random 3rd week shit

July 30, 2008

30 minutes to lunch time, at tapos ko na ang task na plinano kong gagawin ko para sa umaga ng araw na ‘to :D kaya…

blog rounds.
oo, ginagawa ko to ng madalas at hindi lang ang blog mo ang pinupuntahan ko (para lang malaman mo).

mula nang matuto kasi akong magblog, natuto na rin akong gumala sa blogosphere at namemorize ko ang url ng sites ng mga nagbablog na trip kong sumulat (oo, memorize ko). yun yung mga sites na tamang may natututunan ako, katulad ng kay ala paredes :)

muni-muni
kagabi, napadpad ako sa raffles interchange. isang stasyon ng tren yun mula sa pinanggalingan ko (tanjong pagar). dun kami magmimeet ng isang kaibigan bago magdinner. habang hinihintay ko siya, tumambay ako sa may Chevron Plaza.
hindi ko alam kung anong ‘klase’ ng mga tao ang tumatambay doon pero wala akong pakialam kaya umupo lang ako. makalipas ang ilang minuto, nalaman ko na kung ano ang karamihan sa kanila; smokers.
dun lang ako nakakita ng maraming taong nagyoyosi mula nang mapadpad ako sa SG. may nakaupo mag-isang nagyoyosi, dalawang magkaibigang nagyoyosi, lovers na nagyoyosi, nanonood ng Nat Geo sa screen na nagyoyosi, naglalakad na nagyoyosi, kakalabas pa lang ng istasyon na giyang na’t nagsisindi ng yosi.
ilang minuto pa, may narinig akong munting himig. pinakinggan kong maigi kung sa’n yun nagmula… “please… oh please….” sabi niya. habang napapatungo ako, lalong lumilinaw ang tunog hanggang sa madikit na ang tenga ko sa gilid ng bag ko :shock: “OMG! ano yun!!!” pagkabukas ko ng bag ko, ayun, hinaharana pala ako ng nag-iisang stick ng Marlboro na nung nakaraang Miyerkules ko pang binuburo don.
:roll: pa-pampam?!!?
———-
kakaiba rin ang na-witness ko sa tren pauwi kagabi. mga 1030 na yun. kadalasan, sa tren, ang makikita mo e mga haggard na haggard na mga tao. usually mga a. tulala, b. nagbabasa, c. nagpi-psp, d. may kausap nang seryoso.
kagabi, iba! maraming tumpok-tumpok ng tao ang nagkekwentuhan animatedly. di ko napigilan ang sarili ko at nagtext;
“masmasaya ang mga tao sa tren pag ganitong oras. nakaka-aliw!”

goto

July 25, 2008

sinusulat ko to habang hindi pa ko nakakainom uli ng gamot para sa araw na ‘to.  bigla kasi akong nagsha-shutdown pagkainom ng gamot.

ikaw ba naman, uminom ng anim na tableta (4 na antibiotic+ 2 pain reliver), makakayanan mo kayang magpakamasigla? oo, lumala ang tonsilitis ko, kaya absent na naman ako.  leche!  pero umaayos na ngayon (kasi tinurukan din ako ng doktor ng gamot kagabi). grabe, ano?

———-

sabi ng doktor kagabi nung pabulong ko siyang tinanong kung ba’t nangyayari sa ‘kin ‘to (hindi ako nagpa-cute sa doktor a, sadyang hindi ko lang kaya magsalita), “the reason you have this is because maybe when you got here you haven’t eaten enough.  you’re not used to the food we have, so your immune system collapsed and germs accumulated in your throat.”

“now, let’s give you a shot, because the pills would take a looooong time before it works, on your case.  your tonsilitis is pretty bad.” *iling-iling-iling*

buti na lang sanay akong natuturukan ng gamot (kasi suki ako ng ospital nung college dahil sa ulcer ko… hmp!), kundi, nag-iiiyak na siguro ako sa ospital kagabi.

———-

teka, diba dapat tungkol sa goto tong entry na ‘to?

:lol:

———-

kagabi, sabi rin ni dok, kailangan daw soft diet muna ako, ”stick to soups and porridge, noodles maybe.”

kaya naman bago ako tumuloy sa bahay kagabi, dumaan muna ako sa hawker na malapit sa building namin at bumili ako ng porridge.  porridge ang hinanap ko imbis na kung anong soup, kasi nung tanghalian kahapon, bumili kami ni tin ng porridge sa maxwell at nagustuhan ko naman (hanggang sa may nakagat akong dahon of some sort na nakapagpasira sa pagkagusto ko nun). hindi ako pa-sosyal a, porridge talaga yung tawag nila dito sa goto, arroz caldo atbp.  so ang nabili ko, beef porridge na may itlog.

pagdating sa bahay, habang pilit kong sinasabi sa sarili kong, “masarap ang lugaw na ‘to… masarap ang lugaw na ‘to… masarap ang lugaw na ‘to…” di ko mapigilang ma-miss ang goto ng san pedro.

mahilig kasing kumain ng goto ang pamilya ko.  siguro nagsimula yung tradisyon naming magkakapatid na yon noong maliit pa kami.  dati kasi, pag walang magawa ang nanay ko, sinasama niya kami sa bayan ng san pedro, sa gilid ng munisipyo.  doon, maraming nagtitinda ng goto. 

may puwesto kaming binabalik-balikan dun kasi masarap talaga yung goto ni tita (syempre hindi ko na alam ang pangalan niya).  yung goto niya malapot, tas kulay dilaw… tapos, hindi lang panay tuwalya ng baka ang laman kundi pati laman ng baka na pinalambot ng husto.  pinalalagyan namin yun ng chicharon tsaka itlog. P10 pa lang ata nun ang goto special, e, kaya swabe maski padagdagan pa namin ng isa pang itlog ang order namin.

tapos siyempre, teternohan mo yun ng tokwa’t baboy na nilulunod sa sawsawan ng pinaghalo-halong toyo, suka, asukal, maraming sibuyas, bawang at sili.

SHET!!!

may iba pa kaming nadiskubreng gotohan sa may amin habang lumalaki kami.  nung HS ako, may pinupuntahan din kaming gotohan ng mga kaibigan ko.  nung nagkajowa ako (na higit na masmahilig sa goto kaysa sa’ken), nasubukan ko na rin mag-goto sa alabang, sangandaan, buendia, sa kanto ng elvinda atbp (oo, jologs kami).  at noong bago ako umalis, naka-ilang goto sessions na rin kaming magkakapatid (siyempre, kasama nila ang mga asawa nila) sa bayan ng san pedro. pero sa ibang puwesto na, kasi nawala na atang tuluyan si tita na pinupuntahan namin dati. 

ang punto, maski saan ako mag-goto diyan sa atin, lahat masarap.  hindi tulad dito, kung anu-ano ang flavor pero di ko talaga ma-dig.  hindi ko alam kung dahil ba yun sa luya, sa paraan ng paghalo, sa quality ng bigas, o sa lagay ng lansangan na pinaglulutuan ng goto.

SHET!!! bat ko ba iniisip ‘to!??!!

:cry:

hay goto… andami mong kahawig dito, pero wala silang binatbat.  ikaw pa rin ang nag-iisa para sa akin. 

———-

makakauwi kaya ako sa pasko para makapaggoto pagkatapos ng misa de gallo? 

BWAHAHAHA!!! wala pang isang buwan gusto na umuwi?

isn’t it ironic?

July 22, 2008

absent ako ngayon dahil may sakit ako.  mag-i-isang linggo na ang tonsilitis ko :(

akalain mong ‘yon, nagpunta ako dito para magtrabaho tas ngayon absent ako. LOL diba? LOL!

———-

kagabi, maski masama na ang pakiramdam ko, nakipagkita pa rin ako kay carlo for dinner.  kailangan ko kasing kumain ng may sabaw para di mahirap lunukin.  kaya kumain kami sa kabayan sa may orchard at umorder ako ng sinigang na baboy. 

inabot ata ako nang lampas isang oras bago maubos ang pagkain ko dahil hirap na hirap talaga akong lumunok.  after kumain, bumili kami ng pei pa koa.  may nagpa-try kasi sa ‘kin nun sa office nung umaga at medyo guminhawa ang pakiramdam ko.

pagka-alis namin sa 711, bago umuwi, inaya kong magyosi si carlo :lol:

siguro kung hindi maintindihin (sa pagka-adik ko) ang kaibigan ko, dinagukan na ko nun. HAHAHA!

———- 

pagkauwi kagabi, may nakita akong mama sa hallway ng 2nd floor ng building namin.  nakasuot siya ng blue na polo shirt na may tatak na “Air Purifier Blah-Blah Services”. 

Sarap na sarap siya sa paghipak ng Gudang.

———-

tatlong araw bago ako umalis ng Pinas, umatake na ang sore throat na ito.  yun ang dahilan kung bakit hindi na ako nakalabas kasama ang mga kaibigan bago maglaho.  nagsimula yun Sabado ng gabi  at dahil hindi na ako pwedeng magextend pa nang di pag-alis, nung dumating ang Lunes na may sakit pa rin ako, nagpasya na akong pumunta sa ospital.

pagdating sa ospital, dumiretso ako sa ER kasi mataas ang lagnat ko at hirap na ngang magsalita, pero sabi sa akin ng mga residente don pumila ako for consultation dahil nagki-clinic naman daw ang internist nila noong araw na ‘yon.  so lumabas ako ng ER at pumila. 

mahaba ang pila para sa konsultasyon… at nang mapagtanto ko na wala pa pala ang doktor, na-high blood ako.  pinapunta ko si X sa ER para bulyawan ang residente.  after 3 minutes na di pa nakakabalik si X, ako na mismo ang sumugod sa ER… tinitigan ko ang residente, at saka sinabing, “HINDI BA TALAGA PUWEDENG DITO NA KO MAGPA-CHECK-UP!  MATAAS KASI ANG LAGNAT KO, E! NAHIHILO NA ‘KO, E WALA PA PALA YUNG DOCTOR DUN!!!” na sinagot naman niya ng, “ay ma’am sige po, umupo po muna kayo diyan, tinatanong na po namin sa doktor.”

so kinuha nila ang temp, bp, at heart rate ko habang naghihintay ng espesyalista. tapos tinignan nila ang ngalangala ko.  sabay sabi, “kaya mo pa bang lumunok?  gusto mo magpa-confine na kasi baka hindi mo rin mainom ang gamot…”

ako naman, “hindi po puwede e.  bukod sa wala akong pera pang-confine, kailangan kong umalis sa miyerkules.”

so pinakuhaan nila ako ng dugo at pinaghintay ng isang oras para sa resulta (pero napadali rin ang paglabas nila ng resulta dahil nabwiset si X at nag-rant sa may lab saying,”HINDI NYO BA ALAM NA NASA ER YANG PASYENTENG YAN! PINAGHIHINTAY NINYO NG ISANG ORAS!!!”)

nung dumating na ang espesyalista, tinignan niya lang saglit ang lalamunan ko… nag-explain siyang saglit tungkol sa kundisyon ko, at muli, kinumbinsi akong magpa-admit.  hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan akong magpa-confine sa ospital nang dahil lang sa tonsilitis.  iniisip ko nun, sadya bang hindi na kumikita ang ospital kaya maski tonsilitis cases kailangang i-admit?  ewan.  so hindi pa rin ako pumayag, at dala ang mga reseta ng mga gamot na kailangan kong bilhin, hinalughog ko ang pacita+san pedro para sa mga gamot na kailangan kong inumin.  naka-tatlong botika muna kami bago nabili ang lahat.

kaninang umaga, dahil alam kong hindi na ’ko makakapasok (nagising kasi ako nung hating-gabi na mataas na ang lagnat at mahapdi ang lalamunan) nagpunta ako sa pinakamalapit na clinic mula sa tinutuluyan ko.  dalawang bloke lang ang inabot ko, at hayun ang tatlo hanggang apat na clinic.

nagpunta ako sa medical center.  lumapit sa counter at pinaliwanag sa receptionist na kailangan kong magpakonsulta dahil may tonsilitis ako.  hiningi niya ang s-pass ko, nagtype sa computer.  maya-maya (as in 30 seconds lang), may patient card na ako.  pagka-abot sabi niya, “do you want to see the woman doctor?” “yes” “ok, just take a seat, and she will call you in a while.” makalipas ang isang minuto, tinawag na ako ng doctor. 

pagkapasok sa kwarto ni doc, tinanong ako kung anong nararamdaman ko.  tinignan ang temp ko, ang lalamunan ko, heart rate at paghinga.  tinanong niya rin kung ano yung gamot na ni-reseta sa akin sa Pinas noong nangyari ‘to bago ako umalis.  hinanap niya sa libro niya ang equivalent nung gamot na yun dito sa SG pero dahil wala ni-resetahan niya na lang ako ng bago. “Just give me a call if you get allergies, but so far, no one’s ever had allergic reactions with these medications before.”

Tinanong ko siya kung saan ako makakabili ng mga gamot na ni-reseta niya.  Sabi, “Oh, you don’t worry.  Here in Singapore we give you your medicine.  You don’t have to look for them in pharmacies.”

so pagkalabas ko ng clinic, kumpleto na ang gamot ko.

ang galing diba!  masmadali para sa mga may sakit dito ang gumaling, dahil matapos ang check-up, makakauwi ka na agad at makapagpapahinga ka na ng maayos.

hindi ba puwedeng gawin sa Pilipinas ‘to? 

isa pa, sa resibo ng check-up ko kanina, nakalagay na may diskwento akong nakuha. $3.16. huwaw diba! pag-lunch ko na rin yun.  bat pag sa ‘tin wala akong nakukuhang diskwento sa ospital, maski gaano pa akong ka-suki ng ospital na pinupuntahan ko?  at ang higit na mahusay sa buong experience na ‘to, mapapa-reimburse ko ang nagastos ko kanina sa kumpanya ko.  ang galing talaga diba! kasi sa atin, ang mga health card na ini-issue ng mga kumpanya ay hindi accredited sa lahat ng ospital.  pag may emergency ka, itatanong mo pa kung puwede mong gamitin ang health card mo.  kung swerte ka’t hindi accredited, habang may masakit sa’yo, bibiyahe ka pa papunta sa pinakamalapit na accredited hospital ng health card mo pag wala kang pera.  bullshit diba!  

wala ba talaga tayong pagpapahalaga sa buhay ng tao at pinahihirapan pa natin na makaramdam ng kaunting ginhawa ang mga may sakit (at sa kaso ko bago umalis, e mukhang gusto pa ata akong perahan).

tsk tsk. sana may magbago sa sistemang yan bago ako bumalik…

asa?  sana hindi naman masyado.

ginawa ko to sa eroplano nung papunta ako dito.

1. bakit ang tagal ng tatlong oras sa eroplano.  nakatulog na ko’t lahat, pero ang bumungad pa rin sa ‘kin pagkamulat ay ang ilang tumpok ng kahel na ulap.

2. bakit walang libreng pagkain sa Cebu Pacific?  ganon bang kamahal ang monay at zesto?

3. Bakit ang pangit ng A319 na eroplano?  Masmaganda pa ang mga bagong bus ng Dela Rosang biyaheng San Pedro.

4. Bakit antipatika yung flight stewardess ng Cebu Pacific, at nung nagpatapon ako ng lata ng coke umismid siya? Trabaho naman nya yun diba?

5. Bakit maski saan ka magpunta, laging may grupo ng kalalakihang feeling “ballers” na ang sarap batuhin ng flat shoes na pumepektus?

6. Bakit mukhang Pilipino ang Singaporean na nasa aisle ng row namin?  Hindi ko agad nakita ang hawak niyang pulang pasaporte kaya nung uupo ako sinabihan ko siya ng, “Makikiraan po.” Hindi niya pala ako naiintindihan kaya ang tagal niyang tumayo.

7. Bakit sobrang oily ng buhok at mukha ng katabi ko? Nahihiya ako sa kanya kasi naligo ako bago ako umalis ng bahay at wala nang natirang oil sa katauhan ko… (baka kasi oily ka dapat pag ala-sais ang flight mo.)

8. Bakit ayaw tumigil sa pag-iyak ng pasaherong sanggol?  Bakit ka magba-biyahe ng ganoong kaliit na bata?

9. Kailangan ba talagang nakabukaka umupo ang Pinay na may asawang Aussie sa harap ko?

10.  Bakit feeling big time ang mga turistang kasabay ko (e wala naman silang pambili ng PAL ticket, no!)

11. Ano kayang mangyayari pag bigla akong humiyaw dito ng, “Nasaan na tayo!!! Nasaan na tayo!!! Ibalik nyo ko sa Pilipinas! Ibalik nyo ko!!!” 
Isa lang ang tiyak ko, patay ako sa amo kong nagbook ng freaking cheap flight na ‘to :lol:

12. “Bored ka na ba?  Nalulungkot at walang makausap?  Ba’t di mo angatin ang telepono at tawagan kami… nakahanda kaming tumulong sa’yo.” 
Yan.  Diyan bagay ang boses ng FA na nagsasalita sa plane ngayon.  Gusto ko siyang lapitan at sampolan kung paano masmaayos na gagawin ang pag-a-anunsiyo niya ng kung anu-ano, dahil OO, masmahusay pa kong voice talent kaysa sa kanya :p

Ayan, may mga natatanaw na kong islands, at medyo naduduwal na ko kaya ititigil ko na ‘to. 
Maanta kasi sa puwesto ko :lol:

Bukas, isang linggo na ‘ko dito sa Singapura.  Isang linggo nang puno ng kapaguran at kalorkei-han ang buhay ko.  Oha! Akala mo ba may nagbago?  Asa!  Pero sana, matapos ang linggong ito o buwan na ito ayos na ko.

Nakakalorkei lang kasi andami kong nilakad; yung medical ko, workpass chu, workpass ID chu at literal na lakad ito. More walking more fun! Tapos, dahil panalo sila bossing chinezu, hindi pa man tapos lahat ng kailangan kong lakarin, pinagtrabaho na rin ako. Woohoo!!! Ang saya-saya dito grabe!!! Woo!!! Ika-4 days ko pa lang 2 na ang project na nagagawa ko (at siyempre ang 4 days na yun e hindi buong araw dahil nga palakad-lakad ako sa mga gov’t offices) kaya muli, Woo!

kakatapos ko lang ng mga tasks ko, at dahil bukas ng 6pm pa ang deadline ko, heto na… relax mode na. RELAKSSSS!!!  Wala kasi sila bossing chinezu ngayon… nasa HK ata or Indonesia o kung saan, at mawawala sila sa loob ng dalawang linggo, so more email lang kami ng task chu… ayokong ipasa sa kanila ang tapos kong work hanggat hindi deadline.  ayoko magmagaling, dahil baka masanay sila at maabuso ako nang todo. HAHAHA! May pagbabadya pa naman kasi ako lang daw ang may experience na writer ngayon dito. Waaah!

Anu ba?  Sobrang walang sense ang flow nito.  Kasi, may mga Ate Vi akong katabi.  Lahat ng katabi ko Ate Vi.  Noong isang linggo ko pa nga hinihintay na may sumigaw ng,”I love you Lucky!”
Lagi silang, “busy ka ba?” o “anong ginagawa mo?” o “ano pang ibang english word para dito?” o paano ba ginagamit ang apostrophe?” mga ganun!  Kung hindi ina-announce na gumi-g-talk ka for 2 seconds, kung anu-ano ang tinatanong sa’yo.  “anong project yang ginagawa mo?  May kailangan kasi akong konsepto e, pwede mo bang isingit sa utak mo ang problema ko?”  waaahhh!!! Gusto kong sagutin ng, “HELLO!!! Pwede mag-adjust? Kasi kararating ko lang mula Pilipinas kahapon e.”

Ayan, napapatingin na naman ang katabi ko kasi nagta-type ako.  Shet!

Maraming nga palang nagme-message ng, “Kamusta ang Singapore?”  pasensya na po, pero sa ngayon, ang isasagot ko lang e, “hindi ko pa napapakinggan ng husto ang tibok ng puso nya, at di ko pa mawari kung mahusay ang kalagayan niya o hindi dahil: tumitibok ang mga ugat sa paa ko kakalakad (pala-lakad na ko sa Pinas nyan a, what more ang hindi mahilig maglakad); may mga pagkakataong nahihilo ako sa tren, at hindi dahil mabilis ang takbo nun kaya hindi ko rin mapakinggan ng husto ang ritmo ng riles; naloloka pa ko sa pagkawala ng personal space ko :cry: NALOLOKA! NALOLOKA!!! NALOLOKA!!!

Ayon.   Ano pa ba?

So far, di pa ko nakakapamasyal… bukod sa walang katapusang pagdaan sa Fair Price (na parang SM hypermart), dahil kinailangan kong bumili ng; hanger, sabon panlaba, hanger, unan, pang-umagahan, hanger, ummm, hanger… at hanger :D

Sinama rin pala ako ni Carlo sa dress rehearsals ng National Day Parade nung Sabado at ika nga nila, yun daw ang ultimate Singapore experience kasi may jet show chorva, maraming sayawan, kantahan at nakakalorkei na floats.  Mayroon ding walang katapusang fire works display at iba pang nakakamanghang chorva na matatanga ka na lang sa upuan mo at masasabing, “tangina, ang yaman talaga nila…” yon.  At exclusive pala ang event na ito, buti napanalunan ng lola ko ang tickets. hahaha!  Tapos, kahapon naman, sinama niya ko sa Lucky Plaza for dinner. Winner ang Pinoy food dun, di tulad nung malapit dito sa office naming.  Bukod dun, panay mall na… kasi sinamahan ko si roommate Cristine na mamili ng damit (kasi di pinadala ng magulang niya ang mga damit nya. Hahaha!)  so, dahil may ka-perahan ako pagdating (katas ng fuentes), nakabili ako ng relo (kasi matagal na kong walang relo at kailangan ko siya ngayon promise! dahil ang bilis ng oras dito) at flat shoes, dahil wala akong sapatos at nahiya naman ako sa officemates ko dahil bihis na bihis sila samantalang ako, naka-tsinelas (kebs pa kung havaianas/ipanema ang tsinelas mo kasi naka-pangparty sila. Hahaha!)

Ayan, ang dami ko nang kwento.  Shet! Kalorkei diba.  Wala na kong kebs kung may naintindihan kayo o wala.  Basta kailangan ko na ‘tong i-release dahil baka bumulwak ang kaluluwa ko dito. Hahahah!

Btw, hindi na pala ko nakakakain ng chichirya… panay apple slices ang merienda ko.  Siguro eto yung epekto… kulang na ako sa vetsin.