sa mga parte ng librong nagpatawa at nagpa-iyak sa akin (well, muntik akong umiyak pero hindi natuloy…
)
sa simula pa lang… ki-noute ni BO si Gene Fowler (Journalist/Biographer):
“Writing is easy. All you do is stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.”
dahil kabilang ako sa mga nagsasabi nito… ilang minuto rin akong nagmukhang siraulo sa loob ng bus nang mabasa ko ito:
“Super thank you.
Ano ba ang pinagkaiba pag sinabihan ka ng ‘thank you’ at ’super thank you’? Natutuwa ako pag nakakarinig ng mga dalagitang nagsasabi ng super thank you. Kasi nai-imagine ko na may kapa at special powers ang thank you nila. Pag nag-thank you sa’yo ang ibang tao, thank you lang talaga. Pero pag mga dalagita, it’s Soooooooper Teeengkyooo!!! <*TANA-NANAN-TANAN*>
eto pa…
“Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n’ya ay ‘to exorcise the demon in me.’ Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsisilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.”
![]()
at sampung milyong hirit pa ang “grabe!!! hindi na ko makahinga sa kakatawa”, pero dito naman nangilid-ngilid ang luha sa mga mata ko… yuck! drama!
“Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang “sandali lang” o “teka muna.” Dahil pag lumipas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka pa ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.”
eto pa…
“May mga bad trip na editor kung minsan, pero kailangan pa rin natin sila kadalasan. Kaya kung hindi mo matanggap na itama ng iba ang mga mali mo, hindi para sa’yo ang pagsusulat. Akala ng iba mga manunulat ang may oinakamahangin at malaking ulo sa mundo. Pero kabaligtaran, mga manunulat ang pinakamatinding makatikim ng rejection kumpara sa ibang tao. Ang mga door to door salesman kasi pag nabagsakan ng pinto sa mukha, alam nilang produkto lang nila ang ayaw ng tao. Pero ang mga manunulat pag nareject, rejected sila dahil sa kakayanan nila. Personal na trabaho na pinagpaguran ng ilang buwan, kung hindi man taon o dekada, ang inihahagis sa kanila pabalik. At hindi nilapwede basta-basta lang isauli yon sa stockroom para palitan ng iba.”
———-
siguro dahil writer din ako kaya natuwa ako sa libro… mga kapwa writer, ego trip to!!! hehehe
biro lang.
nakakatuwa talaga kasi ayan na… lahat ng dahilan natin kung bakit tayo nagsusulat pina-alam na ni BO sa mga mambabasa niya. ngayon siguro, hindi na lang tayo ang nakakaintindi kung bakit tayo ganito ka-martyr sa mga pinili natin.
ang pagsusulat kasi, higit sa prinsipyo… true love.
.
.
.
baduy!


August 6, 2007 at 11:45 am
WALA!!! BOB ONG SUCKS!!! PURE CRAP!!!
panis na panis yan kay diwangLaya…
August 6, 2007 at 12:00 pm
gino: wahahahahah!!! siraulo ka!!!
August 6, 2007 at 12:55 pm
potah! ayusp yan sa si bob ong!
para akong tanga sa dyip… binabasa ko ang libro niyang BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO pinatitinginan ako ng mga tao… siguro sa isip isip nila… tanga ako..hahhaha
may bago akong tuklas na writer, actually matagal na rin siyang writer NORMAN WILWAYCO. Sinasabing ang libro niyang Mondomanila na nanalo sa Palanca ang pinakapangahas, na siyang nagpapaligalig sa atin upang maging matatag at malaya — naks! mula yan kay lilia quindoza- santiago isang poet fictionist ng UP instititute of creative writing.
wag kang magalala magkakaroon ka ng libro niya… bibigyan kita.
whooo!!!! sayang din yung 300 mo.
nga pala may bago siyang libro hanap ako.kwentuhan kita
August 6, 2007 at 5:12 pm
jeck: woohoo!!! thank you-thank you sa libro…hinihintay ko na (hahahah!). kumakain kasi ako ng libro ngayong mga nagdaang araw
August 17, 2007 at 10:54 am
naiyak nmn aq s kwento mo..pde bng pkiss!! pareng bob! keep up the good work!! teka kelan k mglalabas ng bagong books? ng makain este mabasa n? salamat…
August 17, 2007 at 12:32 pm
kabaong: hi! bat ka naman naiyak?
hindi naman masyado madrama diba? o di ko lang pansin…
hindi pede kumiss!!!
kiss?
pano ka nga pala nakarating dito?
salamat sa comment!
August 29, 2007 at 5:27 pm
hey nabasa ko pangalan ko. bili kayo ng bago kong libro responde. available na sa inyong mga suking tindahan.
di kasing galing ng mga books ni bob ong pero pwede na. hehe
August 29, 2007 at 5:38 pm
norman: hi! one of my closest friends is a big fan of yours
hindi pa kami nagkikita kaya hindi pa niya nabibigay ang libro mo sa akin(mahirap maging mahirap…hehe)
anyway, i’m looking forward to reading your work (tiyak kong panalo!)
thanks for dropping by:)
August 14, 2009 at 1:12 pm
wala lang, naubos ung 1hr breaktym ko sa pagbabasa lng ng mga blog niu.. buti nakakaen nq bgo ko ngbsa
aliw!
August 14, 2009 at 2:05 pm
salamat!
paano ka pala napadpad dito?