Chelot Belan is
September 30, 2009
thinking
of home.
decisions, decisions…
June 19, 2009
i’m facing yet another mind-boggling crossroad and i’m only given the weekend to think things through
i’m in dire need of an enlightened decision, and so aside from just driving myself crazy weighing pro’s and con’s, i’m consulting sensible & trustworthy friends. i’m also browsing the web for “signs” and horoscopes (BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! “what’s with Scorpio’s and horoscopes,” sabi nga ng team mate ko sa CVG dati).
anyway, my one and only colleague saw me reading my horoscope today. she just smiled. she’s a free thinker, and has claimed countless of times that she doesn’t believe in anything (luck, religion, etc.)
“I have no one to pray to for money,” she jests.
so when i asked her earlier if she never, even once, looked into her horoscope, she said, “No. I don’t believe in things like that. I only believe in opportunity.”
Oha! Good point! Di naman pala siya blur lagi
———-
also, she doesn’t want me to get sick or mad at G. Baba. “I will be lonely lah…”
sweet.
super random shit
February 13, 2009
the problem with writing for a living is that you never really get to write.
of course that’s cliche, so everyone agrees. correct or not?
———-
madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e. puta tsong, gusto ko nang kumita!”
but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!”
———-
i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was. so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).
and yes, i am that old and ulyanin!
———-
i know. i express myself better in Filipino. but who reads this anyway?
may sasagot. si chelly! hahahaha.
———-
i’m on my 7th month here in SG. i haven’t gone home. i never thought i’d last this long without seeing my family. especially nina.
yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her. i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much. nakoo, dalaginding na din siya!!! shet.
anyway, i realised that she’s my favorite and — yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!). maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little. and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)
i miss ninay.
———-
connected to the previous section (haha!)
it’s only when i got here that i realised;
- how much i love everyone i care for back home. *yakap*
- how OC i am. i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise. i can’t keep still until i see things ‘clean’,
- i am an addict. i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga). i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back. min of 335mL/day. tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness). i don’t have f*cking discipline.
- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).
- i really love walking aimlessly in urban jungles. i do. i really really do. and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into. even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.
———-
anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).
i hope in time, i’d find a job that i can love in this city. i hope i’d find a ‘fuentes’ here.
seriously.
“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!”
hahaha.
———-
ano pa ba?
ahh!!!
2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.
kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.
i hope you both get well soon. at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!
*hugs to you both*
-chabellita
iyakan na!
January 3, 2009
nitong nakaraang holidays, ilang beses akong nagpabalik-balik dito. gusto kong magsulat, pero sa ‘twing naririto na ‘ko napapatanga na lang ako sa cursor. blink blink blink.
natatakot akong magkwento.
natatakot akong isa-isahin ang lahat ng mga bagay na nasa utak ko.
ilang beses ko nang sinubukan na gumawa ng kung anu-anong topics, para lang alam kong tirahin ang gusto kong isulat; a. anong natutuhan ko sa nakalipas na taon, b. paano ko sinalubong ang Pasko, c. paano kung gumawa akong ng new years resolution for the very first time? pero wala. ayaw lumabas.
hindi ko kasi talaga gustong isulat ang mga yun, dahil wala naman talagang kwenta (not that may kwenta tong sinusulat ko ngayon, a.) pero sadyang hindi talaga siguro ako ganun magsulat. kailangan, basta lang (hahaha!) parang lagi akong may hinihintay na musa (o halimaw na deadline) para makatae ng salita. sorry naman sa kababuyan (pero kung dati ka nang napapadpad dito, alam mo na naman sigurong balahura ako). ayun.
ngayon, napagtanto kong kaya hindi ako makapagsulat, e dahil ayokong umiyak. o, hindi ako nega, a. hindi ko sinasalubong ng bad vibes ang bagong taon. emo lang talaga ‘ko.
———-
so bat naman ako iiyak?
kasi Pasko. pag Pasko, lagi akong naglilimi at malala yun ngayon dahil malayo ako sa lahat ng mahal ko.
ilang araw bago magPasko, nakatanggap ako ng email mula sa bunso namin. sabi niya, “huy, ngayon lang tayo hindi magkasama ng Pasko, a. hu hu! miss na kita”.
o diba, nakakaloka. kasi hindi naman kami ganun magkakapatid. for the past 10 years (or more) kasi, laging kaming dalawang mag-utol ang magkasama ng Pasko. lagi kaming alone together sa bahay (kasama ng mga multo) kasi umuuwi ng Tarlac si ‘ti Kate kasama ang mag-anak niya, tas si Mama Bagong Taon umuuwi, tas si Daddy patay na (haha! talagang sinabi pa. pero siyempre nung buhay yun nandun sa una). ayun, so kaming dalawa nga lang lagi, mula nung ewan ko na kung kailan.
ipinagluluto ko siya ng mediocre cheesy spaghetti, tas bumibili kami ng hamon, sopdrinks, ice cream at kung ano pang trip namin lafangin. swabe na yun kasi dalawa lang naman kami. swabe na yun kasi wala na kong alam na ibang lutuin. swabe na yun basta magkasama kami (ayan potah naluluha na ko. haha!) tas nung medyo umiinom na kami, bumibili na rin kami ng beer. umiinom kami sa garahe pagkakain, tas kwentuhan, tas pag antok na tulog na. ganun ka-simple. Merry Christmas na yun! buti may asawa na siya ngayon, maski wala ako dun, hindi siya nag-iisa pero sa totoo lang ngayong taon, siya ang pinaka-namiss ko sa lahat ng taong kilala ko sa buong mundo.
waaaaaahhhh!!!
———-
nung mismong araw ng Pasko, inimbita ako ng bestfriend ko nung HS na sa kanila mag-Noche Buena. so pumunta ko sa Bukit Batok. inampon ako ng pamilya nila Love
nagkainan, tawanan at nakatanggap din ako ng regalo mula kay Santa. dapat dun ako matutulog, pero biglang sumakit ang pantog ko. pinilit kong pauwiin nila ako.
“bat ka uuwi e wala kang kasama dun?” ika nila. kako, gusto ko lang maghihilata/magtutuwad ng todo kung kinakailangan kasi nga may masakit sa akin. pero noong pauwi, narealise ko na: may bahagi talaga ng pagkatao kong nagpupumilit at gustong mapag-isa noong gabing yun.
———-
e gaga ka pala, e. bat gusto mo mag-isa tas iyak-iyak ka?
dahil hindi ako sanay ng iniintindi ng iba. hindi ako sanay ng tinutulungan. nalulunod ako sa ‘care’ na binibigay sa akin. kailan ko pang mag-adjust sa bago kong buhay.
———-
anyway, Manigong Bagong Taon sa ating lahat!
tatanggapin ko ang bansag na iyakin, dahil hindi naman ako naiiyak sa lungkot/pagkabigo (promise. hindi ko kayang iyakan ang kawalan. i’m crazy that way), bagkus lagi akong napapaluha dahil sa pagka-touch. hahaha!
salamat sa lahat ng taong tumulong sa akin sa paglampas sa nagdaang taon na puno ng pagbabago, pagsubok at tagumpay!
wee!!!
sana’y natulungan ko rin kayo in a way (although di ko talaga sure kasi windangers ako forever last year).
winiwish kong, sana maging masmasaya at puno ng biyaya ang bagong taon para sa ating lahat para pag-uwi ko, mag-iyakan tayong magkakaharap
ang lungkot…
December 21, 2008
“Sometimes,” he confesses ruefully, with a soft (perhaps tricky smile), “I dream at night that I’m all alone someplace and I don’t know where to go. And I cry. When I wake up, my eyes are wet. Sometimes,” he continues humbly, now that he has decided to tell, “I’m not even asleep when I have this dream.”
- ! Something Happened
Joseph Heller
Astig Siya talaga!!!
December 12, 2008
anak nang! iba na naman ang itsura ng wordpress. ngayon na lang uli ako nakapunta dito, e. nagulat ako, pagkasign-in ko, kala ko naligaw na ko. ang dami-daming box at kung anu-anong ka-lekatan. hay…
hindi ko alam kung mahihimay ko pa nang husto ang bagong pakulo na ‘to. kainis. baka katamaran ko na to, a. hindi na kasi siya mukhang user friendly. nai-intimidate ako sa itsura ng interface (yan, iniimbento ko na yung mga tawag kasi hindi ko talaga alam kung anong tawag dun e. haha)
pero ganito yan, “website ka lang, tao ako. hindi mo ko kaya!” eto ngang pinagdaanan ko nitong dalawang linggong nakaraan e higit na nakakaloka, nalampasan ko, eto pa kaya?
sus, sisiw! sisiw ka wordpress.
———-
so anyway, hindi ko na isishare sa blogosphere ang pinagdaanan kong nakakaloka na nabanggit ko sa taas. ang mahalaga, alam ng mga taong malapit sa akin yun at tinulungan nila ako sa kanya-kanya nilang paraan. MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!
pero, eto ang gusto kong i-share.
Sunday School Song:
Oo! Mahal ako ng nanay ko.
Oo! Mahal ako ng tatay ko,
Pero may higit na nagmamahal
sa akin…Mahal ako ni Hesus!
Mahal ako ni Hesus!
Tinuro sa amin yan ni Dawn Marie the baby nung High School, isang hapon, habang nagbebreak nung gumagawa kami ng cheer para sa intersection chorva namin. Para lang malinaw, hindi po ako cheerleader nun (baka kasi iniisip ninyong ang feeling ko naman mag-claim na cheerleader ako). Ako lang yung gumawa ng cheer, kasi hindi naman ako cheerleader material dahil: A. ako si chabelita, noon, ngayon, at magpakailanman B. hindi ako maputi, makinis. Hindi ako maganda sa conventional standards ng karamihang utaw. haha! at C. poor balance and hand-eye coordination. But that’s another story. Ang gusto ko lang talagang sabihin ay…
Grabe, ang galing-galing talaga ni Lord!!! Astig! Astig talaga. Astig si Hesus! Astig Siya talaga!!! At hindi lang ako ang nagsasabi nun, marami pang iba at kabilang na riyan si Gary Granada at si J.D. Salinger. weeha!
Kaya, isa pang Sunday School Song:
Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you!
si Jackylyn Chan naman ang nagturo sa klase namin niyan nung Grade 2 ako. oo, seryoso, may kaklase ako noon na Jackylyn Chan ang pangalan (pero di ko na alam kung nasan na siya ngayon). yun lang.
muli, salamat Po!
———-
Hayawn!
Gusto ko lang malaman ninyong hindi pa ko nasiraan ng bait (fine. nang tuluyan) at nakakafunction pa naman ako. At naniniwala akong, i never did it alone… Salamat sa lahat ng taong nagtiwala sa akin lalo na sa mga panahong wala akong tiwala sa sarili ko.
*yakap sa inyong lahat*
ipagpatuloy lang po natin ang mga dasal para sa ganap kong pag-o-overcome sa lahat ng ito. siyempre, hindi ko naman sinasabing panay ako lang ang ipagpray ninyo… ipagpray niyo rin ang sarili ninyo, pamilya ninyo, pati na ang mga taong sadyang niloko at pinagkaisahan kayo. mga ganun. haha. basta, pa-damay lang ako sa prayer : ) (salamat in advance!)
basta, magpray tayong lahat lagi.
okey? ayos.
———-
*clap-clap-clap*
Mahusay!
finally
August 9, 2008
noong isang araw, kumain akong mag-isa sa may hawker malapit sa office namin. sobrang toxic kasi ni tin noon at napagdesisyunan niyang hindi siya kakain ng tanghalian.
pagdating ko dun sa hawker, marami nang tao. hindi na ako nagsave ng puwesto kasi naisip ko, mag-isa lang naman ako at madali nang maki-,”is this seat available,” sa mga tumpok, kaya pumila na ako sa bilihan ng ramen. pagkabili ko, may isang bakanteng mesa na naghihintay sa ‘kin. “panalo! makakain ako nang matiwasay,” sabi ko sa sarili ko. sanay kasi akong kumain mag-isa. maliit pa lang ako ginagawa ko na yun. nun nga kasing elementary ako wala akong friends (na-kwento ko na ba ‘to dati?). kuntento na ako na maglakad mag-isa papunta sa canteen, bumili ng ham and cheese flying saucer sandwich at strawberry shake at kainin yun habang naglalakad pabalik ng classroom araw-araw. tas pagdating ko sa classroom maglilinis ako kasi wala akong magawa, maski hindi ako ‘cleaners’ para sa araw na yun. pero anyway, ibang kwento na yun.
mabalik tayo sa pagkain mag-isa. may mga tao kasi na takot kumain mag-isa, i have nothing againts them. may nagsabi kasi sa akin na pag mag-isa daw kasi siyang kumakain, nako-conscious siya. parang tinitignan siya ng lahat ng nakapaligid sa kanya tas iniisip daw ng mga yun na, “bakit kaya mag-isa siya kumain? kawawa naman siya.” (teka, si rachel green ata ang nagsabi nun sa friends). feeling ko, kaya kaya kong kumain mag-isa ay dahil wala akong pakialam kung may nakatingin sa akin o wala habang sinesavor ko ang kung ano mang kinakain ko, kasi may mata rin naman ako para tignan sila. at ‘yun nga, nung isang araw napagtanto ko na ayun ‘yun. kaya ko kayang kumain mag-isa (o mag-isang gawin ang kung ano man maski kailan ko gusto) ay dahil yun ang ginagawa ko. inaaliw ko ang sarili ko sa pagtingin sa iba, sa mga nangyayari sa paligid ko.
nung kumain akong mag-isa sa hawker, isang nakakatuwang bagay ang nakita ko. diba nga kasi sobrang diverse ang kultura dito. iba-iba talaga ang lahing makakadaupang palad mo araw-araw. nung araw na yun, sa kalagitnaan ng pagkain ko ng ramen, may nakishare sa akin ng table. tatlong babaeng chinese-singaporean. pagkabili nila ng pagkain, nakita kong hindi chopsticks ang tangan ng dalawa sa kanila para sa pagkain, kundi kubiertos.
nakakatuwa silang panooring gumamit ng kubiertos kasi hindi sila sanay. naisip ko nun, “ano kaya ang itsura ko ngayong chopsticks ang gamit ko?” siyempre, marunong ako gumamit, pero hindi ako bihasa/sanay sa paggamit nun, kasi hindi naman ako lumaking ‘yun at ‘yun ang ginagamit sa pagkain araw-araw. yung isa naman sa kanila na chopsticks ang gamit, bago pa isubo ang noodles niya, inilalagay muna sa panandok ng sabaw (actually, marami akong nakitang ‘yun ang ginagawa). tinanong ko yung officemate ko kung bakit ganun (kasi diba tayo deretso na sa bibig), parang etiquette daw pala yun pag sa labas sila kumakain.
dahil dun, naisip ko, lahat pala ng tao dito ay nag-aadjust din lang . maski yung mga taga dito nang talaga. kasi, kailangan din nilang makipagsabayan sa ibang lahing bagong salta. kailangan din nilang pag-aralan ang kulturang dala naming mga dayuhan.
nakakatuwa. hindi ako nag-iisa.
———-
kagabi, magkakasama kami sa orchard (ang tagpuan ng mga pinoy) ni tin at carlo. pagkakain, naglakad kami papuntang somerset para mag-isang round. so siyempre pag may beer, may kwentuhan. sa pinapasukan namin ni tin na opisina ngayon nanggaling si ning kaya alam niya ang nangyayari dun. nung malapit na kaming umuwi, tinanong niya kami, “so kumusta naman kayo dito, i mean, yung buhay ninyo sa labas ng opisina?” at “nagsisisi ba kayo sa pagpunta nyo rito?”
isang buwan na ‘ko dito ngayon. si tin, isa’t kalahati. “hindi naman… “
sabi ni ning, talagang ganun lang sa simula kasi andami ngang pagbabago. maski saan naman siguro ganun.
buti na nga lang at may internet na ngayon, di katulad dati. ngayon, pag nag-online ka, makakausap mo na’ng lahat ang mga naiwan mong mahal sa buhay kaya keri na talaga maski malayo.
napunta rin kami sa usapan nang kung ano ang naidudulot ng pagpunta rito o pangingibang bayan in general; para sa iba, para matuto sa buhay; para naman sa iba, para hanapin ang mga sarili nila; para sa akin, ito ang bagong simula.
———-
sa tren pauwi kagabi, nagsimulang mag-loop ang kantang ito sa isip ko;
Here is a song from the wrong side of town
Where I’m bound to the ground by the loneliest sound
And it pounds from within and is pinning me downHere is a page from the emptiest stage
A cage or the heaviest cross ever made
A gauge of the deadliest trap ever laidAnd I thank you for bringing me here
For showing me home
For singing these tears
Finally I’ve found that I belong hereThe heat and the sickliest sweet smelling sheets
That cling to the backs of my knees and my feet
Well I’m drowning in time to a desperate beatAnd I thank you for bringing me here
For showing me home
For singing these tears
Finally I’ve found that I belongFeels like home
I should have known
From my first breathGod send the only true friend I call mine
Pretend that I’ll make amends the next time
Befriend the glorious end of the lineAnd I thank you for bringing me here
For showing me home
For singing these tears
Finally I’ve found that I belong here
-Home
Depeche Mode
random 3rd week shit
July 30, 2008
30 minutes to lunch time, at tapos ko na ang task na plinano kong gagawin ko para sa umaga ng araw na ‘to
kaya…
blog rounds.
oo, ginagawa ko to ng madalas at hindi lang ang blog mo ang pinupuntahan ko (para lang malaman mo).
mula nang matuto kasi akong magblog, natuto na rin akong gumala sa blogosphere at namemorize ko ang url ng sites ng mga nagbablog na trip kong sumulat (oo, memorize ko). yun yung mga sites na tamang may natututunan ako, katulad ng kay ala paredes
muni-muni
kagabi, napadpad ako sa raffles interchange. isang stasyon ng tren yun mula sa pinanggalingan ko (tanjong pagar). dun kami magmimeet ng isang kaibigan bago magdinner. habang hinihintay ko siya, tumambay ako sa may Chevron Plaza.
hindi ko alam kung anong ‘klase’ ng mga tao ang tumatambay doon pero wala akong pakialam kaya umupo lang ako. makalipas ang ilang minuto, nalaman ko na kung ano ang karamihan sa kanila; smokers.
dun lang ako nakakita ng maraming taong nagyoyosi mula nang mapadpad ako sa SG. may nakaupo mag-isang nagyoyosi, dalawang magkaibigang nagyoyosi, lovers na nagyoyosi, nanonood ng Nat Geo sa screen na nagyoyosi, naglalakad na nagyoyosi, kakalabas pa lang ng istasyon na giyang na’t nagsisindi ng yosi.
ilang minuto pa, may narinig akong munting himig. pinakinggan kong maigi kung sa’n yun nagmula… “please… oh please….” sabi niya. habang napapatungo ako, lalong lumilinaw ang tunog hanggang sa madikit na ang tenga ko sa gilid ng bag ko
“OMG! ano yun!!!” pagkabukas ko ng bag ko, ayun, hinaharana pala ako ng nag-iisang stick ng Marlboro na nung nakaraang Miyerkules ko pang binuburo don.
pa-pampam?!!?
———-
kakaiba rin ang na-witness ko sa tren pauwi kagabi. mga 1030 na yun. kadalasan, sa tren, ang makikita mo e mga haggard na haggard na mga tao. usually mga a. tulala, b. nagbabasa, c. nagpi-psp, d. may kausap nang seryoso.
kagabi, iba! maraming tumpok-tumpok ng tao ang nagkekwentuhan animatedly. di ko napigilan ang sarili ko at nagtext;
“masmasaya ang mga tao sa tren pag ganitong oras. nakaka-aliw!”
goto
July 25, 2008
sinusulat ko to habang hindi pa ko nakakainom uli ng gamot para sa araw na ‘to. bigla kasi akong nagsha-shutdown pagkainom ng gamot.
ikaw ba naman, uminom ng anim na tableta (4 na antibiotic+ 2 pain reliver), makakayanan mo kayang magpakamasigla? oo, lumala ang tonsilitis ko, kaya absent na naman ako. leche! pero umaayos na ngayon (kasi tinurukan din ako ng doktor ng gamot kagabi). grabe, ano?
———-
sabi ng doktor kagabi nung pabulong ko siyang tinanong kung ba’t nangyayari sa ‘kin ‘to (hindi ako nagpa-cute sa doktor a, sadyang hindi ko lang kaya magsalita), “the reason you have this is because maybe when you got here you haven’t eaten enough. you’re not used to the food we have, so your immune system collapsed and germs accumulated in your throat.”
“now, let’s give you a shot, because the pills would take a looooong time before it works, on your case. your tonsilitis is pretty bad.” *iling-iling-iling*
buti na lang sanay akong natuturukan ng gamot (kasi suki ako ng ospital nung college dahil sa ulcer ko… hmp!), kundi, nag-iiiyak na siguro ako sa ospital kagabi.
———-
teka, diba dapat tungkol sa goto tong entry na ‘to?
———-
kagabi, sabi rin ni dok, kailangan daw soft diet muna ako, ”stick to soups and porridge, noodles maybe.”
kaya naman bago ako tumuloy sa bahay kagabi, dumaan muna ako sa hawker na malapit sa building namin at bumili ako ng porridge. porridge ang hinanap ko imbis na kung anong soup, kasi nung tanghalian kahapon, bumili kami ni tin ng porridge sa maxwell at nagustuhan ko naman (hanggang sa may nakagat akong dahon of some sort na nakapagpasira sa pagkagusto ko nun). hindi ako pa-sosyal a, porridge talaga yung tawag nila dito sa goto, arroz caldo atbp. so ang nabili ko, beef porridge na may itlog.
pagdating sa bahay, habang pilit kong sinasabi sa sarili kong, “masarap ang lugaw na ‘to… masarap ang lugaw na ‘to… masarap ang lugaw na ‘to…” di ko mapigilang ma-miss ang goto ng san pedro.
mahilig kasing kumain ng goto ang pamilya ko. siguro nagsimula yung tradisyon naming magkakapatid na yon noong maliit pa kami. dati kasi, pag walang magawa ang nanay ko, sinasama niya kami sa bayan ng san pedro, sa gilid ng munisipyo. doon, maraming nagtitinda ng goto.
may puwesto kaming binabalik-balikan dun kasi masarap talaga yung goto ni tita (syempre hindi ko na alam ang pangalan niya). yung goto niya malapot, tas kulay dilaw… tapos, hindi lang panay tuwalya ng baka ang laman kundi pati laman ng baka na pinalambot ng husto. pinalalagyan namin yun ng chicharon tsaka itlog. P10 pa lang ata nun ang goto special, e, kaya swabe maski padagdagan pa namin ng isa pang itlog ang order namin.
tapos siyempre, teternohan mo yun ng tokwa’t baboy na nilulunod sa sawsawan ng pinaghalo-halong toyo, suka, asukal, maraming sibuyas, bawang at sili.
SHET!!!
may iba pa kaming nadiskubreng gotohan sa may amin habang lumalaki kami. nung HS ako, may pinupuntahan din kaming gotohan ng mga kaibigan ko. nung nagkajowa ako (na higit na masmahilig sa goto kaysa sa’ken), nasubukan ko na rin mag-goto sa alabang, sangandaan, buendia, sa kanto ng elvinda atbp (oo, jologs kami). at noong bago ako umalis, naka-ilang goto sessions na rin kaming magkakapatid (siyempre, kasama nila ang mga asawa nila) sa bayan ng san pedro. pero sa ibang puwesto na, kasi nawala na atang tuluyan si tita na pinupuntahan namin dati.
ang punto, maski saan ako mag-goto diyan sa atin, lahat masarap. hindi tulad dito, kung anu-ano ang flavor pero di ko talaga ma-dig. hindi ko alam kung dahil ba yun sa luya, sa paraan ng paghalo, sa quality ng bigas, o sa lagay ng lansangan na pinaglulutuan ng goto.
SHET!!! bat ko ba iniisip ‘to!??!!
hay goto… andami mong kahawig dito, pero wala silang binatbat. ikaw pa rin ang nag-iisa para sa akin.
———-
makakauwi kaya ako sa pasko para makapaggoto pagkatapos ng misa de gallo?
BWAHAHAHA!!! wala pang isang buwan gusto na umuwi?
isn’t it ironic?
July 22, 2008
absent ako ngayon dahil may sakit ako. mag-i-isang linggo na ang tonsilitis ko
akalain mong ‘yon, nagpunta ako dito para magtrabaho tas ngayon absent ako. LOL diba? LOL!
———-
kagabi, maski masama na ang pakiramdam ko, nakipagkita pa rin ako kay carlo for dinner. kailangan ko kasing kumain ng may sabaw para di mahirap lunukin. kaya kumain kami sa kabayan sa may orchard at umorder ako ng sinigang na baboy.
inabot ata ako nang lampas isang oras bago maubos ang pagkain ko dahil hirap na hirap talaga akong lumunok. after kumain, bumili kami ng pei pa koa. may nagpa-try kasi sa ‘kin nun sa office nung umaga at medyo guminhawa ang pakiramdam ko.
pagka-alis namin sa 711, bago umuwi, inaya kong magyosi si carlo
siguro kung hindi maintindihin (sa pagka-adik ko) ang kaibigan ko, dinagukan na ko nun. HAHAHA!
———-
pagkauwi kagabi, may nakita akong mama sa hallway ng 2nd floor ng building namin. nakasuot siya ng blue na polo shirt na may tatak na “Air Purifier Blah-Blah Services”.
Sarap na sarap siya sa paghipak ng Gudang.
———-
tatlong araw bago ako umalis ng Pinas, umatake na ang sore throat na ito. yun ang dahilan kung bakit hindi na ako nakalabas kasama ang mga kaibigan bago maglaho. nagsimula yun Sabado ng gabi at dahil hindi na ako pwedeng magextend pa nang di pag-alis, nung dumating ang Lunes na may sakit pa rin ako, nagpasya na akong pumunta sa ospital.
pagdating sa ospital, dumiretso ako sa ER kasi mataas ang lagnat ko at hirap na ngang magsalita, pero sabi sa akin ng mga residente don pumila ako for consultation dahil nagki-clinic naman daw ang internist nila noong araw na ‘yon. so lumabas ako ng ER at pumila.
mahaba ang pila para sa konsultasyon… at nang mapagtanto ko na wala pa pala ang doktor, na-high blood ako. pinapunta ko si X sa ER para bulyawan ang residente. after 3 minutes na di pa nakakabalik si X, ako na mismo ang sumugod sa ER… tinitigan ko ang residente, at saka sinabing, “HINDI BA TALAGA PUWEDENG DITO NA KO MAGPA-CHECK-UP! MATAAS KASI ANG LAGNAT KO, E! NAHIHILO NA ‘KO, E WALA PA PALA YUNG DOCTOR DUN!!!” na sinagot naman niya ng, “ay ma’am sige po, umupo po muna kayo diyan, tinatanong na po namin sa doktor.”
so kinuha nila ang temp, bp, at heart rate ko habang naghihintay ng espesyalista. tapos tinignan nila ang ngalangala ko. sabay sabi, “kaya mo pa bang lumunok? gusto mo magpa-confine na kasi baka hindi mo rin mainom ang gamot…”
ako naman, “hindi po puwede e. bukod sa wala akong pera pang-confine, kailangan kong umalis sa miyerkules.”
so pinakuhaan nila ako ng dugo at pinaghintay ng isang oras para sa resulta (pero napadali rin ang paglabas nila ng resulta dahil nabwiset si X at nag-rant sa may lab saying,”HINDI NYO BA ALAM NA NASA ER YANG PASYENTENG YAN! PINAGHIHINTAY NINYO NG ISANG ORAS!!!”)
nung dumating na ang espesyalista, tinignan niya lang saglit ang lalamunan ko… nag-explain siyang saglit tungkol sa kundisyon ko, at muli, kinumbinsi akong magpa-admit. hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan akong magpa-confine sa ospital nang dahil lang sa tonsilitis. iniisip ko nun, sadya bang hindi na kumikita ang ospital kaya maski tonsilitis cases kailangang i-admit? ewan. so hindi pa rin ako pumayag, at dala ang mga reseta ng mga gamot na kailangan kong bilhin, hinalughog ko ang pacita+san pedro para sa mga gamot na kailangan kong inumin. naka-tatlong botika muna kami bago nabili ang lahat.
kaninang umaga, dahil alam kong hindi na ’ko makakapasok (nagising kasi ako nung hating-gabi na mataas na ang lagnat at mahapdi ang lalamunan) nagpunta ako sa pinakamalapit na clinic mula sa tinutuluyan ko. dalawang bloke lang ang inabot ko, at hayun ang tatlo hanggang apat na clinic.
nagpunta ako sa medical center. lumapit sa counter at pinaliwanag sa receptionist na kailangan kong magpakonsulta dahil may tonsilitis ako. hiningi niya ang s-pass ko, nagtype sa computer. maya-maya (as in 30 seconds lang), may patient card na ako. pagka-abot sabi niya, “do you want to see the woman doctor?” “yes” “ok, just take a seat, and she will call you in a while.” makalipas ang isang minuto, tinawag na ako ng doctor.
pagkapasok sa kwarto ni doc, tinanong ako kung anong nararamdaman ko. tinignan ang temp ko, ang lalamunan ko, heart rate at paghinga. tinanong niya rin kung ano yung gamot na ni-reseta sa akin sa Pinas noong nangyari ‘to bago ako umalis. hinanap niya sa libro niya ang equivalent nung gamot na yun dito sa SG pero dahil wala ni-resetahan niya na lang ako ng bago. “Just give me a call if you get allergies, but so far, no one’s ever had allergic reactions with these medications before.”
Tinanong ko siya kung saan ako makakabili ng mga gamot na ni-reseta niya. Sabi, “Oh, you don’t worry. Here in Singapore we give you your medicine. You don’t have to look for them in pharmacies.”
so pagkalabas ko ng clinic, kumpleto na ang gamot ko.
ang galing diba! masmadali para sa mga may sakit dito ang gumaling, dahil matapos ang check-up, makakauwi ka na agad at makapagpapahinga ka na ng maayos.
hindi ba puwedeng gawin sa Pilipinas ‘to?
isa pa, sa resibo ng check-up ko kanina, nakalagay na may diskwento akong nakuha. $3.16. huwaw diba! pag-lunch ko na rin yun. bat pag sa ‘tin wala akong nakukuhang diskwento sa ospital, maski gaano pa akong ka-suki ng ospital na pinupuntahan ko? at ang higit na mahusay sa buong experience na ‘to, mapapa-reimburse ko ang nagastos ko kanina sa kumpanya ko. ang galing talaga diba! kasi sa atin, ang mga health card na ini-issue ng mga kumpanya ay hindi accredited sa lahat ng ospital. pag may emergency ka, itatanong mo pa kung puwede mong gamitin ang health card mo. kung swerte ka’t hindi accredited, habang may masakit sa’yo, bibiyahe ka pa papunta sa pinakamalapit na accredited hospital ng health card mo pag wala kang pera. bullshit diba!
wala ba talaga tayong pagpapahalaga sa buhay ng tao at pinahihirapan pa natin na makaramdam ng kaunting ginhawa ang mga may sakit (at sa kaso ko bago umalis, e mukhang gusto pa ata akong perahan).
tsk tsk. sana may magbago sa sistemang yan bago ako bumalik…
asa? sana hindi naman masyado.
