iyakan na!

January 3, 2009

nitong nakaraang holidays, ilang beses akong nagpabalik-balik dito.  gusto kong magsulat, pero sa ‘twing naririto na ‘ko napapatanga na lang ako sa cursor. blink blink blink.

natatakot akong magkwento.

natatakot akong isa-isahin ang lahat ng mga bagay na nasa utak ko.

ilang beses ko nang sinubukan na gumawa ng kung anu-anong topics, para lang alam kong tirahin ang gusto kong isulat; a. anong natutuhan ko sa nakalipas na taon, b. paano ko sinalubong ang Pasko, c. paano kung gumawa akong ng new years resolution for the very first time? pero wala.  ayaw lumabas.

hindi ko kasi talaga gustong isulat ang mga yun, dahil wala naman talagang kwenta (not that may kwenta tong sinusulat ko ngayon, a.)  pero sadyang hindi talaga siguro ako ganun magsulat.  kailangan, basta lang (hahaha!) parang lagi akong may hinihintay na musa (o halimaw na deadline) para makatae ng salita.  sorry naman sa kababuyan (pero kung dati ka nang napapadpad dito, alam mo na naman sigurong balahura ako).  ayun.

ngayon, napagtanto kong kaya hindi ako makapagsulat, e dahil ayokong umiyak. o, hindi ako nega, a.  hindi ko sinasalubong ng bad vibes ang bagong taon.  emo lang talaga ‘ko.

———-

so bat naman ako iiyak?

kasi Pasko.  pag Pasko, lagi akong naglilimi at malala yun ngayon dahil malayo ako sa lahat ng mahal ko.

ilang araw bago magPasko, nakatanggap ako ng email mula sa bunso namin.  sabi niya, “huy, ngayon lang tayo hindi magkasama ng Pasko, a. hu hu!  miss na kita”.

o diba, nakakaloka.  kasi hindi naman kami ganun magkakapatid.  for the past 10 years (or more) kasi, laging kaming dalawang mag-utol ang magkasama ng Pasko.  lagi kaming alone together sa bahay (kasama ng mga multo) kasi umuuwi ng Tarlac si ‘ti Kate kasama ang mag-anak niya, tas si Mama Bagong Taon umuuwi, tas si Daddy patay na (haha! talagang sinabi pa.  pero siyempre nung buhay yun nandun sa una).  ayun, so kaming dalawa nga lang lagi, mula nung ewan ko na kung kailan.

ipinagluluto ko siya ng mediocre cheesy spaghetti, tas bumibili kami ng hamon, sopdrinks, ice cream at kung ano pang trip namin lafangin.  swabe na yun kasi dalawa lang naman kami.  swabe na yun kasi wala na kong alam na ibang lutuin.  swabe na yun basta magkasama kami (ayan potah naluluha na ko. haha!) tas nung medyo umiinom na kami, bumibili na rin kami ng beer.  umiinom kami sa garahe pagkakain, tas kwentuhan, tas pag antok na tulog na.  ganun ka-simple.  Merry Christmas na yun!  buti may asawa na siya ngayon, maski wala ako dun, hindi siya nag-iisa pero sa totoo lang ngayong taon, siya ang pinaka-namiss ko sa lahat ng taong kilala ko sa buong mundo.

waaaaaahhhh!!!

———-

nung mismong araw ng Pasko, inimbita ako ng bestfriend ko nung HS na sa kanila mag-Noche Buena.  so pumunta ko sa Bukit Batok.  inampon ako ng pamilya nila Love :)   nagkainan, tawanan at nakatanggap din ako ng regalo mula kay Santa.  dapat dun ako matutulog, pero biglang sumakit ang pantog ko.  pinilit kong pauwiin nila ako.

“bat ka uuwi e wala kang kasama dun?” ika nila.  kako, gusto ko lang maghihilata/magtutuwad ng todo kung kinakailangan kasi nga may masakit sa akin.  pero noong pauwi, narealise ko na: may bahagi talaga ng pagkatao kong nagpupumilit at gustong mapag-isa noong gabing yun.

———-

e gaga ka pala, e.  bat gusto mo mag-isa tas iyak-iyak ka?

dahil hindi ako sanay ng iniintindi ng iba.  hindi ako sanay ng tinutulungan.  nalulunod ako sa ‘care’ na binibigay sa akin.  kailan ko pang mag-adjust sa bago kong buhay.

———-

anyway,  Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

tatanggapin ko ang bansag na iyakin, dahil hindi naman ako naiiyak sa lungkot/pagkabigo (promise.  hindi ko kayang iyakan ang kawalan.  i’m crazy that way), bagkus lagi akong napapaluha dahil sa pagka-touch. hahaha!

salamat sa lahat ng taong tumulong sa akin sa paglampas sa nagdaang taon na puno ng pagbabago, pagsubok at tagumpay! :D wee!!!

sana’y natulungan ko rin kayo in a way (although di ko talaga sure kasi windangers ako forever last year).

winiwish kong, sana maging masmasaya at puno ng biyaya ang bagong taon para sa ating lahat para pag-uwi ko, mag-iyakan tayong magkakaharap :D