talo tayo ni tatang
August 27, 2008
trip
August 22, 2008
share ko lang
August 16, 2008
sa linya ko, marami akong napupulot na impormasyon tungkol sa kung anu-ano. andami ko nang alam tungkol sa; multiple intelligence, formula milk, breastfeeding, eye care, food storage, at kung anu-ano pa.
marami sa alam ko, di ko naman nagagamit sa pang-araw-araw kong buhay (pero siguro darating din ang time na magagamit ko… although matagal pa yun). kahapon, dahil bored na ko kakaisip ng boring na tagline, nagsurf muna ako. natawa ako nung nabasa ko to;
The word “lethalogica” describes the state of not being able to remember the word you want.
dito.
sugar, matutuwa ka diyan sa site na yan kasi mahilig ka sa useless pieces of info
go! go! go!
———-
swabe to para sa ‘kin ngayon.
sa inyo rin ba?
———-
isa sa mga kunswelo ko dito ay ang fact na panalo ang sountrip sa reddot (hindi ako sa museum nagwowork, a, how i wish. dun lang nakasituate ang office namin). kanina, matapos bumili ng snack, narinig ko ang “spinning round and round over you” ni lenny kravitz… naalala kong bigla ang reality bites tapos narealise ko na ang dahilan kung bakit hindi mo ako kinakausap:
sabi nga ni troy dyer kay michael nung nagkaroon sila ng confrontation (after the “you look like a doily” scene),”there’s an IQ pre-requisite, but there’s no secret handshake.”
gusto kong malaman mong ayos lang
basang-basa
August 13, 2008
kahapon, andami kong deadline kasi kinekenkoy ako ni shrimp. ayoko nang ikwento kung sino si shrimp kasi hindi siya worth ng higit sa dalawang sentence dito sa dLr. so anyway, maghapon akong nagtatry na gumawa ng paraan para ayusin yung mga ginawa ko nung nakaraang araw, kaso may isang bagay na ayaw mabura sa sentro ng kukote ko.
ganito yan, nung isang araw kasi (o nung isang linggo ba yun), napadpad ako sa isang blog. hindi ko kilala ang may-ari nito. basta, kilala siya ng kilala ng kilala ng kilala ko pero hindi ko siya kilala. nagulat ako sa laman ng isinulat niya. ang galing, e… alam mo yun!
ba’t magaling? kasi, sinasabi niya dun sa kausap niya na, “Oh my god, ikaw yun!!! ikaw na nga! ikaw na ang tinadhanang tao na sasambahin ko forever! tama ako… sabi ko na nga ba! pakingshet sa earth!!! unang pagkakataon pa lang na narinig ko ang pangalan mo, na nasulyapan ko ang litrato mo dito sa internet, na makita ko ang laman ng puso mo sa isang entry mo, alam ko na. grabe boy, mahal kita, alam mo yun! mahal kita!!!” pero hindi niya yun sinabi nang tuluyan. sinabi niya yun in such a way na hindi mo mahahalata kung tanga ka or nagpepretend ka na hindi mo na-gets. nagalingan ako sa kanya kasi ang tapang niya! nadulas ako sa wetness.
wetness?!!?
wetness!
wetness!!!
ano kamo? san nanggaling yun?
yun kasi ang pinakaswak na paglalarawan sa nabasa ko. isang entry na basang-basa. nakabasa ka na ba ng ganun? yung kitang-kita at ramdam mo ang pagkabasa ng
monitor
kasi habang sinusulat ng writer yung sinulat niya, nabasa niya yung virtual paper sa sobrang… awe(?)
inisip ko nun, bat hindi ko kayang gawin yun? bat hindi ko kayang tuluyang ipagsigawan sa buong mundo na kaya kong maging kiss-ass para sa isang tao. na wala akong pakialam maski sabihin ng buong blog community na too-toot ako!
pero agad ko ring naisip, “e, sino ba naman kasi talaga yun taong kinababaliwan nito?”
siguro malala ang impeksyong nakuha nang batang nagsulat nun.
basta ako, kakanta na lang neto;
I was staring at the sky, just looking for a star
To pray on, or wish on, or something like that
I was having a sweet fix of a daydream of a boy
Whose reality I knew, was a hopeless to be had
But then the dove of hope began its downward slope
And I believed for a moment that, that my chances
Were approaching to be grabbed
But as it came down near, so did a weary tear
I thought it was a bird, but it was just a paper bag
Hunger hurts, and I want him so bad, oh it kills
‘Cause I know I’m a mess he don’t wanna clean up
I got to fold ’cause these hands are too shaky to hold
Hunger hurts, but starving works, when it costs too much to love
And I went crazy again today, looking for a strand to climb
Looking for a little hope
Baby said he couldn’t stay, wouldn’t put his lips to mine,
And a fail to kiss is a fail to cope
I said, ‘Honey, I don’t feel so good, don’t feel justified
Come on put a little love here in my void,’ he said
‘It’s all in your head,’ and I said, ‘So’s everything’
But he didn’t get it I thought he was a man
But he was just a little boy
Hunger hurts, and I want him so bad, oh it kills
‘Cause I know I’m a mess he don’t wanna clean up
I got to fold ’cause these hands are too shaky to hold
Hunger hurts, but starving works, when it costs too much to love
Hunger hurts, and I want him so bad, oh it kills
‘Cause I know I’m a mess he don’t wanna clean up
I got to fold ’cause these hands are too shaky to hold
Hunger hurts, but starving works, when it costs too much to love.
-paperbag
fiona apple
ayun lang. hehe.
finally
August 9, 2008
noong isang araw, kumain akong mag-isa sa may hawker malapit sa office namin. sobrang toxic kasi ni tin noon at napagdesisyunan niyang hindi siya kakain ng tanghalian.
pagdating ko dun sa hawker, marami nang tao. hindi na ako nagsave ng puwesto kasi naisip ko, mag-isa lang naman ako at madali nang maki-,”is this seat available,” sa mga tumpok, kaya pumila na ako sa bilihan ng ramen. pagkabili ko, may isang bakanteng mesa na naghihintay sa ‘kin. “panalo! makakain ako nang matiwasay,” sabi ko sa sarili ko. sanay kasi akong kumain mag-isa. maliit pa lang ako ginagawa ko na yun. nun nga kasing elementary ako wala akong friends (na-kwento ko na ba ‘to dati?). kuntento na ako na maglakad mag-isa papunta sa canteen, bumili ng ham and cheese flying saucer sandwich at strawberry shake at kainin yun habang naglalakad pabalik ng classroom araw-araw. tas pagdating ko sa classroom maglilinis ako kasi wala akong magawa, maski hindi ako ‘cleaners’ para sa araw na yun. pero anyway, ibang kwento na yun.
mabalik tayo sa pagkain mag-isa. may mga tao kasi na takot kumain mag-isa, i have nothing againts them. may nagsabi kasi sa akin na pag mag-isa daw kasi siyang kumakain, nako-conscious siya. parang tinitignan siya ng lahat ng nakapaligid sa kanya tas iniisip daw ng mga yun na, “bakit kaya mag-isa siya kumain? kawawa naman siya.” (teka, si rachel green ata ang nagsabi nun sa friends). feeling ko, kaya kaya kong kumain mag-isa ay dahil wala akong pakialam kung may nakatingin sa akin o wala habang sinesavor ko ang kung ano mang kinakain ko, kasi may mata rin naman ako para tignan sila. at ‘yun nga, nung isang araw napagtanto ko na ayun ‘yun. kaya ko kayang kumain mag-isa (o mag-isang gawin ang kung ano man maski kailan ko gusto) ay dahil yun ang ginagawa ko. inaaliw ko ang sarili ko sa pagtingin sa iba, sa mga nangyayari sa paligid ko.
nung kumain akong mag-isa sa hawker, isang nakakatuwang bagay ang nakita ko. diba nga kasi sobrang diverse ang kultura dito. iba-iba talaga ang lahing makakadaupang palad mo araw-araw. nung araw na yun, sa kalagitnaan ng pagkain ko ng ramen, may nakishare sa akin ng table. tatlong babaeng chinese-singaporean. pagkabili nila ng pagkain, nakita kong hindi chopsticks ang tangan ng dalawa sa kanila para sa pagkain, kundi kubiertos.
nakakatuwa silang panooring gumamit ng kubiertos kasi hindi sila sanay. naisip ko nun, “ano kaya ang itsura ko ngayong chopsticks ang gamit ko?” siyempre, marunong ako gumamit, pero hindi ako bihasa/sanay sa paggamit nun, kasi hindi naman ako lumaking ‘yun at ‘yun ang ginagamit sa pagkain araw-araw. yung isa naman sa kanila na chopsticks ang gamit, bago pa isubo ang noodles niya, inilalagay muna sa panandok ng sabaw (actually, marami akong nakitang ‘yun ang ginagawa). tinanong ko yung officemate ko kung bakit ganun (kasi diba tayo deretso na sa bibig), parang etiquette daw pala yun pag sa labas sila kumakain.
dahil dun, naisip ko, lahat pala ng tao dito ay nag-aadjust din lang . maski yung mga taga dito nang talaga. kasi, kailangan din nilang makipagsabayan sa ibang lahing bagong salta. kailangan din nilang pag-aralan ang kulturang dala naming mga dayuhan.
nakakatuwa. hindi ako nag-iisa.
———-
kagabi, magkakasama kami sa orchard (ang tagpuan ng mga pinoy) ni tin at carlo. pagkakain, naglakad kami papuntang somerset para mag-isang round. so siyempre pag may beer, may kwentuhan. sa pinapasukan namin ni tin na opisina ngayon nanggaling si ning kaya alam niya ang nangyayari dun. nung malapit na kaming umuwi, tinanong niya kami, “so kumusta naman kayo dito, i mean, yung buhay ninyo sa labas ng opisina?” at “nagsisisi ba kayo sa pagpunta nyo rito?”
isang buwan na ‘ko dito ngayon. si tin, isa’t kalahati. “hindi naman… “
sabi ni ning, talagang ganun lang sa simula kasi andami ngang pagbabago. maski saan naman siguro ganun.
buti na nga lang at may internet na ngayon, di katulad dati. ngayon, pag nag-online ka, makakausap mo na’ng lahat ang mga naiwan mong mahal sa buhay kaya keri na talaga maski malayo.
napunta rin kami sa usapan nang kung ano ang naidudulot ng pagpunta rito o pangingibang bayan in general; para sa iba, para matuto sa buhay; para naman sa iba, para hanapin ang mga sarili nila; para sa akin, ito ang bagong simula.
———-
sa tren pauwi kagabi, nagsimulang mag-loop ang kantang ito sa isip ko;
Here is a song from the wrong side of town
Where I’m bound to the ground by the loneliest sound
And it pounds from within and is pinning me downHere is a page from the emptiest stage
A cage or the heaviest cross ever made
A gauge of the deadliest trap ever laidAnd I thank you for bringing me here
For showing me home
For singing these tears
Finally I’ve found that I belong hereThe heat and the sickliest sweet smelling sheets
That cling to the backs of my knees and my feet
Well I’m drowning in time to a desperate beatAnd I thank you for bringing me here
For showing me home
For singing these tears
Finally I’ve found that I belongFeels like home
I should have known
From my first breathGod send the only true friend I call mine
Pretend that I’ll make amends the next time
Befriend the glorious end of the lineAnd I thank you for bringing me here
For showing me home
For singing these tears
Finally I’ve found that I belong here
-Home
Depeche Mode
HELLO! HELLO! HELLO! HELLO!!!
August 3, 2008
sino ba ito? sino ba ito? sino ba ako?
-radioactivesago project
———-
“kaunting araw na lang, at di ko na makikilala ang sarili ko.” yan ang pumasok sa isip ko noong isang araw habang naglalakad papuntang istasyon ng tren pauwi. gutom na gutom ako noon. gutom na gutom pagkat bahagya ko lang natapos ang pananghaliang binili ko sa tindahan ng mga mami. pagaling na ang lalamunan ko noon ngunit sadyang di pa rin tuluyang naghihilom ang sugat. noon ako nakaramdam ng matinding pagkadismaya sa pagpunta dito. wala pang isang buwan mula nang lisanin ko ang Pilipinas pero gusto ko nang umuwi. “pagod na ko,” kako. pagod na ako sa lahat ng pagbabagong pinagdadaanan ko. dahil unti-unti na akong binubura ng lahat ng nangyayari sa akin. habang nagtatagal ako dito, ang lahat sa kung sino ako at ano ako bago mapadpad dito ay unti-unting nabubura.
oo, totoong maskaaya-aya ang takbo ng buhay dito kung tutuusin. hindi miserable ang bawat sulok na madapuan ng paningin mo sa araw-araw. at tsaka hindi ka talaga magugutom (kung wala kang tonsilitis, na senyales ng pag-a-adjust sa pagbabago) dahil kayang-kaya mong bilhin ang lahat ng gusto mong kainin. masmadali ring abutin ang mga bagay na materyal na dati’y tinitignan mo lang sa labas ng display window, pero dahil hindi ako ang klase ng taong nakukuntento sa mga bagay na ganoon, sa gitna ng masayang ligalig ng komersyalismo, nanlulumo ako.
gaano kong kailangan baguhin ang sarili ko para lampasan ang lahat ng bahang kailangan kong lusungin? tama ba ang tinatahak kong landas na ‘to? gaano ka-buo ang pagkatao ko para lampasan ang pagsubok na ‘to? kaya ko bang talaga?
andami ko na namang tanong na tanging panahon lang ang makakasagot, pero hindi ako pwedeng maghintay nang nakatanga. hindi ito ang oras para sa pag-aalangan. hindi ito ang lugar kung saan pwede kang huminto’t mag-isip para timbangin ang lahat nang matagalan. dapat bira lang ng bira, bira lang ng bira. dahil dito, mabilis masyado ang oras… maiiwan ka pag huminto ka. dito, kailangan mabilis kang magsulat kung balak mong isama ang bahaging ito sa nobela ng buhay mo.
hindi ko alam kung nakapagbaon ako ng sapat na tinta, pero bahala na. hindi naman ako anemic sa mga panahong to. ngangatngatin ko na lang ang daliri ko pag naubusan ng panulat at ipansusulat ko ang sarili kong dugo pag dumating ang oras. ayan, ang drama ko na… nakakairita.
sa lunes, isang malaking pagbabago na naman ang kailangan kong panindigan, mababaw lang talaga kung tutuusin, pero isa na naman itong malaking kawalan sa pagkataong hinulma ko sa loob ng ilang taon para maging tunay na indibidwal. muli, kailangan kong magsuot ng takong (naaalala mo pa ba ang kwentong yon?) at sa pagkakataong ito, kailangan kong husayan ang pagkendeng habang naglalakad, pagkat dito nakasalalay ang lahat. ang lahat ng ikatutuwa ng kailangan kong pasayahin dito.
anak ng tokwa. bibili na lang ako ng Bengay para handa ako sa pagsalubong sa mga mamumutok kong ugat.
tama e!
August 1, 2008
All these varieties of speech are beautiful, just as the varieties of butterflies are beautiful. No matter what your first language, you should treasure it all your life.
-Kurt Vonnegut Jr.
dito ko nakuha.






