10 wishes for the day
July 1, 2009
1. sana maagang dumating ang amo ko para maaga niyang mabigay ang sweldo, para makabili na ko ng yosi (ilang oras na lang, mangangatog na ko). isa pa, kung maaga siya at feel nya palang dumaldal nang walang humpay, maaga din siyang matatapos.
2. sana makaalis ako dito ng ala-siete impunto
3. sana hindi ako maligaw (sa paghahanap ng Niven Road) mamaya.
4. sana hindi ako kabahan
5. sana hindi ako ma-tanga
6. sana biglang bumalik ang self-confidence ko para performance level ang arrive (haha!)
7. sana ito na… para may konkretong hinaharap na ko bago matapos ang linggo
8. sana may matanggap akong mga good news bago matapos ang araw
9. sana walang magka-swine flu sa ni isa sa amin sa bahay, dahil i can’t afford to get sick, mah.
10. hmm… tama na muna sa akin ang 9 ngayon, sa’yo na ang wish na ‘to, repa

July 2, 2009 at 12:28 pm
natutunan ko dati na pag magdadasal ka daw o nagwi-wish ka, wag mo daw sasabihin yung “sana.” pag may gusto ka, diretcho daw dapat. halimbawa, sabihin mo na, “di ako matatanga mamaya sa interview.” ganon daw yun. kumbaga concrete na, positive ka na, na ito ang mangyayari dahil napicture mo na sya sa mind mo. again, the law of attraction. the secret. hahaha.
July 2, 2009 at 12:41 pm
ay ganun? parang ang weird naman kasi nun. pag wish kasi diba hiling? hinihingi. it’s something you hope for. pag wala kasing ’sana’, parang command. e sino ba naman ako para magcommand sa Diyos o Universe, diba?
yung law of attraction ata is just keeping that positive vibe and focus on your objective. kasi, sa totoo lang ha, masisiraan ka ng ulo pag pinaniwala mo ang sarili mong, “makakapulot ako ng $10 mamaya,” or “akin na tong trabaho na ‘to, ito na yun. eto na!!!” or “Mamaya, may makakasalubong akong guwapo’t mabangong Japanese photographer habang naglalakad papuntang bus stop sa gilid ng Raffles Hotel. Magkakabanggaan kami ng braso, pero imbis na mairita, mapapangiti kaming dalawa. Bukas, magigising akong masaya,”
diba? DIBA?!! maloloka ka. hahahahahaha.
July 2, 2009 at 8:25 pm
shine lang ng shine chelot–kilala mo na siguro kung sino ako. Hahahaha.
July 3, 2009 at 10:38 am
at bakit iba na naman ang alyas mo?! hahaha!
tama, magSHINE tayong lahat. YAY!