decisions, decisions…

June 19, 2009

i’m facing yet another mind-boggling crossroad and i’m only given the weekend to think things through :neutral:

i’m in dire need of an enlightened decision, and so aside from just driving myself crazy weighing pro’s and con’s, i’m consulting sensible & trustworthy friends. i’m also browsing the web for “signs” and horoscopes (BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! “what’s with Scorpio’s and horoscopes,” sabi nga ng team mate ko sa CVG dati).

anyway, my one and only colleague saw me reading my horoscope today. she just smiled. she’s a free thinker, and has claimed countless of times that she doesn’t believe in anything (luck, religion, etc.)

“I have no one to pray to for money,” she jests.

so when i asked her earlier if she never, even once, looked into her horoscope, she said, “No. I don’t believe in things like that. I only believe in opportunity.”

Oha! Good point! Di naman pala siya blur lagi :D

———-

also, she doesn’t want me to get sick or mad at G. Baba.  “I will be lonely lah…” :)

sweet.

for the past few weeks i’ve been imagining insects.

sa may Raffles Hotel nung Friday akala ko may ipis/moth sa ulo ko, so nagmukha akong timang nung bigla kong pinagpag nang nakayuko yung ulo ko tas wala naman.  tas napatayo ako after a few minutes kasi kala ko nasa paa ko na yung insekto, pero matapos magstomp-stomp, wala naman. crap.

nung Saturday night naman, parang may lamok sa paanan ko, sa ilalim ng kumot.  kinakamot ko na nga yung binti ko kasi feeling ko may mga kagat na ko.  pero wala akong mga pantal at nung binuksan ko yung side table lamp wala naman.  tsaka imposible yun, kasi paano magkakalamok sa 18th floor, aber?  saan sila manggagaling?  tsaka lagi namang malinis ang hawlalu namin.

schizophrenia is that you?

minsan din, akala ko may gumagapang na something sa binti ko, pero siguro  developing varicose veins lang yun. haha!

lekat na mga insekto yan. invisible?!!

blend.

———-

ang lakas ng ulan  at wala na naman akong ginagawa.

inaantok na ko.  kailangan kong maging creative asap!

kailangan kong mag-imbento ng task!!!  hahahahaha.

pagpapanggap.

blend.

———-

i’m trying to be positive.

mula ngayon, ang iisipin ko na lang ay puro positive.

sweldo na sa isang araw :)

maaga akong makakauwi pag hindi naglitanya si ginoong baba mamaya :)

may mga naipadala akong bagong applications kanina :)

may tatawag/mag-e-email na sa ‘king matino, panalo at bonggang-bonggang kumpanya bukas ng umaga. wee!  bonggang-bongga!!! :)

for the past few weeks, maraming nagsasabi sa ‘kin na subukang maniwala sa law of attraction.

law of attraction is they key daw.

tutal, nasisiraan na naman ata ako ng ulo (remember the first part of this entry), why not try it.

law of attraction is they key! wee!!! wee!!!

———-

ba’t ako positive, positive, positive?

dahil may nakita akong chameleon kaninang umaga!

wee!!!

it’s a sign :D

ang saya.

———-

at hindi malabo yun.

kasi, kinantahan ako ng chameleon kanina.  sabi niya, “pagmasdan mo lang ako.  tignan mo, tignan mo.  tignan mo kung paano ‘tong ginagawa ko, tignan mo!!!

blenddddd… blendddd… blenddd….

Just blend with the environment and you’ll survive.

blend.”

:(

March 27, 2009

hay buhay,

putangina talaga.

ayoko na.  hindi ko na kaya.  tama na please.

blur sotong

March 26, 2009

ayan.  nagpalit na naman ako ng theme.  hahahaha!!!  wala kasing widget yung isa e.  kainis.  di ako sanay.  kailangan ko pa pumunta sa baba para lang masightsung ang stuff (stuffs, sabi ng mga engot. hoy, bago kayo magpublish ng entry/status/sagot sa kinginang ’survey’, notes, tests, etc., check nyo dictionary nyo.  walang salitang ’stuffs’!!! hahahahahaha).

hay, this neverending theme change reminds me of the neverending story of my project here at work. hahahaha!!!  lolo mo blur sotong, e (nakuha ko lang yang bagong singlish na yan kay joan… hello, joan, na ka-ym ko ngayon! hahahaha). aiyaaaaa talaga!

eto na naman.  gusto na agad baguhin, kakalaunch pa lang.  wala talaga!!! ^%$^&%#^%!!!

———-

oh shit! by the way, i published a new page here in dlr.  coverletters.  check nyo na lang :D

huy!!! alam mo,

March 26, 2009

kausap ko si chelly kahapon.  more himutok sa earth, more fun na naman kasi ako.  wala. ganun talaga ko minsan.  kadalasan.  pagkatapos namin mag-usap, medyo nahulasan naman ako.

eto yung pag-uusap namin.  tinanggal ko na yung ibang parte kasi praying tips na yun, e.  PRAYING TIPS TALAGA?!! bwahahahaha. o.

chelot_belan (3/25/2009 5:46:38 PM): ano bang mali saken chelly?
chelot_belan (3/25/2009 5:46:46 PM): mabait naman ako diba?
chelot_belan (3/25/2009 5:46:52 PM): bat lagi akong hirap sa buhay?
rochelle andal (3/25/2009 5:47:20 PM): ang lalim ng tanong mo ah
chelot_belan (3/25/2009 5:47:24 PM): bat yung mga makasarili, sila yung hindi hirap?
chelot_belan (3/25/2009 5:47:30 PM): iniisip ko kasi yun e
chelot_belan (3/25/2009 5:47:38 PM): kung anong mali sa ginagawa ko
rochelle andal (3/25/2009 5:47:43 PM): para mo na ding tinanong sa kin kung bakit pinako sa krus si Jesus
chelot_belan (3/25/2009 5:48:02 PM): PANALO!!!
chelot_belan (3/25/2009 5:48:06 PM): NATAWA KO DUN A

rochelle andal (3/25/2009 5:52:33 PM): alam mo di ko alam kung anong mali sa yo o sa ginagawa mo
rochelle andal (3/25/2009 5:52:49 PM): basta somehow, ang mundong ito punung-puno ng injustice
rochelle andal (3/25/2009 5:52:51 PM): hahahaha
chelot_belan (3/25/2009 5:52:57 PM): hahahahahahahahaahahaha

chelot_belan (3/25/2009 5:53:05 PM): gusto ko nang iblog ang conversation natin

rochelle andal (3/25/2009 5:53:10 PM): hindi ata totoo yung pag mabait ka, good karma
rochelle andal (3/25/2009 5:53:14 PM): sige i-blog mo
chelot_belan (3/25/2009 5:53:14 PM): napapaLOL ako dito
chelot_belan (3/25/2009 5:53:15 PM): shet
rochelle andal (3/25/2009 5:53:18 PM): lalo na yung Jesus
chelot_belan (3/25/2009 5:53:22 PM): korek
rochelle andal (3/25/2009 5:53:25 PM): alam kong sumaya ka dun
chelot_belan (3/25/2009 5:53:26 PM): naloka ako
rochelle andal (3/25/2009 5:53:32 PM): kasi nakakatawa naman ang tanong mo
chelot_belan (3/25/2009 5:53:42 PM): hindi ako nagpapatawa nun
rochelle andal (3/25/2009 5:53:59 PM): kaya alam mo ako, minsan naiisip ko wag masyado maging mabait
chelot_belan (3/25/2009 5:54:19 PM): natetempt na nga ko maging selfish e
chelot_belan (3/25/2009 5:54:21 PM): promise
rochelle andal (3/25/2009 5:54:26 PM): kasi nag-aantay lang ako ng magandang kapalit na di naman dumadating
rochelle andal (3/25/2009 5:54:34 PM): parang totoo yung sinasabi nila eh
chelot_belan (3/25/2009 5:54:40 PM): kaso, i just cant do it
rochelle andal (3/25/2009 5:54:51 PM): pwede mong gawin yun

rochelle andal (3/25/2009 6:21:23 PM): wag ka mag-isip
rochelle andal (3/25/2009 6:21:35 PM): yang problema hayaan mong mamublema sa yo
rochelle andal (3/25/2009 6:21:42 PM): there’s nothing wrong with u
rochelle andal (3/25/2009 6:21:54 PM): the world is what’s wrong hahaha
chelot_belan (3/25/2009 6:22:09 PM): hahah
rochelle andal (3/25/2009 6:22:17 PM): magyosi ka na ulit
rochelle andal (3/25/2009 6:22:24 PM): kung gusto mong wag mabuang

ikaw, malulugmok ka pa ba sa kalungkutan kung ganito ka-siraulo ang mga kaibigan mo?

oo?

grabe naman ang pagka-bleak ng tingin mo sa buhay mo! whooo!!! taas ang kamay ko sa’yo.

———-

huy!!! alam mo, miss na kita…

maging sino ka man.

BWAHAHAHAHAHAHA!

———-

btw, hindi na ko nag-uunan sa uluhan mula nung lumipat kami sa shala house.  nadiskubre ko kasing pag di ako nag-uunan di sumasakit ang likod ko sa umaga (maghapon). kaya yun, yung unan ko, niyayakap ko na lang.

masarap naman siyang kayakap in fair, pero minsan, naisip ko, habang naglalakad aimlessly around the city; pag nakakita ako ng random “hello, baby!” guy, bigla ko na lang siyang yayakapin.  siyempre magugulat siya, kaya pagkatapos ko siyang i-hug/embrace (haha), sasabihin kong, “i’m sorry, but i had to do it. it’s just that, i’ve forgotten how it feels like– to be in someone’s arms.”

HAHAHAHHAAHHAHA!!!

OMG! natatakot na ko sa sarili ko. hahahahahaha.

———-

pero seryoso.  miss na kita…

pera.

heee!

ang tagal ng sweldo!!! #%$@#%$@$#@%$!!!

shet shet shet!
———-

mmm…

“keep walking”
———-
10:05 PM
Ika-12 Marso 2009

Sinusulat ko ‘to ngayon sa may dining table. Sinusulat ko ‘to sa papel. Matagal na kong hindi nagsusulat sa papel. Nitong mga nagdaang buwan kasi, panay tala ng “to do’s”, “to buy’s”, at “debts” (oo, marami akong utang) na lang ang naisusulat ko sa papel. Puwera na lang kung patulog na ‘ko’t biglang may naisip na ayaw kong malimutan kinaumagahan.

Mula ngayon, gagawan ko ng oras ang pagsusulat na gamit ang papel at lapis, para masmalinaw kong maipahayag ang nilalaman ng isip ko. Para makapag-isip ako habang nagsusulat. Matagal ko na ring hindi nagagawa ‘to.

Nasa harap ko ngayon ang mga susi ko, isang kahang Marlboro, lighter, telepono, at isang lata ng Heineken (na noong isang linggo pa ko tinatawag). Para na uli akong nasa kwarto ko sa Pacita.
———-
Mula noong isang linggo (Martes), nagsimula akong maglakad pauwi mula Outram.  Inaabot ng 30-45 minuto ang paglalakad ko gabi-gabi. Noong unang gabing ginawa ko yun, di ko akalain na kakayanin kong umabot sa bahay, dahil sa kalagitnaan ng paglalakad, napagtanto ko kung gaano ngang kalayo ang starting at finish line ng pinili kong ruta. “Bakit ba hindi na lang ako sa baba ng Henderson Bridge nagsimula?” Pero nakaya ko naman. Kaya ko pa palang maglakad. Sabi ko nga kay Chellita, “Araw-araw ko rin naman tong ginagawa dati.” Pero noon kasi, 15-20 minutes lang yun sa umaga at ganoon din katagal sa gabi at sa mall ang daan. Ngayon, literal na kalye ang binabaybay ko.

Maraming liko, ma-puno, at may mga drainage na umuuga’t umiinda pag na-mali ka ng tapak. Pero, masarap ang simoy ng hangin sa gabi. Masarap pakinggan ang huni ng mga kuliglig sa paligid. Masarap ang pakiramdam ng tumutulong butil-butil ng pawis sa likuran matapos ang maghapong pagkakabilad sa nakatodong aircon ng opisina. Masarap pakinggan ang monolog sa utak ko habang naglalakad sa katahimikan ng Lower Delta Road.
———-
Dalawang lingo bago masira ang TV namin, napanood ko ‘to;

sweettapioca

Nakakatuwa siyang pelikula. Simple lang. Nakakakilig (HAHAHAHA!!!) Tsaka nakakatuwa kasi Michelle Chong (yung bidang babae).

Sa sequence kung san pinakita ang first date ni Ah Fong (leading man) at Chio (sino pa ba?), kinuwento ni Ah Fong kung bat siya malungkot nung una silang nagkakilala ni Chio. Kamamatay lang pala kasi ng tatay niya, tas siya yung nag-alaga dun mula nang magkasakit. Para na rin daw siyang namatay nung nawala ang tatay nya. Sabi sa kanya ni Chio(parang ganito lang a kasi di ko naman minemorize at di ko ma-search ang script. Hehe), “Have you ever experienced walking in new shoes, and it hurts after a while walking? Ah Fong, the shoes will only feel comfortable when you keep walking in it. So just keep walking.”
———-
Mabalik tayo dun sa paglalakad ko. Dahil ganoon kahaba ang pagbibrisk walk ko gabi-gabi, andami nang bansag ang nabigay sa kin;

- Adik
- Baliw
- OA

“Bakit mo ginagawa yan sa sarili mo,” tanong ni Love.

Maganda sanang sagot ang, “dahil gusto ko lang,” pero ang totoo, naglalakad ako dahil umabot na ko sa 57 kgs.
———-
Umabot na siguro ako sa timbang na ‘to noon. Imposibleng hindi sa hilig kong lumamon. Haha! Pero ewan ko ba… ngayon, pakiramdam ko, sobrang taba, pangit at dungis ko.

At ayoko na ng ganito.

Kailangan kong baguhin ang takbo ng pag-iisip na ‘to.

Bukas, babangon ako ng masmaaga. Pipili ako ng matinong ‘outfit’, magpupulbo at dadayo sa Esplanade para manood ng tugtugan.

Maraming paraan para maging masaya, at gagawin ko ang mga yon mula ngayon.
———-
Malapit nang i-launch ang neverending story ng project namin sa opis.

Sa wakas!

Update: Hindi ako nag-ayos nung Biyernes. Pumasok pa rin akong nakaT-shirt, pantaloon at tsinelas. Pagkatapos ng maghapon, pwede pa ring pagprintuhan ng itlog ang mukha ko, pero dumayo pa rin ako ng Esplanade :)

super random shit

February 13, 2009

the problem with writing for a living is that you never really get to write.

of course that’s cliche, so everyone agrees.  correct or not?

———-

madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e.  puta tsong, gusto ko nang kumita!”

but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!” :D

———-

i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was.  so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).

and yes, i am that old and ulyanin!

———-

i know.  i express myself better in Filipino.  but who reads this anyway? :lol:

may sasagot.  si chelly! hahahaha.

———-

i’m on my 7th month here in SG.  i haven’t gone home.  i never thought i’d last this long without seeing my family.    especially nina.

yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her.  i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much.  nakoo, dalaginding na din siya!!!  shet.

anyway, i realised that she’s my favorite and yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!).  maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little.  and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)

:( i miss ninay.

———-

connected to the previous section (haha!)

it’s only when i got here that i realised;

- how much i love everyone i care for back home.  *yakap*

- how OC i am.  i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise.  i can’t keep still until i see things ‘clean’,

- i am an addict.  i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga).  i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back.  min of 335mL/day.  tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness).  i don’t have f*cking discipline.

- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).

- i really love walking aimlessly in urban jungles.  i do.  i really really do.  and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into.  even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.

———-

anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).

i hope in time, i’d find a job that i can love in this city.  i hope i’d find a ‘fuentes’ here.

seriously.

“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!” :)

hahaha.

———-

ano pa ba?

ahh!!!

2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.  :( kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.

i hope you both get well soon.  at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!

*hugs to you both*

-chabellita

nagfifeeling

November 26, 2008

hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat ng sasabihin ko.  bahala na kung kalat-kalat.  palagay ko naman walang magrereklamo sa inyo dahil namiss ninyo ako, tama?

hayaan nyo na lang ako magfeeling.  tutal, wala na rin naman kayong magagawa dahil ako ang diyos ng blog na ‘to.

*belat*

———-

hindi ako makapag-update kasi andami kong gustong sabihin, pero tinatamad akong ayusin ang flow.  o diba, paulit-ulit na ko.  kasi mahirap yun, e diba?  lalo na kung marami kang iniintindi.  tulad ng; “ano kayang makakain mamaya na masarap pero di singmahal?” o “darating ba ang panahong sasapat ang kinikita ko sa lahat ng pangangailangan ko?” o “hanggang kailan magiging walang kwenta ang lahat ng ginagawa ko?” o “anong gagawin ko sa putanginang buhay kong ‘to?!?!”

ikaw, kung paulit-ulit umiikot sa utak mo ang mga tanong na ganyan (hindi ko alam kung dahil sa Metroretrograde), makakapag-ayos ka ba ng thoughts? (kung “oo” ang sagot mo, ang tawag sa’yo: mayabang. haha!)

may nagsabi sa akin noong nakaraan na, ang pag-ayos ng flow ng thoughts, madali lang.  hindi siya mayabang sa pagsabi nun, pero hindi rin ako naniniwalang henyo siya maiigi dahil mahusay siyang mag-ayos ng thoughts.  siguro, wala  lang masyadong laman ang isip niya.  ang tanging naroon lang ay; pera, pera, pera.  numbers, numbers, numbers.  tapos.

———-

ilang beses umalingawngaw sa tenga ko noong nakaraan ang pahayag na, “clarity of thought.  clarity of thought.  clarity of thought is the key.” pero sadyang wala siguro ako noon ngayon.

paano ka magkakaroon nun kung paulit-ulit isinisiksik sa utak mong, “tanga ka”. maski pilitin mong bumira nang bumira at umikot sa mundo ng words, words, words, pagkasingliit at kasingpeste na ng langaw ang tingin mo sa sarili mo, wala ka nang bilang.

kung wala ka nang bilang, hindi ka na uugma kailanman sa taong ang laman lang ng isip ay; pera, pera, pera. numbers, numbers, numbers.  tapos.

———-

hanggang diyan na lang ang drama sa entryng ito.  ayoko masampal ni ning :lol:

———-

nung nakaraan, nag-ym ako.  nakausap ko ang 2 kaibigan.  yung isa nagkajowa, yung isa naman, nawalan.

mahirap palang makipag-usap nang sabay sa 2 taong nasa magkabilang mukha ng barya, ano.  medyo nakakaschizo.  kasi andaming chika tas extreme ends.

sabi nga ng APO, “ganyan talaga ang buhay.”

———-

nagbirthday nga pala ako!  ito siguro ang kaarawang di ko malilimutan, dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga taong mahalaga sa akin. parang masmaraming naka-alala sa ‘kin nitong taon, siguro dahil wala ako sa paningin nila.  masmaraming nagpaiyak.  leche kayong lahat!

HAHAHA! :lol:

salamat sa lahat ng bati via net, sa  tawag, sa pizza, sa Puccini Opera, at sa sinindihang kandila sa Quiapo.

pakshet late 20’s na lola nyo.  kalowka!  pero kebs, dahil hindi pa naman halata (o, sabi nang hayaan ninyong magfeeling kasi wala naman kayong magagawa, e.)

———-

marami pa kong gustong sabihin, pero sa susunod na.

gutom na ko e.  bibitinin ko muna kayo.

(feeling talaga, ampotah, ano!)

simpleng buhay…

October 11, 2008

ay kay ganda

mayroong ngiti, mayroong… blah-blah… and so on.

di ko na alam, e.  sorry naman!

———-

maraming nangyari sa akin itong linggong ‘to.  pramis!  pero malamang sa inyo din, lahat naman tayo may hinaharap na kung ano araw-araw, diba?

teka, ano kamo, walang nangyari sa’yo?  sus, seyoso?!  sigurado ka?!?!

aba, ayos!

ang tanong; ano ka, sofa?

———-

nabanggit ko na sa mga entry ko nung nakaraan na nailipat ako ng pwesto dito sa opis.  nung lunes ata nangyari yun, pagbalik nila chief mula sa mainland.  ayos lang…  hindi na ko under ‘observation’ minu-minuto… or, ganun pa rin pero hindi na yung malansang nilalang ang magsasight nang magsasight sa monitor ko.

basta, ngayon, kung gusto kong marinig ang ingay ng kalsada at huni ng mga birds, magagawa ko.  may regular tree-top view rin at paminsan-minsan, naghahabulang ibon.

kere change!

———-

ilang linggo na kaming naghahanap ng lilipatan na haybol kasi majoyo ang tinitirhan namin sa opis.  araw-araw tatayo ka sa tren ng tamang 30-45 minutes at pag di ka rin nakaupo sa bus, tamang 10-15 minutes din yun.  tapos, pag nagka-ayaan pa lumabas, badtrip, kasi nakikipaghabulan kami sa tren.  bukod sa layo, nawalan ako ng shorts, $10 , at bra sa tirahan ko ngayon.  tama yung nabasa mo… bra.  tangina diba!  as in may kumuha sa kwarto.  yung roomate ko naman, nawalan ng t-shirt.

anyway, we found the perfect house last wednesday.  ang ganda talaga pramis!!! sobrang panalo.  tamang ma-di-dream state ka pag nandun ka.  very clean, relaxing, super nice fittings, etc. etc. tas panalo din yung rent. “so go, go na!!!  dp na!  dito na tayo,” ika namin.  feel na feel na namin talaga…   the lights… fixtures… the buddha’s and all.  kinabukasan, pagkacompute namin ng lahat-lahat, na-realise namin na medyo hindi pala kaya ang paunang bayad. nakakadream state nga kasi yung bahay.

pero kebs!  we’re moving in next weekend.  so for the next few months, we’ll be living in THE perfect house… but will be fucking broke.  at sa kaso ko, in deep shit mehn… deep shit!

———-

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  bakit!

———-

hindi ko naiintindihan kung bakit may mga taong sadyang manlalamang.  ewan ko kung bakit may mga ganon.  hindi ko nagegets yung mga nagtitipid tas hihingi ng side dish mo.  hindi ko nagegets yung hindi kakain tapos pag may nakitang pagkain ng ibang tao, patay gutom.  hindi ko nagegets yung mga hindi nakakagets na pag inalok ka ng pagkain, hindi ibig sabihin iyo na yun.  hindi kaya sila nahihiya?  hindi ko nagegets yung mga taong nagsasuggest na pahigain mo yung bisita mo sa sahig at pabaluktutin mo na lang para magkasya sa maliit na kwarto… na dun ka na lang sa maliit na kwarto kasi mahirap ka… kasi hindi mo pa kaya.  hindi ko talaga nagegets yung mga taong masmarunong pa sa’yo sa kung anong gusto mo

di ko rin talaga gets ang pangpeperwisyo sa iba nang sadya, e… ako kasi, hindi ko iniintend mamerwisyo.  kung nagkagayon man, alam ko pag nakakaperwisyo ako, inaamin ko yun.  higit sa lahat, humihingi ako ng tawad sa nahahassel ko.  hindi ko sila sinasubject sa masnakakairitang pa-tanga facial expressions.

ngayon, iniisip ko kung tanga lang talaga yung mga taong gusto manlamang tas iniisip nila na hindi nagegets nung gusto nilang lamangan yung motibo nila.  ay baka hindi pala sila tanga, ano?  baka tarantado lang talaga.

dapat sa mga taong ganito, pinapatapon sa isa sa islands ng hundred islands.  dapat mag-isa lang siya dun. hindi bagay sa kaniya ang makihalubilo sa iba.  ok, wag naman tayong masyadong ‘bad’ sa kaniya… kawawa naman.  sige, para maging masaya siya, ok lang sigurong ibigay natin sa kaniya lahat ng perang gusto niya, damit, pagkain at gadget bago tayo umalis, pero, pero, pero! hindi sila pwedeng iwanan ng cellphone, beeper, o ano pa man na magkokonekta sa kanila sa ibang tao sa maski anong lupalop ng mundo.  wag rin mag-iwan ng bangka, putulin ang lahat ng kawayan o punong kahoy na pwede nilang gawing pantawid sa karagatan, at siguraduhing wala silang lighter na ipanggagawa ng apoy.  tama diba?   tama.  tama lang na mabulok sila dun kasama ng mga materyal nilang ari-arian.

wag rin iwanan ng pets.  they don’t deserve even an animal to talk to.  kawawa naman yung hayop, kasi manhid ang mga taong ganito… sarili lang nila ang iniisip nila.

hindi ko rin pala nagegets kung bakit mayroon akong undying desire to help people like this “change” or become “better” people.  bakit ba andami-dami kong faith sa ibang tao?  bakit ba ang tanga-tanga ko.  ayan, lagi tuloy ako hirap na kumawala sa kapit ng mga hindi makatayo sa sarili nilang paa.

pakingshet!  kelan ka ba matuto?

basta, sana bumigay siya! :lol:

———-

muli,

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  BAKIT!!!

Hipon: ok.  Even if the company is still undergoing changes, we cannot say that “They’re taking the shape of…”

Ako: ok.

Hipon: It’s like, you know… everyone talks about this girl, who’s not really pretty-lah, but they all say she gets prettier and prettier everyday.

Gusto ko sanang humirit ng,

“Ok… are you referring to me?”

:lol:

feeling.