todo para la familia
June 30, 2008
ang mahirap dito sa atin, halos lahat may paniniwalang magaling ka lang pag wala ka dito. kasi ‘pag wala ka dito, tiyak na masmalaki ang kinikita mo.
kasi dito pera lang ang mahalaga, hindi mahalaga ang talino. may nakapagsabi na nga sa akin dati nang, “hindi mo naman maipagpapalit ang mga medalya mo sa pera, o sa isang kaban ng bigas.” at “aanuhin mo yang diploma mo? kapag nilaga mo yan, wala pa rin lasa ang sabaw.”
dito, mahalaga lang ang talino kapag nag-aaral ka, pero kapag tapos ka nang mag-aral usapang pera na yan. kapag wala kang pera maski pa henyo ka, wala kang kwenta. ang mga ma-pera lang ang panalo, mabango, at dini-diyos dito.
———-
noong nakaraang taon pinangarap kong mag-abroad. totoo! kasi noong panahong yun ko natanggap sa sarili ko (makalipas ang ilang taon ng pagpapaka-martir) na walang mangyayari sa ‘kin dito. walang mangyayari sa ‘kin kung ipagpapatuloy ko ang pagsusulat dito. isang malaking kahibangan para sa isang tao na maraming responsibilidad, tulad ko, ang magpakabaliw sa industriyang pinasukan ko.
kaya mula noon nagplano ako… kako, maghahanap ako ng ahensya kung saan matututo akong magsulat ng maayos (na advert o press release). kung saan mapa-publish ang mga sinulat ko kasi naisip ko, “if you build your portfolio, the money will come.” although walang by line ang mga pinagsusulat ko, di ko inintindi yun basta dumami ang laman ng portfolio ko (tsaka wala namang writer sa tamang pag-iisip nya ang aangkin ng hindi nya sinulat) kaya ako nag-PR.
noong una, tamang praning ako lagi. noong mga unang buwan ko, lagi akong nakakatanggap ng comment na, “this is too hard sell,” kasi nga naman sa advertising ako galing, na sinundutan din ng lecheng “home TV shopping style writing” ng web content. nagtiis ako sa pulahang draft na bumabalik sa ‘kin. nilunok ko lang lahat ng nakakalokang comment hanggang sa matutunan ko ang tamang tono. nilunok kong lahat yun habang pilit kong sini-stretch ang kinikita kong barya. sabi ko na lang sa sarili ko,”ayos lang yan. kaya mo yan. pwede ka nang magpaka-mahirap ngayon, tutal graduate na naman ang kapatid mo’t mayroon ka nang katuwang.” kaya yun, nakuntento ako sa pagiging mahirap.
pero may mga season din naman na hindi kami mahirap dito, katulad nung pasko. actually sa lahat naman ata ng kumpanya ganon, mayaman tayong lahat pag pasko. nung yumaman akong bahagya, nagpagawa na ko ng passport. di ko pa kasi nalilimutan ang tunay kong plano non. tapos, naawa sila sa’ken…
binigyan nila ‘ko ng increase.
———-
masakit para sa akin na pangaraping maging OFW. totoo. naalala ko pa noong bata pa ‘ko sabi ko sa kaibigan ko isang break, “kung mangingibang bansa ako, para mag-aral lang. pag natutuhan ko na ang kailangan kong matutuhan dun, babalik ako dito. dito ko ipapasa sa iba ang natutuhan ko. hindi ako magpapakabihasa para pakinabanggan ng ibang bayan.”
sobrang bata ko pa pala non. hilaw pa.
hindi ko pa alam ang pinagsasabi ko…
———-
sa isang linggo, lilipad na ‘ko patungong Singapore. sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. ang bilis bilis ng mga pangyayari. binaliktad ko ang mundo ko sa loob ng dalawang linggo (dahil minamadali ako ng magiging amo ko dun. siguro nginangarag nila ako dahi training na yun sa pagiging sweatshop copywriter ko dun. haha!).
hindi ako nagmamaganda, pero noong una kong nakuha ang offer, naiyak ako, at hindi dahil sa tuwa. naiyak ako dahil;
1. masaya na ‘ko dito sa trabaho ko. masaya ako dahil finally, nahanap ko rin ang tamang ahensya. mahirap hanapin ang ganito (maniwala ka… nakakaanim trabaho na ko sa loob ng apat na taon). may mga totoong tao rito, may mga totoong kaibigan ako dito, pero wala… kailangan kong iwan ‘tong lahat.
2. nagliLIRA ako ngayon. ang saya-saya ko sa ginagawa ko maski pa hindi ako nakakapagpahinga. maski pa araw-araw akong gumigising ng maaga para bumiyahe ng 3-4 hours araw-araw, dahil araw-araw may bago akong natututuhan. dito ko rin natagpuan ang mga bagong kaibigan. silang mga tipo ng taong dati ko pang hinahanap na makasalamuha.
3. may bago akong inaanak, at sa pag-alis ko, hindi ko magagawang makapunta sa binyag niya
4. birthday na ni nina sa july 26…
5. si cholo, hindi ko makikitang lumaki
ayoko nang maglista… naiiyak na ako.
———-
masakit, na lahat ng bagay at taong nagpapasaya sa akin, kailangan kong iwan.
———-
so kung marami akong inarte sa earth, ba’t ako aalis?
kasi isang gabi habang binabaybay ko ang daan papuntang EDSA mula dito sa building namin, naisip ko, “tangina! mahigit isang taon ko nang ginagawa ‘to… wala pa ring bago sa ‘kin (bangs lang… ule. so hindi na rin bago yun) hindi pa ba ako nagsasawa?”
tsaka sabi ko nga kay Lovely sa text, habang umiiyak akong naglalakad pauwi (sa glorietta… oo nakakahiya talaga), “kaya akong buhayin ng sahod ko dito. ayos na. masaya na ako dito, pero hindi ako makakatulong sa pamilya ko.”
———-
ayun yun.
kaya nabuburat ako sa isang opismate kong masexcited pa umalis sa ‘kin, gusto ko siyang ibala sa giant tirador para mauna na siya don.
siguro kapag nandoon na siya, tsaka niya lang marerealize na hindi pala niya alam ang pinagsasabi niya. dahil ito, hindi ginagawa para lang masabi mong mahusay ko, o bida ka, o kung ano… dahil kung yun lang ang dahilan mo, gago ka na.
———-
naiirita din ako sa mga taong banat nang banat ng ‘ang swerte mo. swerte mo na yan! i-grab mo na ang swerte!!!”
gusto ko silang banatan ng,”hello!!! hindi mo dinadaan sa swerte ang copy test at ang pakikipagbolahan sa interbyu! at kung sinasabi mong swerte ako, ibig ba sabihin tinatanggap mo sa sarili mong malas ka?!!? you insecure closeted fag you!”
———-
marami na ‘kong kaibigang naka-inuman (dahil nga aalis na ‘ko). gusto ata nilang ma-deny ako sa pagkuha ng VISA dahil wasak na ang atay ko pagdating ko dun. pero kung gusto mo uminom tayo? tara! kailangan ko pang lunurin ang mga laman ng isip ko
———-
siguro, ang punot dulo lang naman talaga ng gusto kong sabihin (after all this chuvalu), e: natatakot ako. natatakot ako sa pinapasok ko, dahil maski ilang beses ko nang nilibot ang website ng papasukan ko doon, hindi ko pa rin alam ang daratnan ko…
at
MAMIMISS KO KAYONG LAHAT!!!
MAMIMISS KO ANG LIGALIG NG MAKATI, MANILA, QC, at ang napag-iwanan kong bayan ng SAN PEDRO
POTAH!!! FUCK THE GOVERNMENT TALAGA! KAILAN NYO AAYUSIN ANG BUHAY DITO PARA HINDI NA KAILANGANG UMALIS NG MGA PILIPINO SA BAYAN NILA?!!?
TANGINA!!!
NALOLOKA NA KO!!!
June 27, 2008
andaming nangyayari sa buhay ko ngayon. naloloka ako!!! gusto kong mag “steady” lang muna, pero hindi pwede… HINDI!!!
HINDI!!!
waaahhhh
tsaka na ko magkukuwento dahil ayan na…
ayan na siya!
maaabutan na niya ‘ko!!!
ang kamay ng relo, nagmamatulis at handang-handa siyang tuhugin ang core ng pagkatao ko pagnahuli niya ‘kong nagpapahinga (nagbabalatuba).
beer na ‘to!
pa-misa
June 22, 2008
nakapagfill-up ka na ba ng sobre ng pa-misa? ako oo… at ang pinakahuli ay kanina (oo. nagsisimba naman ako… kayo a, you judge me!)
anyway, sa sobre ng pa-misa ang mga kailangan mo lagyan ng info ay:
date:
intention:
donated by:
at sa gilid nun, nandun yung days na may misa. i-che-check mo yung day tsaka oras kung kelan mo gusto i-alay yung pa-misa mo.
ganyan yung dito sa parish namin (hindi ko alam kung ganyan din sa inyo, pero malamang parehas lang).
so kanina, ihinabol ko yung sobre ko kasi “Papuri sa Diyos” na nung nakababa ako mula sa parish office. inabot ko sa taga-kolekta ng barya yung sobre… tas siya na yung nag-abot sa reader.
anyway, binabasa yung intentions pagpatapos na yung misa. pero sino bang nakikinig ng intentions… syempre ikaw lang na nagpa-misa diba? pero kanina, feeling ko may mga kaklase ako nung highschool na natauhan sa intentions na binasa (kung may nakasabay akong HS-mate sa pagsimba. di ko kasi napansin) kasi ganito yung binasa kanina:
for the blank-blank-blank, and for the souls of Roberto Belan, Bernardo Requilla, and Henara Bibat (long pause) and Chelot Belan.
ayos! malamang nagulantang sila kasi patay na daw ako
on a positive note, ngayon, may credit line na ko sa pa-misa pag na-chugi ako
prequel ng stage fright
June 19, 2008
Noong maliit ako, makapal ang mukha ko. Kapag may bisita kami at pinakanta ako ng nanay ko, buong puso kong pineperfom sa sala namin ang “If you’re not here” ng Menudo. Tuwing summer, kapag nagbabakasyon sa amin ang mga pinsan namin, sama-sama naming sinasaliwang ang 45 ng Arico Mambo. Noon pa ngang umuwi kami sa probinsya sinayaw naming ang nabuo naming sayaw sa lunsod para sa piesta. Kebs talaga sa earth! Ang mantra kasi ng ate ko (na likas na performer), kapag may talent ka, ipakita mo.
Katulad din ng lahat ng batang babae (dito sa pinas. di ko sure kung pati sa ibang bansa gano’n) dumaan din ako sa stage ng pagkanta ng “I believe the children are our future. Teach them well and let them lead the way…”, pero hindi ko yun ginawa sa Little Miss Philippines-ish contest o family reunion, kinanta ko yun sa Christmas party ng Bombo Radyo.
O diba, ang yabang ko na. so malamang iniisip nyo ngayon, “bakit ang lala ng stage fright mo? Bakit hindi ka na kumakanta kung talagang maganda ang boses mo? (oo, ang tanging lugar na pinagpeperforman ko ngayon ay ang banyo).
Kasi ganito yan.
Noong prep ako
ako ang naatasang mag-lead sa pagkanta ng graduation song namin. Sabi ni Mrs. Imperial (adviser ng klase namin noon sa St. Mary of the Woods), ako daw yung kakanta sa stage para sundan ng classmates ko. Kaya ilang araw bago ang graduation gabi-gabi kong prinaktis ang pagkanta ng “Somewhere Over the Rainbow”. Kaya naman noong ceremony na, maayos naman akong nakakanta. Akala pa nga daw ng ibang classmate ng ate ko tape yung sinusundan ng mga prep kasi kering-keri daw ang pagkakakanta ko, parang yung orig (kasabay kong gumradweyt ang ate ko noon; ako prep, siya grade 6) so proud na proud ang lukaloka kasi parehas daw kaming kumakanta.
Pagkatapos ng graduation ceremony, umulan. Hinintay namin si daddy sa may waiting shed kasi kinuha nya ang sasakyan, biglang lumapit sa akin ang isang classmate ng ate ko. Isa yun sa mga pinakamakulit na lalaki sa klase nila. Lagi akong inaasar non (siguro crush nya ang ate ko. gusto niyang buwisitin ako para isumbong ko siya kay ‘ti kate at syempre mapapansin siya ng ate ko pag ganon). Sabi niya sa ‘kin, “ang galing mo kanina a…”
nagulat ako. Naisip ko, “shet… baka nga maganda yung pagkaka-kanta ko’t hindi ako ginagago nitong hayup na ‘to,” kaya nginitian ko lang siya. Akala ko aalis na siya, pero hindi pa pala siya tapos, bigla niyang dinugsungan ang sinabi ng, “tignan mo, dahil sa pagkanta mo umulan. HAHAHAHA!!!”
Yon.
Mula noon, hindi na ako uli kumanta o sumayaw sa harap ng madla EVER!
———-
Hindi ko na matandaan ang pangalan ng classmate ng ate ko, pero ang tanda ko Da Silva ang apelido nya (hindi ko lang din masyadong sigurado kasi hello, ang liit ko pa kaya non). Siguro kung hindi dahil sa kanya hindi ako magtitiyaga sa pagsali sa mga slogan making contest noong elementary ako. At kung di ko ginawa yun baka hindi ako nagsusulat ngayon… baka nagging japayuki ako, o di kaya singing waitress sa Singing Cooks and Waiters, kaya ayos na rin siguro ang ginawa niya.
Tsong, kung nababasa mo ‘to ngayon, kung natatandaan mo kung sino ka, isa lang ang gusto kong sabihin sa’yo…
TARANTADO KA! Hindi ka dapat nanggaganon ng mga batang walang muwang. Leche!!! Loser ka siguro ngayon.
stage fright
June 18, 2008
malala palang talaga ang stage fright ko. noong nakaraang sabado ko lang yon napatunayan, yun ang araw ng unang palihan namin sa LIRA.
bago magsimula ang palihan, isa-isang nilista ang mga pangalan namin sa white board sa harapan ng classroom; mula sa pinakaunang dumating hanggang sa pinakahuli. sa may bandang gitna napalista ang pangalan ko. akala ko ayos lang yon, kako, “makakapag-observe muna ‘ko habang nagsisipagbasa ang ibang fellow.” so yun, relaks relaks muna. habang nagbabasa ang mga kasama ko, tahimik akong sumunod sa pagbasa nila dahil lahat kami may kanya-kanyang kopya ng mga tula ng bawat isa.
tinuro sa amin ni sir Mike ang basic na paraan ng pag-critique ng tula. “tignan nyo kung: tama ba ang bilang sa bawat taludtod; ang mga tugma, pare-parehas bang may impit (o walang impit); na-barok ba sila sa linyang ito; may salita bang gano’n, etc…” napapangisi pa ako nung una kapag may pinapa-note ang teacher tungkol sa mga madalas na pagkakamali sa pagsusulat kasi alam kong mayroon noon sa gawa ko. cool lang. chill na chill. pero, nung nakita kong paunti na nang paunti ang magbabasa bago dumating ang turn kong magbasa, unti-unting bumilis ang kabog ng dibdib ko. ang naisip ko na lang noon…
“HALA!”
kaya naman binantayan ko ang listahan, at naloka sa tuwing may natatapos magbasa. nagbasa mayi, si sheila, si fer, tapos, ako na. ako na. AKO NA!!! SHET!
dumagundong na ang kabog ko bago pa man ako tuluyang makatayo sa upuan. pati pulso ko sa gitna ng collar bone parang gustong kumawala. ramdam ko ang paulit-ulit at buong pwersa nitong pagbangga sa puno ng leeg ko. gusto niyang kumawala at magsasayaw sa gitna ng classroom namin. gusto niyang sumayaw sa gitna ng circle ng klase namin tulad nang sumikat na dancing baby noong early 2000’s!!! shet!pero pilit ko ‘yong dinedma.
tumayo ako, hawak ang sandamukal na papel ng mga tula ng buong klase (dahil mahahalata ang pangangatog ng kamay ko kung yung papel ko lang ang hawak ko). “pasensya na po kayo’t nangangatog ako,” sabi ko pa, sa pag-aakalang maiibsan ng ultra-dork introng ‘yon ang aking kaba. pero hindi! noong nagsimula akong magbasa, lalong nanginig ang mga kamay ko, hanggang sa hirap nang basahin ng nanlalabo kong mga mata ang papel na ‘kala mo’y sinapian na ng katauhan ng isang lindol na papatak sa 7.3 ang magnitude sa richter scale. umabot rin sa puntong hindi ko na kayang tumayo nang tuwid, kaya nagpasya akong ilapag na lang ang binabasa sa arm rest ng upuan ko. tinungkuran ko na rin ‘yon, dahil ramdam kong malaki ang chance na himatayin ako o ma-stroke
kaya yun, awa ng Diyos, natapos ko namang basahin ang mga lekat kong tula nang hindi nagha-hyperventilate.
pagkaupo ko, sabi ni Levi,
“grabe yung ngatog mo!!!”
“oo nga e! nakita mo ba yung kamay ko?”
“OO! tsaka hindi lang yun. Nung dito ka na nagbabasa, nagva-vibrate yung chair!”
———-
oha! sa tingin mo ba, magagamot ng paglalagay ng barya sa talampakan ang stage fright na ganito kalala?
ASA!
ang mga bulak
June 13, 2008
start new start
June 12, 2008
i’ve started waking up with
a start every morning. surprisingly, the too-too-too-toot,
too-too-too-toot, too-too-too-toot
of the alarm, now gives me
a jumpstart. eyes open wide, hands grab
the sheets and fold them as if mechanical, then the jump
in the can. a quick cold shower, the brisk rubbing
of the towel, the dabbing
of talcum powder all over, all over… then
i ride the bus and stare
out the window for 1, 2 hours.
and then again comes
a jumpstart. the walking; 1, 5, 10, 15 minutes
of walking the side-streets of the city while
i think about reading something new,
from you.
again, a jumpstart- as i discover that
i too, have written something new
for you (in my head).
ang mga surot sa utak ko ngayon
June 10, 2008
shet!!!ang sakit ng ulo ko!!!
puyat na naman kasi ako
ang totoo nyan, lagi naman akong puyat. hindi kasi ako nakakatulog ng masmaaga sa ala-una o alas-dos ng madaling araw mula pa noon… di ko na matandaan. sumasakit lang ang ulo ko ngayon kasi ang pinagkaibahan sa pagpupuyat ko noon at ngayon e overused talaga ang utak, mata at katawan ko ngayon. grabe. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz…
biro lang. gising pa ko, kasi nandito ako sa opis ngayon (hee hee!)
———-
andami ko talagang gustong i-kwento, try ko lang share lahat a. pero bago yun, balikan muna natin yung hindi ko natapos nung nakaraan. heto na ang “BATYA ART” na nabanggit ko.
nagandahan lang ako sa swirls ng bula nung nakita ko yan. hindi ako mahilig maglaba, a. once a week ko lang ginagawa yan. pero isa kasi ang paglalaba sa chore na kering-keri kong gawin (well, keri ko siya kesa magplantsa). hmmm… sige na nga, aaminin ko na. nag-e-enjoy ako sa paglalaba, kasi pwede akong maglandi ng tubig ‘pag di ko pa trip karirin, nakakapag-isip ako habang nagkukusot (at nagkukunwaring nasa TV show. kunyari nagdedemo ako ng tamang pagtanggal ng matsa, paglalagay ng chlorine, kung saang areas ang dapat kusutin nang maigi, atbp.)
at dahil alam kong nung weekend na yun na ang huli kong “take your time” laba hour, kinunan ko ang picture ng batyang mamimiss ko.
p.s.
isusumpa ko ang sino mang mag-comment dito nang,”pwede bang magpalaba?” TAE NYO!
———-
eto naman yung ibang nakita kong signs/copy/pangalan na sinabi ko sa inyo nung nakaraan (kung nakalimutan nyo na, eto yung mga na nakakatawa pag binigyan mo ng ibang kahulugan). game.

OHA! akalain mo, sa may Elvinda Subdivision pala may maaarkilang Elf. ang tanong, sino kaya sa kanila ang pwede mong i-rent.
am sure, yung mga girlet dyan ang gustong rentahin e si Legolas. at ang mga boys naman e si Arwen. hmmm…
basta ako, ang gusto kong i-rent, si Galadriel. o diba, royalty! tapos sasabihin ko sa kanya na isama ako sa Lorien
ikaw, sinong elf ang gusto mong i-rent?
2. eto naman, ang sama lang.

diba!
favorite ko kasi ang tissueng tatak Tisyu. kasi mura lang pero maganda (P10 lang yung 2 roll). medyo naloka lang ako nung una ko yang nabasa.
bakit?
para kasing may identical twins. parehas silang maganda, maputi, mahaba ang buhok, magandang ngumiti. pero yung isa, astig=matalino, street smart, magaling sa sports, sa arts, sa kalokohan… at dahil nasa twin na yon na ang lahat, yung isa, coreless na:(
fine, fine. ako lang ang nakaisip non, kaya ako ang masama.
———-
ano pa bang kwento ko?
ahh!!!
may isa pa palang sign na hindi ko na malilimutan mula ngayon.
dahil ayaw kong ma-late sa palihan, last, last Sunday (i mean, bago nitong nakaraan), nagpunta ako sa UPD para mag-’ocular’ (lagi kasi akong naliligaw doon. hindi naman kasi ako laging napapadpad doon, the country mouse that i am). so gaya nang inaasahan, naligaw nga ako
kapag linggo pala, sarado ang kalsada sa loob ng campus (kasi ginagawang joggingan, bike-an at exercise-an ng mga tao ang nasabing kalye), kaya ‘di ko na alam kung saan ako dapat bababa (HAHAHA!!!) hanggang sa napagpad na ko sa may shopping center. kaya naglakad uli ako pabalik… pabalik isa, dalawa, tatlo, apat na blocks.
ayun, awa naman ng ibong adarna, natunton ko ang hinahanap kong building makalipas ang 30 minutes (o higit pa).
nung pauwi na, tinandaan ko ang sign na nagsasabing;
FROGS
———-
dati, may na-encounter akong tanong (hindi ko sure kung saan, pero feeling ko sa facebook). parang ganito yung tanong: anong mas pineprefer mo, tawaging writer o poet?
sinagot ko yun ng ‘writer’. kasi writer naman lang talaga ako, at hindi poet.
akala ko nun, tamang preference lang yun. ngayon, alam ko na kung ba’t hindi pumapayag ang isang poet na tawaging writer lang.
fine.fine. suko ako sa inyo mga idol, boss, chief, amo…
———-
shet, gusto ko na talagang matulog!!! pero hindi pwede, hindi!hindi!hindi!
andami kong assignment.
kailangan ko ng diksyunaryo pare. kailangan ko. seryoso!
———-
bago ko malimutan,
kumusta ka? na-miss mo ko, no!
(HAHAHA!!! feeling.)
———-
may isa pa pala kong iniisip.
shet, kaya ko hindi nakakatulog, e. andami kong iniintinding hindi ko naman dapat iniintindi. o pwedeng hindi intindihin. anyway.
may hinihintay akong sign. iniisip ko kasi kung tama ba ‘tong ginagawa ko ngayon, o nagpapakatanga na naman ako (kasi, wala ka nang pahinga… wala ka pang anda).
bakit kaya ganun, lagi akong hati sa pagpili sa pagitan ng pangarap at pera.
kayo rin ba?
sabi ng kaibigan ko dating si M (na hindi ko na kaibigan ngayon, kasi “iba” na siya), para yumaman ka, kailangan magmukha kang pera. grabe ano? kailangan daw, imbis na minumura mo yung pera (na lagi kong ginagawa… e.g. tanginang yan, ba’t ba kasi nagka-pera pa!), dapat minamahal mo. mayaman na si M ngayon. mali. milyonaryo na pala siya. ako eto pa rin… lupa.
minsan, iniisip ko, “bakit nga ba hindi ko na lang pinangarap ang pera?”
———-
ayun lang.
ayoko na muna magkwento pa (kasi, bukod sa baka maiyak ako sa ka-dramahan ko
ang haba-haba na nito no! maawa ka naman sa amo ko).
pero gusto kong malaman mo (kung may kebs ka lang naman), na maski mahirap (up to the point na gusto ko nang i-umpog ang ulo ko), at nakakapagod (dahil araw-araw akong gigising ng maaga’t luluwas sa Makati, QC, all over the country), masaya ako
sabi nga ni kumpareng gino at kumareng shugs, “eto si chelot, gusto yung nahihirapan siya.”
siguro nga. kasi, ngayon na lang uli ako naging masaya.
———-
charos!


