gusto ko lang mag-

August 14, 2009

WEEEEEEEE!!!

:lol:

last day ko na sa hawlalu ni G. Baba :)   at sa Lunes, simula na ng bagong career! weee! weeee!!!

YAY YAY YAY!!! XD hahaha.

“Hello, Advertising.  I missed you…” hahaha!!!

ang saya-saya!

mukhang mabait yung magiging sup ko, tsaka deretso ang English nya :)   tsaka tiyak na marami akong bagong matututuhan (kasi more editing, more fun din sya aside from copywriting).  YAY! totoong trabaho na ‘to. hahahaha :lol:   di na ko mag-o-over facebooking  :lol:   mababawasan din ang pagyoyosi ko, kasi bawal magyosi ng office hours.  hahahahaha!  makakatipid na ko lalo.  SHETTTT :lol:

tapos, 9-530 lang ang office hours!  di daw sila madalas mag-OT (na mukhang totoo naman kasi kapitbahay namin si admin at mukhang maaga siyang nakakauwi lagi)  di na ko late magdidinner! matutunaw na nang maayos ang pagkain ko!  tas kapag feel ko, keri din maglakad pauwi!  wee!!!  papayat na ko!!! :lol:

ASA.

at, at, at!!! ang lapit lapit na ng opis ko sa house of shala!  di na ko mapapakshet sa paghihintay ng BS 197 (na umaabot ng 25-30 minutes kadalasan), sa pagtatap-up ng higit $80 sa ez-link ko per month at sa paghihintay na makaupo ang mga lolo’t lola dahil nagti-trip to jerusalem sila sa loob ng bus.  waaaaaahhhh!!! hahahahaha!  yeeeehaaaaahhhh…

weeeeee, talaga! wee!!! :)

ayun lang :wink:

super random shit

February 13, 2009

the problem with writing for a living is that you never really get to write.

of course that’s cliche, so everyone agrees.  correct or not?

———-

madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e.  puta tsong, gusto ko nang kumita!”

but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!” :D

———-

i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was.  so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).

and yes, i am that old and ulyanin!

———-

i know.  i express myself better in Filipino.  but who reads this anyway? :lol:

may sasagot.  si chelly! hahahaha.

———-

i’m on my 7th month here in SG.  i haven’t gone home.  i never thought i’d last this long without seeing my family.    especially nina.

yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her.  i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much.  nakoo, dalaginding na din siya!!!  shet.

anyway, i realised that she’s my favorite and yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!).  maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little.  and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)

:( i miss ninay.

———-

connected to the previous section (haha!)

it’s only when i got here that i realised;

- how much i love everyone i care for back home.  *yakap*

- how OC i am.  i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise.  i can’t keep still until i see things ‘clean’,

- i am an addict.  i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga).  i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back.  min of 335mL/day.  tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness).  i don’t have f*cking discipline.

- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).

- i really love walking aimlessly in urban jungles.  i do.  i really really do.  and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into.  even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.

———-

anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).

i hope in time, i’d find a job that i can love in this city.  i hope i’d find a ‘fuentes’ here.

seriously.

“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!” :)

hahaha.

———-

ano pa ba?

ahh!!!

2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.  :( kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.

i hope you both get well soon.  at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!

*hugs to you both*

-chabellita

Astig Siya talaga!!!

December 12, 2008

anak nang!  iba na naman ang itsura ng wordpress.  ngayon na lang uli ako nakapunta dito, e.  nagulat ako, pagkasign-in ko, kala ko naligaw na ko. ang dami-daming box at kung anu-anong ka-lekatan. hay… 

hindi ko alam kung mahihimay ko pa nang husto ang bagong pakulo na ‘to.  kainis.  baka katamaran ko na to, a.  hindi na kasi siya mukhang user friendly.  nai-intimidate ako sa itsura ng interface (yan, iniimbento ko na yung mga tawag kasi hindi ko talaga alam kung anong tawag dun e. haha) 

pero ganito yan, “website ka lang, tao ako.  hindi mo ko kaya!”  eto ngang pinagdaanan ko nitong dalawang linggong nakaraan e higit na nakakaloka, nalampasan ko, eto pa kaya?

sus, sisiw!  sisiw ka wordpress.

———-

so anyway, hindi ko na isishare sa blogosphere ang pinagdaanan kong nakakaloka na nabanggit ko sa taas.  ang mahalaga, alam ng mga taong malapit sa akin yun at tinulungan nila ako sa kanya-kanya nilang paraan.  MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT! :)

pero, eto ang gusto kong i-share.

Sunday School Song:

Oo!  Mahal ako ng nanay ko.
Oo! Mahal ako ng tatay ko,
Pero may higit na nagmamahal
sa akin…

Mahal ako ni Hesus!
Mahal ako ni Hesus!

Tinuro sa amin yan ni Dawn Marie the baby nung High School, isang hapon, habang nagbebreak nung gumagawa kami ng cheer para sa intersection chorva namin.  Para lang malinaw, hindi po ako cheerleader nun (baka kasi iniisip ninyong ang feeling ko naman mag-claim na cheerleader ako).  Ako lang yung gumawa ng cheer, kasi hindi naman ako cheerleader material dahil: A. ako si chabelita, noon, ngayon, at magpakailanman B. hindi ako maputi, makinis.  Hindi ako maganda sa conventional standards ng karamihang utaw. haha! at C. poor balance and hand-eye coordination.  But that’s another story.  Ang gusto ko lang talagang sabihin ay…

Grabe, ang galing-galing talaga ni Lord!!! Astig!  Astig talaga.  Astig si Hesus!  Astig Siya talaga!!! At hindi lang ako ang nagsasabi nun, marami pang iba at kabilang na riyan si Gary Granada at si J.D. Salinger. weeha!

Kaya, isa pang Sunday School Song: 

Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you!

si Jackylyn Chan naman ang nagturo sa klase namin niyan nung Grade 2 ako.  oo, seryoso, may kaklase ako noon na Jackylyn Chan ang pangalan (pero di ko na alam kung nasan na siya ngayon).  yun lang.

muli, salamat Po!

———-

Hayawn! 

Gusto ko lang malaman ninyong hindi pa ko nasiraan ng bait (fine.  nang tuluyan) at nakakafunction pa naman ako.  At naniniwala akong, i never did it alone…  Salamat sa lahat ng taong nagtiwala sa akin lalo na sa mga panahong wala akong tiwala sa sarili ko.

*yakap sa inyong lahat*

ipagpatuloy lang po natin ang mga dasal para sa ganap kong pag-o-overcome sa lahat ng ito.  siyempre, hindi ko naman sinasabing panay ako lang ang ipagpray ninyo… ipagpray niyo rin ang sarili ninyo, pamilya ninyo, pati na ang mga taong sadyang niloko at pinagkaisahan kayo.  mga ganun.  haha.  basta, pa-damay lang ako sa prayer : ) (salamat in advance!) 

basta, magpray tayong lahat lagi.

okey?  ayos.

———-

*clap-clap-clap*

Mahusay!

the house of shala

October 20, 2008

If we choose, we can live in a world of comforting illusion.

-Noam Chomsky

———-

ang ganda talaga ng bahay namin.  shet! can’t get over it.

can’t get over the fact na;

- malaya na ko.  woohoo!!! pakingshet sa earth :D

- makakatambay na ko sa common areas anytime i want, at maski maghapon even if i just want to sit quietly.

- hindi na mangangamoy ulam ang sinampay ko

- dalawa na lang kaming magsheshare sa isang banyo (at hindi na 5/7/10)

- relaxing lang talaga sa loob ng ka-shalahan…

- at siyempre pa, hindi na ko mawawalan ng gamit, maski iwan ko pang bukas ang pinto ng kwarto ko forever.  ‘yun ‘yun, e.

HAHAHAHAHA!!!

eyeloveit! eyeloveit! eyeloveit!

tantanan ako please

September 29, 2008

hindi ko alam kung bakit sa tuwing may pagkakataon akong mag-online, makapag-ym at makausap ang mga kaibigan ko, isa lang ang tanong nilang lahat;

“may jowa ka na ba diyan?”

as in everyone i talk to tinatanong yan, and i don’t get it! kailangan ba may jowa na ko dito? o mukha bang kailangan ko nang mag-jowa? i mean, requirement ba ang jowa?

anong meron?

minsan, may hirit pa na, “si kung si ano nga meron na agad diba, ikaw rin, dapat meron na,” na para sa akin, nakakatawa naman, highschool ba tayo? kasi, “ano ba yun?!?!”

alam ko na yung iba sa mga nagtatanong ng ganoon ay medyo concerned lang. kesyo majonders na raw ako. at may mga tao kasi na feeling nila malungkot pag wala kang ka-HHWWPSSP (holding hands while walking, pa-swing-swing pa) o kasabay umuwi, matulog, magising, atbp. well, naiintindihan ko kayo, pero hindi kasi lahat ng tao ay ganoon. hindi ako ganun.

hindi ako ang tipo ng taong maghahanap, maghahabol at magkukumahog para sa isang jowa. hindi ako naniniwalang kailangan gawin yun. hindi ako naniniwalang may dahilan kung bakit ka nai-inlab, dahil para sa akin, bigla na lang nangyayari yun. hindi hinihintay, hindi hinahanap, bigla na lang dumarating.

alam kong very romantic, idealistic, o kalokohan para sa iba, pero ganun ako, e. hahaha! hindi naman imposible yun, e. nangyari na sa ‘kin yun dati, so palagay ko naman pwede pang maulit o kung hindi man, ok lang din… kaya ko naman sigurong mabuhay mag-isa. hindi ako nagyayabang, ang sinasabi ko lang ay hindi naman siguro katapusan ng mundo kung wala kang makatagpong magmamahal sa’yo nang ganong level. tama naman, diba?

kaya wag kayong mag-alala, friends. i know i’ve been alone for what, a year now? kung iniisip ninyong nawalan na ‘ko ng pag-asa sa pag-ibig, hindi naman ganon. siguro, kuntento lang ako sa buhay ko ngayon at nagkataong iba din ang priorities ko ngayon, which is to survive.

HAHAHA!

tangina, ayoko na uling magsulat ng ganito, a. punyeta nakakadire!!! so tantanan na ko, ok?

ayos.

at kung magkaron man, hello, imposibleng hindi ninyo malaman. ako pa, e ang daldal-daldal ko. like THE!!!

ganito lang yan…

September 18, 2008

kung ako ang tatanungin mo, madaldal lang talaga ako.
———-
sa totoo lang, dapat tulog na ko ngayon, pero sadyang madaldal ako. sumusuko nga ang roommate kong si T sa kadaldalan ko, kaya pinapabayaan niya na lang ako. tutal naman daw kasi, hindi siya masalita kaya ako na lang ang pumatay ng dullness ng paligid.

i’m a perky person most of the time. and yes, the world needs perky people like me :lol:
perky! perky! perky!!!

———-
etong pagkamadaldal ko rin siguro ang dahilan kung bakit long and winding ang comments ko. biktima nito si annette at lynette (sana may kaibigan din akong jeanette na nagbablog para 3 silang -nette, kaso wala.)

kitam! ang daldal ko talaga.

anyway, madaldal ako magcomment kasi kapag sinabi kong naapektuhan ako, totoo yun. hindi pa-cute lang. hindi pa-bibo. kaya pinahihiwatig ko ang extent ng epekto ng isang bagay sa’kin… at nililinaw ko yun kasi gusto ko. gusto kong naiintindihan ako. para saan pa ang kakayahan mong magpaliwanag kung hindi mo gagamitin, di ba? bakit kikimkimin mo ang nararamdaman mo? bakit ka secretive diba, anong meron?

ako kasi malakas makiramdam. pag hindi ko nilabas ang nararamdaman ko, baka sumabog ako. ayaw nating mangyari yun. isipin mo na lang, dadami ang perky particles sa earth, baka hindi ninyo kayanin ang overflowing fruit flavors sa atmosphere pag na-pulverize ako.

perky! perky! perky!!!
———-
ang punto ko mother, girl, ale, miss, hoy, kung akala mo palalampasin ko ang kahangalan mo, nagkakamali ka, basag ulo kasi ang perky person na nagsusulat nito ngayong 1:59am :lol: biro lang.

pero naman kasi, walang kenkuyan… sabi ko nga malakas akong makiramdam. naramdaman ko ang pang-a-ate vi mo. ganito, kanya-kanyang trip lang yan. sabi nga ng mga adik, walang basagan ng trip. tama? tama!

———-
minsan, kailangan mong palawakin ang isip mo. kailangan mong tanggapin na sadyang may mga taong higit ang word capacity kaysa sa’yo. patungkol sa word count ang capacity na sinasabi ko, a, baka mayabangan ka naman. hindi ko sinasabing lahat ng lumalabas sa bibig ko (o sa dulo ng mga daliri ko) may sense, tutal hindi naman tayo required maging profound sa lahat ng oras, diba? o required ka ba? baka kasi may sobrang panalong ideology kang sinusunod, ako kasi wala. hakuna matata lang. ang sinasabi ko lang, sadyang madaldal ako at wala ka nang magagawa.

tapos.

P.S.
hindi ako nang-aaway. wala akong kaaway. reaksyon lang ‘to sa isang nabasa ko.

kitam. ang daldal talaga, e. tulog na hoy at may pasok ka pa bukas!

ang mga bulak

June 13, 2008

maraming nagkalat na bulak sa grounds ng UP (sa tapat ng CAL) ngayon…

parang may mga nangahulog na maliliit na ulap sa damuhan.

ang ganda :)

———-

eto pa isang maganda…

‘Di na tayo umiibig tulad noon,
Pagka’t puso’y mga plastik at de-motor.

-Rio Alma

 
 
 
 
nakakaiyak :neutral:

kanina may nakita akong grupo ng mga bagitong pulis sa highway; alam kong bagito pa ang mga ‘yon dahil bukod sa mukha pa silang bata, wala pa silang malalaking tiyan (kaya rin na-atim kong tignan sila at ‘di ako natakot :lol: ). sa may boundary ng san pedro at muntinlupa, nakapasemi-circle ang grupo nila… nagmi-meeting siguro kung ano, at saan sila magsisipwesto.

alam na kaya nila ang dapat nilang gawin? at pagkatapos kaya ng maghapong ‘to gusto pa rin nilang maging pulis?

———-

araw-araw nang ordinary bus ang nasasakyan ko papasok tuwing umaga, dahil lagi na ‘kong late magising. hindi ko naiintindihan kung ba’t may mga nakakasabay pa rin akong mga babaeng isa-isang nilalabas ang pressed powder, eye shadow palette, eye liner, lipstick at :shock: rollers?

———-

pagdaan ko sa may greenbelt 3 kanina, sa may alcove, may isang lalaking dali-daling naglakad at binuksan ang pinto ng office nila (yung alcove). tinawag niya ang kasama niya at sinabi; “gusto mong makakita ng super hero?”

deadma lang ako sa kabaliwan niya.

maya-maya, nakasalubong ko, isang babaeng may fiberglass na nakatakip sa buo niyang mukha.

ahhhh…

———-

ang daldal ko ano? :lol:

———-

nagtagumpay na pala ako sa aking ‘hello world’ project! :)

big deal sa akin ‘to (alam kong hindi ‘yon big deal sa karamihan), kasi alam kong ito ang ticket ko sa masmakulay na buhay. BWAHAHAHAHA!!! :lol:

akalain nyo yon, dalawang araw akong nag-half day para lang makuha ‘to… malaki na rin ang na-menos sa sweldo ko nun. di ko akalaing gagawin ko yon dahil isa lang akong arawang manggagawa :D

kineber ko ang gabundok na trabaho bago magpasko, dahil alam kong pag ‘di ko yun inasikaso nung mga panahong ‘yon baka magastos ko ng walang saysay ang moolah ko.

pumila ako at naghintay sa iba’t ibang tanggapan ng 1.5+2+4 oras… at sa dulo ng pagkahaba-habang proseso, kinailangan ko pang lumapit sa mga aliens…

picture.jpg

yan ang spaceship nila

isang oras din nila akong inobserve mula sa monitors nila, bago nila ko tawagin at paupuin sa harap ng isang encoder na siya namang kumuha ng ang aking personal info.

matapos ang halos dalawang linggong, dumating ang aking pinakahi-hintay…

picture8.jpg
hmmm… sa’n kaya ko unang pupunta?

 

———-

for the past seven years, sa resort ng boss namin sa bora nagpupunta ang buong kumpanya for summer.

nung isang araw, nagbigay na ang big boss ng go signal sa admin na ayusin na ang company outing. lahat ng ancient ones (yung mga 5-12 years nang nandito sa bahay ni lola), nag-chant ng… “Hong Kong!!! Hong Kong!!! Hong Kong!!!”

lola: hay nakoh, sige na nga!

:P

sakto!

———-

ika nga ni carlo, “keri mo pa? buhay ka pa ba ning?”

———-

biglaang kinasal ang beshie ko (yes, kala mo kolehiyala) from college nung tuesday sa kanyang emo man (biro lang daddy g.)… nagulat talaga ako dahil akala ko niloloko lang nila ko nung monday. nakakatuwa silang dalawa, parang mga baliw! :lol:

kahapon, mula sa blog ni peachy, nabasa ko ‘to;

“Dialogue No. 2:
Dad, Mom, and Daughter are all in the car, on their way home. Dad is driving, and Mom is in the passenger seat. From the back seat, Daughter is talking about her Friend, who is due to marry An Asshole in less than a month. Mom is all riled up.

Mom: That’s the problem!
Daughter:
Mom: You kids think marriage is great.
Daughter: But I never —
Mom: And it’s harder than you think, harder if you’re a woman!
Daughter:
Mom: Marriage is the source of all unhappiness. Look at me!
Daughter: Wow.

For a moment, all three are quiet. Dad looks at Daughter through the rearview mirror.

Dad: So how’s your job so far?”

sakto(?)

:lol: hahaha!!! muli, biro lang daddy g.

———-

kahapon lang ako nakasakay sa LRT2. ang saya-saya! :D (ngayon alam n’yo na kung gaano talaga ako kababaw diba?)

higit na masmaayos, masmaaliwalas, at tahimik ang LRT2 kaysa sa iba pa nating tren. nararamdaman kong ‘yon lang ang tren na hindi ko isusumpa.

isang tren na lang sa Pilipinas ang di ko pa nasasakyan… yung bumabyahe ng bicol.

ning, nakakatuwa talaga!!! :D

———-

yun lang.

:lol:

i saw the sign :D

January 2, 2008

i walk along arnaiz every morning. and everyday, to take my mind off the distance i have to cover to get to the office, i try to ‘observe’ and ’see’ something new.

today, as i walked along the torn-down Anson’s building, i saw this sign…

demolition-works.jpg
agree? or nö?
i think it’s perfect for the season. out with the old, in with the new… :D

HAPPY NEW YEAR!!!

so this is christmas! :D

December 26, 2007

nine years ago, a week before i turned 18, i got myself this…

una.jpg
sorry naman sa liit at pagka-grainy ng picture :D (btw, that’s by joe saliendra)

i’ve always wanted to have a tattoo (since i was 13), buti nakilala ko si zel c. (na pagka-transfer pa lang sa CSA may tattoo na). sila ni ginang ang kasama ko nung pinagawa ko yan.

kaso mo nung ginawa yan wala pa kong pakelam sa design. basta gusto ko lang magkaroon ng tattoo, so wala lang yan. tribal something. i don’t get to look at it often so after some years of having it, siguro two or three, tri-ny kong titigan isang beses para may maimbento akong tawag sa kanya (HAHAHA!!! magimbento daw ba talaga?). ngayon pag may nagtatanong sa’ken kung anong ibig sabihin or kung ano yan, ang sinasagot ko; “tribal vagina”, dahil mukhang female reproductive system :lol:

kapag nakapagpatattoo ka raw sabi nila, gusto mo nang ulit-ulitin… parang pringles! “once you pop you just can’t stop.” totoo yon. kasi kala ng marami sobrang sakit magpatattoo, pero sa totoo lang, VERY bearable ang pain. sabi ko nga masmasakit pa ang piercing, kaysa tattoo. sa totoo lang, maskakayanin ko pang magpatattoo ng buong katawan kaysa magpa-pierce pa uli, kasi ang tattoo after 30 minutes to an hour hindi na masakit (well, mahapdi konti after but that’s it… more kati, more fun na lang for two weeks or less). e yung piercing tangina isang buwan na masakit pa rin e. kundi lang ako nanghinayang sa effort kong tiisin ang sakit during the first two weeks at sa pinambili ko ng lahat ng ponstan at amoxicillin tinanggal ko yung mga putanginang yon e :lol:

so ma-balik tayo sa… after i got that tribal vagina tattoo, i started researching (geek) for other designs i’d like to have someday :D sabi ko nun… gusto ko ng dragon na red sa hips (pag sumeksi na ko… so hindi ko na magagawa yon. hahaha!), ng star sa gilid batok, ng sun sa lower back, ng chinese character na “woman” sa gitna ng batok, ng alibata ng diwangLaya sa forearm, ng tattoo ni lilu sa 5th element somewhere, ng ano tsaka ano tsaka ano tsaka ano… pero nung medyo tumatanda na ko, naisip ko; “magastos tong gusto kong gawin” :lol:

so dahil mahirap na ang buhay nung natungtong ako sa kolehiyo at imposibleng makaipon ako noong mga panahong yon sa gastos ko sa media prod at photography classes (tangines, di naman ako naging photographer :lol: ) na-postpone ang lahat ng tattoo plans. miski nung naka-gradweyt na ko’t nagkatrabaho ako hindi ko pa rin natuloy ang plano, kasi marami pang masmahalagang bagay na kinailangan unahin; kumain, magbayad ng bills, bumili ng toiletries, mga ganun ba… :D

pero nitong pasko… dahil may mga natapos naman na ‘kong responsibilidad, at naging patient ako sa pagpapahaba ng buhok :lol: at tumagal ako sa isang company ng higit sa 4 months at higit sa lahat dahil buhay pa rin ako :lol: naisip kong bigyan ng reward ang sarili ko.

after 3 years+ of corporate whoring, 1 down na!!!

finished.jpg
yes, babae po ako:)

pinagsama ko na sa lower back ang tribal na sun at ang chinez-chinezan character na ‘woman’. sabi kasi sa ancient chu na natagpuan ko nung nagre-research pa lang ako, ang mga babae daw noong araw tinatatuan sa part na yan for fertility. the sun symbolizes fertility as well (halata bang takot ako maging baog?). then yung woman, kasi babae ako (believe it or not :D ), at proud ako sa pagiging babae ko… isa pa, ngayong taon ko lang napatunanyan sa sarili kong ganap na nga akong babae, dahil ‘di ko kailangan ng lalaki para mabuhay :D

uiii!!! konsepto ko yan, kaya sa may balak manggaya; “pak yu ka! wala kang utak!!! magpakamatay ka na!” :lol: pero serioso, MAMATAY NA MANGGAYA! (may kilala kasi ako na mahilig manggaya kaya ngayon may tattoo rin siyang kasing kulay nung nauna kong tattoo) badtrip! PLEASE mag-isip ka, miski konti lang para sa sarili mong design.

anyway, ang saya-saya! yan ang gift ko sa sarili ko. sana masundan agad at di umabot ng isa pang 9 years bago matupad ang iba pa :D

may isang gip pa pala ko sa sarili ko, pero sa enero pa darating… yun ang first step ng aking ‘hello world’ project :D (oo, ginaya ko yung ‘hello world’ ng wordpress, pero putek hindi naman permanent mark yun sa katawan no! at nilagyan ko naman ng ” “)

BWAHAHAHA!!! warfreak ang lola ninyo.

btw, si kuya bert almarines po ang tumira ng bago kong tattoo. sa may tapat lang ng padis point biñan ang shop niya (lilipat daw siya sa bagong shop this january, pero same area… bago daw mag-tulay ng perpetual). so yung mga taga-pacita, sta. rosa, alabang at iba pang malapit sa area na gusto magpatattoo, pwede nyo siyang kontakin sa 0919-861-5109… mahusay magtrabaho si kuya bert; award winning din siya sa competitions (masmagaling pa nga siya kay… e) at member din siya ng Philtag. masaya pa kasi ang charge niya not as expensive at parang masmabilis siya gumawa (pag nabasa kaya to ni kuya bert may free akong piece? :mrgreen: ). or you can just wait for a big time tattoo artists reply :grin:

PEACE!!!

nga pala, nainggit kapatid ko nung sinamahan niya ko, kaya…

yanyan.jpg
i-inggitin na naming dalawa ang ate namin ngayon! BWAHAHA!!!:D