cannot lah

February 23, 2009

for the past few weeks, i’ve been getting invitations to dinners, gigs, coffee breaks, walks around the city, meriendas (shet, i missed love’s macaroni salad!) and so many other things, but i cannot lah.

i do want to see some of these people.  i did not intend to be mailap.  i do want to chat and catch up, but i guess, we all just have to wait.  wala pa kasi akong karapatan…

i will see you guys… in time.  let’s spend one on one’s maybe after March, or April.

———-

this has been on gino’s site for quite some time now, but it’s when i saw it again earlier that i couldn’t help but laugh.

quote

the quote pare, the quote (upper left hand).

———

ayun lang.

eto ‘yun, e.

February 20, 2009

All the effort in the world won’t matter if you’re not inspired.

- CHUCK PALAHNIUK, Diary

i totally agree

February 20, 2009

woah1

ay fuck!

February 18, 2009

i forgot.

two years old na pala si diwangLaya resurrected!!!

hahahaha.

belated HAPPY BIRTHDAY BLOG! :)

happy-2nd-birthday

oo, big deal. wag ka mangelam.

hahaha!

chos lang.

mula nang matuto akong magbus dito, hindi na ko nagtren.  nagtetren na lang ako kapag kailangan kong magpaload ng ezlink (ezlink yung card na ginagamit para sa pamasahe.  wala kasing kundoktor na nangongolekta ng bayad dito. tinatap lang ang ezlink card tuwing sasakay at bababa ng bus/tuwing papasok o lalabas ng train station).  minsan nga, dumadaan na lang ako ng stasyon pero bumabalik ako sa kalye para magbus pa rin, kasi bus din naman ang sasakyan papunta sa mismong ibaba ng flat namin. isa pa, maskumportable talagang magbus kasi nakakaupo ako.  kaya ngayon, medyo mahaba-haba pa rin ang biyahe ko papunta’t pauwi mula sa opisina.

madalas, may mga kumakausap sa akin sa bus.  madalas, matatandang babae ang mga kumakausap sa ‘kin sa bus (kasi hindi rin naman ako makikipag-usap sa matatandang lalaki o maski anong edad na lalaki in general dahil nauuwi lang sa pagkakaharass ko ang ganon.  oo, madalas akong ma-bastos. putangina nilang lahat. haha!)  hindi ko alam kung bakit laging may biglang chumichika sa akin.  halos araw-araw ganon.  seryoso.

siguro dahil kapag may nakatinginan ako, nginingitian ko.  hindi ako nagpapakyut, ha.  aminado kasi akong mukha akong kupal/antipatika/witch atbp., kaya para naman hindi matakot sa akin ang mga manang o bata (oo rin, mahilig ako sa bata), nginingitian ko sila kapag nakakatinginan ko.  sabi naman ni ning, kaya daw ganon kasi ang aura ko daw ay magaan.  kasi daw “kindred spirit” ako (hahaha! hippie galore!)  ewan ko, pero siguro nga mukha akong mabait or something (OR SOMETHING?!!).

kaninang umaga, sa itaas na bahagi ako ng 197 na double decker nakaupo.  tahimik ang biyahe ko habang binabaybay ng bus ang Victoria Ave., kasi paglampas ng Bugis kaunti na lang ang sakay ng bus service na yun.  pero pagdating sa Lavander, may umakyat na matandang babae.

nagulat ako noong umupo siya sa katapat kong upuan kasi pabagsak siyang umupo.  may sinabi siya in Chinese, at dahil hindi ko naman naintindihan ngumiti na lang ako.  maya-maya kinausap niya ko, at dahil nag-i-instik pa rin siya, kako, “sorry, but i don’t understand.”  ngumiti siya at tumahimik.

maya-maya uli, kinausap na naman niya ko.  ngumiti ako at muling sinabi na hindi ko siya naiintindihan, tumigil uli siya, pero siguro may urge talaga siyang magkwento kasi ilang segundo lang ang nakalipas kinausap na naman niya ‘ko.  hindi na siya tumigil.  nakangiti siya so alam kong hindi siya galit, o hindi niya ko pinapagalitan, minumura o kung ano man (minsan kasi may mga matatandang ganon.  namamagalit nang wala lang) so dahil mukhang masaya naman ang sinasabi niya ngumiti na lang ako.

pinipilit kong intindihin ang sinasabi niya sa pamamagitan ng mga mata niya, ng itinuturo ng kamay niya, ng tono ng sinasabi niya.  nung simula, itinapat niya ang palad niya sa dibdib niya.  siguro sinasabi niya, “ok lang na hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko.  hayaan mo lang akong ilabas ang nasa dibdib ko.”  maya-maya kumanta siya.  hindi ko napigilang mapangiti lalo.  habang kumakanta winawasiwas pa niya ang kamay na kanina niyang itinapat sa kanyang dibdib.  sunod, itinuro niya ang mga gusaling nadaan namin.  bahagya kong nahuli ang salitang “Geylang”. nasa may Geylang na nga kami ng mga yun.  siguro ikinikwento niya kung paano siyang nagpaalam sa anak o apo niya para magpunta ng Geylang.  tapos itinuro niya ang bag at sapatos niya.  baka bago ang mga yun.  o sa areang iyon niya nabili ang mga yon.  ngiti lang ako ng ngiti habang nagkukwento siya.  maya-maya, itinuro niya ang bibig ko tas may sinabi siya tas biglang humalakhak.  sabi siguro niya, “bakit ngumingiti ka lang.  dapat tumawa ka ng ganito, hahaha!”  nahiya naman akong tumawa.  hindi ko kasi alam kung paano tutugon.  mamaya hindi pala yun ang ibig niyang sabihin diba.

mga 15 minutes mula nang sumakay si auntie, huminto na ang bus isang stop bago ang bababaan ko.  pinindot ko na ang buzzer.  nginitian ko si auntie na huminto naman sa pagkukwento’t ngumiti rin.  “auntie, i’ll go ahead, ah” kako.  may sinabi siya at muli nasa may dibdib niya ang kanyang kamay.  tumatango-tango siya habang naglalakad ako papunta sa hagdan pababa.

sana nga gumaang ang pakiramdam niya, kung iyon nga yung sinabi niyang dahilan ng pagkukwento niya nung una.  sana rin, hindi ako masyadong nagmukhang tanga sa aleng nasa may likuran namin (na hindi man lang nagbother na magtranslate maski narinig naman niyang ilang ulit akong nagsabi “i don’t understand!” haha!) hay…

kebla.

waaaahhh!!!

February 17, 2009

was stumbling upon then i got here and saw this;

waaah

nakakaloka!

almost made me cry.

hahahaha!!!

:)

sige na nga…

February 16, 2009

dahil balentimes naman nung Sabado, sige na nga, aaminin ko na.  meron akong bagong crush! :D

grabe kasi ang gwapo gwapo niya!!! promise.

tuwing nakikita ko siya napapatigil ako sa kung ano mang ginagawa ko.  seryoso.  may ganung factor talaga siya.  may time pa ngang kumakain ako at literal na nagfreeze ako nung nakita ko siya. as in nagstop mid-subo ang kamay ko.  buti hindi natapon yung kanin at ulam sa kutsara.   hee hee!!! :blush:

o ready na ba kayong makilala siya?

promise?

o tapos nito walang asaran a. hee hee!

SHET!!! KINIKILIG NA KO!!!

waaaaahhhh!!! hahahahaha!!!

eto siya…

)

Hello PM Abhisit Vejjajiva!!! :)

ang pogi talaga ng Prime Minister ng Thailand!!! hay…  buti na lang halos gabi-gabi siyang nasa Channel News Asia :D

o yan a.  wala na kong secret. hahaha!

———-

nung Saberday pala, dahil may sakit ang aking mga friendlalus, hindi kami nakalabas.  sa pagkakatanda ko, dapat pupunta kami sa Philatelic Museum nun kasi may panalong exhibit dun ngayon, pero ayun nga.  so nagstay kami sa kanya-kanya naming hawla/lungga.  sa susunod na lang.

nung gabi, napanood ko to sa okto;

paris_je_t__aime1

ang ganda ng film.  sabi sa Wikipedia, “This two-hour film consists of eighteen short films set in different arrondissements. The 21 directors include Gurinder Chadha, Sylvain Chomet, Joel and Ethan Coen, Gerard Depardieu, Wes Craven, Alfonso Cuarón, Nobuhiro Suwa, Alexander Payne, Tom Tykwer, Walter Salles and Gus Van Sant.

here’s the trailer

ang galing-galing.  favorite kong  short yung Tour Eiffel. nakakatuwa.  lalo na yung part na nagtagpo na yung dalawang mime :)   really made me smile and all warm inside (o, hindi bastos a… tamang carebears warm naman ang isipin nyo. talaga o! hahaha!!!)

———-

kagabi naman, may Okto Oscar night film something.  ang palabas e yung Away From Her (dapat ganun magsulat ng title?).

romantic chu rin ang film na ‘to but it made me realise how bitter i am. hahahaha!

yung story kasi, may mag-asawang maghihiwalay for the first time in 44 years kasi nadiagnose yung wife with Alzheimer’s. kinailangan siyang ma-institutionalise.  tas yung husband sobrang inlove na inlove sa wife niya as in ayaw niyang iwan doon (kasi pagka-admit 30 days hindi pwedeng bisitahin.  rehab? haha).  tas nung pwede na siyang dumalaw finally, he discovered that his wife was fond of another guy na alagain.  and his wife doesn’t remember him.  so yun everytime na dadalaw siya, more masokista trip lang ang dating.  so one day tinanong nya si Fiona (yung wife niya) why she’s so fond of Aubrey (the alagain guy), she said that Aubrey doesn’t confuse her.

“He doesn’t confuse me.  He doesn’t confuse me at all.”

e dumating sa point na kailangang umalis ni Aubrey sa home kasi wala nang pambayad sa home yung wife nya (na si Mary).   tas etong hero husband (main character, Grant) pumunta sa house ni Aubrey to convince the wife, Mary, to bring him back to the home para bumalik sa dating sigla si Fiona.  weh…  ayun, naging bullshit na siya para sa ‘kin kasi, “Hello!!! wala namang lalaking ganon no!!!”

hindi ko na tinapos ang panonood kasi gabi na at may pasok pa today. hahaha!  ayan, tinatamad na ko.

———-

aba.  andami ko na rin palang nai-blog, ano.

ayan :)

I’m not in love

February 16, 2009

o.  para lang kiligin ang aking intrigera friends.

hahahahaha!!!

:lol:

———-

I’m not in love
So don’t forget
It’s just a silly phase I’m going through
And just because I call you up
Don’t get me wrong
Don’t think you’ve got it made
I’m not in love
Oh no
It’s because

I’d like to see you
But then again
It doesn’t mean you mean that much to me
So if I call you
Don’t make a fuss
Don’t tell your friends about the two of us
I’m in love
Oh no
It’s because

(Be quiet…big boys don’t cry…)

I keep your picture
Upon the wall
It hides a nasty stain that’s lying there
So don’t you ask me
To give it back
I know you know it doesn’t mean that much to me
I’m not in love
No no
It’s because

Ooh, you’ll wait a long time for me
Ooh, you’ll wait a long time
(repeat)

I’m not in love
So don’t forget
It’s just a silly phase I’m going through
And just because I call you up
Don’t get me wrong
Don’t think you’ve got it made
I’m not in love
I’m not in love

———-

ano, masaya na?

haha!

it’s sad…

February 13, 2009

when things are gone even before you had them, because you let them slip away.

———-

cognitive dissonance is that you?

super random shit

February 13, 2009

the problem with writing for a living is that you never really get to write.

of course that’s cliche, so everyone agrees.  correct or not?

———-

madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e.  puta tsong, gusto ko nang kumita!”

but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!” :D

———-

i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was.  so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).

and yes, i am that old and ulyanin!

———-

i know.  i express myself better in Filipino.  but who reads this anyway? :lol:

may sasagot.  si chelly! hahahaha.

———-

i’m on my 7th month here in SG.  i haven’t gone home.  i never thought i’d last this long without seeing my family.    especially nina.

yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her.  i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much.  nakoo, dalaginding na din siya!!!  shet.

anyway, i realised that she’s my favorite and yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!).  maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little.  and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)

:( i miss ninay.

———-

connected to the previous section (haha!)

it’s only when i got here that i realised;

- how much i love everyone i care for back home.  *yakap*

- how OC i am.  i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise.  i can’t keep still until i see things ‘clean’,

- i am an addict.  i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga).  i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back.  min of 335mL/day.  tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness).  i don’t have f*cking discipline.

- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).

- i really love walking aimlessly in urban jungles.  i do.  i really really do.  and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into.  even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.

———-

anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).

i hope in time, i’d find a job that i can love in this city.  i hope i’d find a ‘fuentes’ here.

seriously.

“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!” :)

hahaha.

———-

ano pa ba?

ahh!!!

2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.  :( kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.

i hope you both get well soon.  at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!

*hugs to you both*

-chabellita