kapag mababaw ka…
March 12, 2008
parang maraming nangyayari sa buhay mo miski wala
———-
hindi ako pwedeng maging stylist…
dahil squirmy ako.
squirmy ako kapag lumiliit ang distansiya ko sa ibang tao. hindi ako nandidiri sa kanila, hindi rin ako nagmamaganda, basta gano’n lang ako. ayoko ng hinahawakan, o dinidikitan ng iba, miski ng mga taong matagal ko nang kilala. miski nga sa mga kapatid ko squirmy ako… hindi ko alam kung saan nanggaling ang personal space issues na’to at kung kailan nagsimula. lumaki na lang ako ng ganon.
basta, ayon. ngayon ko lang nadiscover na hindi ako pwede maging stylist…
pero pwede akong maging electrician (naayos ko kasi ang TV namin nung isang linggo).
———-
hindi ka magiging masaya kung swapang ka.
nung isang linggo, may ni-launch kaming mamahaling tsinelas. oo, isa sa mga mamahaling tsinelas na kinababaliwan ng ibang bilat dito sa pinas. anyway, dahil panalo dito sa office namin, binigyan ako ng gc ng tsinelas na yon (tsaka t-shirt pala, pero hindi yun ang gusto kong i-kwento).
nagkataon na weird ang amount na nakalagay sa gc… malaki siya pero hindi umabot dun sa bagong labas nilang product, which was what we wrote about, so kinailangan kong pumili sa ibang line. ang kinalabasan, 2 pares ang naiuwi ko. isang brown, isang puti. yes! miski anong kulay ng bag ko may pang-terno na ko kasi may black na akong luma. sinukat ko sila pagdating sa bahay. yung brown, may etiketa pa… hindi ko alam kung bat ‘di ko matanggal-tanggal ang etiketa na yon. nakekenkoyan din ako sa thought na andami mong ganon tas wala naman talagang kwenta.
kinabukasan naisip kong itext ang ate ko; punta ka dito. may saprise ako sa’yo!
hindi ko sinabi kung ano yung surprise miski ilang beses nya kong tinanong ng: “ano yan, pera?” “anong ibibigay mo?” “oi, ano ba yan? pera na lang.”
nakakatuwa ang itsura nya nung inabot ko sa kanya ang box. parang batang non lang nakatanggap ng gift
at paulit-ulit pa sa pagsabi ng “you love me. you really love me.” ala Sandra Bullock sa Miss Congeniality
———-
nasira ang side table lamp ko kahapon. naglinis kasi ako ng kwarto. tapos, dahil engot ako, hinila ko yung sidetable na nakasaksak yung lamp… so nahulog.
anyway, tri-ny ko kung umiilaw pa yung lamp miski nagkanda-wasak-wasak na. buti gumana pa (kasi hindi ako nakakatulog ng walang ilaw, e yun din ang night light ko e), so tuwang-tuwa ako at nag-proceed sa pagkukunwaring lego ang pira-pirasong kaha ng lamp.
wala akong epoxy, mighty bond o super glue sa bahay. scotch tape lang ang meron kaya yun na ang pinagtyagaan ko. may isang bandang kinailangan kong gamitin ang dalawang kamay ko sa pag-hold ng pieces ng lamp kaya dinikit ko sa labi ko ang dulo ng tape. nung ready na ‘kong ikabit ang tape, excited kong hinatak ‘to.
faaaaaaaaccccckkkk!!!
sumama ang balat ng labi ko.
TANGA!
———-
may dumapong ibon sa kwarto ko kagabi. parang pagod na pagod siya… siguro malayo at kung saan-saan pa siya nanggaling, kaya imbis na bugawin, hinayaan ko siya dun. mukhang nakatulog siyang agad pagkalapag dun sa sulok ng kwarto… kasi hindi na siya gumalaw-galaw pa (di ko sure a, di naman kasi ako expert sa mga ibon).
kanina pagkagising ko, maaga rin siyang bumangon. pag-alis ko, siya ring lipad niya. di ‘ko alam kung kumpleto na ang pahinga niya… pero sana ‘di na siya abutin pa uli ng ganoong klaseng pagkahapo.
sana mahanap na niya ang hinahanap niya…
———-
may mga iba-blog pa ko kaso tinatamad akong i-encode
abangan na lang bukas… or sa weekend. bahala na
