ang totoo…
July 30, 2009
marami akong gustong ikwento, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo.
emo.
magdadraft ako ng something mamayang gabi, kapag hindi ako makatulog… kapag hindi ako pagod na pagod. ewan ko ba. nitong mga nakaraan kasi parang patang-pata ako pagdating ng hapon. antok na antok ako sa bus papuntang China Town mula Geylang. Laging napapatulala sa bus stop sa kanto ng Upper Cross St. at New Bridge Rd. i-google map mo ang mga nasabi kong lugar para makita mo kung nasaan ako mamayang 745-815pm. baka may live cam. nakablue jeans at beige top ako. nakatingin sa malayo.
basta. bahala na kung kelan ko maila-lathala dito. baka sa lunes, late next week, o hindi ever. malay mo, malay ko, malay nating lahat…
teka, nandiyan ka pa ba?
