pa-misa

June 22, 2008

nakapagfill-up ka na ba ng sobre ng pa-misa? ako oo… at ang pinakahuli ay kanina (oo. nagsisimba naman ako… kayo a, you judge me!)

anyway, sa sobre ng pa-misa ang mga kailangan mo lagyan ng info ay:

date:

intention:

donated by:

at sa gilid nun, nandun yung days na may misa. i-che-check mo yung day tsaka oras kung kelan mo gusto i-alay yung pa-misa mo.

ganyan yung dito sa parish namin (hindi ko alam kung ganyan din sa inyo, pero malamang parehas lang).

so kanina, ihinabol ko yung sobre ko kasi “Papuri sa Diyos” na nung nakababa ako mula sa parish office. inabot ko sa taga-kolekta ng barya yung sobre… tas siya na yung nag-abot sa reader.

anyway, binabasa yung intentions pagpatapos na yung misa. pero sino bang nakikinig ng intentions… syempre ikaw lang na nagpa-misa diba? pero kanina, feeling ko may mga kaklase ako nung highschool na natauhan sa intentions na binasa (kung may nakasabay akong HS-mate sa pagsimba. di ko kasi napansin) kasi ganito yung binasa kanina:

for the blank-blank-blank, and for the souls of Roberto Belan, Bernardo Requilla, and Henara Bibat (long pause) and Chelot Belan.

:shock:

ayos! malamang nagulantang sila kasi patay na daw ako :lol:   on a positive note, ngayon, may credit line na ko sa pa-misa pag na-chugi ako :lol: