todo para la familia
June 30, 2008
ang mahirap dito sa atin, halos lahat may paniniwalang magaling ka lang pag wala ka dito. kasi ‘pag wala ka dito, tiyak na masmalaki ang kinikita mo.
kasi dito pera lang ang mahalaga, hindi mahalaga ang talino. may nakapagsabi na nga sa akin dati nang, “hindi mo naman maipagpapalit ang mga medalya mo sa pera, o sa isang kaban ng bigas.” at “aanuhin mo yang diploma mo? kapag nilaga mo yan, wala pa rin lasa ang sabaw.”
dito, mahalaga lang ang talino kapag nag-aaral ka, pero kapag tapos ka nang mag-aral usapang pera na yan. kapag wala kang pera maski pa henyo ka, wala kang kwenta. ang mga ma-pera lang ang panalo, mabango, at dini-diyos dito.
———-
noong nakaraang taon pinangarap kong mag-abroad. totoo! kasi noong panahong yun ko natanggap sa sarili ko (makalipas ang ilang taon ng pagpapaka-martir) na walang mangyayari sa ‘kin dito. walang mangyayari sa ‘kin kung ipagpapatuloy ko ang pagsusulat dito. isang malaking kahibangan para sa isang tao na maraming responsibilidad, tulad ko, ang magpakabaliw sa industriyang pinasukan ko.
kaya mula noon nagplano ako… kako, maghahanap ako ng ahensya kung saan matututo akong magsulat ng maayos (na advert o press release). kung saan mapa-publish ang mga sinulat ko kasi naisip ko, “if you build your portfolio, the money will come.” although walang by line ang mga pinagsusulat ko, di ko inintindi yun basta dumami ang laman ng portfolio ko (tsaka wala namang writer sa tamang pag-iisip nya ang aangkin ng hindi nya sinulat) kaya ako nag-PR.
noong una, tamang praning ako lagi. noong mga unang buwan ko, lagi akong nakakatanggap ng comment na, “this is too hard sell,” kasi nga naman sa advertising ako galing, na sinundutan din ng lecheng “home TV shopping style writing” ng web content. nagtiis ako sa pulahang draft na bumabalik sa ‘kin. nilunok ko lang lahat ng nakakalokang comment hanggang sa matutunan ko ang tamang tono. nilunok kong lahat yun habang pilit kong sini-stretch ang kinikita kong barya. sabi ko na lang sa sarili ko,”ayos lang yan. kaya mo yan. pwede ka nang magpaka-mahirap ngayon, tutal graduate na naman ang kapatid mo’t mayroon ka nang katuwang.” kaya yun, nakuntento ako sa pagiging mahirap.
pero may mga season din naman na hindi kami mahirap dito, katulad nung pasko. actually sa lahat naman ata ng kumpanya ganon, mayaman tayong lahat pag pasko. nung yumaman akong bahagya, nagpagawa na ko ng passport. di ko pa kasi nalilimutan ang tunay kong plano non. tapos, naawa sila sa’ken…
binigyan nila ‘ko ng increase.
———-
masakit para sa akin na pangaraping maging OFW. totoo. naalala ko pa noong bata pa ‘ko sabi ko sa kaibigan ko isang break, “kung mangingibang bansa ako, para mag-aral lang. pag natutuhan ko na ang kailangan kong matutuhan dun, babalik ako dito. dito ko ipapasa sa iba ang natutuhan ko. hindi ako magpapakabihasa para pakinabanggan ng ibang bayan.”
sobrang bata ko pa pala non. hilaw pa.
hindi ko pa alam ang pinagsasabi ko…
———-
sa isang linggo, lilipad na ‘ko patungong Singapore. sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. ang bilis bilis ng mga pangyayari. binaliktad ko ang mundo ko sa loob ng dalawang linggo (dahil minamadali ako ng magiging amo ko dun. siguro nginangarag nila ako dahi training na yun sa pagiging sweatshop copywriter ko dun. haha!).
hindi ako nagmamaganda, pero noong una kong nakuha ang offer, naiyak ako, at hindi dahil sa tuwa. naiyak ako dahil;
1. masaya na ‘ko dito sa trabaho ko. masaya ako dahil finally, nahanap ko rin ang tamang ahensya. mahirap hanapin ang ganito (maniwala ka… nakakaanim trabaho na ko sa loob ng apat na taon). may mga totoong tao rito, may mga totoong kaibigan ako dito, pero wala… kailangan kong iwan ‘tong lahat.
2. nagliLIRA ako ngayon. ang saya-saya ko sa ginagawa ko maski pa hindi ako nakakapagpahinga. maski pa araw-araw akong gumigising ng maaga para bumiyahe ng 3-4 hours araw-araw, dahil araw-araw may bago akong natututuhan. dito ko rin natagpuan ang mga bagong kaibigan. silang mga tipo ng taong dati ko pang hinahanap na makasalamuha.
3. may bago akong inaanak, at sa pag-alis ko, hindi ko magagawang makapunta sa binyag niya
4. birthday na ni nina sa july 26…
5. si cholo, hindi ko makikitang lumaki
ayoko nang maglista… naiiyak na ako.
———-
masakit, na lahat ng bagay at taong nagpapasaya sa akin, kailangan kong iwan.
———-
so kung marami akong inarte sa earth, ba’t ako aalis?
kasi isang gabi habang binabaybay ko ang daan papuntang EDSA mula dito sa building namin, naisip ko, “tangina! mahigit isang taon ko nang ginagawa ‘to… wala pa ring bago sa ‘kin (bangs lang… ule. so hindi na rin bago yun) hindi pa ba ako nagsasawa?”
tsaka sabi ko nga kay Lovely sa text, habang umiiyak akong naglalakad pauwi (sa glorietta… oo nakakahiya talaga), “kaya akong buhayin ng sahod ko dito. ayos na. masaya na ako dito, pero hindi ako makakatulong sa pamilya ko.”
———-
ayun yun.
kaya nabuburat ako sa isang opismate kong masexcited pa umalis sa ‘kin, gusto ko siyang ibala sa giant tirador para mauna na siya don.
siguro kapag nandoon na siya, tsaka niya lang marerealize na hindi pala niya alam ang pinagsasabi niya. dahil ito, hindi ginagawa para lang masabi mong mahusay ko, o bida ka, o kung ano… dahil kung yun lang ang dahilan mo, gago ka na.
———-
naiirita din ako sa mga taong banat nang banat ng ‘ang swerte mo. swerte mo na yan! i-grab mo na ang swerte!!!”
gusto ko silang banatan ng,”hello!!! hindi mo dinadaan sa swerte ang copy test at ang pakikipagbolahan sa interbyu! at kung sinasabi mong swerte ako, ibig ba sabihin tinatanggap mo sa sarili mong malas ka?!!? you insecure closeted fag you!”
———-
marami na ‘kong kaibigang naka-inuman (dahil nga aalis na ‘ko). gusto ata nilang ma-deny ako sa pagkuha ng VISA dahil wasak na ang atay ko pagdating ko dun. pero kung gusto mo uminom tayo? tara! kailangan ko pang lunurin ang mga laman ng isip ko
———-
siguro, ang punot dulo lang naman talaga ng gusto kong sabihin (after all this chuvalu), e: natatakot ako. natatakot ako sa pinapasok ko, dahil maski ilang beses ko nang nilibot ang website ng papasukan ko doon, hindi ko pa rin alam ang daratnan ko…
at
MAMIMISS KO KAYONG LAHAT!!!
MAMIMISS KO ANG LIGALIG NG MAKATI, MANILA, QC, at ang napag-iwanan kong bayan ng SAN PEDRO
POTAH!!! FUCK THE GOVERNMENT TALAGA! KAILAN NYO AAYUSIN ANG BUHAY DITO PARA HINDI NA KAILANGANG UMALIS NG MGA PILIPINO SA BAYAN NILA?!!?
TANGINA!!!

June 30, 2008 at 5:23 pm
very well said… nyway goodluck!
June 30, 2008 at 6:26 pm
[...] nandito ang kwento. [...]
June 30, 2008 at 7:07 pm
I feel yah!!!! Pero CHEERS to you! Sunod na lnag kami hehehehe
June 30, 2008 at 7:37 pm
CHELOT!!!! I!!! WILL!!! MISS!!! YOU!!! ahahaha, basta pagandun ka na, update ka lagi ng blog para may balita pa rin ako sa ‘yo kahit papaano. Keep your head up girl. Hugs >:D<
June 30, 2008 at 10:37 pm
tangina! aalis ka na pala! congrats!
ayus yan! atleast makakatikim ka nanaman ng mamahaling putahe… potah… tagal mo ding hinintay yan.
tulad mo pareho tayo ng paninindigan sa buhay… ikaw ang gagawa ng buhay mo kaya talagang masaya ako sayo.
sa mga panahong ito tulad mo dapat nagaayos na din ako ng mga papeles papuntang saudi. tangina singapore lang ang pupuntahan natatakot ka kamusta naman ako?
matalino’t marunong ka naman sa buhay… isipin mong ikagaganda naman ito ng buhay ng pamilya mo… potah! bumalik ka pag mayaman ka na.. bukod dun 3 oras na biyahe lang naman ang singapore sa pinas…
uso naman ang internet neng…
ano ba yung bumili ka ng mga bagay namagagamit mo halimbawa laptop..writer ka kailangan mo ito… alanganang dalhin mo ang bulok mong makinilya… neng wag kang magpaka3rd world…
hay… maligaya ako sayo dahil simula na ito ng magandang buhay sayo… taena… maginom tayo! syet magonline ka lagi para naman makapagchikahan tayo.. saya!
congrats sayo! goodluck!
July 1, 2008 at 1:03 pm
galit na galit!
July 1, 2008 at 2:20 pm
i can’t help but agree with you. alam mo namang nanggaling din ako sa Tate at walang-wala ang kinikita ko dito kumpara sa kinita ko doon. pero pinaka mahirap na kalaban ang lungkot. alam ko na kakayanin mo ang buhay doon. pero sa maikling panahon ng pagiging officemate mo, hindi ko maikakaila na isa ka sa mga naging sobrang ka-close ko. kaya bumaha ng luha sa kotse ng boyfriend ko kagabi. sana hindi ka makalimot at magamit mo yung konting padala ko sa iyo. mamimiss ka namin at ang devilish laugh mo, mareng gurlah at kapartner na daisy. padalhan mo parin ako ng mga sinulat mo na inaabangan ko parati. magiingat ka. God bless.
July 2, 2008 at 2:05 am
Chelotski, huwag ka ng malungkot… Isipin mo nalang…
1)Maganda ang Singapore
2)Malinis doon, walang maysadong pollution, makaka langhap ka ng sariwang hangin (makaka tulong yun sa smoke lover na tulad mo we he he he..)
3)Malapit lang siya sa Pilipinas, 45 mins plane ride lang, samantalang from San Pedro to Makati is 3-4 hours (may logic ba?)
4)Mas ma mi miss ka nila ni Ate Kate, ni Yan yan, at ni Auntie, most of the time dahil sa pasalubong mo… kidding aside, talagan ma mi miss ka nila, mas ma a appreciate ka nila
5)Isipin mo na MAGAGALING ang mga ningingibang bansa
6)It is our country’s total lost… Philippines just lost a TALENT
7)Talagang adventure ang pumunta sa not so familiar territory
8)Na aalala ko tuloy and advent ng MTV dito sa Pinas, which was way back 1997, nung si Donita pa ang VJ, (ano kayang relevance nitong pinag sususulat ko?), diba headquarter ng MTV doon sa Singapore? Point ko lang… MAG ALA DONITA KA
9)Ewan ko lang kung may San Mig or Red Horse ba doon, pero at least you will get to taste a new brand of beer, subukan mo Budwieser (which I guess na tikman mo na, pala inom ka kasi, he he he) at kung anu anu pa, pwera na lang kung loyal ka sa San Mig…
10)You will be at your very very best (which YOU ARE ALREADY) when you get there
11)Feeling ko na sa Korea novela tele serye ka (maski nasa Singapore ka), maganda ang environment, maganda ang office, makaka salamuha mo mga chungkang churva…
12)Maganda ang pay
13)May mga turu turu din doon, para ka ring nasa Pilipinas, pero malinis sya, punta ka sa Indian community…
14)May night market, na puede ka makabili ng kung anik anik na mura
15)Baka doon mo ma meet ang iyong destiny, weee!
16)Nasa workplace ka, na your work is really compensated
17)Not all are given the opportunity to travel and work abroad
at maraming marami pang mabubuting reasons…
Good Luck and God Bless cousin Chelotski
at ito pa ang isipin mo… gamiton mo ang iyong talino, IN THE SERVICE OF THE FILIPINO WORLDWIDE…
July 2, 2008 at 2:19 am
sabi ni Jeck 3 oras lang daw pa puntang Singapore… my bad… malapit pa rin siya….
July 2, 2008 at 4:55 am
Ni review ko comment ko sa iyo… redundant ang item no. 16 and 12. Pero may pahabol pa sa mga countless good reasons…
18)Mabibigyan mo ang mga pamangkin mo ng bongang bongang regalo kapag christmas
19)By the time you get here for your vacation, talagang bongang bonga din bakasyon mo, puede ka mag island hopping buong Pilipinas, mula Apari hangang Julo
ano pa ba… mmmm isip ako… sa ngayon lang… ito lang ang mga na iisip ko…
July 2, 2008 at 5:02 am
alam mo tuwing nag ko comment ako sa iyo… merong notification na naka attach ang sabi:
” Your comment is awaiting moderation.”
sorry ha? ibig ba sabihin nyan… waiting for a reply ba??? or it means discussion ba???
wala lang…
July 3, 2008 at 4:05 pm
kuya b: HAHAHAHA
ang kulit mo! nakakatawa at andaming possitive points. salamat sa encouragement
as for the comment chu, inaapprove ko kasi muna ang comments bago makita, so yun. HAHAHA!
July 3, 2008 at 6:40 pm
con todo para la familia talaga! kaya di na pag-oofw and priority ko. pinalaki kc tayong mga Filipinos na maging ganon eh. pag nag 100 pesos na kada-litro ng gas, chaka na kita kikitain sa Singapore, by that time baka malaki na inaanak mo. oh well, good luck sayo!
again, it’s your time to shine!
July 12, 2008 at 12:18 am
shet, kakaiyak! tangina ka talaga! shet ka! ngayon na ko nagplano na magbasa lagi ng blog mo kasi nga wala ka na. dati kasi ym lang, yosi sa baba, alam ko na lahat ng kwento sa yo. shet ka talaga. sige na, isipin mo na lang, yayaman ka pag anjan ka. at heto pa ang listahan ng mga rason para di mo masyado mamiss ang buhay mo (lalo na ang fuentes):
1. isipin mo na lang wala ng dragong bumubula ang bibig na tatawag sa yo pag may comment sa article na sinulat mo
2. wala ka ng maririnig na dragong laging nagsasabi ng “EH BAKIT NGA!!!”
3. isipin mo na lang di mo na kailangan marinig ang mga paulit-ulit na kwento ng buhay ng mga tao. lalo na ang mga pangalang ___ at _____
4. isipin mo na lang mas maraming alpha male dyan (ewan ko lang kung may poet dyan. shet, sorry… buti na lang malayo ka na di mo ko mabibigwasan)
5. di ka na makakarinig ng HALAK. yung malakas na nakakasulasok, na parang yung kinain ng isang buong taon maisusuka every time na nagtatawag ng uwak
6. isipin mo na lang wala ka ng kaagaw pag may crush ka dyan. yung di mo na maririnig yung “gusto mo titigan ko?” o kaya “Oh my God!”
7. wala ng mang-iirita sa yo na berdeng dugo. (oo ikaw yun. ikaw nga. di mo alam? buti pa ko alam ko… at ng buong sangkatauhan)
8. higit sa lahat, di mo na maririnig pagrarant ko sa mga problema ko sa buhay… (tangina kaw lang ata single friend ko na nakakarelate sa mga problema ng married na tulad ko)
ayan maraming rason di ba? take note of numbers 1, 2, 3, 5, and 6. hehehe. ingat ka lagi
July 12, 2008 at 9:40 am
@light: waaahhh!!! di na tayo nakapagmeet before i left:( i’m sorry but i got sick 3 days before i left (separation anxiety daw yun sabi ng kuya ko) malalaman mo agad pag babalik ako dyan. beer!:D
@jeck: salamat ning, at goodluck din. eto na nga yun. it’s time to shine(?) HAHAHA!
@kiki: salamat talaga sa lahat ning:) i will miss you my ka-scorpio’t ka-middle child. hinding hindi ako makakalimot mehn!
*yakap*
@chukri: sige, aabangan ko sa tfc ang presyo ng langis para may idea ako kung palipad ka na/na kayo dito. potah, naglihis na ang dream paths natin (I CANNOT EFFIN BELIEVE IT). pero feeling ko masmagiging masaya ka in just a year, kasi sasayaw-sayaw na si mayo pogi boy nun
at sasalubungin ka sa pinto pag dating mo, “MOMMY, MOMMY WALA NA KO DODO!” hehehe 
shet! wala ako sa binyag!!! SHET!!!
@chelly: leche ka!!! waaaahhhh
tama ka… di ko na maririnig ang halak (na maaaring hinahalo sa masarap na brownies), ang “E BAKIT NGA!!!E BAKIT NGA!!!E BAKIT NGA!!!” at ang perking-perky delivery ng ” JOEM!!!” or ang imbyernang pagsabi ng pangalang “JOEY!”, ang mga kwento sa buhay ni celia at ng kanyang mga cassanova, atbp.
re: alpha male… wala akong interes. dahil nakasusulasok ang mga amoy dito. hindi ko mapigilan, kailangan kong ulitin… NAKASUSULASOK! at bangag ako all the time (too much words, too much words… potah fuck).
pero punyetragis ka!!! mamiss ko ang ating mga yosi breaks. waaaahhh!!! FYI, ang isang kaha ng yosi ko ngayon ay nagla-last ng tatlong araw imbis na isang maghapon lang. sabi nga sa ad ng solmux, “clean lungs”.
pakyu ka chellita miss na kita!
pero tatamaan ka pa rin sa’kin pag-uwi ko dyan.
July 12, 2008 at 7:29 pm
musta ka na jan? waaah i miss you chelot!
July 13, 2008 at 1:44 am
shet! napapakshet ako sa pagkawala mo. nung nawala ka parang nawalan ako ng kunsensya. tangina ganun pala ang epekto mo sa kin. ngayon, nakikinig na naman ako ng mga titillating na kwento. pakshet! pakshet! tapos parang di ko na kaya magyosi mag-isa o bumili ng meryenda mag-isa (kasi nahihiya ako yayain sina chorva at chorvu. di pa din ako ganun ka-close eh. yoko naman yayain si chorvalita dahil madami na namang kasaysayan ng lahi akong maririnig). sa sobrang miss kita binasa ko lahat ng entries ng blog mo kagabi saka ngayon. 2am na ata. tangina, parang di ako nakakatulong sa yo no, para maibsan ang pagka-homesick mo dyan. sorry. nga pala, mula ng nawala ka, parang di ko na din nakikita si alpha male. kaloka. parang sumama na din sya sa yo. hihihi. ang landi. uy, ingat ka dyan.