super random shit
February 13, 2009
the problem with writing for a living is that you never really get to write.
of course that’s cliche, so everyone agrees. correct or not?
———-
madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e. puta tsong, gusto ko nang kumita!”
but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!”
———-
i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was. so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).
and yes, i am that old and ulyanin!
———-
i know. i express myself better in Filipino. but who reads this anyway?
may sasagot. si chelly! hahahaha.
———-
i’m on my 7th month here in SG. i haven’t gone home. i never thought i’d last this long without seeing my family. especially nina.
yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her. i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much. nakoo, dalaginding na din siya!!! shet.
anyway, i realised that she’s my favorite and — yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!). maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little. and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)
i miss ninay.
———-
connected to the previous section (haha!)
it’s only when i got here that i realised;
- how much i love everyone i care for back home. *yakap*
- how OC i am. i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise. i can’t keep still until i see things ‘clean’,
- i am an addict. i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga). i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back. min of 335mL/day. tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness). i don’t have f*cking discipline.
- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).
- i really love walking aimlessly in urban jungles. i do. i really really do. and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into. even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.
———-
anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).
i hope in time, i’d find a job that i can love in this city. i hope i’d find a ‘fuentes’ here.
seriously.
“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!”
hahaha.
———-
ano pa ba?
ahh!!!
2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.
kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.
i hope you both get well soon. at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!
*hugs to you both*
-chabellita
todo para la familia
June 30, 2008
ang mahirap dito sa atin, halos lahat may paniniwalang magaling ka lang pag wala ka dito. kasi ‘pag wala ka dito, tiyak na masmalaki ang kinikita mo.
kasi dito pera lang ang mahalaga, hindi mahalaga ang talino. may nakapagsabi na nga sa akin dati nang, “hindi mo naman maipagpapalit ang mga medalya mo sa pera, o sa isang kaban ng bigas.” at “aanuhin mo yang diploma mo? kapag nilaga mo yan, wala pa rin lasa ang sabaw.”
dito, mahalaga lang ang talino kapag nag-aaral ka, pero kapag tapos ka nang mag-aral usapang pera na yan. kapag wala kang pera maski pa henyo ka, wala kang kwenta. ang mga ma-pera lang ang panalo, mabango, at dini-diyos dito.
———-
noong nakaraang taon pinangarap kong mag-abroad. totoo! kasi noong panahong yun ko natanggap sa sarili ko (makalipas ang ilang taon ng pagpapaka-martir) na walang mangyayari sa ‘kin dito. walang mangyayari sa ‘kin kung ipagpapatuloy ko ang pagsusulat dito. isang malaking kahibangan para sa isang tao na maraming responsibilidad, tulad ko, ang magpakabaliw sa industriyang pinasukan ko.
kaya mula noon nagplano ako… kako, maghahanap ako ng ahensya kung saan matututo akong magsulat ng maayos (na advert o press release). kung saan mapa-publish ang mga sinulat ko kasi naisip ko, “if you build your portfolio, the money will come.” although walang by line ang mga pinagsusulat ko, di ko inintindi yun basta dumami ang laman ng portfolio ko (tsaka wala namang writer sa tamang pag-iisip nya ang aangkin ng hindi nya sinulat) kaya ako nag-PR.
noong una, tamang praning ako lagi. noong mga unang buwan ko, lagi akong nakakatanggap ng comment na, “this is too hard sell,” kasi nga naman sa advertising ako galing, na sinundutan din ng lecheng “home TV shopping style writing” ng web content. nagtiis ako sa pulahang draft na bumabalik sa ‘kin. nilunok ko lang lahat ng nakakalokang comment hanggang sa matutunan ko ang tamang tono. nilunok kong lahat yun habang pilit kong sini-stretch ang kinikita kong barya. sabi ko na lang sa sarili ko,”ayos lang yan. kaya mo yan. pwede ka nang magpaka-mahirap ngayon, tutal graduate na naman ang kapatid mo’t mayroon ka nang katuwang.” kaya yun, nakuntento ako sa pagiging mahirap.
pero may mga season din naman na hindi kami mahirap dito, katulad nung pasko. actually sa lahat naman ata ng kumpanya ganon, mayaman tayong lahat pag pasko. nung yumaman akong bahagya, nagpagawa na ko ng passport. di ko pa kasi nalilimutan ang tunay kong plano non. tapos, naawa sila sa’ken…
binigyan nila ‘ko ng increase.
———-
masakit para sa akin na pangaraping maging OFW. totoo. naalala ko pa noong bata pa ‘ko sabi ko sa kaibigan ko isang break, “kung mangingibang bansa ako, para mag-aral lang. pag natutuhan ko na ang kailangan kong matutuhan dun, babalik ako dito. dito ko ipapasa sa iba ang natutuhan ko. hindi ako magpapakabihasa para pakinabanggan ng ibang bayan.”
sobrang bata ko pa pala non. hilaw pa.
hindi ko pa alam ang pinagsasabi ko…
———-
sa isang linggo, lilipad na ‘ko patungong Singapore. sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. ang bilis bilis ng mga pangyayari. binaliktad ko ang mundo ko sa loob ng dalawang linggo (dahil minamadali ako ng magiging amo ko dun. siguro nginangarag nila ako dahi training na yun sa pagiging sweatshop copywriter ko dun. haha!).
hindi ako nagmamaganda, pero noong una kong nakuha ang offer, naiyak ako, at hindi dahil sa tuwa. naiyak ako dahil;
1. masaya na ‘ko dito sa trabaho ko. masaya ako dahil finally, nahanap ko rin ang tamang ahensya. mahirap hanapin ang ganito (maniwala ka… nakakaanim trabaho na ko sa loob ng apat na taon). may mga totoong tao rito, may mga totoong kaibigan ako dito, pero wala… kailangan kong iwan ‘tong lahat.
2. nagliLIRA ako ngayon. ang saya-saya ko sa ginagawa ko maski pa hindi ako nakakapagpahinga. maski pa araw-araw akong gumigising ng maaga para bumiyahe ng 3-4 hours araw-araw, dahil araw-araw may bago akong natututuhan. dito ko rin natagpuan ang mga bagong kaibigan. silang mga tipo ng taong dati ko pang hinahanap na makasalamuha.
3. may bago akong inaanak, at sa pag-alis ko, hindi ko magagawang makapunta sa binyag niya
4. birthday na ni nina sa july 26…
5. si cholo, hindi ko makikitang lumaki
ayoko nang maglista… naiiyak na ako.
———-
masakit, na lahat ng bagay at taong nagpapasaya sa akin, kailangan kong iwan.
———-
so kung marami akong inarte sa earth, ba’t ako aalis?
kasi isang gabi habang binabaybay ko ang daan papuntang EDSA mula dito sa building namin, naisip ko, “tangina! mahigit isang taon ko nang ginagawa ‘to… wala pa ring bago sa ‘kin (bangs lang… ule. so hindi na rin bago yun) hindi pa ba ako nagsasawa?”
tsaka sabi ko nga kay Lovely sa text, habang umiiyak akong naglalakad pauwi (sa glorietta… oo nakakahiya talaga), “kaya akong buhayin ng sahod ko dito. ayos na. masaya na ako dito, pero hindi ako makakatulong sa pamilya ko.”
———-
ayun yun.
kaya nabuburat ako sa isang opismate kong masexcited pa umalis sa ‘kin, gusto ko siyang ibala sa giant tirador para mauna na siya don.
siguro kapag nandoon na siya, tsaka niya lang marerealize na hindi pala niya alam ang pinagsasabi niya. dahil ito, hindi ginagawa para lang masabi mong mahusay ko, o bida ka, o kung ano… dahil kung yun lang ang dahilan mo, gago ka na.
———-
naiirita din ako sa mga taong banat nang banat ng ‘ang swerte mo. swerte mo na yan! i-grab mo na ang swerte!!!”
gusto ko silang banatan ng,”hello!!! hindi mo dinadaan sa swerte ang copy test at ang pakikipagbolahan sa interbyu! at kung sinasabi mong swerte ako, ibig ba sabihin tinatanggap mo sa sarili mong malas ka?!!? you insecure closeted fag you!”
———-
marami na ‘kong kaibigang naka-inuman (dahil nga aalis na ‘ko). gusto ata nilang ma-deny ako sa pagkuha ng VISA dahil wasak na ang atay ko pagdating ko dun. pero kung gusto mo uminom tayo? tara! kailangan ko pang lunurin ang mga laman ng isip ko
———-
siguro, ang punot dulo lang naman talaga ng gusto kong sabihin (after all this chuvalu), e: natatakot ako. natatakot ako sa pinapasok ko, dahil maski ilang beses ko nang nilibot ang website ng papasukan ko doon, hindi ko pa rin alam ang daratnan ko…
at
MAMIMISS KO KAYONG LAHAT!!!
MAMIMISS KO ANG LIGALIG NG MAKATI, MANILA, QC, at ang napag-iwanan kong bayan ng SAN PEDRO
POTAH!!! FUCK THE GOVERNMENT TALAGA! KAILAN NYO AAYUSIN ANG BUHAY DITO PARA HINDI NA KAILANGANG UMALIS NG MGA PILIPINO SA BAYAN NILA?!!?
TANGINA!!!
kulang sa S
April 3, 2008
SELF-ESTEEM
wala akong tiwala sa sarili ko, lalo na pagdating sa pagsusulat. ewan ko. siguro ganun talaga, dahil marami rin akong kaibigang nagsusulat na wala ring tiwala sa sarili nila.
sa kaso ko, ang kawalan ng kumpiyansa sa gawa ay ang dahilan kung bat ako wimp. ni minsan, di ko sinubukan na maging parte ng maski anong publication nung nag-aaral pa lang ako (nagcontibute lang ako sa litt folio nung huling sem ko na sa dasma). kaya nung naging copywriter ako matapos mag-aral, nagulat silang lahat. (teka, ngayon ko lang naisip na baka ito rin ang dahilan kung bat nandito ako sa industriyang to
wala kasing by line.)
kaya naman, dahil lang sa kababawan, tumataba na ang puso ko ‘pag may mga taong lumalapit para magpatulong sa ano mang writing needs (at hindi lang dahil sa pera, a… totoo!). nitong mga nakaraan, ilan ang lumapit para magpagawa ng; content, resume, at kung anu-ano pang chu writing. tapos nung isang araw, pagka-check ko ng stat ng shortfix (na minsan ko lang pinupuntahan), ni-refer ako ng site na ‘to.
salamat po sa paglink sir!
———-
S*****
WARNING: ang bahaging ito ay para lang sa mga girls
Totoo bang habang tumatanda ka, lumalala ang dysmenorrhea?
Nung high school kasi ako, wala akong nararamdamang pagsakit ng puson kapag meron ako. Nung nagcollege na, paminsan-minsan, akong nakaramdam ng PMS… dumalas yun noong bandang 24 na ko.
Kahapon, ‘di ko na kinayang pumasok.
sabi ni Lita sa ‘kin, “kulang ka lang sa s*****.” medyo baboy diba, pero bakit nga ba?
———-
Sabon
hindi ko alam kung madumi lang ang utak ko, o talagang sinadya nilang gawing ganon ‘to (for subliminal messages and shit)… nagpa-footspa ko kagabi (yes naman!salamat sa raket
) habang namimili ng nail polish, napansin ko lang na medyo green ang pangalan ng mga shades…
1. pussy red
2. touch of tan
3. african plum
4. screaming tangerine (squeeze!)
biro lang yung huli (baka hanapin nyo), pero diba? sinadya kaya nila…
———-
may nasulat akong tula, pero wala dito. nasa shortfix, at gusto kong puntahan nyo dun. kaya click mo ‘to.
ngayon, pwede nyo nang tawagin ang bahaging ito ng entry na kulang sa sampal
———-
napanood ko ‘to nung isang gabi…
at na-realize kong, kulang pa pala ko sa pagiging sassy
kaya naman pala…
———-
sabaw
siguro matagal nang hindi nakakahigop ng sabaw ang mga kliyente namin.
patay na naman ang mga accounts… may dumarating na task every day pero isa-isa lang (nung isang araw nga, isang sentence lang e).
malapit nang maging malabnaw na sabaw ang utak ko.
chenez!
anong masasabi ko sa yellow BobOng book?
November 3, 2007
kakatapos ko lang basahin ang librong hiniram ko sa kuya ko kahapon. ang yellow book ni Bob Ong, ang Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.
ito raw ang sequel niya sa website na ginawa niya dati, and Bobong Pinoy. ‘di ko nasilip ni minsan ang site na ‘yon, dahil wala pa akong interes sa blogosphere dati. masyado pa akong abala sa pag-aaral noon. sayang. kung napadpad sana ako doon noong mga panahong ‘yon, sana hindi ako napatigil sa pag-aaral.
bakit ‘ka n’yo?
noon kasing nag-aaral pa ako, hindi lang ang academia ang tinutukan ko. ang totoo, wala akong pakialam sa makukuha kong grado noon. lagi kong pinapa-alala sa sarili kong, “e ano naman ngayon kung uno lang ang grade ko (baliktad ang grading system namin. hindi ako nagyayabang), basta ang mahalaga, masmarami akong natutunan kaysa sa kaklase kong naka-3.5 dahil ka-yosihan niya ang prof. ko.” masmahalaga kasi sa akin noon ang pakikipamuhay.
sabi ni lino, isa raw akong ‘mulat’, at bihira daw ang mga taong ganon. ‘di niya raw akalain na ako pa ang makakasama niyang magpunta sa PCU para bisitahin ang mga Mangyang pinagkakamalang NPA ng mga militar sa Mindoro, o maglakad sa Pala-pala noong dinemo ang lugar ng mga urban poor doon. ang unang tingin niya raw kasi sa ‘kin e tipikal na burgis. derecho daw kasi ang english ko tuwing nagrerecite, akala niya inglisera talaga ako miski sa labas ng klase.
ako rin ang kakampi ni lino noong minungkahi niyang sa Ternate kami mag-shoot ng docu para sa project namin sa Media Prod. Nangahas kaming talakayin ang IN-KA, ang industriya ng kape sa Kabite. noong mga panahong iyon ko nakilala sila Ka E (sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa, at makamit sana ng kanyang pamilya ang hustisya pagdating ng panahon) at si Ka A (na nakapiit sa Sta. Rosa ngayon), mga peasant organizers.
ilang beses rin akong isinama ni lino sa HQ ng Bayan Muna para “magkape at manigarilyo” pero bandang huli sabi ko, “hindi ito ang sagot lino.”
siguro na-turn-off ako sa ideya ng “higit na masmalalim na prinsipyo”, dahil unang-una, hindi ko kayang mabuhay ng umaasa lang sa ‘tulong’. alam kong kailangan ko ng pera para mabuhay, at ang perang iyon ay pinagtatrabahuan. pangalawa, (medyo mababaw ‘to) romantiko ako, at hindi ko gustong hainan lang ng programa ng mapapang-asawa ko
. higit sa lahat, alam kong may mga kailangan akong akuing responsibilidad pagkatapos ko sa pag-aaral. sabi ko, “aayusin ko muna ang buhay ko bago ko ayusin ang bayan.”
dagdag ko pa, “marami pa akong pwedeng gawin para makatulong sa bayan.” sa madaling salita, hindi ako nagpadala sa agos.
nung nasa unibersidad pa ako, nagsusulat ako ng mga kanta. ‘yon ang ginawa kong paraan para makahawa ng pagkamulat. bawat pagkakataong dumating, ibig sabihin tuwing may major project kami sa maski anong subject, sinaksakan ko ng mga kangtang makakahawa.
palagay ko naman ay may iilang nahawa ng impeksyon, lalo na nang may mga hindi nagpabiktima sa uso na maging call center agent. pinilit kasi namin noon ni lino na ipakita sa mga kaklase naming tatlong taong masbata sa amin na makita ang halaga ng tinatahak naming landas at ang responsibilidad na kaakibat nito. ayun! nanalo ang play na bunga ng walang tulugang pagluluto ng konsepto. ang saya-saya ko noon, hindi lang dahil sa parangal na natanggap ng block namin, masaya ako dahil may ilang nakatanda at nakaintindi ng pahayag ng play; “pagkat tayo’y ang mga bagong sugo ng katotohanan.”
nung grumadweyt kami, ilan sa amin ang nangahas na isakatuparan ang paggamit ng angkin naming talino sa pagsulat, pagkuha ng litrato at pagtatanghal para ipakita sa masa ang ‘katotohanan’ (kasama yan sa lyrics nung kantang pinang-end namin dun sa play).
ngayon, nagsusulat at nagle-layout na si lino ng dyaryo para sa isang NGO. patuloy pa rin siya sa pagtupad sa kanyang layunin para sa bayan. siguro hindi na niya kailangang gumawa ng mga effigies at magmartsa sa kalye dahil nailalathala na niya ang lahat ng nais niyang ipahayag (pero hindi ko sigurado kung talagang tinigilan na niya ang mga yon). e ako? heto… isang corporate PR writer. corporate, ibig sabihin, hindi political… ang mga sinusulat ko ay tungkol sa mga promo at product announcements ng iba’t ibang produkto tulad ng gatas, credit card, ice cream, cosmetic products at iba pang blah-blah-blah.
ito ang dahilan kung bakit ako nanlumo matapos basahin ang yellow book ni BO. sabi niya sa ikatlo sa huling pahina ng libro;
“may problema ang bansa, nangangailangan ito ng tulong mo.”
masakit tanggapin na hindi ko na nagagawa ngayon ang panghahawa sa pagkamulat na ginagawa ko dati. kaya siguro miski tatlong taon na ‘kong tapos sa kolehiyo, palipat-lipat pa rin ako ng trabaho. hindi ako masaya.
unti-unti nang pinatay ng araw-araw kong pamumroblema sa pera, trabaho at kung anu-ano pa ang pagkamulat ko
ni hindi na ako makapagsulat ng mga kanta na dati rati’y parang mga bulong ng hangi na hinuhuli ko lang.
sana’y hindi pa huli ang lahat, dahil hindi ako nagpapaka-OA. totoo…
nakapanlulumo.
after all the YouTube entries
October 11, 2007
i finally have some things to say
FIRST
Hwang Jin-i
i know, i know!
some of you might be thinking, “WTF! after not writing anything ‘amusing’ for so long you’re just gonna talk about ka-cheapan!!!”
i was never really fond of watching koreanovelas. i didn’t even understand why people get addicted to them. i remember giving sugar the “heller?!!?” look back in college when she said she had to be home by this time to catch this particular show. but since we only have a few channels at home now, i learned to appreciate these TV series
especially this one…
it’s pilot episode just aired last monday. it’s about a girl named Jin-I and her quest to find her long lost mother which led her to dream of becoming a geisha (kiseang in the series). it’s amusing, because the kid playing the role is doing a great job
you can actually see the ‘passion’ in her eyes (may mga ganon talaga
)
and i like the plot (so far), especially the lines of the madam baekmu last night, which is somewhat like this;
‘Mula ngayon, kalimutan ang pag-ibig sa lalaki. Yan ang buhay ng isang kiseang. Mabubuhay kayong hinahasa ang talino sa pagtula, pagsayaw at pagkanta. Pagdating sa pag-aayos, ang kiseang lang ang may kalayaang ayusan ang sarili niya kung paano niya gusto. Huwang ninyong isipin kung saan kukuha ng panggastos ng inyong mga pangangailangan. Taglay ng kiseang ang kagandahang kailanman ay ‘di magkakaroon ang kahit sinong prinsesa sa palasyo…’
(something like that, update ko na lang pag nasa YouTube na yung episode last night. HAHAHA!)
anyway, that’s why i like it… it’s about a girl’s passion to be an artist, and her goal of changing the ’system’ of being a geisha in old korea.
i just hope that it wouldn’t start to become a bore after tonight. the plot will be jumping to a few years after so she’ll be a teenager… and it would be more about the ‘falling in love’ eklat already. hay…
so there!
SECOND
remember the first PR event i was so freaked-out about last time? well it ended well.
i’m already done with the post event article. the boss even showed me how to pick the photos, and finalize the article and request for the burning of the CD’s and stuff after the article was approved.
ECF : very good hija!
![]()
i learned a lot!
and yes, it was way different than when you’re from the ad agency or the events team, coz when you’re the one covering for PR you ‘enjoy’ the event by keeping; your eyes moving, senses feeling, feet on the move , and your pen and paper ready forever for ambush interviews and shit.
partyphiles and TV personalities were there and guess who star-strucked me the most…
baby china
i didn’t even look like me! BWAHAHAHA!
all throughout the night i kept myself from scratching my face (i hate make-up!) and rubbing my eyes (which i usually do when i’m not wearing my glasses). BUT just when everyone thought i could keep myself girly, i fixed my hair into a messy ponytail
‘nakakairita e,’ i said, and they couldn’t do anything about it.
here’s another shot of me trying to make a fool of myself…
imitating Tim Yap’s “oh yeah I have a cool watch pose”
so FINALLY
we’re having a loooooong weekend! woohoo!!!
i really don’t have a plan yet as to where to go and what to do, but here’s a hint of what i plan to accomplish…
hahaha! may YouTube pa rin pala…
pfft!
October 10, 2007
when i was just starting out as a writer, i learned to accept the fact that i can never get anything right with the first draft.
today, after 3 years in the industry, i realized that everything is really just…
chamba!
gawd!
snip.snip.
September 25, 2007
no. i didn’t do that. i didn’t slice off someone else’s whatever from his physical self (or maybe i did, not really sure)
i just need to trim a bit of anxiety before facing one big challenge.
sheeeyet!!! 
i’m covering my first event tomorrow. yup, my first PR event. i don’t really know what to do. of course i did attend events before, but back then i was involved in the process of conceptualizing, and making collaterals, scripts and ek-ek for it. i never covered one.
i even emailed the AE earlier if they were sure i have to go with them, coz they usually just send me scraps after the event. i mean… tell me what happened and who attended, and if it was cool or not, so that i can write a post event article about it.
but i guess this one is really different. it’s way BIG, and pa-elite and shit. it’s a bit freaky. the bosses will be there with me, and i have to make the post event article purrfect (if there’s such a thing). Oooooohhhhhh!!!!!
PRESSURE!!! PRESSURE!!! PRESSURE!!!
i asked an older writer for some tips, and she said; dress-up, get the names of the ’stars’, scribble everything important, and enjoy!!!
gawd!!!
i need to…
wuuuhhhh-zaaaahhhh…wuuuhhhh-zaaaahhhh…wuuuhhhh-zaaaahhhh….
i need to find a freakin’ white dressy top.
to be, or not to be.
September 11, 2007
had beer with D last night at the garage of their humble abode a.k.a. baranggay billy. we both had an emo weekend. her issues were due to ginangness, mine were due to hormonal/chemical imbalance
the thing is, i haven’t really been content with who i am for the past few weeks. i sometimes find myself staring at the monitor, or the mirror thinking, “i don’t want to do this anymore. this is not the person i am supposed to be. i’m supposed to be somebody by the age of 24!” (
sino ka, si lelaina pierce? besides, you’re way over 24. hahaha!)”
but seriously, i feel the need for a drastic change. usually when i am in this state of being before, i just cut my hair (not get a hair cut, but cut it myself), because it’s somewhat liberating. i just don’t want to do that now, coz i love the bangs
and i’m testing my patience (i’ve never had my hair grow this long).
so, what is it that i want to do? what are my other options? it seems i don’t really have any.
i used to quit my job too whenever i have this kagulumihanan. but again, i can’t do that now. aside from the fact that i just got regularized (finally), the Christmas season is on its way. i can’t afford not to have any Christmas money again because i want a BMX, a guitar, and a hedgehog.
D says i just need an outlet… but i tell her i can’t afford one now. plus i don’t have time for it. i’m just a stubborn piece of shit.
“you’re just stressed-out,” D says.
yes. i’m tired. i’m tired of this industry!
i don’t even know why i’m still here. i even try to figure out how i got too obsessed about penetrating this industry (i do this with sugar, another victim). it’s just too fucked up! it’s just full of pretentious individuals who are always on the look out for your flaws. there’s back-stabbing, egotismo, and K.I.A-ness everywhere!!!
i used to work for the largest Filipino owned ad agency. Before i left, the managing director said, “you’re VERY nice. we don’t have a problem with you’re attitude.” that was the first time i realized i wasn’t cut-out for this business. i’m too REAL , and i don’t kiss-ass.
with one of my first entries here (see a new hope), i said “I’m giving this path the last chance…” and though i am on my way to conquering (sana pa rin…), i feel as though i cannot stay.
coz, who wants to write articles about products and services you can’t even afford, or care about anyway? and who gives a shit about them? or does anyone even read them?
this is all nonsense.
—–
when i was younger, i didn’t really think about all this. all i cared about was seeing my work published, or aired, or on fleet. now i don’t give a shit about any of it. i don’t even compile them anymore.
but this is the only thing i can do…
lost.





