:(

March 27, 2009

hay buhay,

putangina talaga.

ayoko na.  hindi ko na kaya.  tama na please.

blur sotong

March 26, 2009

ayan.  nagpalit na naman ako ng theme.  hahahaha!!!  wala kasing widget yung isa e.  kainis.  di ako sanay.  kailangan ko pa pumunta sa baba para lang masightsung ang stuff (stuffs, sabi ng mga engot. hoy, bago kayo magpublish ng entry/status/sagot sa kinginang ’survey’, notes, tests, etc., check nyo dictionary nyo.  walang salitang ’stuffs’!!! hahahahahaha).

hay, this neverending theme change reminds me of the neverending story of my project here at work. hahahaha!!!  lolo mo blur sotong, e (nakuha ko lang yang bagong singlish na yan kay joan… hello, joan, na ka-ym ko ngayon! hahahaha). aiyaaaaa talaga!

eto na naman.  gusto na agad baguhin, kakalaunch pa lang.  wala talaga!!! ^%$^&%#^%!!!

———-

oh shit! by the way, i published a new page here in dlr.  coverletters.  check nyo na lang :D

simpleng buhay…

October 11, 2008

ay kay ganda

mayroong ngiti, mayroong… blah-blah… and so on.

di ko na alam, e.  sorry naman!

———-

maraming nangyari sa akin itong linggong ‘to.  pramis!  pero malamang sa inyo din, lahat naman tayo may hinaharap na kung ano araw-araw, diba?

teka, ano kamo, walang nangyari sa’yo?  sus, seyoso?!  sigurado ka?!?!

aba, ayos!

ang tanong; ano ka, sofa?

———-

nabanggit ko na sa mga entry ko nung nakaraan na nailipat ako ng pwesto dito sa opis.  nung lunes ata nangyari yun, pagbalik nila chief mula sa mainland.  ayos lang…  hindi na ko under ‘observation’ minu-minuto… or, ganun pa rin pero hindi na yung malansang nilalang ang magsasight nang magsasight sa monitor ko.

basta, ngayon, kung gusto kong marinig ang ingay ng kalsada at huni ng mga birds, magagawa ko.  may regular tree-top view rin at paminsan-minsan, naghahabulang ibon.

kere change!

———-

ilang linggo na kaming naghahanap ng lilipatan na haybol kasi majoyo ang tinitirhan namin sa opis.  araw-araw tatayo ka sa tren ng tamang 30-45 minutes at pag di ka rin nakaupo sa bus, tamang 10-15 minutes din yun.  tapos, pag nagka-ayaan pa lumabas, badtrip, kasi nakikipaghabulan kami sa tren.  bukod sa layo, nawalan ako ng shorts, $10 , at bra sa tirahan ko ngayon.  tama yung nabasa mo… bra.  tangina diba!  as in may kumuha sa kwarto.  yung roomate ko naman, nawalan ng t-shirt.

anyway, we found the perfect house last wednesday.  ang ganda talaga pramis!!! sobrang panalo.  tamang ma-di-dream state ka pag nandun ka.  very clean, relaxing, super nice fittings, etc. etc. tas panalo din yung rent. “so go, go na!!!  dp na!  dito na tayo,” ika namin.  feel na feel na namin talaga…   the lights… fixtures… the buddha’s and all.  kinabukasan, pagkacompute namin ng lahat-lahat, na-realise namin na medyo hindi pala kaya ang paunang bayad. nakakadream state nga kasi yung bahay.

pero kebs!  we’re moving in next weekend.  so for the next few months, we’ll be living in THE perfect house… but will be fucking broke.  at sa kaso ko, in deep shit mehn… deep shit!

———-

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  bakit!

———-

hindi ko naiintindihan kung bakit may mga taong sadyang manlalamang.  ewan ko kung bakit may mga ganon.  hindi ko nagegets yung mga nagtitipid tas hihingi ng side dish mo.  hindi ko nagegets yung hindi kakain tapos pag may nakitang pagkain ng ibang tao, patay gutom.  hindi ko nagegets yung mga hindi nakakagets na pag inalok ka ng pagkain, hindi ibig sabihin iyo na yun.  hindi kaya sila nahihiya?  hindi ko nagegets yung mga taong nagsasuggest na pahigain mo yung bisita mo sa sahig at pabaluktutin mo na lang para magkasya sa maliit na kwarto… na dun ka na lang sa maliit na kwarto kasi mahirap ka… kasi hindi mo pa kaya.  hindi ko talaga nagegets yung mga taong masmarunong pa sa’yo sa kung anong gusto mo

di ko rin talaga gets ang pangpeperwisyo sa iba nang sadya, e… ako kasi, hindi ko iniintend mamerwisyo.  kung nagkagayon man, alam ko pag nakakaperwisyo ako, inaamin ko yun.  higit sa lahat, humihingi ako ng tawad sa nahahassel ko.  hindi ko sila sinasubject sa masnakakairitang pa-tanga facial expressions.

ngayon, iniisip ko kung tanga lang talaga yung mga taong gusto manlamang tas iniisip nila na hindi nagegets nung gusto nilang lamangan yung motibo nila.  ay baka hindi pala sila tanga, ano?  baka tarantado lang talaga.

dapat sa mga taong ganito, pinapatapon sa isa sa islands ng hundred islands.  dapat mag-isa lang siya dun. hindi bagay sa kaniya ang makihalubilo sa iba.  ok, wag naman tayong masyadong ‘bad’ sa kaniya… kawawa naman.  sige, para maging masaya siya, ok lang sigurong ibigay natin sa kaniya lahat ng perang gusto niya, damit, pagkain at gadget bago tayo umalis, pero, pero, pero! hindi sila pwedeng iwanan ng cellphone, beeper, o ano pa man na magkokonekta sa kanila sa ibang tao sa maski anong lupalop ng mundo.  wag rin mag-iwan ng bangka, putulin ang lahat ng kawayan o punong kahoy na pwede nilang gawing pantawid sa karagatan, at siguraduhing wala silang lighter na ipanggagawa ng apoy.  tama diba?   tama.  tama lang na mabulok sila dun kasama ng mga materyal nilang ari-arian.

wag rin iwanan ng pets.  they don’t deserve even an animal to talk to.  kawawa naman yung hayop, kasi manhid ang mga taong ganito… sarili lang nila ang iniisip nila.

hindi ko rin pala nagegets kung bakit mayroon akong undying desire to help people like this “change” or become “better” people.  bakit ba andami-dami kong faith sa ibang tao?  bakit ba ang tanga-tanga ko.  ayan, lagi tuloy ako hirap na kumawala sa kapit ng mga hindi makatayo sa sarili nilang paa.

pakingshet!  kelan ka ba matuto?

basta, sana bumigay siya! :lol:

———-

muli,

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  BAKIT!!!

basang-basa

August 13, 2008

kahapon, andami kong deadline kasi kinekenkoy ako ni shrimp.  ayoko nang ikwento kung sino si shrimp kasi hindi siya worth ng higit sa dalawang sentence dito sa dLr.  so anyway, maghapon akong nagtatry na gumawa ng paraan para ayusin yung mga ginawa ko nung nakaraang araw, kaso may isang bagay na ayaw mabura sa sentro ng kukote ko.

ganito yan, nung isang araw kasi (o nung isang linggo ba yun), napadpad ako sa isang blog.  hindi ko kilala ang may-ari nito.  basta, kilala siya ng kilala ng kilala ng kilala ko pero hindi ko siya kilala.  nagulat ako sa laman ng isinulat niya.  ang galing, e… alam mo yun!

ba’t magaling?  kasi, sinasabi niya dun sa kausap niya na, “Oh my god, ikaw yun!!! ikaw na nga!  ikaw na ang tinadhanang tao na sasambahin ko forever!  tama ako… sabi ko na nga ba! pakingshet sa earth!!!  unang pagkakataon pa lang na narinig ko ang pangalan mo, na nasulyapan ko ang litrato mo dito sa internet, na makita ko ang laman ng puso mo sa isang entry mo, alam ko na.  grabe boy, mahal kita, alam mo yun!  mahal kita!!!” pero hindi niya yun sinabi nang tuluyan.  sinabi niya yun in such a way na hindi mo mahahalata kung tanga ka or nagpepretend ka na hindi mo na-gets.  nagalingan ako sa kanya kasi ang tapang niya!  nadulas ako sa wetness.

wetness?!!?

wetness!

wetness!!!

ano kamo? san nanggaling yun?

yun kasi ang pinakaswak na paglalarawan sa nabasa ko.  isang entry na basang-basa.  nakabasa ka na ba ng ganun?  yung kitang-kita at ramdam mo ang pagkabasa ng

monitor

kasi habang sinusulat ng writer yung sinulat niya, nabasa niya yung virtual paper sa sobrang… awe(?)

inisip ko nun, bat hindi ko kayang gawin yun?  bat hindi ko kayang tuluyang ipagsigawan sa buong mundo na kaya kong maging kiss-ass para sa isang tao.  na wala akong pakialam maski sabihin ng buong blog community na too-toot ako!

pero agad ko ring naisip, “e, sino ba naman kasi talaga yun taong kinababaliwan nito?”

siguro malala ang impeksyong nakuha nang batang nagsulat nun.

basta ako, kakanta na lang neto;

I was staring at the sky, just looking for a star
To pray on, or wish on, or something like that
I was having a sweet fix of a daydream of a boy
Whose reality I knew, was a hopeless to be had
But then the dove of hope began its downward slope
And I believed for a moment that, that my chances
Were approaching to be grabbed
But as it came down near, so did a weary tear
I thought it was a bird, but it was just a paper bag
Hunger hurts, and I want him so bad, oh it kills
‘Cause I know I’m a mess he don’t wanna clean up
I got to fold ’cause these hands are too shaky to hold
Hunger hurts, but starving works, when it costs too much to love
And I went crazy again today, looking for a strand to climb
Looking for a little hope
Baby said he couldn’t stay, wouldn’t put his lips to mine,
And a fail to kiss is a fail to cope
I said, ‘Honey, I don’t feel so good, don’t feel justified
Come on put a little love here in my void,’ he said
‘It’s all in your head,’ and I said, ‘So’s everything’
But he didn’t get it I thought he was a man
But he was just a little boy
Hunger hurts, and I want him so bad, oh it kills
‘Cause I know I’m a mess he don’t wanna clean up
I got to fold ’cause these hands are too shaky to hold
Hunger hurts, but starving works, when it costs too much to love
Hunger hurts, and I want him so bad, oh it kills
‘Cause I know I’m a mess he don’t wanna clean up
I got to fold ’cause these hands are too shaky to hold
Hunger hurts, but starving works, when it costs too much to love.

-paperbag
fiona apple

ayun lang. hehe.

sino ba ito? sino ba ito? sino ba ako?

-radioactivesago project

———-

“kaunting araw na lang, at di ko na makikilala ang sarili ko.”  yan ang pumasok sa isip ko noong isang araw habang naglalakad papuntang istasyon ng tren pauwi.  gutom na gutom ako noon.  gutom na gutom pagkat bahagya ko lang natapos ang pananghaliang binili ko sa tindahan ng mga mami.  pagaling na ang lalamunan ko noon ngunit sadyang di pa rin tuluyang naghihilom ang sugat.  noon ako nakaramdam ng matinding pagkadismaya sa pagpunta dito.  wala pang isang buwan mula nang lisanin ko ang Pilipinas pero gusto ko nang umuwi.  “pagod na ko,” kako.  pagod na ako sa lahat ng pagbabagong pinagdadaanan ko.  dahil unti-unti na akong binubura ng lahat ng nangyayari sa akin.  habang nagtatagal ako dito, ang lahat sa kung sino ako at ano ako bago mapadpad dito ay unti-unting nabubura.

oo, totoong maskaaya-aya ang takbo ng buhay dito kung tutuusin.  hindi miserable ang bawat sulok na madapuan ng paningin mo sa araw-araw.  at tsaka hindi ka talaga magugutom (kung wala kang tonsilitis, na senyales ng pag-a-adjust sa pagbabago) dahil kayang-kaya mong bilhin ang lahat ng gusto mong kainin. masmadali ring abutin ang mga bagay na materyal na dati’y tinitignan mo lang sa labas ng display window, pero dahil hindi ako ang klase ng taong nakukuntento sa mga bagay na ganoon, sa gitna ng masayang ligalig ng komersyalismo, nanlulumo ako.

gaano kong kailangan baguhin ang sarili ko para lampasan ang lahat ng bahang kailangan kong lusungin?  tama ba ang tinatahak kong landas na ‘to? gaano ka-buo ang pagkatao ko para lampasan ang pagsubok na ‘to?  kaya ko bang talaga?

andami ko na namang tanong na tanging panahon lang ang makakasagot, pero hindi ako pwedeng maghintay nang nakatanga.  hindi ito ang oras para sa pag-aalangan.  hindi ito ang lugar kung saan pwede kang huminto’t mag-isip para timbangin ang lahat nang matagalan.  dapat bira lang ng bira, bira lang ng bira.  dahil dito, mabilis masyado ang oras… maiiwan ka pag huminto ka.  dito, kailangan mabilis kang magsulat kung balak mong isama ang bahaging ito sa nobela ng buhay mo.

hindi ko alam kung nakapagbaon ako ng sapat na tinta, pero bahala na.  hindi naman ako anemic sa mga panahong to.  ngangatngatin ko na lang ang daliri ko pag naubusan ng panulat at ipansusulat ko ang sarili kong dugo pag dumating ang oras.  ayan, ang drama ko na… nakakairita.

sa lunes, isang malaking pagbabago na naman ang kailangan kong panindigan,  mababaw lang talaga kung tutuusin, pero isa na naman itong malaking kawalan sa pagkataong hinulma ko sa loob ng ilang taon para maging tunay na indibidwal.  muli, kailangan kong magsuot ng takong (naaalala mo pa ba ang kwentong yon?) at sa pagkakataong ito, kailangan kong husayan ang pagkendeng habang naglalakad, pagkat dito nakasalalay ang lahat.  ang lahat ng ikatutuwa ng kailangan kong pasayahin dito.

anak ng tokwa.  bibili na lang ako ng Bengay para handa ako sa pagsalubong sa mga mamumutok kong ugat.

goto

July 25, 2008

sinusulat ko to habang hindi pa ko nakakainom uli ng gamot para sa araw na ‘to.  bigla kasi akong nagsha-shutdown pagkainom ng gamot.

ikaw ba naman, uminom ng anim na tableta (4 na antibiotic+ 2 pain reliver), makakayanan mo kayang magpakamasigla? oo, lumala ang tonsilitis ko, kaya absent na naman ako.  leche!  pero umaayos na ngayon (kasi tinurukan din ako ng doktor ng gamot kagabi). grabe, ano?

———-

sabi ng doktor kagabi nung pabulong ko siyang tinanong kung ba’t nangyayari sa ‘kin ‘to (hindi ako nagpa-cute sa doktor a, sadyang hindi ko lang kaya magsalita), “the reason you have this is because maybe when you got here you haven’t eaten enough.  you’re not used to the food we have, so your immune system collapsed and germs accumulated in your throat.”

“now, let’s give you a shot, because the pills would take a looooong time before it works, on your case.  your tonsilitis is pretty bad.” *iling-iling-iling*

buti na lang sanay akong natuturukan ng gamot (kasi suki ako ng ospital nung college dahil sa ulcer ko… hmp!), kundi, nag-iiiyak na siguro ako sa ospital kagabi.

———-

teka, diba dapat tungkol sa goto tong entry na ‘to?

:lol:

———-

kagabi, sabi rin ni dok, kailangan daw soft diet muna ako, ”stick to soups and porridge, noodles maybe.”

kaya naman bago ako tumuloy sa bahay kagabi, dumaan muna ako sa hawker na malapit sa building namin at bumili ako ng porridge.  porridge ang hinanap ko imbis na kung anong soup, kasi nung tanghalian kahapon, bumili kami ni tin ng porridge sa maxwell at nagustuhan ko naman (hanggang sa may nakagat akong dahon of some sort na nakapagpasira sa pagkagusto ko nun). hindi ako pa-sosyal a, porridge talaga yung tawag nila dito sa goto, arroz caldo atbp.  so ang nabili ko, beef porridge na may itlog.

pagdating sa bahay, habang pilit kong sinasabi sa sarili kong, “masarap ang lugaw na ‘to… masarap ang lugaw na ‘to… masarap ang lugaw na ‘to…” di ko mapigilang ma-miss ang goto ng san pedro.

mahilig kasing kumain ng goto ang pamilya ko.  siguro nagsimula yung tradisyon naming magkakapatid na yon noong maliit pa kami.  dati kasi, pag walang magawa ang nanay ko, sinasama niya kami sa bayan ng san pedro, sa gilid ng munisipyo.  doon, maraming nagtitinda ng goto. 

may puwesto kaming binabalik-balikan dun kasi masarap talaga yung goto ni tita (syempre hindi ko na alam ang pangalan niya).  yung goto niya malapot, tas kulay dilaw… tapos, hindi lang panay tuwalya ng baka ang laman kundi pati laman ng baka na pinalambot ng husto.  pinalalagyan namin yun ng chicharon tsaka itlog. P10 pa lang ata nun ang goto special, e, kaya swabe maski padagdagan pa namin ng isa pang itlog ang order namin.

tapos siyempre, teternohan mo yun ng tokwa’t baboy na nilulunod sa sawsawan ng pinaghalo-halong toyo, suka, asukal, maraming sibuyas, bawang at sili.

SHET!!!

may iba pa kaming nadiskubreng gotohan sa may amin habang lumalaki kami.  nung HS ako, may pinupuntahan din kaming gotohan ng mga kaibigan ko.  nung nagkajowa ako (na higit na masmahilig sa goto kaysa sa’ken), nasubukan ko na rin mag-goto sa alabang, sangandaan, buendia, sa kanto ng elvinda atbp (oo, jologs kami).  at noong bago ako umalis, naka-ilang goto sessions na rin kaming magkakapatid (siyempre, kasama nila ang mga asawa nila) sa bayan ng san pedro. pero sa ibang puwesto na, kasi nawala na atang tuluyan si tita na pinupuntahan namin dati. 

ang punto, maski saan ako mag-goto diyan sa atin, lahat masarap.  hindi tulad dito, kung anu-ano ang flavor pero di ko talaga ma-dig.  hindi ko alam kung dahil ba yun sa luya, sa paraan ng paghalo, sa quality ng bigas, o sa lagay ng lansangan na pinaglulutuan ng goto.

SHET!!! bat ko ba iniisip ‘to!??!!

:cry:

hay goto… andami mong kahawig dito, pero wala silang binatbat.  ikaw pa rin ang nag-iisa para sa akin. 

———-

makakauwi kaya ako sa pasko para makapaggoto pagkatapos ng misa de gallo? 

BWAHAHAHA!!! wala pang isang buwan gusto na umuwi?

stage fright

June 18, 2008

malala palang talaga ang stage fright ko. noong nakaraang sabado ko lang yon napatunayan, yun ang araw ng unang palihan namin sa LIRA.

bago magsimula ang palihan, isa-isang nilista ang mga pangalan namin sa white board sa harapan ng classroom; mula sa pinakaunang dumating hanggang sa pinakahuli. sa may bandang gitna napalista ang pangalan ko. akala ko ayos lang yon, kako, “makakapag-observe muna ‘ko habang nagsisipagbasa ang ibang fellow.” so yun, relaks relaks muna. habang nagbabasa ang mga kasama ko, tahimik akong sumunod sa pagbasa nila dahil lahat kami may kanya-kanyang kopya ng mga tula ng bawat isa.

tinuro sa amin ni sir Mike ang basic na paraan ng pag-critique ng tula. “tignan nyo kung: tama ba ang bilang sa bawat taludtod; ang mga tugma, pare-parehas bang may impit (o walang impit); na-barok ba sila sa linyang ito; may salita bang gano’n, etc…” napapangisi pa ako nung una kapag may pinapa-note ang teacher tungkol sa mga madalas na pagkakamali sa pagsusulat kasi alam kong mayroon noon sa gawa ko. cool lang. chill na chill. pero, nung nakita kong paunti na nang paunti ang magbabasa bago dumating ang turn kong magbasa, unti-unting bumilis ang kabog ng dibdib ko. ang naisip ko na lang noon…

“HALA!”

kaya naman binantayan ko ang listahan, at naloka sa tuwing may natatapos magbasa. nagbasa mayi, si sheila, si fer, tapos, ako na. ako na. AKO NA!!! SHET!

dumagundong na ang kabog ko bago pa man ako tuluyang makatayo sa upuan. pati pulso ko sa gitna ng collar bone parang gustong kumawala. ramdam ko ang paulit-ulit at buong pwersa nitong pagbangga sa puno ng leeg ko. gusto niyang kumawala at magsasayaw sa gitna ng classroom namin. gusto niyang sumayaw sa gitna ng circle ng klase namin tulad nang sumikat na dancing baby noong early 2000’s!!! shet!pero pilit ko ‘yong dinedma.

tumayo ako, hawak ang sandamukal na papel ng mga tula ng buong klase (dahil mahahalata ang pangangatog ng kamay ko kung yung papel ko lang ang hawak ko). “pasensya na po kayo’t nangangatog ako,” sabi ko pa, sa pag-aakalang maiibsan ng ultra-dork introng ‘yon ang aking kaba. pero hindi! noong nagsimula akong magbasa, lalong nanginig ang mga kamay ko, hanggang sa hirap nang basahin ng nanlalabo kong mga mata ang papel na ‘kala mo’y sinapian na ng katauhan ng isang lindol na papatak sa 7.3 ang magnitude sa richter scale. umabot rin sa puntong hindi ko na kayang tumayo nang tuwid, kaya nagpasya akong ilapag na lang ang binabasa sa arm rest ng upuan ko. tinungkuran ko na rin ‘yon, dahil ramdam kong malaki ang chance na himatayin ako o ma-stroke :lol: kaya yun, awa ng Diyos, natapos ko namang basahin ang mga lekat kong tula nang hindi nagha-hyperventilate.

pagkaupo ko, sabi ni Levi, :shock: “grabe yung ngatog mo!!!”

“oo nga e! nakita mo ba yung kamay ko?”

“OO! tsaka hindi lang yun. Nung dito ka na nagbabasa, nagva-vibrate yung chair!”

———-

oha! sa tingin mo ba, magagamot ng paglalagay ng barya sa talampakan ang stage fright na ganito kalala?

ASA!

hay buhay

April 30, 2008

bago ako magkwento ng tungkol sa kung ano, gusto ko muna kayong kumbinsihin na pumirma sa petition ng Philippines Cheaper Medicines Act dito.

sa totoo lang, nalinawan lang ako tungkol sa isyung ito nung nabasa ko sa blog ni idol, mikael co (ang link na yan ay papunta sa comment section ng mismong entry na nabasa ko, akyat ka na lang sa mismong entry). andami ko kasing ‘life challenges’ nitong nakaraan kaya ‘di ko iniintindi nung una kong narinig sa balita. e putek, direct hit pala ko nito, kasi drug dependent halos lahat kami sa pamilya, kaya natauhan talaga ako.

hindi naman kami mga adik, nagkataon lang na: ang ate ko, may hyperthyroidism; ako, may gastritis, Vitamin B-complex deficiency, at IDA; ang utol ko at pamangkin kong si cholo, may asthma (at araw-araw silang nagpa-puff ng mga anti-asthma chu nila); may tiyo ako sa side ng nanay ko na kaka-stroke lang (so, sandamakmak rin ang gamot niya); at nasa lahi namin ang diabetes. lahat ng tiyuhin ko sa side ng tatay ko meron… at di malabong magkaroon kaming magkakapatid ‘pag tanda namin.

mahirap magkaroon ng diabetes. alam ko dahil ang jowa ko dati (na kaibigan ko hanggang ngayon) ay diabetic din (mula nung 16 siya). sa loob ng higit 3 taon na magkasama kami sa isang bubong, witness ako sa araw-araw niyang pagtuturok ng insulin sa umaga’t gabi (at kailangan niya gawin ‘yon habambuhay). at dahil pag may diabetes ka, prone ka na sa kumplikasyon, madalas siyang ma-ospital dahil sa kidney infection (at hindi lang ito basta UTI). nung nakaraang taon din, na-diagnose si H with hypertension, kaya bukod sa mahal na insulin, may 3 gamot rin siyang iniinom everyday. dagdag mo pa diyan ang syringe (na P12 isa, at isang beses lang pwedeng gamitin), ang strips na nilalagay sa blood sugar meter, alcohol swabs, needle na pang prick at kung anu-ano pang kaputahan. lagi niyang sinasabi dati pag hirap kami sa pera, “minsan, gusto mong hintayin na mamatay na lang.”

maaaring hindi tayo pareho ng sitwasyon. siguro rin, hindi kasing pangit ng genes namin ang genes ng pamilya nyo o wala kang kilalang taong direk hit ng isyung ito, pero kailangan mo pa ba talagang maramdaman ang epekto ng mahal na gamot bago ka kumilos para sa ikabubuti ng masnakararami nating kababayan? tama si mikael, buhay ang pinag-uusapan dito .

punta kayo sa blog niya nang mabasa nyo ang malinaw niyang paliwanag tungkol sa Cheaper Medicines act. sabi nya rin dun, kung gusto ninyo ng FAQ pwede nyo siyang i-email.

kaya mehn, pirma na :) eto uli yung link para ‘di ka na umakyat.

———-

eto pa isang mabigat…

TANGINA!!! TULUNGAN NYO KO MAGHANAP NG BAHAY!

:lol:

o ‘di kaya matchbox na pwede kong gawing home sweet home :D

mula nung lunes, naghahanap ako ng malilipatan dito sa Makati o Manila area. anak ng teteng naman kasi… ayoko nang i-kwento.

hindi naman sa masyado akong nag-iinarte, pero ang gusto ko kasi, mag-isa lang ako sa isang kwartong may banyo… sa halagang P3,500. o yan a… pucha!

ang hirap maghanap. kagabi nag-ikot na nga ko after work e… panay bedspace, ayoko nun. kasi:

1. hindi ako sanay ng may kasamang ibang tao sa kwarto. bukod sa lumaki ako nang mag-isa (halos) sa buhay. i never shared a room with anyone nung lumalaki ako. nun ngang mga unang pagkakataon na lumipat si H sa ‘min dati naloka ako, kasi magkaiba kami ng definition ng ‘order’… naloka ako nung, feeling ko, nawala ang personality ko sa kwarto ko :lol:

oo, alam ko, “wala ka ng pera… wag ka na maarte.” pero kasi, KUNG MAGBABAYAD AKO NG TITIRAHAN KO, SA KUMPORTABLE NA, DIBA? ayokong masiraan ng ulo. i’m adjusting to the fucking situation, kaya i don’t want to end up moving somewhere na araw-araw lang din akong mapa-praning o mabubwiset.

2. ayokong maging hassel sa iba. a) hindi ako nakakatulog ng walang ilaw b) hindi ako nakakatulog ng maaga c) hindi ako naniniwala sa curfew… sa bawal na ganito, bawal na ganyan d) at higit sa lahat, malakas ako magyosi.

3. ayokong ma-hassel ng iba. aminin mo, hindi lahat ng tao kaparehas mo sa definition ng maayos at malinis. ako malinis, pero dahil eclectic ako, mukha pa ring magulo. sa kwarto ko ngayon may maayos na kalat ng mga libro, mga notebook, mga ballpen at lapis, mga scrapbook, gitara, rainstick, mga nakahanger na pashmina, at iba pa… sabi ng ate ko madumi, pero hindi dahil lagi ako naglilinis.

at ang pinakamalaking porsyento ng dahilan kung bakit ayaw ko ng may kasamang iba ay ang respeto… lalo na sa gamit. magkakaiba rin tayo ng depenisyon ng respeto. may mga taong keri-keri ang hiraman… ako rin, pero libro’t cd’s lang ang go na go ako.

hindi ako mahilig magpahiram ng pantalon, t-shirt, pajama, panty at bra… yung bag pwede nating pag-usapan. hindi ako madamot. naniniwala lang ako na hindi ka dapat pumoporma kung hindi mo kaya. tama?

yon. kaya please, kung may alam ka namang room4rent, sabihan mo ko. salamat!

ma-fa-flatter ka ba?

April 18, 2008

nung isang lingo, habang naghihintay ng elevator pababa para magyosi, sabi ni kaye (bago naming officemate) sa’ken, “mukha kang college student…”

:shock: ow? hanggang ngayon?

teka… bente-siete anyos na ‘ko. hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong isukli sa ganong komento. siguro two years ago andali lang mag-react don, “o talaga :D thanks!”. actually, 2 years ago nagagamit ko pa yon na strategy para makatipid (kasi kulang pa pang pamasahe ang sinisweldo ko non). tuwing sumasakay sa bus sinasabi ko, “quirino. estudyante,” tas may 20% na diskwento na ko :twisted:

pero ngayon, mukha pa rin akong estudyante? hanggang ngayon? ibig ba sabihin non hindi ako mukhang credible sa ginagawa ko? na hanggang ngayon hindi pa rin ako mukhang seryoso sa buhay.

hmm… ano sa palagay nyo?

———-

gwapo yung air2100 guy na nagdedeliver dito sa building namin. crush siya ni Lita, at halos lahat ng bading sa building ay aware sa existence ng nasabing delivery man.

kahapon, habang nagchichikahan sa gilid ng building, napalapit siya sa amin (dahil sa pwesto namin may basurahan at tinapon niya dun ang kanyang sprite tin can). isa yong makapigil-hiningang sandali kay Lita, as in nag-freeze siya.

pagka-alis ni air2100 guy biglang inexpress ni Lita ang pagkaloka niya. sabi ng officemate naming si G, “dapat nagkunwari kang nahimatay tas bumagsak ka sa kanya… o kaya sinagi mo tapos, oops. sorry.

sabi ni K, “or tinanong mo… can you deliver?

habang patawid, ako, “‘de, para kumpleto dapat… so, how’s your package? can you deliver?:lol:

kung ikaw yung air2100 guy at may nagsabi nun sa’yo (na babae syempre), anong magiging reaksyon mo?

———-

eto nakakaloka.

nung isang lingo umuwi mula Italia ang dati namin officemate na si A. nagchikahan sila ng iba pang ancient one’s sa corridor ng office namin. nung napadaan ako papuntang banyo, naalala nila yung first impression nila sa ‘kin… “akala namin tibo ka.”

ako: : shock: ha?”

O: kasi lagi ka lang naka-shirt tsaka jeans. wala lang, may ganun kang aura.

ako: ganon? :lol:

O: oo. nagbago lang yung isip namin nung sinundo ka na ng boyfriend mong gwapo.

lahat: BWAHAHAHAHA!!!

O: babae ka pala.

kinagabihan, naglakad ako papuntang SM. at as usual, bago umakyat ng hagdan pa-bus stop, huminto ako sa bilihan ng yosi. pumwesto ako sa gilid ng hagdan. biglang may dalawang babaeng pumwesto sa may gilid ko, naghahagikgikan. nagsindi ako ng yosi… nagsindi rin yung isa. may dumaang isang tropahan na kilala ata nung dalawang babaeng nasa gilid ko, “o, anong ginagawa nyo diyan?” inangat nung isang babae ang yosi niya para ipakita, at ngumuso na parang tinuturo ako sa bumati sa kanya. nagtawanan sila. medyo naimbyerna na ko.

binaling ko ang tingin sa dust pan na nakasandal sa dingding sa harap ko, pilit kong nilulunod ang malakas na boses ng babae habang nagkukwento. nakakaimbyerna talaga! nakataas ang kilay, tumingin ako sa kanila. tumahimik siya, pero nagulat ako sa itsura nya, dahil pagtingin ko nakangiti siya. nakangiti siya sa ‘kin at tinutuck ang buhok niya sa likod ng tenga.

hala!

ilang minuto pa, ramdam ko na ang classic signs ng pagpapakyut ng babae mula sa kanya. nakakaloka. alam kong iniitsa nya sken ang bawat senyales na ‘yon… alam ko dahil babae ako, at yun ang ginagawa namin ng mga kaibigan ko pag nagpapakyut (nung bata pa kami).

tangina, bat nagpapakyut sa ‘ken ang hitad na ‘to?

yuck!!!

hindi ko na tinapos ang yosi ko. tinapon ko sa dustpan.

kinabukasan, tinanong ko si Lita, “mukha ba talaga akong tibo?”

L: bakit? masyado ka namang affected dun sa sinabi namin kahapon.

ako: hindi yun.

kinwento ko ang insidente.

L: … siguro dahil sa suot mo kahapon. tsaka ang macho mo kasi maglakad.

ako: so dapat mag-aral akong kumendeng?

L: oo :lol: tsaka mag-ayos ka kasi.

ako: e nakakatamad e.

kinagabihan ng araw na yon (biyernes) nagka-ayaan kaming uminom. pumunta kami sa penguin, tulad ng nakagawian tamang inom, chicka, lafang lang kami. wala pang tao dahil maaga pa nang dumating kami… prenteng-prente kami sa pagkakatambay. maya-maya may dumating na babae, napatingin kami sa kanya dahil aligaga siya. ‘di matahimik sa isang pwesto, at paikot-ikot sa smoking area. pero hindi naman siya kaingayan kaya deadma. kwentuhan uli kaming magkakaibigan.

after 1 hour siguro, nagpunta ko sa banyo. may tao pa sa loob at pangalawa ako sa pila… so hintay muna kami sa corridor. after 10 minutes, bumukas ang pinto. lumabas ang amoy ng juts kasabay ang pagbungad ng babaeng aligaga, “oh hi! sorry, i didn’t know you guys were waiting.” kebs kami nung sinusundan ko sa pila.

papasok na sana ang nasa-unahan ko sa banyo pero nag-alangang siya. bandang huli naisip niya sigurong naiihi na talaga siya… so matapos ang mga dalawang minuto ng pagtanga sa may pinto naglakad na siya papasok. naisip niya siguro, “bahala na.” lumampas na siya sa door frame, pero ‘di pa man naipapasok ang isa pang paa sa loob ng banyo lumabas uli siya, “umm… excuse me, you left your beer inside.” “o, sorry!” sabi ng babaeng aligaga at kinuha ang beer nya.

sumara na ang pinto ng banyo. nakatayo ako sa harap non… nagfofocus ako sa pagka-pula nito. nag-aayos ng buhok ang babaeng aligaga sa gilid ko. ilang minuto pa, may naramdaman akong titig, napatingin ako sa kanya. “hi! i’m maria.” napangiti akong bahagya… “hi!” iniabot nya sa kin ang kamay niya, so i shook it. “i’m chelot.” “wow! that’s a nice name.” “thanks!”

nagmake-up na siya. ako naman nagfocus na uli sa pinto… awkward moment. hindi ako marunong mag-small talk. iniisip ko, ano naman ang sasabihin ko sa kanya: “may juts ka pa?” hindi naman ako nag-ju-juts; “you come here often?” BWAHAHAHA!!! classic! o “are you with the band?” hmmm… wag na lang. so hindi ko siya kinausap. i just stood there.

awkward.

awkward.

awkward.

after 58 years, natapos siya sa pag-aayos nya. lumabas siya ng corridor. bumagsak ang pinto sa likod niya. lumabas rin maya-maya ang babaeng nasa loob ng banyo… ako na.

pagbalik ko sa mesa, kinwento ko kay L ang nangyari sa may banyo. “ang weird.” maya-maya, ang babaeng aligaga nandun na naman sa smoking area. umupo siya sa katapat naming table, naglotus position, at tumitig sa ‘ken.

:shock: tumitig!

nakakatakot.

L: shet!!! grabe yung factor mo.

ako: :(

L: pero, hindi ka ba nafa-flatter? dapat ma-flatter ka!

ako: ma-flatter ako… because i’m starting to attract other women?!!?

L: oo!

ako: :mad: ayoko nga!

L: sige na nga, sasamahan ka na lang namin mag-shopping.

di ba, kaloka? kung ako ikaw, mafa-flatter ka ba?

———–

dahil sa mga pangyayaring yon nung isang lingo, nagpapaka-girl na ko. shet, nakakapagod!

ang hirap intindihin ang ang tok-tok-tok ng takong ng closed shoes habang naglalakad sa madulas na sidewalk, at malakas ang buhos ng ulan. dumadagdag pa dyan ang buhok mo nililipad ng bawat ihip ng hangin. di ka na rin magkandaugaga sa paghawak ng payong, pag-ipit ng bag sa tagiliran habang humihithit ng yosi.

nakakainis rin ang titig ng mga construction workers, ang “good morning ma’am” na galing sa bawat naka-ngising security guard na madadaanan mo, ang sudden burst into “bakit ngayon ka lang…” o “binibini sa aking…” ng iba pang lalaking nakakasalubong mo. ang mga “wit-a-woo” ng mga walang magawa sa lansangan.

ANG HIRAP MAGING BABAE!!! at hindi pa ko kagandahan sa lagay ng yan a, pano pa kaya yung mga magaganda talaga, diba?

at dahil sa sudden change na ito, napagtitripan ka pa… kahapon, binigyan na ko ng mga officemates ko ng bagong pangalan… “ngayon, ikaw na si Girla Lou Belan” :lol:

nyeta!

tix-tix lang tayo

March 31, 2008

hindi ako mahilig magtext. masmaigi para sa akin ang tawag dahil masmabilis ang usapan, masmalinaw. sumasagot lang ako sa text ‘pag mahalaga.

kadalasan, ang cellphone ko ay isang mamahaling paper weight.

———-

pagkatapos maglaba nung linggo bago mag-long weekend, chineck ko ang cellphone ko. may missed call na nakaregister, isang number na hindi naka-save sa phonebook ko. dahil akala ko kamag-anak o kaibigan (na di ko na-update ang number), o di kaya raket, tinext ko, “sino po sila, at anong pong kailangan n’yo?” mabilis na dumating ang reply,”wy man.”

bisaya. naisip ko, baka isa sa mga pinsan ko na pinasahan ni mama ng number naming magkapatid. may tiyo kasi kaming may sakit ngayon, kaya, “sino ka? kanino mo nakuha ang # ko?”

“wala talaga. dial2 lang ako…”

anak ka ng UNLI!!! sa isip-isip ko. hindi na ko uli sumagot.

matapos ang ilang minuto, nag-ring ang cellphone ko. si dial2. deadma. maya-maya, nag-ring uli at ang mysterious number pa rin yon. naalibadbaran na ‘ko.

hindi ko naiintindihan kung bakit may mga taong ganito. saan kaya nila nakuha ang ideya na cool ang mang-istorbo ng taong ‘di nila kilala at na ok lang aksayahin ang resources ng iba. imbyerna!

“sino ka ba? wala akong panahon na makipag-textmate. pwede bang tumigil ka na?”

“ilang taon ka na? ano ka, girl, boy o gay?”

“i’m sorry, but if you don’t know who i am and have no business with me, please stop bothering me. thank you.”

“ah… ok”

good!

matapos uli ang ilang minuto…

“ano name mo pala?”

POOOT@@@@@@@@@!!!!

……………………..

“i am cornholio!”

xxxxx

kinabukasan, nagpamiscol uli ang pa-pampam. dinedma ko lang…

4 na missed calls

biglang, “ok lng naman, teks teks lang tau a. savhin mu lang kng may magagalit sau.”

nakakadire!!!

pero dinedma ko pa rin.

xxxxx

akala ko tapos na ang pang-i-istorbo ng pa-pampam na yon. akala ko matatahimik na ko, pero nung biyernes, pagkabalik ko sa table ko after lunch, may message galing sa isang # na ‘di naka-save sa phonebook ko, kaya, “sino po sila?”

“anu k b? teks teks lng naman tau e. bat ayaw mo?”

:mad:

ANAK NG TETENG!!! Bat kaya ang kapal ng mukha ng hayop na ‘to? nanggalaiti na ko… “Putangina! Tigilan mo na ang pagpapapansin mo!!! Ipapa-trace ko yang number mo at ipapa-abduct kita ‘pag di ka tumigil!”

“cge n nga. nakakatakot ka naman…”

DAPAT yun na ang huling pagpapapansin niya, dahil hindi ako nagbibiro sa huli kong message :evil:

———-

on a lighter note…

mula nang inembrace ko ang single-blessedness (heeh), lagi na ‘ko nakakatanggap ng text galing sa nanay ko na nagsasabing…

“chelot, mama ‘to. padalhan mo ko ng pera.”

:roll: umm.. ayus lang yun. ganun naman talaga diba. pero minsan, gusto ko siyang biruin. gusto ko siya replayan ng…

“ma, chelot to. hindi ako si daddy.”

:lol: