prequel ng stage fright
June 19, 2008
Noong maliit ako, makapal ang mukha ko. Kapag may bisita kami at pinakanta ako ng nanay ko, buong puso kong pineperfom sa sala namin ang “If you’re not here” ng Menudo. Tuwing summer, kapag nagbabakasyon sa amin ang mga pinsan namin, sama-sama naming sinasaliwang ang 45 ng Arico Mambo. Noon pa ngang umuwi kami sa probinsya sinayaw naming ang nabuo naming sayaw sa lunsod para sa piesta. Kebs talaga sa earth! Ang mantra kasi ng ate ko (na likas na performer), kapag may talent ka, ipakita mo.
Katulad din ng lahat ng batang babae (dito sa pinas. di ko sure kung pati sa ibang bansa gano’n) dumaan din ako sa stage ng pagkanta ng “I believe the children are our future. Teach them well and let them lead the way…”, pero hindi ko yun ginawa sa Little Miss Philippines-ish contest o family reunion, kinanta ko yun sa Christmas party ng Bombo Radyo.
O diba, ang yabang ko na. so malamang iniisip nyo ngayon, “bakit ang lala ng stage fright mo? Bakit hindi ka na kumakanta kung talagang maganda ang boses mo? (oo, ang tanging lugar na pinagpeperforman ko ngayon ay ang banyo).
Kasi ganito yan.
Noong prep ako
ako ang naatasang mag-lead sa pagkanta ng graduation song namin. Sabi ni Mrs. Imperial (adviser ng klase namin noon sa St. Mary of the Woods), ako daw yung kakanta sa stage para sundan ng classmates ko. Kaya ilang araw bago ang graduation gabi-gabi kong prinaktis ang pagkanta ng “Somewhere Over the Rainbow”. Kaya naman noong ceremony na, maayos naman akong nakakanta. Akala pa nga daw ng ibang classmate ng ate ko tape yung sinusundan ng mga prep kasi kering-keri daw ang pagkakakanta ko, parang yung orig (kasabay kong gumradweyt ang ate ko noon; ako prep, siya grade 6) so proud na proud ang lukaloka kasi parehas daw kaming kumakanta.
Pagkatapos ng graduation ceremony, umulan. Hinintay namin si daddy sa may waiting shed kasi kinuha nya ang sasakyan, biglang lumapit sa akin ang isang classmate ng ate ko. Isa yun sa mga pinakamakulit na lalaki sa klase nila. Lagi akong inaasar non (siguro crush nya ang ate ko. gusto niyang buwisitin ako para isumbong ko siya kay ‘ti kate at syempre mapapansin siya ng ate ko pag ganon). Sabi niya sa ‘kin, “ang galing mo kanina a…”
nagulat ako. Naisip ko, “shet… baka nga maganda yung pagkaka-kanta ko’t hindi ako ginagago nitong hayup na ‘to,” kaya nginitian ko lang siya. Akala ko aalis na siya, pero hindi pa pala siya tapos, bigla niyang dinugsungan ang sinabi ng, “tignan mo, dahil sa pagkanta mo umulan. HAHAHAHA!!!”
Yon.
Mula noon, hindi na ako uli kumanta o sumayaw sa harap ng madla EVER!
———-
Hindi ko na matandaan ang pangalan ng classmate ng ate ko, pero ang tanda ko Da Silva ang apelido nya (hindi ko lang din masyadong sigurado kasi hello, ang liit ko pa kaya non). Siguro kung hindi dahil sa kanya hindi ako magtitiyaga sa pagsali sa mga slogan making contest noong elementary ako. At kung di ko ginawa yun baka hindi ako nagsusulat ngayon… baka nagging japayuki ako, o di kaya singing waitress sa Singing Cooks and Waiters, kaya ayos na rin siguro ang ginawa niya.
Tsong, kung nababasa mo ‘to ngayon, kung natatandaan mo kung sino ka, isa lang ang gusto kong sabihin sa’yo…
