10 wishes for the day

July 1, 2009

1.  sana maagang dumating ang amo ko para maaga niyang mabigay ang sweldo, para makabili na ko ng yosi (ilang oras na lang, mangangatog na ko).  isa pa, kung maaga siya at feel nya palang dumaldal nang walang humpay, maaga din siyang matatapos.

2.  sana makaalis ako dito ng ala-siete impunto

3.  sana hindi ako maligaw (sa paghahanap ng Niven Road) mamaya.

4.  sana hindi ako kabahan

5.  sana hindi ako ma-tanga

6.  sana biglang bumalik ang self-confidence ko para performance level ang arrive  (haha!)

7. sana ito na… para may konkretong hinaharap na ko bago matapos ang linggo

8. sana may matanggap akong mga good news bago matapos ang araw

9.  sana walang magka-swine flu sa ni isa sa amin sa bahay, dahil i can’t afford to get sick, mah.

10. hmm… tama na muna sa akin ang 9 ngayon, sa’yo na ang wish na ‘to, repa :)

for the past few weeks i’ve been imagining insects.

sa may Raffles Hotel nung Friday akala ko may ipis/moth sa ulo ko, so nagmukha akong timang nung bigla kong pinagpag nang nakayuko yung ulo ko tas wala naman.  tas napatayo ako after a few minutes kasi kala ko nasa paa ko na yung insekto, pero matapos magstomp-stomp, wala naman. crap.

nung Saturday night naman, parang may lamok sa paanan ko, sa ilalim ng kumot.  kinakamot ko na nga yung binti ko kasi feeling ko may mga kagat na ko.  pero wala akong mga pantal at nung binuksan ko yung side table lamp wala naman.  tsaka imposible yun, kasi paano magkakalamok sa 18th floor, aber?  saan sila manggagaling?  tsaka lagi namang malinis ang hawlalu namin.

schizophrenia is that you?

minsan din, akala ko may gumagapang na something sa binti ko, pero siguro  developing varicose veins lang yun. haha!

lekat na mga insekto yan. invisible?!!

blend.

———-

ang lakas ng ulan  at wala na naman akong ginagawa.

inaantok na ko.  kailangan kong maging creative asap!

kailangan kong mag-imbento ng task!!!  hahahahaha.

pagpapanggap.

blend.

———-

i’m trying to be positive.

mula ngayon, ang iisipin ko na lang ay puro positive.

sweldo na sa isang araw :)

maaga akong makakauwi pag hindi naglitanya si ginoong baba mamaya :)

may mga naipadala akong bagong applications kanina :)

may tatawag/mag-e-email na sa ‘king matino, panalo at bonggang-bonggang kumpanya bukas ng umaga. wee!  bonggang-bongga!!! :)

for the past few weeks, maraming nagsasabi sa ‘kin na subukang maniwala sa law of attraction.

law of attraction is they key daw.

tutal, nasisiraan na naman ata ako ng ulo (remember the first part of this entry), why not try it.

law of attraction is they key! wee!!! wee!!!

———-

ba’t ako positive, positive, positive?

dahil may nakita akong chameleon kaninang umaga!

wee!!!

it’s a sign :D

ang saya.

———-

at hindi malabo yun.

kasi, kinantahan ako ng chameleon kanina.  sabi niya, “pagmasdan mo lang ako.  tignan mo, tignan mo.  tignan mo kung paano ‘tong ginagawa ko, tignan mo!!!

blenddddd… blendddd… blenddd….

Just blend with the environment and you’ll survive.

blend.”

mula nang matuto akong magbus dito, hindi na ko nagtren.  nagtetren na lang ako kapag kailangan kong magpaload ng ezlink (ezlink yung card na ginagamit para sa pamasahe.  wala kasing kundoktor na nangongolekta ng bayad dito. tinatap lang ang ezlink card tuwing sasakay at bababa ng bus/tuwing papasok o lalabas ng train station).  minsan nga, dumadaan na lang ako ng stasyon pero bumabalik ako sa kalye para magbus pa rin, kasi bus din naman ang sasakyan papunta sa mismong ibaba ng flat namin. isa pa, maskumportable talagang magbus kasi nakakaupo ako.  kaya ngayon, medyo mahaba-haba pa rin ang biyahe ko papunta’t pauwi mula sa opisina.

madalas, may mga kumakausap sa akin sa bus.  madalas, matatandang babae ang mga kumakausap sa ‘kin sa bus (kasi hindi rin naman ako makikipag-usap sa matatandang lalaki o maski anong edad na lalaki in general dahil nauuwi lang sa pagkakaharass ko ang ganon.  oo, madalas akong ma-bastos. putangina nilang lahat. haha!)  hindi ko alam kung bakit laging may biglang chumichika sa akin.  halos araw-araw ganon.  seryoso.

siguro dahil kapag may nakatinginan ako, nginingitian ko.  hindi ako nagpapakyut, ha.  aminado kasi akong mukha akong kupal/antipatika/witch atbp., kaya para naman hindi matakot sa akin ang mga manang o bata (oo rin, mahilig ako sa bata), nginingitian ko sila kapag nakakatinginan ko.  sabi naman ni ning, kaya daw ganon kasi ang aura ko daw ay magaan.  kasi daw “kindred spirit” ako (hahaha! hippie galore!)  ewan ko, pero siguro nga mukha akong mabait or something (OR SOMETHING?!!).

kaninang umaga, sa itaas na bahagi ako ng 197 na double decker nakaupo.  tahimik ang biyahe ko habang binabaybay ng bus ang Victoria Ave., kasi paglampas ng Bugis kaunti na lang ang sakay ng bus service na yun.  pero pagdating sa Lavander, may umakyat na matandang babae.

nagulat ako noong umupo siya sa katapat kong upuan kasi pabagsak siyang umupo.  may sinabi siya in Chinese, at dahil hindi ko naman naintindihan ngumiti na lang ako.  maya-maya kinausap niya ko, at dahil nag-i-instik pa rin siya, kako, “sorry, but i don’t understand.”  ngumiti siya at tumahimik.

maya-maya uli, kinausap na naman niya ko.  ngumiti ako at muling sinabi na hindi ko siya naiintindihan, tumigil uli siya, pero siguro may urge talaga siyang magkwento kasi ilang segundo lang ang nakalipas kinausap na naman niya ‘ko.  hindi na siya tumigil.  nakangiti siya so alam kong hindi siya galit, o hindi niya ko pinapagalitan, minumura o kung ano man (minsan kasi may mga matatandang ganon.  namamagalit nang wala lang) so dahil mukhang masaya naman ang sinasabi niya ngumiti na lang ako.

pinipilit kong intindihin ang sinasabi niya sa pamamagitan ng mga mata niya, ng itinuturo ng kamay niya, ng tono ng sinasabi niya.  nung simula, itinapat niya ang palad niya sa dibdib niya.  siguro sinasabi niya, “ok lang na hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko.  hayaan mo lang akong ilabas ang nasa dibdib ko.”  maya-maya kumanta siya.  hindi ko napigilang mapangiti lalo.  habang kumakanta winawasiwas pa niya ang kamay na kanina niyang itinapat sa kanyang dibdib.  sunod, itinuro niya ang mga gusaling nadaan namin.  bahagya kong nahuli ang salitang “Geylang”. nasa may Geylang na nga kami ng mga yun.  siguro ikinikwento niya kung paano siyang nagpaalam sa anak o apo niya para magpunta ng Geylang.  tapos itinuro niya ang bag at sapatos niya.  baka bago ang mga yun.  o sa areang iyon niya nabili ang mga yon.  ngiti lang ako ng ngiti habang nagkukwento siya.  maya-maya, itinuro niya ang bibig ko tas may sinabi siya tas biglang humalakhak.  sabi siguro niya, “bakit ngumingiti ka lang.  dapat tumawa ka ng ganito, hahaha!”  nahiya naman akong tumawa.  hindi ko kasi alam kung paano tutugon.  mamaya hindi pala yun ang ibig niyang sabihin diba.

mga 15 minutes mula nang sumakay si auntie, huminto na ang bus isang stop bago ang bababaan ko.  pinindot ko na ang buzzer.  nginitian ko si auntie na huminto naman sa pagkukwento’t ngumiti rin.  “auntie, i’ll go ahead, ah” kako.  may sinabi siya at muli nasa may dibdib niya ang kanyang kamay.  tumatango-tango siya habang naglalakad ako papunta sa hagdan pababa.

sana nga gumaang ang pakiramdam niya, kung iyon nga yung sinabi niyang dahilan ng pagkukwento niya nung una.  sana rin, hindi ako masyadong nagmukhang tanga sa aleng nasa may likuran namin (na hindi man lang nagbother na magtranslate maski narinig naman niyang ilang ulit akong nagsabi “i don’t understand!” haha!) hay…

kebla.

super random shit

February 13, 2009

the problem with writing for a living is that you never really get to write.

of course that’s cliche, so everyone agrees.  correct or not?

———-

madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e.  puta tsong, gusto ko nang kumita!”

but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!” :D

———-

i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was.  so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).

and yes, i am that old and ulyanin!

———-

i know.  i express myself better in Filipino.  but who reads this anyway? :lol:

may sasagot.  si chelly! hahahaha.

———-

i’m on my 7th month here in SG.  i haven’t gone home.  i never thought i’d last this long without seeing my family.    especially nina.

yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her.  i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much.  nakoo, dalaginding na din siya!!!  shet.

anyway, i realised that she’s my favorite and yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!).  maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little.  and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)

:( i miss ninay.

———-

connected to the previous section (haha!)

it’s only when i got here that i realised;

- how much i love everyone i care for back home.  *yakap*

- how OC i am.  i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise.  i can’t keep still until i see things ‘clean’,

- i am an addict.  i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga).  i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back.  min of 335mL/day.  tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness).  i don’t have f*cking discipline.

- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).

- i really love walking aimlessly in urban jungles.  i do.  i really really do.  and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into.  even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.

———-

anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).

i hope in time, i’d find a job that i can love in this city.  i hope i’d find a ‘fuentes’ here.

seriously.

“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!” :)

hahaha.

———-

ano pa ba?

ahh!!!

2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.  :( kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.

i hope you both get well soon.  at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!

*hugs to you both*

-chabellita

iyakan na!

January 3, 2009

nitong nakaraang holidays, ilang beses akong nagpabalik-balik dito.  gusto kong magsulat, pero sa ‘twing naririto na ‘ko napapatanga na lang ako sa cursor. blink blink blink.

natatakot akong magkwento.

natatakot akong isa-isahin ang lahat ng mga bagay na nasa utak ko.

ilang beses ko nang sinubukan na gumawa ng kung anu-anong topics, para lang alam kong tirahin ang gusto kong isulat; a. anong natutuhan ko sa nakalipas na taon, b. paano ko sinalubong ang Pasko, c. paano kung gumawa akong ng new years resolution for the very first time? pero wala.  ayaw lumabas.

hindi ko kasi talaga gustong isulat ang mga yun, dahil wala naman talagang kwenta (not that may kwenta tong sinusulat ko ngayon, a.)  pero sadyang hindi talaga siguro ako ganun magsulat.  kailangan, basta lang (hahaha!) parang lagi akong may hinihintay na musa (o halimaw na deadline) para makatae ng salita.  sorry naman sa kababuyan (pero kung dati ka nang napapadpad dito, alam mo na naman sigurong balahura ako).  ayun.

ngayon, napagtanto kong kaya hindi ako makapagsulat, e dahil ayokong umiyak. o, hindi ako nega, a.  hindi ko sinasalubong ng bad vibes ang bagong taon.  emo lang talaga ‘ko.

———-

so bat naman ako iiyak?

kasi Pasko.  pag Pasko, lagi akong naglilimi at malala yun ngayon dahil malayo ako sa lahat ng mahal ko.

ilang araw bago magPasko, nakatanggap ako ng email mula sa bunso namin.  sabi niya, “huy, ngayon lang tayo hindi magkasama ng Pasko, a. hu hu!  miss na kita”.

o diba, nakakaloka.  kasi hindi naman kami ganun magkakapatid.  for the past 10 years (or more) kasi, laging kaming dalawang mag-utol ang magkasama ng Pasko.  lagi kaming alone together sa bahay (kasama ng mga multo) kasi umuuwi ng Tarlac si ‘ti Kate kasama ang mag-anak niya, tas si Mama Bagong Taon umuuwi, tas si Daddy patay na (haha! talagang sinabi pa.  pero siyempre nung buhay yun nandun sa una).  ayun, so kaming dalawa nga lang lagi, mula nung ewan ko na kung kailan.

ipinagluluto ko siya ng mediocre cheesy spaghetti, tas bumibili kami ng hamon, sopdrinks, ice cream at kung ano pang trip namin lafangin.  swabe na yun kasi dalawa lang naman kami.  swabe na yun kasi wala na kong alam na ibang lutuin.  swabe na yun basta magkasama kami (ayan potah naluluha na ko. haha!) tas nung medyo umiinom na kami, bumibili na rin kami ng beer.  umiinom kami sa garahe pagkakain, tas kwentuhan, tas pag antok na tulog na.  ganun ka-simple.  Merry Christmas na yun!  buti may asawa na siya ngayon, maski wala ako dun, hindi siya nag-iisa pero sa totoo lang ngayong taon, siya ang pinaka-namiss ko sa lahat ng taong kilala ko sa buong mundo.

waaaaaahhhh!!!

———-

nung mismong araw ng Pasko, inimbita ako ng bestfriend ko nung HS na sa kanila mag-Noche Buena.  so pumunta ko sa Bukit Batok.  inampon ako ng pamilya nila Love :)   nagkainan, tawanan at nakatanggap din ako ng regalo mula kay Santa.  dapat dun ako matutulog, pero biglang sumakit ang pantog ko.  pinilit kong pauwiin nila ako.

“bat ka uuwi e wala kang kasama dun?” ika nila.  kako, gusto ko lang maghihilata/magtutuwad ng todo kung kinakailangan kasi nga may masakit sa akin.  pero noong pauwi, narealise ko na: may bahagi talaga ng pagkatao kong nagpupumilit at gustong mapag-isa noong gabing yun.

———-

e gaga ka pala, e.  bat gusto mo mag-isa tas iyak-iyak ka?

dahil hindi ako sanay ng iniintindi ng iba.  hindi ako sanay ng tinutulungan.  nalulunod ako sa ‘care’ na binibigay sa akin.  kailan ko pang mag-adjust sa bago kong buhay.

———-

anyway,  Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

tatanggapin ko ang bansag na iyakin, dahil hindi naman ako naiiyak sa lungkot/pagkabigo (promise.  hindi ko kayang iyakan ang kawalan.  i’m crazy that way), bagkus lagi akong napapaluha dahil sa pagka-touch. hahaha!

salamat sa lahat ng taong tumulong sa akin sa paglampas sa nagdaang taon na puno ng pagbabago, pagsubok at tagumpay! :D wee!!!

sana’y natulungan ko rin kayo in a way (although di ko talaga sure kasi windangers ako forever last year).

winiwish kong, sana maging masmasaya at puno ng biyaya ang bagong taon para sa ating lahat para pag-uwi ko, mag-iyakan tayong magkakaharap :D

Astig Siya talaga!!!

December 12, 2008

anak nang!  iba na naman ang itsura ng wordpress.  ngayon na lang uli ako nakapunta dito, e.  nagulat ako, pagkasign-in ko, kala ko naligaw na ko. ang dami-daming box at kung anu-anong ka-lekatan. hay… 

hindi ko alam kung mahihimay ko pa nang husto ang bagong pakulo na ‘to.  kainis.  baka katamaran ko na to, a.  hindi na kasi siya mukhang user friendly.  nai-intimidate ako sa itsura ng interface (yan, iniimbento ko na yung mga tawag kasi hindi ko talaga alam kung anong tawag dun e. haha) 

pero ganito yan, “website ka lang, tao ako.  hindi mo ko kaya!”  eto ngang pinagdaanan ko nitong dalawang linggong nakaraan e higit na nakakaloka, nalampasan ko, eto pa kaya?

sus, sisiw!  sisiw ka wordpress.

———-

so anyway, hindi ko na isishare sa blogosphere ang pinagdaanan kong nakakaloka na nabanggit ko sa taas.  ang mahalaga, alam ng mga taong malapit sa akin yun at tinulungan nila ako sa kanya-kanya nilang paraan.  MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT! :)

pero, eto ang gusto kong i-share.

Sunday School Song:

Oo!  Mahal ako ng nanay ko.
Oo! Mahal ako ng tatay ko,
Pero may higit na nagmamahal
sa akin…

Mahal ako ni Hesus!
Mahal ako ni Hesus!

Tinuro sa amin yan ni Dawn Marie the baby nung High School, isang hapon, habang nagbebreak nung gumagawa kami ng cheer para sa intersection chorva namin.  Para lang malinaw, hindi po ako cheerleader nun (baka kasi iniisip ninyong ang feeling ko naman mag-claim na cheerleader ako).  Ako lang yung gumawa ng cheer, kasi hindi naman ako cheerleader material dahil: A. ako si chabelita, noon, ngayon, at magpakailanman B. hindi ako maputi, makinis.  Hindi ako maganda sa conventional standards ng karamihang utaw. haha! at C. poor balance and hand-eye coordination.  But that’s another story.  Ang gusto ko lang talagang sabihin ay…

Grabe, ang galing-galing talaga ni Lord!!! Astig!  Astig talaga.  Astig si Hesus!  Astig Siya talaga!!! At hindi lang ako ang nagsasabi nun, marami pang iba at kabilang na riyan si Gary Granada at si J.D. Salinger. weeha!

Kaya, isa pang Sunday School Song: 

Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you!

si Jackylyn Chan naman ang nagturo sa klase namin niyan nung Grade 2 ako.  oo, seryoso, may kaklase ako noon na Jackylyn Chan ang pangalan (pero di ko na alam kung nasan na siya ngayon).  yun lang.

muli, salamat Po!

———-

Hayawn! 

Gusto ko lang malaman ninyong hindi pa ko nasiraan ng bait (fine.  nang tuluyan) at nakakafunction pa naman ako.  At naniniwala akong, i never did it alone…  Salamat sa lahat ng taong nagtiwala sa akin lalo na sa mga panahong wala akong tiwala sa sarili ko.

*yakap sa inyong lahat*

ipagpatuloy lang po natin ang mga dasal para sa ganap kong pag-o-overcome sa lahat ng ito.  siyempre, hindi ko naman sinasabing panay ako lang ang ipagpray ninyo… ipagpray niyo rin ang sarili ninyo, pamilya ninyo, pati na ang mga taong sadyang niloko at pinagkaisahan kayo.  mga ganun.  haha.  basta, pa-damay lang ako sa prayer : ) (salamat in advance!) 

basta, magpray tayong lahat lagi.

okey?  ayos.

———-

*clap-clap-clap*

Mahusay!

sa ngayon, ito dapat.

November 19, 2008

You don’t have to think about difficult things, just soak it all in.

- Kafka on the Shore

Haruki Murakami

simpleng buhay…

October 11, 2008

ay kay ganda

mayroong ngiti, mayroong… blah-blah… and so on.

di ko na alam, e.  sorry naman!

———-

maraming nangyari sa akin itong linggong ‘to.  pramis!  pero malamang sa inyo din, lahat naman tayo may hinaharap na kung ano araw-araw, diba?

teka, ano kamo, walang nangyari sa’yo?  sus, seyoso?!  sigurado ka?!?!

aba, ayos!

ang tanong; ano ka, sofa?

———-

nabanggit ko na sa mga entry ko nung nakaraan na nailipat ako ng pwesto dito sa opis.  nung lunes ata nangyari yun, pagbalik nila chief mula sa mainland.  ayos lang…  hindi na ko under ‘observation’ minu-minuto… or, ganun pa rin pero hindi na yung malansang nilalang ang magsasight nang magsasight sa monitor ko.

basta, ngayon, kung gusto kong marinig ang ingay ng kalsada at huni ng mga birds, magagawa ko.  may regular tree-top view rin at paminsan-minsan, naghahabulang ibon.

kere change!

———-

ilang linggo na kaming naghahanap ng lilipatan na haybol kasi majoyo ang tinitirhan namin sa opis.  araw-araw tatayo ka sa tren ng tamang 30-45 minutes at pag di ka rin nakaupo sa bus, tamang 10-15 minutes din yun.  tapos, pag nagka-ayaan pa lumabas, badtrip, kasi nakikipaghabulan kami sa tren.  bukod sa layo, nawalan ako ng shorts, $10 , at bra sa tirahan ko ngayon.  tama yung nabasa mo… bra.  tangina diba!  as in may kumuha sa kwarto.  yung roomate ko naman, nawalan ng t-shirt.

anyway, we found the perfect house last wednesday.  ang ganda talaga pramis!!! sobrang panalo.  tamang ma-di-dream state ka pag nandun ka.  very clean, relaxing, super nice fittings, etc. etc. tas panalo din yung rent. “so go, go na!!!  dp na!  dito na tayo,” ika namin.  feel na feel na namin talaga…   the lights… fixtures… the buddha’s and all.  kinabukasan, pagkacompute namin ng lahat-lahat, na-realise namin na medyo hindi pala kaya ang paunang bayad. nakakadream state nga kasi yung bahay.

pero kebs!  we’re moving in next weekend.  so for the next few months, we’ll be living in THE perfect house… but will be fucking broke.  at sa kaso ko, in deep shit mehn… deep shit!

———-

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  bakit!

———-

hindi ko naiintindihan kung bakit may mga taong sadyang manlalamang.  ewan ko kung bakit may mga ganon.  hindi ko nagegets yung mga nagtitipid tas hihingi ng side dish mo.  hindi ko nagegets yung hindi kakain tapos pag may nakitang pagkain ng ibang tao, patay gutom.  hindi ko nagegets yung mga hindi nakakagets na pag inalok ka ng pagkain, hindi ibig sabihin iyo na yun.  hindi kaya sila nahihiya?  hindi ko nagegets yung mga taong nagsasuggest na pahigain mo yung bisita mo sa sahig at pabaluktutin mo na lang para magkasya sa maliit na kwarto… na dun ka na lang sa maliit na kwarto kasi mahirap ka… kasi hindi mo pa kaya.  hindi ko talaga nagegets yung mga taong masmarunong pa sa’yo sa kung anong gusto mo

di ko rin talaga gets ang pangpeperwisyo sa iba nang sadya, e… ako kasi, hindi ko iniintend mamerwisyo.  kung nagkagayon man, alam ko pag nakakaperwisyo ako, inaamin ko yun.  higit sa lahat, humihingi ako ng tawad sa nahahassel ko.  hindi ko sila sinasubject sa masnakakairitang pa-tanga facial expressions.

ngayon, iniisip ko kung tanga lang talaga yung mga taong gusto manlamang tas iniisip nila na hindi nagegets nung gusto nilang lamangan yung motibo nila.  ay baka hindi pala sila tanga, ano?  baka tarantado lang talaga.

dapat sa mga taong ganito, pinapatapon sa isa sa islands ng hundred islands.  dapat mag-isa lang siya dun. hindi bagay sa kaniya ang makihalubilo sa iba.  ok, wag naman tayong masyadong ‘bad’ sa kaniya… kawawa naman.  sige, para maging masaya siya, ok lang sigurong ibigay natin sa kaniya lahat ng perang gusto niya, damit, pagkain at gadget bago tayo umalis, pero, pero, pero! hindi sila pwedeng iwanan ng cellphone, beeper, o ano pa man na magkokonekta sa kanila sa ibang tao sa maski anong lupalop ng mundo.  wag rin mag-iwan ng bangka, putulin ang lahat ng kawayan o punong kahoy na pwede nilang gawing pantawid sa karagatan, at siguraduhing wala silang lighter na ipanggagawa ng apoy.  tama diba?   tama.  tama lang na mabulok sila dun kasama ng mga materyal nilang ari-arian.

wag rin iwanan ng pets.  they don’t deserve even an animal to talk to.  kawawa naman yung hayop, kasi manhid ang mga taong ganito… sarili lang nila ang iniisip nila.

hindi ko rin pala nagegets kung bakit mayroon akong undying desire to help people like this “change” or become “better” people.  bakit ba andami-dami kong faith sa ibang tao?  bakit ba ang tanga-tanga ko.  ayan, lagi tuloy ako hirap na kumawala sa kapit ng mga hindi makatayo sa sarili nilang paa.

pakingshet!  kelan ka ba matuto?

basta, sana bumigay siya! :lol:

———-

muli,

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  BAKIT!!!

isn’t it ironic?

July 22, 2008

absent ako ngayon dahil may sakit ako.  mag-i-isang linggo na ang tonsilitis ko :(

akalain mong ‘yon, nagpunta ako dito para magtrabaho tas ngayon absent ako. LOL diba? LOL!

———-

kagabi, maski masama na ang pakiramdam ko, nakipagkita pa rin ako kay carlo for dinner.  kailangan ko kasing kumain ng may sabaw para di mahirap lunukin.  kaya kumain kami sa kabayan sa may orchard at umorder ako ng sinigang na baboy. 

inabot ata ako nang lampas isang oras bago maubos ang pagkain ko dahil hirap na hirap talaga akong lumunok.  after kumain, bumili kami ng pei pa koa.  may nagpa-try kasi sa ‘kin nun sa office nung umaga at medyo guminhawa ang pakiramdam ko.

pagka-alis namin sa 711, bago umuwi, inaya kong magyosi si carlo :lol:

siguro kung hindi maintindihin (sa pagka-adik ko) ang kaibigan ko, dinagukan na ko nun. HAHAHA!

———- 

pagkauwi kagabi, may nakita akong mama sa hallway ng 2nd floor ng building namin.  nakasuot siya ng blue na polo shirt na may tatak na “Air Purifier Blah-Blah Services”. 

Sarap na sarap siya sa paghipak ng Gudang.

———-

tatlong araw bago ako umalis ng Pinas, umatake na ang sore throat na ito.  yun ang dahilan kung bakit hindi na ako nakalabas kasama ang mga kaibigan bago maglaho.  nagsimula yun Sabado ng gabi  at dahil hindi na ako pwedeng magextend pa nang di pag-alis, nung dumating ang Lunes na may sakit pa rin ako, nagpasya na akong pumunta sa ospital.

pagdating sa ospital, dumiretso ako sa ER kasi mataas ang lagnat ko at hirap na ngang magsalita, pero sabi sa akin ng mga residente don pumila ako for consultation dahil nagki-clinic naman daw ang internist nila noong araw na ‘yon.  so lumabas ako ng ER at pumila. 

mahaba ang pila para sa konsultasyon… at nang mapagtanto ko na wala pa pala ang doktor, na-high blood ako.  pinapunta ko si X sa ER para bulyawan ang residente.  after 3 minutes na di pa nakakabalik si X, ako na mismo ang sumugod sa ER… tinitigan ko ang residente, at saka sinabing, “HINDI BA TALAGA PUWEDENG DITO NA KO MAGPA-CHECK-UP!  MATAAS KASI ANG LAGNAT KO, E! NAHIHILO NA ‘KO, E WALA PA PALA YUNG DOCTOR DUN!!!” na sinagot naman niya ng, “ay ma’am sige po, umupo po muna kayo diyan, tinatanong na po namin sa doktor.”

so kinuha nila ang temp, bp, at heart rate ko habang naghihintay ng espesyalista. tapos tinignan nila ang ngalangala ko.  sabay sabi, “kaya mo pa bang lumunok?  gusto mo magpa-confine na kasi baka hindi mo rin mainom ang gamot…”

ako naman, “hindi po puwede e.  bukod sa wala akong pera pang-confine, kailangan kong umalis sa miyerkules.”

so pinakuhaan nila ako ng dugo at pinaghintay ng isang oras para sa resulta (pero napadali rin ang paglabas nila ng resulta dahil nabwiset si X at nag-rant sa may lab saying,”HINDI NYO BA ALAM NA NASA ER YANG PASYENTENG YAN! PINAGHIHINTAY NINYO NG ISANG ORAS!!!”)

nung dumating na ang espesyalista, tinignan niya lang saglit ang lalamunan ko… nag-explain siyang saglit tungkol sa kundisyon ko, at muli, kinumbinsi akong magpa-admit.  hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan akong magpa-confine sa ospital nang dahil lang sa tonsilitis.  iniisip ko nun, sadya bang hindi na kumikita ang ospital kaya maski tonsilitis cases kailangang i-admit?  ewan.  so hindi pa rin ako pumayag, at dala ang mga reseta ng mga gamot na kailangan kong bilhin, hinalughog ko ang pacita+san pedro para sa mga gamot na kailangan kong inumin.  naka-tatlong botika muna kami bago nabili ang lahat.

kaninang umaga, dahil alam kong hindi na ’ko makakapasok (nagising kasi ako nung hating-gabi na mataas na ang lagnat at mahapdi ang lalamunan) nagpunta ako sa pinakamalapit na clinic mula sa tinutuluyan ko.  dalawang bloke lang ang inabot ko, at hayun ang tatlo hanggang apat na clinic.

nagpunta ako sa medical center.  lumapit sa counter at pinaliwanag sa receptionist na kailangan kong magpakonsulta dahil may tonsilitis ako.  hiningi niya ang s-pass ko, nagtype sa computer.  maya-maya (as in 30 seconds lang), may patient card na ako.  pagka-abot sabi niya, “do you want to see the woman doctor?” “yes” “ok, just take a seat, and she will call you in a while.” makalipas ang isang minuto, tinawag na ako ng doctor. 

pagkapasok sa kwarto ni doc, tinanong ako kung anong nararamdaman ko.  tinignan ang temp ko, ang lalamunan ko, heart rate at paghinga.  tinanong niya rin kung ano yung gamot na ni-reseta sa akin sa Pinas noong nangyari ‘to bago ako umalis.  hinanap niya sa libro niya ang equivalent nung gamot na yun dito sa SG pero dahil wala ni-resetahan niya na lang ako ng bago. “Just give me a call if you get allergies, but so far, no one’s ever had allergic reactions with these medications before.”

Tinanong ko siya kung saan ako makakabili ng mga gamot na ni-reseta niya.  Sabi, “Oh, you don’t worry.  Here in Singapore we give you your medicine.  You don’t have to look for them in pharmacies.”

so pagkalabas ko ng clinic, kumpleto na ang gamot ko.

ang galing diba!  masmadali para sa mga may sakit dito ang gumaling, dahil matapos ang check-up, makakauwi ka na agad at makapagpapahinga ka na ng maayos.

hindi ba puwedeng gawin sa Pilipinas ‘to? 

isa pa, sa resibo ng check-up ko kanina, nakalagay na may diskwento akong nakuha. $3.16. huwaw diba! pag-lunch ko na rin yun.  bat pag sa ‘tin wala akong nakukuhang diskwento sa ospital, maski gaano pa akong ka-suki ng ospital na pinupuntahan ko?  at ang higit na mahusay sa buong experience na ‘to, mapapa-reimburse ko ang nagastos ko kanina sa kumpanya ko.  ang galing talaga diba! kasi sa atin, ang mga health card na ini-issue ng mga kumpanya ay hindi accredited sa lahat ng ospital.  pag may emergency ka, itatanong mo pa kung puwede mong gamitin ang health card mo.  kung swerte ka’t hindi accredited, habang may masakit sa’yo, bibiyahe ka pa papunta sa pinakamalapit na accredited hospital ng health card mo pag wala kang pera.  bullshit diba!  

wala ba talaga tayong pagpapahalaga sa buhay ng tao at pinahihirapan pa natin na makaramdam ng kaunting ginhawa ang mga may sakit (at sa kaso ko bago umalis, e mukhang gusto pa ata akong perahan).

tsk tsk. sana may magbago sa sistemang yan bago ako bumalik…

asa?  sana hindi naman masyado.

Bukas, isang linggo na ‘ko dito sa Singapura.  Isang linggo nang puno ng kapaguran at kalorkei-han ang buhay ko.  Oha! Akala mo ba may nagbago?  Asa!  Pero sana, matapos ang linggong ito o buwan na ito ayos na ko.

Nakakalorkei lang kasi andami kong nilakad; yung medical ko, workpass chu, workpass ID chu at literal na lakad ito. More walking more fun! Tapos, dahil panalo sila bossing chinezu, hindi pa man tapos lahat ng kailangan kong lakarin, pinagtrabaho na rin ako. Woohoo!!! Ang saya-saya dito grabe!!! Woo!!! Ika-4 days ko pa lang 2 na ang project na nagagawa ko (at siyempre ang 4 days na yun e hindi buong araw dahil nga palakad-lakad ako sa mga gov’t offices) kaya muli, Woo!

kakatapos ko lang ng mga tasks ko, at dahil bukas ng 6pm pa ang deadline ko, heto na… relax mode na. RELAKSSSS!!!  Wala kasi sila bossing chinezu ngayon… nasa HK ata or Indonesia o kung saan, at mawawala sila sa loob ng dalawang linggo, so more email lang kami ng task chu… ayokong ipasa sa kanila ang tapos kong work hanggat hindi deadline.  ayoko magmagaling, dahil baka masanay sila at maabuso ako nang todo. HAHAHA! May pagbabadya pa naman kasi ako lang daw ang may experience na writer ngayon dito. Waaah!

Anu ba?  Sobrang walang sense ang flow nito.  Kasi, may mga Ate Vi akong katabi.  Lahat ng katabi ko Ate Vi.  Noong isang linggo ko pa nga hinihintay na may sumigaw ng,”I love you Lucky!”
Lagi silang, “busy ka ba?” o “anong ginagawa mo?” o “ano pang ibang english word para dito?” o paano ba ginagamit ang apostrophe?” mga ganun!  Kung hindi ina-announce na gumi-g-talk ka for 2 seconds, kung anu-ano ang tinatanong sa’yo.  “anong project yang ginagawa mo?  May kailangan kasi akong konsepto e, pwede mo bang isingit sa utak mo ang problema ko?”  waaahhh!!! Gusto kong sagutin ng, “HELLO!!! Pwede mag-adjust? Kasi kararating ko lang mula Pilipinas kahapon e.”

Ayan, napapatingin na naman ang katabi ko kasi nagta-type ako.  Shet!

Maraming nga palang nagme-message ng, “Kamusta ang Singapore?”  pasensya na po, pero sa ngayon, ang isasagot ko lang e, “hindi ko pa napapakinggan ng husto ang tibok ng puso nya, at di ko pa mawari kung mahusay ang kalagayan niya o hindi dahil: tumitibok ang mga ugat sa paa ko kakalakad (pala-lakad na ko sa Pinas nyan a, what more ang hindi mahilig maglakad); may mga pagkakataong nahihilo ako sa tren, at hindi dahil mabilis ang takbo nun kaya hindi ko rin mapakinggan ng husto ang ritmo ng riles; naloloka pa ko sa pagkawala ng personal space ko :cry: NALOLOKA! NALOLOKA!!! NALOLOKA!!!

Ayon.   Ano pa ba?

So far, di pa ko nakakapamasyal… bukod sa walang katapusang pagdaan sa Fair Price (na parang SM hypermart), dahil kinailangan kong bumili ng; hanger, sabon panlaba, hanger, unan, pang-umagahan, hanger, ummm, hanger… at hanger :D

Sinama rin pala ako ni Carlo sa dress rehearsals ng National Day Parade nung Sabado at ika nga nila, yun daw ang ultimate Singapore experience kasi may jet show chorva, maraming sayawan, kantahan at nakakalorkei na floats.  Mayroon ding walang katapusang fire works display at iba pang nakakamanghang chorva na matatanga ka na lang sa upuan mo at masasabing, “tangina, ang yaman talaga nila…” yon.  At exclusive pala ang event na ito, buti napanalunan ng lola ko ang tickets. hahaha!  Tapos, kahapon naman, sinama niya ko sa Lucky Plaza for dinner. Winner ang Pinoy food dun, di tulad nung malapit dito sa office naming.  Bukod dun, panay mall na… kasi sinamahan ko si roommate Cristine na mamili ng damit (kasi di pinadala ng magulang niya ang mga damit nya. Hahaha!)  so, dahil may ka-perahan ako pagdating (katas ng fuentes), nakabili ako ng relo (kasi matagal na kong walang relo at kailangan ko siya ngayon promise! dahil ang bilis ng oras dito) at flat shoes, dahil wala akong sapatos at nahiya naman ako sa officemates ko dahil bihis na bihis sila samantalang ako, naka-tsinelas (kebs pa kung havaianas/ipanema ang tsinelas mo kasi naka-pangparty sila. Hahaha!)

Ayan, ang dami ko nang kwento.  Shet! Kalorkei diba.  Wala na kong kebs kung may naintindihan kayo o wala.  Basta kailangan ko na ‘tong i-release dahil baka bumulwak ang kaluluwa ko dito. Hahahah!

Btw, hindi na pala ko nakakakain ng chichirya… panay apple slices ang merienda ko.  Siguro eto yung epekto… kulang na ako sa vetsin.