sige na nga…
February 16, 2009
dahil balentimes naman nung Sabado, sige na nga, aaminin ko na. meron akong bagong crush!
grabe kasi ang gwapo gwapo niya!!! promise.
tuwing nakikita ko siya napapatigil ako sa kung ano mang ginagawa ko. seryoso. may ganung factor talaga siya. may time pa ngang kumakain ako at literal na nagfreeze ako nung nakita ko siya. as in nagstop mid-subo ang kamay ko. buti hindi natapon yung kanin at ulam sa kutsara. hee hee!!! :blush:
o ready na ba kayong makilala siya?
promise?
o tapos nito walang asaran a. hee hee!
SHET!!! KINIKILIG NA KO!!!
waaaaahhhh!!! hahahahaha!!!
eto siya…

Hello PM Abhisit Vejjajiva!!!
ang pogi talaga ng Prime Minister ng Thailand!!! hay… buti na lang halos gabi-gabi siyang nasa Channel News Asia
o yan a. wala na kong secret. hahaha!
———-
nung Saberday pala, dahil may sakit ang aking mga friendlalus, hindi kami nakalabas. sa pagkakatanda ko, dapat pupunta kami sa Philatelic Museum nun kasi may panalong exhibit dun ngayon, pero ayun nga. so nagstay kami sa kanya-kanya naming hawla/lungga. sa susunod na lang.
nung gabi, napanood ko to sa okto;

ang ganda ng film. sabi sa Wikipedia, “This two-hour film consists of eighteen short films set in different arrondissements. The 21 directors include Gurinder Chadha, Sylvain Chomet, Joel and Ethan Coen, Gerard Depardieu, Wes Craven, Alfonso Cuarón, Nobuhiro Suwa, Alexander Payne, Tom Tykwer, Walter Salles and Gus Van Sant.
here’s the trailer
ang galing-galing. favorite kong short yung Tour Eiffel. nakakatuwa. lalo na yung part na nagtagpo na yung dalawang mime
really made me smile and all warm inside (o, hindi bastos a… tamang carebears warm naman ang isipin nyo. talaga o! hahaha!!!)
———-
kagabi naman, may Okto Oscar night film something. ang palabas e yung Away From Her (dapat ganun magsulat ng title?).
romantic chu rin ang film na ‘to but it made me realise how bitter i am. hahahaha!
yung story kasi, may mag-asawang maghihiwalay for the first time in 44 years kasi nadiagnose yung wife with Alzheimer’s. kinailangan siyang ma-institutionalise. tas yung husband sobrang inlove na inlove sa wife niya as in ayaw niyang iwan doon (kasi pagka-admit 30 days hindi pwedeng bisitahin. rehab? haha). tas nung pwede na siyang dumalaw finally, he discovered that his wife was fond of another guy na alagain. and his wife doesn’t remember him. so yun everytime na dadalaw siya, more masokista trip lang ang dating. so one day tinanong nya si Fiona (yung wife niya) why she’s so fond of Aubrey (the alagain guy), she said that Aubrey doesn’t confuse her.
“He doesn’t confuse me. He doesn’t confuse me at all.”
e dumating sa point na kailangang umalis ni Aubrey sa home kasi wala nang pambayad sa home yung wife nya (na si Mary). tas etong hero husband (main character, Grant) pumunta sa house ni Aubrey to convince the wife, Mary, to bring him back to the home para bumalik sa dating sigla si Fiona. weh… ayun, naging bullshit na siya para sa ‘kin kasi, “Hello!!! wala namang lalaking ganon no!!!”
hindi ko na tinapos ang panonood kasi gabi na at may pasok pa today. hahaha! ayan, tinatamad na ko.
———-
aba. andami ko na rin palang nai-blog, ano.
ayan

February 16, 2009 at 4:28 pm
grabe, swak na swak ang pagkaka-describe mo kung pano humihinto ang mundo mo every time nakikita mo ang crush mo. parang yung dati nung andito ka pa: bigla na lang may titili sa likod ko habang sinasabi, “Shet, basahin mo bagong entry nya! Shet ang galing nya talaga!” o kaya “OMG! Nasa toot-toot sya kagabi!” At pag nakikita mo naman ng harap-harapan: “Shet si AM nagyoyosi mag-isa sa baba!” o kaya “OMG! May Facebook si AM!” hahaha. ang galing. halos di kita namimiss dahil pinaalala mo sa akin kung gaano ka nakakatuwa tuwing may crush ka.
Napansin ko lang itong si PM ng Thailand ay kamukha ni… secret. Hahaha.
February 16, 2009 at 4:34 pm
@chelly: isa lang ang masasabi ko…
PUNYETA KA!!!
biro lang.
ganun talaga, masaya talaga ako magkacrush kasi mababaw lang naman ako, e. hahahaahah!!! masaya na sa kilig. so there.
at sino namang kamukha ni PM Abhisit? anu ba, siya ang caramel Mari Kaimo, pero HOT! hahahaha!
February 16, 2009 at 4:49 pm
may kamukha sya. basta. secret. ang hilig mo pala sa mga… kulay caramel. hahaha. siguro pag nalaman mong magaling ding mag-toot-toot tong si PM, maiinlove ka na. hahaha. gaya kay toot-toot. hahaha. basta.
February 16, 2009 at 4:54 pm
hahahaha!!! oo, mahilg ako sa kulay caramel. bwahahahaha!!! kasi…
teka, anong magaling din sa toot-toot? HUY!!! wag kang maglagay ng images sa utak ko!!! hahahahaha. mahusay chumika tong si PM. very charming
basta ang pogi nya shet!
February 16, 2009 at 5:38 pm
patula ba sya chumika? hahaha.
February 16, 2009 at 5:48 pm
ay. hindi naman. hahaha!
TAE MO CHELLITA!
February 16, 2009 at 5:50 pm
HAHAHAHA! ang saya-saya talagang mag-comment dito!
February 16, 2009 at 5:56 pm
mmm…
sige na nga. masaya ko’t napasaya kita maski pa, pakshet ka, parang hindi na ko makakauwi ng Pilipinas sa lahat ng kahihiyang binibigay mo sa ‘ken. leche.
hahahaha!