nagfifeeling
November 26, 2008
hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat ng sasabihin ko. bahala na kung kalat-kalat. palagay ko naman walang magrereklamo sa inyo dahil namiss ninyo ako, tama?
hayaan nyo na lang ako magfeeling. tutal, wala na rin naman kayong magagawa dahil ako ang diyos ng blog na ‘to.
*belat*
———-
hindi ako makapag-update kasi andami kong gustong sabihin, pero tinatamad akong ayusin ang flow. o diba, paulit-ulit na ko. kasi mahirap yun, e diba? lalo na kung marami kang iniintindi. tulad ng; “ano kayang makakain mamaya na masarap pero di singmahal?” o “darating ba ang panahong sasapat ang kinikita ko sa lahat ng pangangailangan ko?” o “hanggang kailan magiging walang kwenta ang lahat ng ginagawa ko?” o “anong gagawin ko sa putanginang buhay kong ‘to?!?!”
ikaw, kung paulit-ulit umiikot sa utak mo ang mga tanong na ganyan (hindi ko alam kung dahil sa Metroretrograde), makakapag-ayos ka ba ng thoughts? (kung “oo” ang sagot mo, ang tawag sa’yo: mayabang. haha!)
may nagsabi sa akin noong nakaraan na, ang pag-ayos ng flow ng thoughts, madali lang. hindi siya mayabang sa pagsabi nun, pero hindi rin ako naniniwalang henyo siya maiigi dahil mahusay siyang mag-ayos ng thoughts. siguro, wala lang masyadong laman ang isip niya. ang tanging naroon lang ay; pera, pera, pera. numbers, numbers, numbers. tapos.
———-
ilang beses umalingawngaw sa tenga ko noong nakaraan ang pahayag na, “clarity of thought. clarity of thought. clarity of thought is the key.” pero sadyang wala siguro ako noon ngayon.
paano ka magkakaroon nun kung paulit-ulit isinisiksik sa utak mong, “tanga ka”. maski pilitin mong bumira nang bumira at umikot sa mundo ng words, words, words, pagkasingliit at kasingpeste na ng langaw ang tingin mo sa sarili mo, wala ka nang bilang.
kung wala ka nang bilang, hindi ka na uugma kailanman sa taong ang laman lang ng isip ay; pera, pera, pera. numbers, numbers, numbers. tapos.
———-
hanggang diyan na lang ang drama sa entryng ito. ayoko masampal ni ning
———-
nung nakaraan, nag-ym ako. nakausap ko ang 2 kaibigan. yung isa nagkajowa, yung isa naman, nawalan.
mahirap palang makipag-usap nang sabay sa 2 taong nasa magkabilang mukha ng barya, ano. medyo nakakaschizo. kasi andaming chika tas extreme ends.
sabi nga ng APO, “ganyan talaga ang buhay.”
———-
nagbirthday nga pala ako! ito siguro ang kaarawang di ko malilimutan, dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga taong mahalaga sa akin. parang masmaraming naka-alala sa ‘kin nitong taon, siguro dahil wala ako sa paningin nila. masmaraming nagpaiyak. leche kayong lahat!
HAHAHA!
salamat sa lahat ng bati via net, sa tawag, sa pizza, sa Puccini Opera, at sa sinindihang kandila sa Quiapo.
pakshet late 20’s na lola nyo. kalowka! pero kebs, dahil hindi pa naman halata (o, sabi nang hayaan ninyong magfeeling kasi wala naman kayong magagawa, e.)
———-
marami pa kong gustong sabihin, pero sa susunod na.
gutom na ko e. bibitinin ko muna kayo.
(feeling talaga, ampotah, ano!)
sa ngayon, ito dapat.
November 19, 2008
You don’t have to think about difficult things, just soak it all in.
- Kafka on the Shore
Haruki Murakami
pɐʇʞıןɐq
November 11, 2008
buga
November 4, 2008
kailangan ko nang tigilan ang paninigarilyo. dahil sa bawat pagsindi ng bagong stick, unti-unting nasusunog ang baga’t bulsa ko. ngunit sadyang di ko ‘to maiwasan ─ siguro dahil hindi ako sanay sa pagbubuntong-hininga; hindi ako sanay na marinig ng iba ang aking pagbubuntong-hininga, kaya’t isinasabay ko na lang ‘yon sa bawat pagbuga. phew… at ang mundo’y bahagya nang masmagaang.
