sabi sa isang blog na nabasa ko noong nakaraan, bitch daw si Life. para sa ‘ken, masmalala pa sa bitch si Life… siya ang reyna ng mga babaeng kuto. oo, siya ang pinakamakapangyarihang babaeng kuto sa balat ng lupa, dahil unti-unti niyang sisipsipin ang bawat butil ng katinuan mo kapag napagtripan ka niya… at maski maglumpasay ka sa gitna ng daan, di ka niya tatantanan. malupit siya. gusto mo bang maintindihan kung gaano siya kalupit? kwento ko sa’yo ang isang trip ni Life.

ganito, kapag napansin ni Life na malapit ka nang umusbong bilang isang ganap na nilalang at bumubwelo na sa pag-he-hello world mo, sasalubungin ka niya sa paraang di mo ina-asahan (at hindi parang surprise party ang hinanda niya, a) ang gagawin ni Life, ilulugmok ka niya sa kadulu-duluhan ng isang masukal na kwebang puno ng burak. oo, burak… ang saya ‘di ba? ilalagak ka niya sa gitna ng lawa ng burak na ‘yon, na ga-leeg ang lalim, at iiwan ka niyang mag-isa. iiwan ka niya habang luhaan kang humihiyaw ng, “Pak yu ka Life! Leche!!! Ba’t mo ko pinahihirapan ng ganito!??!” at habang hirap na hirap ka sa pagbabalanse sa madulas na sahig ng nasabing lawa, uugong ang alingawngaw ng mala-demonyo niyang halakhak sa kuweba.

animal!!!”

miski gamitin mo ang lahat ng murang alam mo, wala siyang pakialam.

so ano nang mangyayari?

sa unang pagkakataong gawin ni Life ‘to sa’yo, tiyak na may tiwala ka pa sa sarili mo. umaapoy pa ang pag-asa sa kaibuturan ng iyong puso, kaya—sa gitna ng kadiliman, maghahanap ka ng paraan para maiahon ang sarili mo sa taeng lugar na kinalalagyan mo.

nakapikit mong kakapain ang dingding ng kweba (dahil ‘pag nakapikit ka, parang masmaliwanag, ‘di ba?). pilit mong sasalatin ang ga-hiblang mga ugat ng mga punong panaka-nakang nakausli sa dingding na ‘yon, at iisa-isahin mo ang bawat metro ng gilid ng kweba.  maingat kang kakapit sa mga ga-hiblang ugat na ‘yon para dahan-dahan kang makausad, hangga’t sa makarating ka sa bahaging may masmatataba nang ugat o ‘di kaya’y mga ligaw na sanga. unti-unti kang mapapalayo sa pusod ng kaputikan, hanggang sa ang lawa’y ‘di na leeg ang lalim.

maya-maya, hanggang dibdib na lang, ‘di mo na kailangang indain ang pagdampi ng ‘yong bibig sa itim, malagkit at mabahong putik. ilang sandali pa’y hanggang bewang na lang… sa may puwitan… sa may tuhod… binti… sakong.

nakakapagod. pero sa pagkakataong ‘yon, tanaw mo na ang liwanag sa labas, kaya’t imbis na magpahingang saglit, lalong mabubuhay ang ‘yong loob at mapapabilis ang ‘yong paghakbang. ayan na. kaunti na lang… ramdam mo na ang paglagaslas ng malamig at preskong tubig ng talon sa ‘yong balat. amoy mo na ang linis ng bagong labang damit (na ginamitan ng Surf na dilaw). at alam mo na kung kaninong bahay ka unang kakatok para makipag-pananghalian, kung saan nakahain ang nilagang baka, bagong hangong sinaing at nagye-yelong Coca-cola. Kaunting hakbang na lang, malalasap mo na ang kaginhawaan.

pero hindi ganoon kadali ang lahat. akala mo ba nakalimutan ka na ni Life? akala mo ba hindi ka niya minamanmanan habang sinusuong mo ang putik sa loob ng kweba? mali ka, dahil ‘di kalayuan sa bungad ng kweba ay naroo’t nag-aabang siya.

sa sandaling maaninagan ka niyang papalabas, sasalubungin ka agad nito ng; “Aha! Wala lang pala yun sa’yo a!” at sa isang iglap, bigla niyang lilipunin ang ang lahat ng kanyang kapangyarihan at magiging isang Super Sayan. susugurin ka niyang muli, gamit ang kayang kagila-gilalas na bilis, at pagmulat nang muli ng iyong mga mata, naroon ka na MULI sa gitna ng lusak mong pinanggalingan kanina ( o maglilimang taon na nga bang talaga noong una ka niyang iniwan doon? ewan) . “Ngayon, tignan natin kung kaya mo pa ‘to, you bastard,” bulyaw niya, habang sinisipa-sipa ang putik sa ‘yong mukha.

tiyak ko, ‘di ka na makakahiyaw sa pagkakataong ‘yon. baka nga ni ‘di ka na rin mapaluha. tulala kang iiwan ni Life sa loob ng shitty kweba sa pagkakataong ‘to…

so anong gagawin mo?

ang pinakamadaling solusyon e SOBRANG dali, ni ‘di mo na kailangang umeffort: simple. ibabaluktot mo lang ang mga tuhod mo. tapos! ganun lang. lulunurin mo na lang ang sarili mo sa lusak… tutal, sa simula mo lang naman maaamoy at mararamdaman ang pagpasok ng itim na likido sa ilong, lalamunan, at baga mo, tas deds ka na. solb! pagod ka na, ‘di ba? tsaka wala ka na rin sa wisyo. pak yu si Life, ‘di ba? so, ba’t mo pa ipagpipilitan ang sarili mo sa kanya? ok? ayos na? ayos!

kaso, ‘pag ginawa mo yan, sa tingin mo tapos na ang problema? hindi. mali ka. kasi, bibigyan mo pa ng problema ang pamilya mo ‘pag na-tigok ka. aba, mahal na rin atang magpa-cremate ngayon… tapos, siyempre ibuburol ka pa rin maski i-ke-cremate ka, rerenta ka pa sila ng kabaong. hassel. so, wala ka nang kwenta, pasaway ka pa.

so ano na ngang gagawin mo?

kailangan, ‘pag si Life ang kalaban mo, makapal ang mukha mo. dapat makulit ka. kailangan mong ikundisyon ang utak mo… lagi. at itanim sa kukote ang hamon mo kay Life na, “tangina mo Life, babalikan kita! lalabanan kita… humanda ka. AKO ANG MAGIGING KATAPAT MO!!!”

oha! yan ang makapal. :lol:

kailangan, may single-minded focus ka. kailan mong mag-plano.

TO DO’s:

1. hanapin si Yoda sa loob ng masukal na kweba

2. isapuso ang lahat ng natutunan at higitan si Darth Vader (matutong lumipad simbilis ni Superman)

3. libutin ang kalawakan at hanapin ang iba pang Super Sayan na kalaban din ni Life pati na sina; Eugene, Dennis at Alfred

Tapos, sabay-sabay ninyong sugurin si Life. at gamit ang ‘yong natatanging Jedi skills pati ang buong lakas ng ‘yong ispiritchwal na kapangyarihan (kaya kailangan mong hanapin sila Eugene), baldahin si Life.

wagi!!! :twisted:

at para panalong-panalo ang huling eksena ng pagtalo mo kay Life, bago tuluyang tirisin ang reyna ng mga babaeng kuto sa gitna ng kawalan (dahil malamang, nagunaw na ng battle ninyo ang mundo), tapakan mo siya sa dibdib habang sinasabing, “ano life, miski anong pagpapahirap ang gawin mo, panis ka sa willpower ko. pwe!”

———-

wala lang.

———-

may alam ba kayong room for rent (na may sariling banyo’t lababo)?

Makati area sana, pero ok lang din kung sa Maynila, Guadalupe, at iba pang karatig lugar, pero Makati area sana.

budget: 2500-3K/month

tanong: meron ba kong makukuhang ganito, o masyado akong mapangarap? kailangan ko ASAP.

kung may alam ka, iwan ka naman ng comment.

SALAMAT NG MARAMI! :)

2 Responses to “si Life ang reyna ng mga babaeng kuto”

  1. rodel Says:

    hello rodel kamusta ka na………………………………………..


Leave a Reply