stage fright
June 18, 2008
malala palang talaga ang stage fright ko. noong nakaraang sabado ko lang yon napatunayan, yun ang araw ng unang palihan namin sa LIRA.
bago magsimula ang palihan, isa-isang nilista ang mga pangalan namin sa white board sa harapan ng classroom; mula sa pinakaunang dumating hanggang sa pinakahuli. sa may bandang gitna napalista ang pangalan ko. akala ko ayos lang yon, kako, “makakapag-observe muna ‘ko habang nagsisipagbasa ang ibang fellow.” so yun, relaks relaks muna. habang nagbabasa ang mga kasama ko, tahimik akong sumunod sa pagbasa nila dahil lahat kami may kanya-kanyang kopya ng mga tula ng bawat isa.
tinuro sa amin ni sir Mike ang basic na paraan ng pag-critique ng tula. “tignan nyo kung: tama ba ang bilang sa bawat taludtod; ang mga tugma, pare-parehas bang may impit (o walang impit); na-barok ba sila sa linyang ito; may salita bang gano’n, etc…” napapangisi pa ako nung una kapag may pinapa-note ang teacher tungkol sa mga madalas na pagkakamali sa pagsusulat kasi alam kong mayroon noon sa gawa ko. cool lang. chill na chill. pero, nung nakita kong paunti na nang paunti ang magbabasa bago dumating ang turn kong magbasa, unti-unting bumilis ang kabog ng dibdib ko. ang naisip ko na lang noon…
“HALA!”
kaya naman binantayan ko ang listahan, at naloka sa tuwing may natatapos magbasa. nagbasa mayi, si sheila, si fer, tapos, ako na. ako na. AKO NA!!! SHET!
dumagundong na ang kabog ko bago pa man ako tuluyang makatayo sa upuan. pati pulso ko sa gitna ng collar bone parang gustong kumawala. ramdam ko ang paulit-ulit at buong pwersa nitong pagbangga sa puno ng leeg ko. gusto niyang kumawala at magsasayaw sa gitna ng classroom namin. gusto niyang sumayaw sa gitna ng circle ng klase namin tulad nang sumikat na dancing baby noong early 2000’s!!! shet!pero pilit ko ‘yong dinedma.
tumayo ako, hawak ang sandamukal na papel ng mga tula ng buong klase (dahil mahahalata ang pangangatog ng kamay ko kung yung papel ko lang ang hawak ko). “pasensya na po kayo’t nangangatog ako,” sabi ko pa, sa pag-aakalang maiibsan ng ultra-dork introng ‘yon ang aking kaba. pero hindi! noong nagsimula akong magbasa, lalong nanginig ang mga kamay ko, hanggang sa hirap nang basahin ng nanlalabo kong mga mata ang papel na ‘kala mo’y sinapian na ng katauhan ng isang lindol na papatak sa 7.3 ang magnitude sa richter scale. umabot rin sa puntong hindi ko na kayang tumayo nang tuwid, kaya nagpasya akong ilapag na lang ang binabasa sa arm rest ng upuan ko. tinungkuran ko na rin ‘yon, dahil ramdam kong malaki ang chance na himatayin ako o ma-stroke
kaya yun, awa ng Diyos, natapos ko namang basahin ang mga lekat kong tula nang hindi nagha-hyperventilate.
pagkaupo ko, sabi ni Levi,
“grabe yung ngatog mo!!!”
“oo nga e! nakita mo ba yung kamay ko?”
“OO! tsaka hindi lang yun. Nung dito ka na nagbabasa, nagva-vibrate yung chair!”
———-
oha! sa tingin mo ba, magagamot ng paglalagay ng barya sa talampakan ang stage fright na ganito kalala?
ASA!

June 19, 2008 at 10:51 am
pucha! pati sa post mu, kinabahan ako.. hehe.
congrats at kahit papano ay nabasa mu ang mga gawa mu kahit super nginig ka. ibang level iyon cherrie lou! pati silya kinabog mu ng bonggang bonga!
mwah!
June 19, 2008 at 10:57 am
ikaw talaga Maria Jesusa Cruz bastos ka… babanggitin mo na lang ang pangalan ko mali pa spelling. sampung taon na tayo magkaibigan mali pa rin. tsk tsk! cherie neng cherie (French for ‘dear’)
June 19, 2008 at 11:26 am
naku. gurlah…sabi ko naman sa iyo, kung ako ang may talent na ganyan, hindi ako mahihiya. ipagmamalaki ko pa sa buong mundo. magsusulat ako kahit sa mga dingding ng sementeryo malapit sa bahay ko (payag si binay basta daw inspiring at magpapaalam ka). nga pala, akala ko ba sa pagkanta ka lang nagkakaroon ng stage fright? (sa mga hindi nakakaalam, ang ganda-ganda ng makalumang boses ng babaitang ito.) kailangan mo nang sanayin ang sarili mo dahil kapag nagkaroon ka na ng book launch dahil sa katanyagan mo, kailangan mo ring magsalita sa harapan ng mga tao! good luck gurlah-lou. naniniwala ako sa kakayahan mo.
June 19, 2008 at 11:36 am
ang isweet mo naman kiki. mwah mwah mwah!!!
kapag i-e-execute mo na ang sementeryo project mo, sabihan mo ko, sama ko sa trip mo!
June 19, 2008 at 12:05 pm
kumusta naman, kinabahan ako nung binasa ko yang entry mo. Good luck na lang sa atin
June 19, 2008 at 1:08 pm
chuck: hahahaha!!! sayang wala kayo ni yas nun. sana napagtawanan natin ang ka-kenkoyan ko. tsk!
tama ka, good luck nga sa’ting lahat, at pag desperado na talaga, kumanta na lang tayo ng, “tell me will i ever survive” ng introvoys
June 19, 2008 at 4:18 pm
hahaha
dapat nagpaalam ko kung pede mag-yosi para pampaalis kaba
June 21, 2008 at 1:01 am
hehehe okay lang yan!:D masasanay ka rin.:D di ka nagiisa, grabe din stage fright ko. yun yung dahilan kung bakit di ako pumupunta sa poetry readings kahit gusto kong subukan. at least nga ikaw, you’ve tried.
June 21, 2008 at 8:52 pm
tomatomaria: paano kung subukan nating gawin ‘to sa maliit na pagtitipon? sabay tayo punta dun tas basa tayo. as in maliit lang talaga. kaso baka tayong dalawa e magkahiyaan din dahil di pa tayo nagkikita
June 22, 2008 at 6:00 pm
hahaha oo nga ano!:D minsan nakakalimutan ko yun kasi pag kinukuwento ka ni darling, feeling ko kakilala na talaga kita.:D oo nga, baka mahiya pa ako sa’yo hehehe pero okay nga na ideya yan.
June 22, 2008 at 8:45 pm
alam ko na!!! i-revive natin ang Buntisan pero wag na natin ipagsabi masyado, tamang mga sinaunang tao lang… sila sir lirio, sila dok… hindi buong kabite (labo! nagpa-event tas di nang-invite). pero dati kasi nakakapagbasa ako dun… ang masaya pa, pwede tayong saliwan ng mga musician friends, so hindi ka mag-isa sa stage… may karamay ka sa stage fright. haha!
mangangausap na ko ng utao? keri mo? tignan natin kung posible ‘to