for the past few weeks i’ve been imagining insects.

sa may Raffles Hotel nung Friday akala ko may ipis/moth sa ulo ko, so nagmukha akong timang nung bigla kong pinagpag nang nakayuko yung ulo ko tas wala naman.  tas napatayo ako after a few minutes kasi kala ko nasa paa ko na yung insekto, pero matapos magstomp-stomp, wala naman. crap.

nung Saturday night naman, parang may lamok sa paanan ko, sa ilalim ng kumot.  kinakamot ko na nga yung binti ko kasi feeling ko may mga kagat na ko.  pero wala akong mga pantal at nung binuksan ko yung side table lamp wala naman.  tsaka imposible yun, kasi paano magkakalamok sa 18th floor, aber?  saan sila manggagaling?  tsaka lagi namang malinis ang hawlalu namin.

schizophrenia is that you?

minsan din, akala ko may gumagapang na something sa binti ko, pero siguro  developing varicose veins lang yun. haha!

lekat na mga insekto yan. invisible?!!

blend.

———-

ang lakas ng ulan  at wala na naman akong ginagawa.

inaantok na ko.  kailangan kong maging creative asap!

kailangan kong mag-imbento ng task!!!  hahahahaha.

pagpapanggap.

blend.

———-

i’m trying to be positive.

mula ngayon, ang iisipin ko na lang ay puro positive.

sweldo na sa isang araw :)

maaga akong makakauwi pag hindi naglitanya si ginoong baba mamaya :)

may mga naipadala akong bagong applications kanina :)

may tatawag/mag-e-email na sa ‘king matino, panalo at bonggang-bonggang kumpanya bukas ng umaga. wee!  bonggang-bongga!!! :)

for the past few weeks, maraming nagsasabi sa ‘kin na subukang maniwala sa law of attraction.

law of attraction is they key daw.

tutal, nasisiraan na naman ata ako ng ulo (remember the first part of this entry), why not try it.

law of attraction is they key! wee!!! wee!!!

———-

ba’t ako positive, positive, positive?

dahil may nakita akong chameleon kaninang umaga!

wee!!!

it’s a sign :D

ang saya.

———-

at hindi malabo yun.

kasi, kinantahan ako ng chameleon kanina.  sabi niya, “pagmasdan mo lang ako.  tignan mo, tignan mo.  tignan mo kung paano ‘tong ginagawa ko, tignan mo!!!

blenddddd… blendddd… blenddd….

Just blend with the environment and you’ll survive.

blend.”

huy!!! alam mo,

March 26, 2009

kausap ko si chelly kahapon.  more himutok sa earth, more fun na naman kasi ako.  wala. ganun talaga ko minsan.  kadalasan.  pagkatapos namin mag-usap, medyo nahulasan naman ako.

eto yung pag-uusap namin.  tinanggal ko na yung ibang parte kasi praying tips na yun, e.  PRAYING TIPS TALAGA?!! bwahahahaha. o.

chelot_belan (3/25/2009 5:46:38 PM): ano bang mali saken chelly?
chelot_belan (3/25/2009 5:46:46 PM): mabait naman ako diba?
chelot_belan (3/25/2009 5:46:52 PM): bat lagi akong hirap sa buhay?
rochelle andal (3/25/2009 5:47:20 PM): ang lalim ng tanong mo ah
chelot_belan (3/25/2009 5:47:24 PM): bat yung mga makasarili, sila yung hindi hirap?
chelot_belan (3/25/2009 5:47:30 PM): iniisip ko kasi yun e
chelot_belan (3/25/2009 5:47:38 PM): kung anong mali sa ginagawa ko
rochelle andal (3/25/2009 5:47:43 PM): para mo na ding tinanong sa kin kung bakit pinako sa krus si Jesus
chelot_belan (3/25/2009 5:48:02 PM): PANALO!!!
chelot_belan (3/25/2009 5:48:06 PM): NATAWA KO DUN A

rochelle andal (3/25/2009 5:52:33 PM): alam mo di ko alam kung anong mali sa yo o sa ginagawa mo
rochelle andal (3/25/2009 5:52:49 PM): basta somehow, ang mundong ito punung-puno ng injustice
rochelle andal (3/25/2009 5:52:51 PM): hahahaha
chelot_belan (3/25/2009 5:52:57 PM): hahahahahahahahaahahaha

chelot_belan (3/25/2009 5:53:05 PM): gusto ko nang iblog ang conversation natin

rochelle andal (3/25/2009 5:53:10 PM): hindi ata totoo yung pag mabait ka, good karma
rochelle andal (3/25/2009 5:53:14 PM): sige i-blog mo
chelot_belan (3/25/2009 5:53:14 PM): napapaLOL ako dito
chelot_belan (3/25/2009 5:53:15 PM): shet
rochelle andal (3/25/2009 5:53:18 PM): lalo na yung Jesus
chelot_belan (3/25/2009 5:53:22 PM): korek
rochelle andal (3/25/2009 5:53:25 PM): alam kong sumaya ka dun
chelot_belan (3/25/2009 5:53:26 PM): naloka ako
rochelle andal (3/25/2009 5:53:32 PM): kasi nakakatawa naman ang tanong mo
chelot_belan (3/25/2009 5:53:42 PM): hindi ako nagpapatawa nun
rochelle andal (3/25/2009 5:53:59 PM): kaya alam mo ako, minsan naiisip ko wag masyado maging mabait
chelot_belan (3/25/2009 5:54:19 PM): natetempt na nga ko maging selfish e
chelot_belan (3/25/2009 5:54:21 PM): promise
rochelle andal (3/25/2009 5:54:26 PM): kasi nag-aantay lang ako ng magandang kapalit na di naman dumadating
rochelle andal (3/25/2009 5:54:34 PM): parang totoo yung sinasabi nila eh
chelot_belan (3/25/2009 5:54:40 PM): kaso, i just cant do it
rochelle andal (3/25/2009 5:54:51 PM): pwede mong gawin yun

rochelle andal (3/25/2009 6:21:23 PM): wag ka mag-isip
rochelle andal (3/25/2009 6:21:35 PM): yang problema hayaan mong mamublema sa yo
rochelle andal (3/25/2009 6:21:42 PM): there’s nothing wrong with u
rochelle andal (3/25/2009 6:21:54 PM): the world is what’s wrong hahaha
chelot_belan (3/25/2009 6:22:09 PM): hahah
rochelle andal (3/25/2009 6:22:17 PM): magyosi ka na ulit
rochelle andal (3/25/2009 6:22:24 PM): kung gusto mong wag mabuang

ikaw, malulugmok ka pa ba sa kalungkutan kung ganito ka-siraulo ang mga kaibigan mo?

oo?

grabe naman ang pagka-bleak ng tingin mo sa buhay mo! whooo!!! taas ang kamay ko sa’yo.

———-

huy!!! alam mo, miss na kita…

maging sino ka man.

BWAHAHAHAHAHAHA!

———-

btw, hindi na ko nag-uunan sa uluhan mula nung lumipat kami sa shala house.  nadiskubre ko kasing pag di ako nag-uunan di sumasakit ang likod ko sa umaga (maghapon). kaya yun, yung unan ko, niyayakap ko na lang.

masarap naman siyang kayakap in fair, pero minsan, naisip ko, habang naglalakad aimlessly around the city; pag nakakita ako ng random “hello, baby!” guy, bigla ko na lang siyang yayakapin.  siyempre magugulat siya, kaya pagkatapos ko siyang i-hug/embrace (haha), sasabihin kong, “i’m sorry, but i had to do it. it’s just that, i’ve forgotten how it feels like– to be in someone’s arms.”

HAHAHAHHAAHHAHA!!!

OMG! natatakot na ko sa sarili ko. hahahahahaha.

———-

pero seryoso.  miss na kita…

pera.

heee!

ang tagal ng sweldo!!! #%$@#%$@$#@%$!!!

shet shet shet!
———-

mmm…

“keep walking”
———-
10:05 PM
Ika-12 Marso 2009

Sinusulat ko ‘to ngayon sa may dining table. Sinusulat ko ‘to sa papel. Matagal na kong hindi nagsusulat sa papel. Nitong mga nagdaang buwan kasi, panay tala ng “to do’s”, “to buy’s”, at “debts” (oo, marami akong utang) na lang ang naisusulat ko sa papel. Puwera na lang kung patulog na ‘ko’t biglang may naisip na ayaw kong malimutan kinaumagahan.

Mula ngayon, gagawan ko ng oras ang pagsusulat na gamit ang papel at lapis, para masmalinaw kong maipahayag ang nilalaman ng isip ko. Para makapag-isip ako habang nagsusulat. Matagal ko na ring hindi nagagawa ‘to.

Nasa harap ko ngayon ang mga susi ko, isang kahang Marlboro, lighter, telepono, at isang lata ng Heineken (na noong isang linggo pa ko tinatawag). Para na uli akong nasa kwarto ko sa Pacita.
———-
Mula noong isang linggo (Martes), nagsimula akong maglakad pauwi mula Outram.  Inaabot ng 30-45 minuto ang paglalakad ko gabi-gabi. Noong unang gabing ginawa ko yun, di ko akalain na kakayanin kong umabot sa bahay, dahil sa kalagitnaan ng paglalakad, napagtanto ko kung gaano ngang kalayo ang starting at finish line ng pinili kong ruta. “Bakit ba hindi na lang ako sa baba ng Henderson Bridge nagsimula?” Pero nakaya ko naman. Kaya ko pa palang maglakad. Sabi ko nga kay Chellita, “Araw-araw ko rin naman tong ginagawa dati.” Pero noon kasi, 15-20 minutes lang yun sa umaga at ganoon din katagal sa gabi at sa mall ang daan. Ngayon, literal na kalye ang binabaybay ko.

Maraming liko, ma-puno, at may mga drainage na umuuga’t umiinda pag na-mali ka ng tapak. Pero, masarap ang simoy ng hangin sa gabi. Masarap pakinggan ang huni ng mga kuliglig sa paligid. Masarap ang pakiramdam ng tumutulong butil-butil ng pawis sa likuran matapos ang maghapong pagkakabilad sa nakatodong aircon ng opisina. Masarap pakinggan ang monolog sa utak ko habang naglalakad sa katahimikan ng Lower Delta Road.
———-
Dalawang lingo bago masira ang TV namin, napanood ko ‘to;

sweettapioca

Nakakatuwa siyang pelikula. Simple lang. Nakakakilig (HAHAHAHA!!!) Tsaka nakakatuwa kasi Michelle Chong (yung bidang babae).

Sa sequence kung san pinakita ang first date ni Ah Fong (leading man) at Chio (sino pa ba?), kinuwento ni Ah Fong kung bat siya malungkot nung una silang nagkakilala ni Chio. Kamamatay lang pala kasi ng tatay niya, tas siya yung nag-alaga dun mula nang magkasakit. Para na rin daw siyang namatay nung nawala ang tatay nya. Sabi sa kanya ni Chio(parang ganito lang a kasi di ko naman minemorize at di ko ma-search ang script. Hehe), “Have you ever experienced walking in new shoes, and it hurts after a while walking? Ah Fong, the shoes will only feel comfortable when you keep walking in it. So just keep walking.”
———-
Mabalik tayo dun sa paglalakad ko. Dahil ganoon kahaba ang pagbibrisk walk ko gabi-gabi, andami nang bansag ang nabigay sa kin;

- Adik
- Baliw
- OA

“Bakit mo ginagawa yan sa sarili mo,” tanong ni Love.

Maganda sanang sagot ang, “dahil gusto ko lang,” pero ang totoo, naglalakad ako dahil umabot na ko sa 57 kgs.
———-
Umabot na siguro ako sa timbang na ‘to noon. Imposibleng hindi sa hilig kong lumamon. Haha! Pero ewan ko ba… ngayon, pakiramdam ko, sobrang taba, pangit at dungis ko.

At ayoko na ng ganito.

Kailangan kong baguhin ang takbo ng pag-iisip na ‘to.

Bukas, babangon ako ng masmaaga. Pipili ako ng matinong ‘outfit’, magpupulbo at dadayo sa Esplanade para manood ng tugtugan.

Maraming paraan para maging masaya, at gagawin ko ang mga yon mula ngayon.
———-
Malapit nang i-launch ang neverending story ng project namin sa opis.

Sa wakas!

Update: Hindi ako nag-ayos nung Biyernes. Pumasok pa rin akong nakaT-shirt, pantaloon at tsinelas. Pagkatapos ng maghapon, pwede pa ring pagprintuhan ng itlog ang mukha ko, pero dumayo pa rin ako ng Esplanade :)

super random shit

February 13, 2009

the problem with writing for a living is that you never really get to write.

of course that’s cliche, so everyone agrees.  correct or not?

———-

madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e.  puta tsong, gusto ko nang kumita!”

but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!” :D

———-

i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was.  so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).

and yes, i am that old and ulyanin!

———-

i know.  i express myself better in Filipino.  but who reads this anyway? :lol:

may sasagot.  si chelly! hahahaha.

———-

i’m on my 7th month here in SG.  i haven’t gone home.  i never thought i’d last this long without seeing my family.    especially nina.

yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her.  i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much.  nakoo, dalaginding na din siya!!!  shet.

anyway, i realised that she’s my favorite and yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!).  maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little.  and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)

:( i miss ninay.

———-

connected to the previous section (haha!)

it’s only when i got here that i realised;

- how much i love everyone i care for back home.  *yakap*

- how OC i am.  i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise.  i can’t keep still until i see things ‘clean’,

- i am an addict.  i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga).  i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back.  min of 335mL/day.  tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness).  i don’t have f*cking discipline.

- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).

- i really love walking aimlessly in urban jungles.  i do.  i really really do.  and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into.  even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.

———-

anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).

i hope in time, i’d find a job that i can love in this city.  i hope i’d find a ‘fuentes’ here.

seriously.

“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!” :)

hahaha.

———-

ano pa ba?

ahh!!!

2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.  :( kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.

i hope you both get well soon.  at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!

*hugs to you both*

-chabellita

nagfifeeling

November 26, 2008

hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat ng sasabihin ko.  bahala na kung kalat-kalat.  palagay ko naman walang magrereklamo sa inyo dahil namiss ninyo ako, tama?

hayaan nyo na lang ako magfeeling.  tutal, wala na rin naman kayong magagawa dahil ako ang diyos ng blog na ‘to.

*belat*

———-

hindi ako makapag-update kasi andami kong gustong sabihin, pero tinatamad akong ayusin ang flow.  o diba, paulit-ulit na ko.  kasi mahirap yun, e diba?  lalo na kung marami kang iniintindi.  tulad ng; “ano kayang makakain mamaya na masarap pero di singmahal?” o “darating ba ang panahong sasapat ang kinikita ko sa lahat ng pangangailangan ko?” o “hanggang kailan magiging walang kwenta ang lahat ng ginagawa ko?” o “anong gagawin ko sa putanginang buhay kong ‘to?!?!”

ikaw, kung paulit-ulit umiikot sa utak mo ang mga tanong na ganyan (hindi ko alam kung dahil sa Metroretrograde), makakapag-ayos ka ba ng thoughts? (kung “oo” ang sagot mo, ang tawag sa’yo: mayabang. haha!)

may nagsabi sa akin noong nakaraan na, ang pag-ayos ng flow ng thoughts, madali lang.  hindi siya mayabang sa pagsabi nun, pero hindi rin ako naniniwalang henyo siya maiigi dahil mahusay siyang mag-ayos ng thoughts.  siguro, wala  lang masyadong laman ang isip niya.  ang tanging naroon lang ay; pera, pera, pera.  numbers, numbers, numbers.  tapos.

———-

ilang beses umalingawngaw sa tenga ko noong nakaraan ang pahayag na, “clarity of thought.  clarity of thought.  clarity of thought is the key.” pero sadyang wala siguro ako noon ngayon.

paano ka magkakaroon nun kung paulit-ulit isinisiksik sa utak mong, “tanga ka”. maski pilitin mong bumira nang bumira at umikot sa mundo ng words, words, words, pagkasingliit at kasingpeste na ng langaw ang tingin mo sa sarili mo, wala ka nang bilang.

kung wala ka nang bilang, hindi ka na uugma kailanman sa taong ang laman lang ng isip ay; pera, pera, pera. numbers, numbers, numbers.  tapos.

———-

hanggang diyan na lang ang drama sa entryng ito.  ayoko masampal ni ning :lol:

———-

nung nakaraan, nag-ym ako.  nakausap ko ang 2 kaibigan.  yung isa nagkajowa, yung isa naman, nawalan.

mahirap palang makipag-usap nang sabay sa 2 taong nasa magkabilang mukha ng barya, ano.  medyo nakakaschizo.  kasi andaming chika tas extreme ends.

sabi nga ng APO, “ganyan talaga ang buhay.”

———-

nagbirthday nga pala ako!  ito siguro ang kaarawang di ko malilimutan, dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga taong mahalaga sa akin. parang masmaraming naka-alala sa ‘kin nitong taon, siguro dahil wala ako sa paningin nila.  masmaraming nagpaiyak.  leche kayong lahat!

HAHAHA! :lol:

salamat sa lahat ng bati via net, sa  tawag, sa pizza, sa Puccini Opera, at sa sinindihang kandila sa Quiapo.

pakshet late 20’s na lola nyo.  kalowka!  pero kebs, dahil hindi pa naman halata (o, sabi nang hayaan ninyong magfeeling kasi wala naman kayong magagawa, e.)

———-

marami pa kong gustong sabihin, pero sa susunod na.

gutom na ko e.  bibitinin ko muna kayo.

(feeling talaga, ampotah, ano!)

random 3rd week shit

July 30, 2008

30 minutes to lunch time, at tapos ko na ang task na plinano kong gagawin ko para sa umaga ng araw na ‘to :D kaya…

blog rounds.
oo, ginagawa ko to ng madalas at hindi lang ang blog mo ang pinupuntahan ko (para lang malaman mo).

mula nang matuto kasi akong magblog, natuto na rin akong gumala sa blogosphere at namemorize ko ang url ng sites ng mga nagbablog na trip kong sumulat (oo, memorize ko). yun yung mga sites na tamang may natututunan ako, katulad ng kay ala paredes :)

muni-muni
kagabi, napadpad ako sa raffles interchange. isang stasyon ng tren yun mula sa pinanggalingan ko (tanjong pagar). dun kami magmimeet ng isang kaibigan bago magdinner. habang hinihintay ko siya, tumambay ako sa may Chevron Plaza.
hindi ko alam kung anong ‘klase’ ng mga tao ang tumatambay doon pero wala akong pakialam kaya umupo lang ako. makalipas ang ilang minuto, nalaman ko na kung ano ang karamihan sa kanila; smokers.
dun lang ako nakakita ng maraming taong nagyoyosi mula nang mapadpad ako sa SG. may nakaupo mag-isang nagyoyosi, dalawang magkaibigang nagyoyosi, lovers na nagyoyosi, nanonood ng Nat Geo sa screen na nagyoyosi, naglalakad na nagyoyosi, kakalabas pa lang ng istasyon na giyang na’t nagsisindi ng yosi.
ilang minuto pa, may narinig akong munting himig. pinakinggan kong maigi kung sa’n yun nagmula… “please… oh please….” sabi niya. habang napapatungo ako, lalong lumilinaw ang tunog hanggang sa madikit na ang tenga ko sa gilid ng bag ko :shock: “OMG! ano yun!!!” pagkabukas ko ng bag ko, ayun, hinaharana pala ako ng nag-iisang stick ng Marlboro na nung nakaraang Miyerkules ko pang binuburo don.
:roll: pa-pampam?!!?
———-
kakaiba rin ang na-witness ko sa tren pauwi kagabi. mga 1030 na yun. kadalasan, sa tren, ang makikita mo e mga haggard na haggard na mga tao. usually mga a. tulala, b. nagbabasa, c. nagpi-psp, d. may kausap nang seryoso.
kagabi, iba! maraming tumpok-tumpok ng tao ang nagkekwentuhan animatedly. di ko napigilan ang sarili ko at nagtext;
“masmasaya ang mga tao sa tren pag ganitong oras. nakaka-aliw!”

ma-fa-flatter ka ba?

April 18, 2008

nung isang lingo, habang naghihintay ng elevator pababa para magyosi, sabi ni kaye (bago naming officemate) sa’ken, “mukha kang college student…”

:shock: ow? hanggang ngayon?

teka… bente-siete anyos na ‘ko. hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong isukli sa ganong komento. siguro two years ago andali lang mag-react don, “o talaga :D thanks!”. actually, 2 years ago nagagamit ko pa yon na strategy para makatipid (kasi kulang pa pang pamasahe ang sinisweldo ko non). tuwing sumasakay sa bus sinasabi ko, “quirino. estudyante,” tas may 20% na diskwento na ko :twisted:

pero ngayon, mukha pa rin akong estudyante? hanggang ngayon? ibig ba sabihin non hindi ako mukhang credible sa ginagawa ko? na hanggang ngayon hindi pa rin ako mukhang seryoso sa buhay.

hmm… ano sa palagay nyo?

———-

gwapo yung air2100 guy na nagdedeliver dito sa building namin. crush siya ni Lita, at halos lahat ng bading sa building ay aware sa existence ng nasabing delivery man.

kahapon, habang nagchichikahan sa gilid ng building, napalapit siya sa amin (dahil sa pwesto namin may basurahan at tinapon niya dun ang kanyang sprite tin can). isa yong makapigil-hiningang sandali kay Lita, as in nag-freeze siya.

pagka-alis ni air2100 guy biglang inexpress ni Lita ang pagkaloka niya. sabi ng officemate naming si G, “dapat nagkunwari kang nahimatay tas bumagsak ka sa kanya… o kaya sinagi mo tapos, oops. sorry.

sabi ni K, “or tinanong mo… can you deliver?

habang patawid, ako, “‘de, para kumpleto dapat… so, how’s your package? can you deliver?:lol:

kung ikaw yung air2100 guy at may nagsabi nun sa’yo (na babae syempre), anong magiging reaksyon mo?

———-

eto nakakaloka.

nung isang lingo umuwi mula Italia ang dati namin officemate na si A. nagchikahan sila ng iba pang ancient one’s sa corridor ng office namin. nung napadaan ako papuntang banyo, naalala nila yung first impression nila sa ‘kin… “akala namin tibo ka.”

ako: : shock: ha?”

O: kasi lagi ka lang naka-shirt tsaka jeans. wala lang, may ganun kang aura.

ako: ganon? :lol:

O: oo. nagbago lang yung isip namin nung sinundo ka na ng boyfriend mong gwapo.

lahat: BWAHAHAHAHA!!!

O: babae ka pala.

kinagabihan, naglakad ako papuntang SM. at as usual, bago umakyat ng hagdan pa-bus stop, huminto ako sa bilihan ng yosi. pumwesto ako sa gilid ng hagdan. biglang may dalawang babaeng pumwesto sa may gilid ko, naghahagikgikan. nagsindi ako ng yosi… nagsindi rin yung isa. may dumaang isang tropahan na kilala ata nung dalawang babaeng nasa gilid ko, “o, anong ginagawa nyo diyan?” inangat nung isang babae ang yosi niya para ipakita, at ngumuso na parang tinuturo ako sa bumati sa kanya. nagtawanan sila. medyo naimbyerna na ko.

binaling ko ang tingin sa dust pan na nakasandal sa dingding sa harap ko, pilit kong nilulunod ang malakas na boses ng babae habang nagkukwento. nakakaimbyerna talaga! nakataas ang kilay, tumingin ako sa kanila. tumahimik siya, pero nagulat ako sa itsura nya, dahil pagtingin ko nakangiti siya. nakangiti siya sa ‘kin at tinutuck ang buhok niya sa likod ng tenga.

hala!

ilang minuto pa, ramdam ko na ang classic signs ng pagpapakyut ng babae mula sa kanya. nakakaloka. alam kong iniitsa nya sken ang bawat senyales na ‘yon… alam ko dahil babae ako, at yun ang ginagawa namin ng mga kaibigan ko pag nagpapakyut (nung bata pa kami).

tangina, bat nagpapakyut sa ‘ken ang hitad na ‘to?

yuck!!!

hindi ko na tinapos ang yosi ko. tinapon ko sa dustpan.

kinabukasan, tinanong ko si Lita, “mukha ba talaga akong tibo?”

L: bakit? masyado ka namang affected dun sa sinabi namin kahapon.

ako: hindi yun.

kinwento ko ang insidente.

L: … siguro dahil sa suot mo kahapon. tsaka ang macho mo kasi maglakad.

ako: so dapat mag-aral akong kumendeng?

L: oo :lol: tsaka mag-ayos ka kasi.

ako: e nakakatamad e.

kinagabihan ng araw na yon (biyernes) nagka-ayaan kaming uminom. pumunta kami sa penguin, tulad ng nakagawian tamang inom, chicka, lafang lang kami. wala pang tao dahil maaga pa nang dumating kami… prenteng-prente kami sa pagkakatambay. maya-maya may dumating na babae, napatingin kami sa kanya dahil aligaga siya. ‘di matahimik sa isang pwesto, at paikot-ikot sa smoking area. pero hindi naman siya kaingayan kaya deadma. kwentuhan uli kaming magkakaibigan.

after 1 hour siguro, nagpunta ko sa banyo. may tao pa sa loob at pangalawa ako sa pila… so hintay muna kami sa corridor. after 10 minutes, bumukas ang pinto. lumabas ang amoy ng juts kasabay ang pagbungad ng babaeng aligaga, “oh hi! sorry, i didn’t know you guys were waiting.” kebs kami nung sinusundan ko sa pila.

papasok na sana ang nasa-unahan ko sa banyo pero nag-alangang siya. bandang huli naisip niya sigurong naiihi na talaga siya… so matapos ang mga dalawang minuto ng pagtanga sa may pinto naglakad na siya papasok. naisip niya siguro, “bahala na.” lumampas na siya sa door frame, pero ‘di pa man naipapasok ang isa pang paa sa loob ng banyo lumabas uli siya, “umm… excuse me, you left your beer inside.” “o, sorry!” sabi ng babaeng aligaga at kinuha ang beer nya.

sumara na ang pinto ng banyo. nakatayo ako sa harap non… nagfofocus ako sa pagka-pula nito. nag-aayos ng buhok ang babaeng aligaga sa gilid ko. ilang minuto pa, may naramdaman akong titig, napatingin ako sa kanya. “hi! i’m maria.” napangiti akong bahagya… “hi!” iniabot nya sa kin ang kamay niya, so i shook it. “i’m chelot.” “wow! that’s a nice name.” “thanks!”

nagmake-up na siya. ako naman nagfocus na uli sa pinto… awkward moment. hindi ako marunong mag-small talk. iniisip ko, ano naman ang sasabihin ko sa kanya: “may juts ka pa?” hindi naman ako nag-ju-juts; “you come here often?” BWAHAHAHA!!! classic! o “are you with the band?” hmmm… wag na lang. so hindi ko siya kinausap. i just stood there.

awkward.

awkward.

awkward.

after 58 years, natapos siya sa pag-aayos nya. lumabas siya ng corridor. bumagsak ang pinto sa likod niya. lumabas rin maya-maya ang babaeng nasa loob ng banyo… ako na.

pagbalik ko sa mesa, kinwento ko kay L ang nangyari sa may banyo. “ang weird.” maya-maya, ang babaeng aligaga nandun na naman sa smoking area. umupo siya sa katapat naming table, naglotus position, at tumitig sa ‘ken.

:shock: tumitig!

nakakatakot.

L: shet!!! grabe yung factor mo.

ako: :(

L: pero, hindi ka ba nafa-flatter? dapat ma-flatter ka!

ako: ma-flatter ako… because i’m starting to attract other women?!!?

L: oo!

ako: :mad: ayoko nga!

L: sige na nga, sasamahan ka na lang namin mag-shopping.

di ba, kaloka? kung ako ikaw, mafa-flatter ka ba?

———–

dahil sa mga pangyayaring yon nung isang lingo, nagpapaka-girl na ko. shet, nakakapagod!

ang hirap intindihin ang ang tok-tok-tok ng takong ng closed shoes habang naglalakad sa madulas na sidewalk, at malakas ang buhos ng ulan. dumadagdag pa dyan ang buhok mo nililipad ng bawat ihip ng hangin. di ka na rin magkandaugaga sa paghawak ng payong, pag-ipit ng bag sa tagiliran habang humihithit ng yosi.

nakakainis rin ang titig ng mga construction workers, ang “good morning ma’am” na galing sa bawat naka-ngising security guard na madadaanan mo, ang sudden burst into “bakit ngayon ka lang…” o “binibini sa aking…” ng iba pang lalaking nakakasalubong mo. ang mga “wit-a-woo” ng mga walang magawa sa lansangan.

ANG HIRAP MAGING BABAE!!! at hindi pa ko kagandahan sa lagay ng yan a, pano pa kaya yung mga magaganda talaga, diba?

at dahil sa sudden change na ito, napagtitripan ka pa… kahapon, binigyan na ko ng mga officemates ko ng bagong pangalan… “ngayon, ikaw na si Girla Lou Belan” :lol:

nyeta!

kapag mababaw ka…

March 12, 2008

parang maraming nangyayari sa buhay mo miski wala

:lol:

———-

hindi ako pwedeng maging stylist…

dahil squirmy ako.

squirmy ako kapag lumiliit ang distansiya ko sa ibang tao.  hindi ako nandidiri sa kanila, hindi rin ako nagmamaganda, basta gano’n lang ako.  ayoko ng hinahawakan, o dinidikitan ng iba, miski ng mga taong matagal ko nang kilala.  miski nga sa mga kapatid ko squirmy ako…  hindi ko alam kung saan nanggaling ang personal space issues na’to at kung kailan nagsimula.  lumaki na lang ako ng ganon.
basta, ayon.  ngayon ko lang nadiscover na hindi ako pwede maging stylist…

pero pwede akong maging electrician (naayos ko  kasi ang TV namin nung isang linggo).

———-

hindi ka magiging masaya kung swapang ka.

nung isang linggo, may ni-launch kaming mamahaling tsinelas.  oo, isa sa mga mamahaling tsinelas na kinababaliwan ng ibang bilat dito sa pinas.  anyway, dahil panalo dito sa office namin, binigyan ako ng gc ng tsinelas na yon (tsaka t-shirt pala, pero hindi yun ang gusto kong i-kwento).

nagkataon na weird ang amount na nakalagay sa gc… malaki siya pero hindi umabot dun sa bagong labas nilang product, which was what we wrote about, so kinailangan kong pumili sa ibang line.  ang kinalabasan, 2 pares ang naiuwi ko.  isang brown, isang puti.  yes! miski anong kulay ng bag ko may pang-terno na ko kasi may black na akong luma.  sinukat ko sila pagdating sa bahay.  yung brown, may etiketa pa… hindi ko alam kung bat ‘di ko matanggal-tanggal ang etiketa na yon.  nakekenkoyan din ako sa thought na andami mong ganon tas wala naman talagang kwenta.

kinabukasan naisip kong itext ang ate ko; punta ka dito.  may saprise ako sa’yo!

hindi ko sinabi kung ano yung surprise miski ilang beses nya kong tinanong ng: “ano yan, pera?”  “anong ibibigay mo?” “oi, ano ba yan? pera na lang.”  :lol:

nakakatuwa ang itsura nya nung inabot ko sa kanya ang box.  parang batang non lang nakatanggap ng gift :D at paulit-ulit pa sa pagsabi ng “you love me.  you really love me.” ala Sandra Bullock sa Miss Congeniality :lol:

———-

nasira ang side table lamp ko kahapon.  naglinis kasi ako ng kwarto.  tapos, dahil engot ako, hinila ko yung sidetable na nakasaksak yung lamp… so nahulog.

anyway, tri-ny ko kung umiilaw pa yung lamp miski nagkanda-wasak-wasak na.  buti gumana pa (kasi hindi ako nakakatulog ng walang ilaw, e yun din ang night light ko e), so tuwang-tuwa ako at nag-proceed sa pagkukunwaring lego ang pira-pirasong kaha ng lamp.

wala akong epoxy, mighty bond o super glue sa bahay.  scotch tape lang ang meron kaya yun na ang pinagtyagaan ko.  may isang bandang kinailangan kong gamitin ang dalawang kamay ko sa pag-hold ng pieces ng lamp kaya dinikit ko sa labi ko ang dulo ng tape.  nung ready na ‘kong ikabit ang tape, excited kong hinatak ‘to.

faaaaaaaaccccckkkk!!!

sumama ang balat ng labi ko.

TANGA!

———-
may dumapong ibon sa kwarto ko kagabi.  parang pagod na pagod siya… siguro malayo at kung saan-saan pa siya nanggaling, kaya imbis na bugawin, hinayaan ko siya dun.  mukhang nakatulog siyang agad pagkalapag dun sa sulok ng kwarto… kasi hindi na siya gumalaw-galaw pa (di ko sure a, di naman kasi ako expert sa mga ibon).

kanina pagkagising ko, maaga rin siyang bumangon.  pag-alis ko, siya ring lipad niya.  di ‘ko alam kung kumpleto na ang pahinga niya… pero sana ‘di na siya abutin pa uli ng ganoong klaseng pagkahapo.

sana mahanap na niya ang hinahanap niya…

———-

may mga iba-blog pa ko kaso tinatamad akong i-encode :lol:

abangan na lang bukas… or sa weekend.  bahala na :D

say… say… say…

November 22, 2007

i got in after lunch today.  we had a minor problem at home, but everything’s alright now. this is the first time i’m gonna say this here…

GOD IS GOOD.

really!!! :D

———-

i thought of stumbling upon (firefox) before starting with an article, and i landed here .

go on, click it!  it’ll make you feel better :)

i think it’s gonna be a great day :D

———-

my birthday was alright.  i thought i’d be miserable that day, because i knew that i was gonna be home alone… doing the laundry and cleaning the room again, just to keep myself busy.  but guess who came?

.

.

.

H dropped by and gave me a book :D it’s supposed to help me do away with being jaded (all the time) :lol:

tapos, we had this conversation;

H: so, anong oras ka na natutulog ngayon?

(he was the one who always reminded me to sleep early, so that i’d get enough rest for the next day)

me: (pa-biro) 3am… normally? hehehe.  kasi pagdating ko, hinihintay ko pa mag-Hwang Jini, tas after watching tsaka pa lang ako naliligo.  so pinapatuyo ko pa buhok ko, tas nagbabasa, tas etc…

H: :lol: talagang sinusubay-sabayan mo yon a.

me: oo, maganda e.  manood ka, para ma-alala mo ko :lol: (feeling kasing artistic ni jini!  ahahaha)

H: lagi naman kita na-aalala e.  pag nasa jeep nga ko tas may nakikita akong mga badjao na nanlilimos na-aalala na kita e.

:shock:

H: kasi naka-tubao sila.

me: fine.

oo na.  mukha akong katutubo.

———-

no.  we’re not back together.  we’re fine this way.  i don’t have to explain, you won’t understand… we’re weird that way :lol:

———-

if i get to finish 2 articles today, then it’s definitely a great day.

i think the book is starting to work :lol:

shining little silver stars :)

September 30, 2007

in dire need of change, i had my ear pierced yesterday. 

i’ve thought about it in the morning (an officemate sarcastically remarked, “hindi pa ba sapat yang tatlong butas mo sa tenga”) :lol: but i really wanted to do something liberating.  so, because i didn’t want to get a haircut, and i can’t afford another tattoo (yet).  i now have a flower, 2 spheres, and 2 stars on my left ear.  wipee!!! :)

2morestars.JPG

i feel like i’m 18 again

:lol:

but gawd!  this is much too painful than a tattoo… seriously. 

i have to be VERY careful everytime i move/lay my head, fix/shampoo my hair, and raise my left arm.  this is self-mutilation at it’s best! :lol:

i just hope it heals sooner than promised by the ‘kuya’ at bead shop (‘di ko keri na ganito ‘to for 2 whole weeks).