so this is christmas! :D
December 26, 2007
nine years ago, a week before i turned 18, i got myself this…
i’ve always wanted to have a tattoo (since i was 13), buti nakilala ko si zel c. (na pagka-transfer pa lang sa CSA may tattoo na). sila ni ginang ang kasama ko nung pinagawa ko yan.
kaso mo nung ginawa yan wala pa kong pakelam sa design. basta gusto ko lang magkaroon ng tattoo, so wala lang yan. tribal something. i don’t get to look at it often so after some years of having it, siguro two or three, tri-ny kong titigan isang beses para may maimbento akong tawag sa kanya (HAHAHA!!! magimbento daw ba talaga?). ngayon pag may nagtatanong sa’ken kung anong ibig sabihin or kung ano yan, ang sinasagot ko; “tribal vagina”, dahil mukhang female reproductive system
kapag nakapagpatattoo ka raw sabi nila, gusto mo nang ulit-ulitin… parang pringles! “once you pop you just can’t stop.” totoo yon. kasi kala ng marami sobrang sakit magpatattoo, pero sa totoo lang, VERY bearable ang pain. sabi ko nga masmasakit pa ang piercing, kaysa tattoo. sa totoo lang, maskakayanin ko pang magpatattoo ng buong katawan kaysa magpa-pierce pa uli, kasi ang tattoo after 30 minutes to an hour hindi na masakit (well, mahapdi konti after but that’s it… more kati, more fun na lang for two weeks or less). e yung piercing tangina isang buwan na masakit pa rin e. kundi lang ako nanghinayang sa effort kong tiisin ang sakit during the first two weeks at sa pinambili ko ng lahat ng ponstan at amoxicillin tinanggal ko yung mga putanginang yon e
so ma-balik tayo sa… after i got that tribal vagina tattoo, i started researching (geek) for other designs i’d like to have someday
sabi ko nun… gusto ko ng dragon na red sa hips (pag sumeksi na ko… so hindi ko na magagawa yon. hahaha!), ng star sa gilid batok, ng sun sa lower back, ng chinese character na “woman” sa gitna ng batok, ng alibata ng diwangLaya sa forearm, ng tattoo ni lilu sa 5th element somewhere, ng ano tsaka ano tsaka ano tsaka ano… pero nung medyo tumatanda na ko, naisip ko; “magastos tong gusto kong gawin”
so dahil mahirap na ang buhay nung natungtong ako sa kolehiyo at imposibleng makaipon ako noong mga panahong yon sa gastos ko sa media prod at photography classes (tangines, di naman ako naging photographer
) na-postpone ang lahat ng tattoo plans. miski nung naka-gradweyt na ko’t nagkatrabaho ako hindi ko pa rin natuloy ang plano, kasi marami pang masmahalagang bagay na kinailangan unahin; kumain, magbayad ng bills, bumili ng toiletries, mga ganun ba…
pero nitong pasko… dahil may mga natapos naman na ‘kong responsibilidad, at naging patient ako sa pagpapahaba ng buhok
at tumagal ako sa isang company ng higit sa 4 months at higit sa lahat dahil buhay pa rin ako
naisip kong bigyan ng reward ang sarili ko.
after 3 years+ of corporate whoring, 1 down na!!!
pinagsama ko na sa lower back ang tribal na sun at ang chinez-chinezan character na ‘woman’. sabi kasi sa ancient chu na natagpuan ko nung nagre-research pa lang ako, ang mga babae daw noong araw tinatatuan sa part na yan for fertility. the sun symbolizes fertility as well (halata bang takot ako maging baog?). then yung woman, kasi babae ako (believe it or not
), at proud ako sa pagiging babae ko… isa pa, ngayong taon ko lang napatunanyan sa sarili kong ganap na nga akong babae, dahil ‘di ko kailangan ng lalaki para mabuhay
uiii!!! konsepto ko yan, kaya sa may balak manggaya; “pak yu ka! wala kang utak!!! magpakamatay ka na!”
pero serioso, MAMATAY NA MANGGAYA! (may kilala kasi ako na mahilig manggaya kaya ngayon may tattoo rin siyang kasing kulay nung nauna kong tattoo) badtrip! PLEASE mag-isip ka, miski konti lang para sa sarili mong design.
anyway, ang saya-saya! yan ang gift ko sa sarili ko. sana masundan agad at di umabot ng isa pang 9 years bago matupad ang iba pa
may isang gip pa pala ko sa sarili ko, pero sa enero pa darating… yun ang first step ng aking ‘hello world’ project
(oo, ginaya ko yung ‘hello world’ ng wordpress, pero putek hindi naman permanent mark yun sa katawan no! at nilagyan ko naman ng ” “)
BWAHAHAHA!!! warfreak ang lola ninyo.
btw, si kuya bert almarines po ang tumira ng bago kong tattoo. sa may tapat lang ng padis point biñan ang shop niya (lilipat daw siya sa bagong shop this january, pero same area… bago daw mag-tulay ng perpetual). so yung mga taga-pacita, sta. rosa, alabang at iba pang malapit sa area na gusto magpatattoo, pwede nyo siyang kontakin sa 0919-861-5109… mahusay magtrabaho si kuya bert; award winning din siya sa competitions (masmagaling pa nga siya kay… e) at member din siya ng Philtag. masaya pa kasi ang charge niya not as expensive at parang masmabilis siya gumawa (pag nabasa kaya to ni kuya bert may free akong piece?
). or you can just wait for a big time tattoo artists reply
PEACE!!!
nga pala, nainggit kapatid ko nung sinamahan niya ko, kaya…




December 26, 2007 at 2:25 pm
tangina!!! nainggit ako bigla.gusto ko na rin magpatatoo!!!
ano kaya ilalagay ko? kailangan ba tungkol sa akin?
magulo din kasi ako. paibaiba.kaya baka pagkatapos kong matatooan ayoko na. syang naman ung sakit at tinta…
pero cge pagiisipan ko mabuti. pag nagkajowa ako ng 2 taon… tangna.. babaw ng dahilan…hay…
basta inggit ako potah!
congrats pala sa tatoo na yan! mabuhay ka.
December 26, 2007 at 2:50 pm
ayos!
ako, next time na. after peebols.
December 26, 2007 at 2:53 pm
jeck: tara go! samahan kita, pero potah walang suntukan after… lalaki ka pa rin bakla.
mami shugs: sabay tayo
pwede ka na kaya sa july? bonus time yun e
(ubusin ba daw ang anda sa tattoo?)
December 28, 2007 at 3:39 pm
congrats ning!!!! ang ganda ng design mu. me pa tribal tribal vagina ka pa sa tattoo mu sa batok.. gusto mu lang talaga nun kulay violet kaya! bwahahaha!! sa wakas me bago ka na na tattoo!!!!! luv it!
December 28, 2007 at 4:36 pm
jesusa: aww!!! thankyee!
January 1, 2008 at 10:15 am
ouch!! pwede henna na lang sa’kin:)
January 7, 2008 at 6:09 pm
wow…asteeg!!!im planning too….
January 8, 2008 at 9:46 am
jayda: pwede rin kung ayaw mo ng permanente, pero pramis hindi masakit (mashado)
maldito: go!go!go! masaya siya