hello? yes?!

May 31, 2009

this past week, dalawang beses nag-appear ang “writer chelot” sa Search Engine terms chu ng dashboard ko.   naka-ilang beses din nag-appear ang ‘diwanglaya’ at ‘chelot’.  pero, maski hindi lang naman ako ang chelot sa buong mundo, i have an idea who this person is.  kasi kanina, may nagclick ng particular category (hindi ko na sasabihin kung ano) and browsed through its entire content.

ang masasabi ko lang ay…

hahahahaha!!!

kung ikaw ang babaeng kuto, puwede ba, huwag ka nang mainsecure dahil wala kang magagawa, mas-exciting talaga ang buhay ko kesa sa buhay mo.  isa pa, KEBS na ko sa’yo/inyo!  at kapag nilabel ko nang friend, friend na lang talaga yun.  HELLO?!! move on!

:lol:

but h’well, if i’m wrong, magpakilala ka naman, friend.

:lol:

tao nga naman

October 18, 2008

hindi na dapat ako magsusulat ngayon.  2:06 na ng madaling araw, at maglilipat pa kami bukas ng umaga, pero marami akong gustong sabihin.

———-

nung lunes, masama ang timpla ko.  hindi ko alam kung bakit, pero di ako mapakali.  isa pa, masyado akong iritable nung araw na yun at pabago-bago ng isip.  ewan ko ba.  iniisip ko kung bakit ganun kasi tapos na ang setyembre at hindi na panahon ng walang hanggang paglilimi para sa akin, pero sabi ko nga… marahil dahil yun sa Mercury Retrograde (sorry kung paulit-ulit na ko a, pero palagay ko yun talaga yun) isa pa, bilog na bilog ang buwan nung araw na yun kaya baka rin ako praning.

so yun.  umalis ako ala-sais impunto sa opisina… nagmamadali ako.  dapat may lakad ako, pero kinansela kong bigla kasi nga wala na ko sa mood.  papunta sa tren may nakasabay akong differently-abled.  pinolyo siguro yun nung bata pa siya.  nakikipagsabayan siya sa amin sa paglalakad maski hirap na hirap.  hindi siya dumaan sa pang-differently-abled na daanan sa tap-apan ng ez-link.  “grabe,” kako sa isip ko.  “ang tibay ng taong ‘to.”

pagdating ko sa flat namin, tumambay muna kong saglit sa baba, sa may mga mailbox.  maya-maya, may dumating na matandang babae.  siguro lampas 60 na siya.  hirap na siyang maglakad kaya may dala-dala siyang tungkod.  unti-unti ang usad niya papunta sa mailbox niya, at habang papalapit sa puwestong kinauupuan ko, nginitian niya ako.  sminall talk ako ni lola.  hindi ako mahusay mag-small talk, puwera kapag mga matandang ganun, kasi sa mga matatanda, ang gagawin mo lang naman talaga ay makinig.

habang naglalakad papunta sa mailbox niya, nagkwento siya tungkol sa kung saan na siya napadpad kakalakad noong gabing ‘yon.  nabanggit niya rin na ako ang ikalawang babaeng nakita niyang naninigarilyo sa lugar ng mga mailbox.

“there was another lady smoking at the other building.  over there. yes, over there.” tinuro niya yung “there” sa pamamagitan ng pagnguso… aba, uso rin pala sa kanila yun, no?  napapapalatak si lola habang nagkukwento, pero hindi siya irita.  alam kong hindi siya irita dahil lagi siyang nakangiti.  siguro nakasanayan lang niyang pumalatak.  baka nanunuyot na ang lalamunan niya.

“my daughter lives upstairs.  at the 6th floor, (palatak) and she’s married. (ngiti)  i went out for dinner, (ngiti) and i had fish!  (palatak) and i had tea.  i paid one dollar thirty cents… (ngiti)  one dollar and thirty.  at the other coffee shop where i usually eat, it’s only eighty cents… (ngiti) only eighty cents.  they charged me too much.  (long pause) my daughter lives on the sixth floor.  and she’s married (ngiti)  she works at KFC.  she’s a manager.  she’s at the sixth floor.  (palatak) you?  what floor do you stay?”

maya-maya may dumating na lalaki sa lugar ng mga mailbox at parang ayaw ng usok ng yosi.  nahiya na rin ako kay lola dahil nasisinghot ng mahina na niyang baga ang usok ng sigarilyo ko, kaya nagpaalam na ako.

habang naglalakad palayo, naisip ko, “ang kapal naman ng mukha mo para maglungkot-lungkutan, chelot.  wala kang karapatan.”

———-

2:33 a.m na.  hala.

———-

iba-iba nga naman talaga ang mga tao, no?  may mga taong ayaw mapansin. sila yung mga laging nagtatago, kimi, o maski pansinin mo na umiiwas pa rin.  deadma.  tamang ganun.  meron naman, papansin nang papansin maski ayaw nang pansinin ng mundo.

itong mga uri ng nilalang na ito e yung kesyo meron daw gustong i-share, pero ang totoo gusto lang magbida.  marami akong nakakasalamuhang ganito ngayon; si hipon, si HB, at nadagdagan pa ng isa.  akalain mo nga naman, ang swerte ko, ano!

ang totoo niyan hindi talaga ako direktang apektado nung huling pa-pampam, pero dahil ayokong sinasaling ang mga taong malapit sa akin, rambol kung rambol na ‘to.  kenkoyin mo nang lahat wag lang ang pamilya’t mga totoong kaibigan ko.  oo, basag ulo talaga ako.

dapat kasi, bago mo i-hello world ang mga iniisip at reminiscing mo, iniisip mo muna kung, “ano bang maidudulot nito sa mundo?  anong masasabi ng makakabasa?  ano bang gusto kong palabasin?”

hindi ako nagpapakaself-righteous,a.  ang sa akin lang, huwag sanang kung anu-ano ang pinagsasabi natin para lang makapagbida.  masakit na kung masakit, pero totoo; may mga bagay na dapat nating ikimkim sa sarili natin hanggang sa mangamatay tayo.  hindi lahat ng nasa isip at damdamin natin, kailangan nating i-share, lalo’t may mga nananahimik na taong madadamay.  ano ba, ang tanda-tanda na hindi pa rin alam ang tama sa mali? aba, aba, aba…

ang punto, huwag ang sarili mo lang ang iniisip mo. mahiya ka ‘uy!  kung ang trip mo ay magsulat ng tungkol sa mga kung anu-anong fiction, aba, mag-apply ka nang writer ng teleserye.  dun kikita ka, maaaliw mo pa ang masa, diba?

sa ginagawa mong yan, hindi ka talaga magiging masaya sa buhay mo.  wala pa akong nakilalang makasarili na naging masaya, maniwala ka.

———-

ayan tuloy, highblood na ko.  pano na ko makakatulog nito?

lekat!

———-

kahapon, bumili ako ng crispy noodles.  first time kong bumili non kahapon.  pagbalik ko sa table, tinanong ako ni HB, “anu yan?”

“e di crispy noodles.”

tas kumain na ko…

kumain lang ako nang kumain.

kain lang… habang tahimik niyang tinititigan ang crispy noodles ko.

wala akong paki.  akala niya siguro aalukin ko siya.

sorry.  sabi nga nila, nauubos ang pasensiya.  may hangganan ang lahat, at sa kaso ko, lalo na ang pambuburaot.

———-

ayan, 3:04 na.  patay.

simpleng buhay…

October 11, 2008

ay kay ganda

mayroong ngiti, mayroong… blah-blah… and so on.

di ko na alam, e.  sorry naman!

———-

maraming nangyari sa akin itong linggong ‘to.  pramis!  pero malamang sa inyo din, lahat naman tayo may hinaharap na kung ano araw-araw, diba?

teka, ano kamo, walang nangyari sa’yo?  sus, seyoso?!  sigurado ka?!?!

aba, ayos!

ang tanong; ano ka, sofa?

———-

nabanggit ko na sa mga entry ko nung nakaraan na nailipat ako ng pwesto dito sa opis.  nung lunes ata nangyari yun, pagbalik nila chief mula sa mainland.  ayos lang…  hindi na ko under ‘observation’ minu-minuto… or, ganun pa rin pero hindi na yung malansang nilalang ang magsasight nang magsasight sa monitor ko.

basta, ngayon, kung gusto kong marinig ang ingay ng kalsada at huni ng mga birds, magagawa ko.  may regular tree-top view rin at paminsan-minsan, naghahabulang ibon.

kere change!

———-

ilang linggo na kaming naghahanap ng lilipatan na haybol kasi majoyo ang tinitirhan namin sa opis.  araw-araw tatayo ka sa tren ng tamang 30-45 minutes at pag di ka rin nakaupo sa bus, tamang 10-15 minutes din yun.  tapos, pag nagka-ayaan pa lumabas, badtrip, kasi nakikipaghabulan kami sa tren.  bukod sa layo, nawalan ako ng shorts, $10 , at bra sa tirahan ko ngayon.  tama yung nabasa mo… bra.  tangina diba!  as in may kumuha sa kwarto.  yung roomate ko naman, nawalan ng t-shirt.

anyway, we found the perfect house last wednesday.  ang ganda talaga pramis!!! sobrang panalo.  tamang ma-di-dream state ka pag nandun ka.  very clean, relaxing, super nice fittings, etc. etc. tas panalo din yung rent. “so go, go na!!!  dp na!  dito na tayo,” ika namin.  feel na feel na namin talaga…   the lights… fixtures… the buddha’s and all.  kinabukasan, pagkacompute namin ng lahat-lahat, na-realise namin na medyo hindi pala kaya ang paunang bayad. nakakadream state nga kasi yung bahay.

pero kebs!  we’re moving in next weekend.  so for the next few months, we’ll be living in THE perfect house… but will be fucking broke.  at sa kaso ko, in deep shit mehn… deep shit!

———-

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  bakit!

———-

hindi ko naiintindihan kung bakit may mga taong sadyang manlalamang.  ewan ko kung bakit may mga ganon.  hindi ko nagegets yung mga nagtitipid tas hihingi ng side dish mo.  hindi ko nagegets yung hindi kakain tapos pag may nakitang pagkain ng ibang tao, patay gutom.  hindi ko nagegets yung mga hindi nakakagets na pag inalok ka ng pagkain, hindi ibig sabihin iyo na yun.  hindi kaya sila nahihiya?  hindi ko nagegets yung mga taong nagsasuggest na pahigain mo yung bisita mo sa sahig at pabaluktutin mo na lang para magkasya sa maliit na kwarto… na dun ka na lang sa maliit na kwarto kasi mahirap ka… kasi hindi mo pa kaya.  hindi ko talaga nagegets yung mga taong masmarunong pa sa’yo sa kung anong gusto mo

di ko rin talaga gets ang pangpeperwisyo sa iba nang sadya, e… ako kasi, hindi ko iniintend mamerwisyo.  kung nagkagayon man, alam ko pag nakakaperwisyo ako, inaamin ko yun.  higit sa lahat, humihingi ako ng tawad sa nahahassel ko.  hindi ko sila sinasubject sa masnakakairitang pa-tanga facial expressions.

ngayon, iniisip ko kung tanga lang talaga yung mga taong gusto manlamang tas iniisip nila na hindi nagegets nung gusto nilang lamangan yung motibo nila.  ay baka hindi pala sila tanga, ano?  baka tarantado lang talaga.

dapat sa mga taong ganito, pinapatapon sa isa sa islands ng hundred islands.  dapat mag-isa lang siya dun. hindi bagay sa kaniya ang makihalubilo sa iba.  ok, wag naman tayong masyadong ‘bad’ sa kaniya… kawawa naman.  sige, para maging masaya siya, ok lang sigurong ibigay natin sa kaniya lahat ng perang gusto niya, damit, pagkain at gadget bago tayo umalis, pero, pero, pero! hindi sila pwedeng iwanan ng cellphone, beeper, o ano pa man na magkokonekta sa kanila sa ibang tao sa maski anong lupalop ng mundo.  wag rin mag-iwan ng bangka, putulin ang lahat ng kawayan o punong kahoy na pwede nilang gawing pantawid sa karagatan, at siguraduhing wala silang lighter na ipanggagawa ng apoy.  tama diba?   tama.  tama lang na mabulok sila dun kasama ng mga materyal nilang ari-arian.

wag rin iwanan ng pets.  they don’t deserve even an animal to talk to.  kawawa naman yung hayop, kasi manhid ang mga taong ganito… sarili lang nila ang iniisip nila.

hindi ko rin pala nagegets kung bakit mayroon akong undying desire to help people like this “change” or become “better” people.  bakit ba andami-dami kong faith sa ibang tao?  bakit ba ang tanga-tanga ko.  ayan, lagi tuloy ako hirap na kumawala sa kapit ng mga hindi makatayo sa sarili nilang paa.

pakingshet!  kelan ka ba matuto?

basta, sana bumigay siya! :lol:

———-

muli,

bakit ba hindi mo kayang pa-simplehin ang buhay mo?  BAKIT!!!

prequel ng stage fright

June 19, 2008

Noong maliit ako, makapal ang mukha ko. Kapag may bisita kami at pinakanta ako ng nanay ko, buong puso kong pineperfom sa sala namin ang “If you’re not here” ng Menudo. Tuwing summer, kapag nagbabakasyon sa amin ang mga pinsan namin, sama-sama naming sinasaliwang ang 45 ng Arico Mambo. Noon pa ngang umuwi kami sa probinsya sinayaw naming ang nabuo naming sayaw sa lunsod para sa piesta. Kebs talaga sa earth! Ang mantra kasi ng ate ko (na likas na performer), kapag may talent ka, ipakita mo.

Katulad din ng lahat ng batang babae (dito sa pinas. di ko sure kung pati sa ibang bansa gano’n) dumaan din ako sa stage ng pagkanta ng “I believe the children are our future. Teach them well and let them lead the way…”, pero hindi ko yun ginawa sa Little Miss Philippines-ish contest o family reunion, kinanta ko yun sa Christmas party ng Bombo Radyo.

O diba, ang yabang ko na. so malamang iniisip nyo ngayon, “bakit ang lala ng stage fright mo? Bakit hindi ka na kumakanta kung talagang maganda ang boses mo? (oo, ang tanging lugar na pinagpeperforman ko ngayon ay ang banyo).

Kasi ganito yan.

Noong prep ako :lol: ako ang naatasang mag-lead sa pagkanta ng graduation song namin. Sabi ni Mrs. Imperial (adviser ng klase namin noon sa St. Mary of the Woods), ako daw yung kakanta sa stage para sundan ng classmates ko. Kaya ilang araw bago ang graduation gabi-gabi kong prinaktis ang pagkanta ng “Somewhere Over the Rainbow”. Kaya naman noong ceremony na, maayos naman akong nakakanta. Akala pa nga daw ng ibang classmate ng ate ko tape yung sinusundan ng mga prep kasi kering-keri daw ang pagkakakanta ko, parang yung orig (kasabay kong gumradweyt ang ate ko noon; ako prep, siya grade 6) so proud na proud ang lukaloka kasi parehas daw kaming kumakanta.

Pagkatapos ng graduation ceremony, umulan. Hinintay namin si daddy sa may waiting shed kasi kinuha nya ang sasakyan, biglang lumapit sa akin ang isang classmate ng ate ko. Isa yun sa mga pinakamakulit na lalaki sa klase nila. Lagi akong inaasar non (siguro crush nya ang ate ko. gusto niyang buwisitin ako para isumbong ko siya kay ‘ti kate at syempre mapapansin siya ng ate ko pag ganon). Sabi niya sa ‘kin, “ang galing mo kanina a…” :shock: nagulat ako. Naisip ko, “shet… baka nga maganda yung pagkaka-kanta ko’t hindi ako ginagago nitong hayup na ‘to,” kaya nginitian ko lang siya. Akala ko aalis na siya, pero hindi pa pala siya tapos, bigla niyang dinugsungan ang sinabi ng, “tignan mo, dahil sa pagkanta mo umulan. HAHAHAHA!!!”

Yon.

Mula noon, hindi na ako uli kumanta o sumayaw sa harap ng madla EVER!

———-
Hindi ko na matandaan ang pangalan ng classmate ng ate ko, pero ang tanda ko Da Silva ang apelido nya (hindi ko lang din masyadong sigurado kasi hello, ang liit ko pa kaya non). Siguro kung hindi dahil sa kanya hindi ako magtitiyaga sa pagsali sa mga slogan making contest noong elementary ako. At kung di ko ginawa yun baka hindi ako nagsusulat ngayon… baka nagging japayuki ako, o di kaya singing waitress sa Singing Cooks and Waiters, kaya ayos na rin siguro ang ginawa niya.

Tsong, kung nababasa mo ‘to ngayon, kung natatandaan mo kung sino ka, isa lang ang gusto kong sabihin sa’yo…

TARANTADO KA! Hindi ka dapat nanggaganon ng mga batang walang muwang. Leche!!! Loser ka siguro ngayon.

sabi sa isang blog na nabasa ko noong nakaraan, bitch daw si Life. para sa ‘ken, masmalala pa sa bitch si Life… siya ang reyna ng mga babaeng kuto. oo, siya ang pinakamakapangyarihang babaeng kuto sa balat ng lupa, dahil unti-unti niyang sisipsipin ang bawat butil ng katinuan mo kapag napagtripan ka niya… at maski maglumpasay ka sa gitna ng daan, di ka niya tatantanan. malupit siya. gusto mo bang maintindihan kung gaano siya kalupit? kwento ko sa’yo ang isang trip ni Life.

ganito, kapag napansin ni Life na malapit ka nang umusbong bilang isang ganap na nilalang at bumubwelo na sa pag-he-hello world mo, sasalubungin ka niya sa paraang di mo ina-asahan (at hindi parang surprise party ang hinanda niya, a) ang gagawin ni Life, ilulugmok ka niya sa kadulu-duluhan ng isang masukal na kwebang puno ng burak. oo, burak… ang saya ‘di ba? ilalagak ka niya sa gitna ng lawa ng burak na ‘yon, na ga-leeg ang lalim, at iiwan ka niyang mag-isa. iiwan ka niya habang luhaan kang humihiyaw ng, “Pak yu ka Life! Leche!!! Ba’t mo ko pinahihirapan ng ganito!??!” at habang hirap na hirap ka sa pagbabalanse sa madulas na sahig ng nasabing lawa, uugong ang alingawngaw ng mala-demonyo niyang halakhak sa kuweba.

animal!!!”

miski gamitin mo ang lahat ng murang alam mo, wala siyang pakialam.

so ano nang mangyayari?

sa unang pagkakataong gawin ni Life ‘to sa’yo, tiyak na may tiwala ka pa sa sarili mo. umaapoy pa ang pag-asa sa kaibuturan ng iyong puso, kaya—sa gitna ng kadiliman, maghahanap ka ng paraan para maiahon ang sarili mo sa taeng lugar na kinalalagyan mo.

nakapikit mong kakapain ang dingding ng kweba (dahil ‘pag nakapikit ka, parang masmaliwanag, ‘di ba?). pilit mong sasalatin ang ga-hiblang mga ugat ng mga punong panaka-nakang nakausli sa dingding na ‘yon, at iisa-isahin mo ang bawat metro ng gilid ng kweba.  maingat kang kakapit sa mga ga-hiblang ugat na ‘yon para dahan-dahan kang makausad, hangga’t sa makarating ka sa bahaging may masmatataba nang ugat o ‘di kaya’y mga ligaw na sanga. unti-unti kang mapapalayo sa pusod ng kaputikan, hanggang sa ang lawa’y ‘di na leeg ang lalim.

maya-maya, hanggang dibdib na lang, ‘di mo na kailangang indain ang pagdampi ng ‘yong bibig sa itim, malagkit at mabahong putik. ilang sandali pa’y hanggang bewang na lang… sa may puwitan… sa may tuhod… binti… sakong.

nakakapagod. pero sa pagkakataong ‘yon, tanaw mo na ang liwanag sa labas, kaya’t imbis na magpahingang saglit, lalong mabubuhay ang ‘yong loob at mapapabilis ang ‘yong paghakbang. ayan na. kaunti na lang… ramdam mo na ang paglagaslas ng malamig at preskong tubig ng talon sa ‘yong balat. amoy mo na ang linis ng bagong labang damit (na ginamitan ng Surf na dilaw). at alam mo na kung kaninong bahay ka unang kakatok para makipag-pananghalian, kung saan nakahain ang nilagang baka, bagong hangong sinaing at nagye-yelong Coca-cola. Kaunting hakbang na lang, malalasap mo na ang kaginhawaan.

pero hindi ganoon kadali ang lahat. akala mo ba nakalimutan ka na ni Life? akala mo ba hindi ka niya minamanmanan habang sinusuong mo ang putik sa loob ng kweba? mali ka, dahil ‘di kalayuan sa bungad ng kweba ay naroo’t nag-aabang siya.

sa sandaling maaninagan ka niyang papalabas, sasalubungin ka agad nito ng; “Aha! Wala lang pala yun sa’yo a!” at sa isang iglap, bigla niyang lilipunin ang ang lahat ng kanyang kapangyarihan at magiging isang Super Sayan. susugurin ka niyang muli, gamit ang kayang kagila-gilalas na bilis, at pagmulat nang muli ng iyong mga mata, naroon ka na MULI sa gitna ng lusak mong pinanggalingan kanina ( o maglilimang taon na nga bang talaga noong una ka niyang iniwan doon? ewan) . “Ngayon, tignan natin kung kaya mo pa ‘to, you bastard,” bulyaw niya, habang sinisipa-sipa ang putik sa ‘yong mukha.

tiyak ko, ‘di ka na makakahiyaw sa pagkakataong ‘yon. baka nga ni ‘di ka na rin mapaluha. tulala kang iiwan ni Life sa loob ng shitty kweba sa pagkakataong ‘to…

so anong gagawin mo?

ang pinakamadaling solusyon e SOBRANG dali, ni ‘di mo na kailangang umeffort: simple. ibabaluktot mo lang ang mga tuhod mo. tapos! ganun lang. lulunurin mo na lang ang sarili mo sa lusak… tutal, sa simula mo lang naman maaamoy at mararamdaman ang pagpasok ng itim na likido sa ilong, lalamunan, at baga mo, tas deds ka na. solb! pagod ka na, ‘di ba? tsaka wala ka na rin sa wisyo. pak yu si Life, ‘di ba? so, ba’t mo pa ipagpipilitan ang sarili mo sa kanya? ok? ayos na? ayos!

kaso, ‘pag ginawa mo yan, sa tingin mo tapos na ang problema? hindi. mali ka. kasi, bibigyan mo pa ng problema ang pamilya mo ‘pag na-tigok ka. aba, mahal na rin atang magpa-cremate ngayon… tapos, siyempre ibuburol ka pa rin maski i-ke-cremate ka, rerenta ka pa sila ng kabaong. hassel. so, wala ka nang kwenta, pasaway ka pa.

so ano na ngang gagawin mo?

kailangan, ‘pag si Life ang kalaban mo, makapal ang mukha mo. dapat makulit ka. kailangan mong ikundisyon ang utak mo… lagi. at itanim sa kukote ang hamon mo kay Life na, “tangina mo Life, babalikan kita! lalabanan kita… humanda ka. AKO ANG MAGIGING KATAPAT MO!!!”

oha! yan ang makapal. :lol:

kailangan, may single-minded focus ka. kailan mong mag-plano.

TO DO’s:

1. hanapin si Yoda sa loob ng masukal na kweba

2. isapuso ang lahat ng natutunan at higitan si Darth Vader (matutong lumipad simbilis ni Superman)

3. libutin ang kalawakan at hanapin ang iba pang Super Sayan na kalaban din ni Life pati na sina; Eugene, Dennis at Alfred

Tapos, sabay-sabay ninyong sugurin si Life. at gamit ang ‘yong natatanging Jedi skills pati ang buong lakas ng ‘yong ispiritchwal na kapangyarihan (kaya kailangan mong hanapin sila Eugene), baldahin si Life.

wagi!!! :twisted:

at para panalong-panalo ang huling eksena ng pagtalo mo kay Life, bago tuluyang tirisin ang reyna ng mga babaeng kuto sa gitna ng kawalan (dahil malamang, nagunaw na ng battle ninyo ang mundo), tapakan mo siya sa dibdib habang sinasabing, “ano life, miski anong pagpapahirap ang gawin mo, panis ka sa willpower ko. pwe!”

———-

wala lang.

———-

may alam ba kayong room for rent (na may sariling banyo’t lababo)?

Makati area sana, pero ok lang din kung sa Maynila, Guadalupe, at iba pang karatig lugar, pero Makati area sana.

budget: 2500-3K/month

tanong: meron ba kong makukuhang ganito, o masyado akong mapangarap? kailangan ko ASAP.

kung may alam ka, iwan ka naman ng comment.

SALAMAT NG MARAMI! :)

hoy hilaw!

October 25, 2007

it’s so convenient to judge, despise and talk shit about people you don’t really know. i’m guilty of doing this too, BUT i don’t just blab about it and let everyone read and amuse themselves with it wondering ‘who the fuck are you talking to?’  instead, i prefer telling whoever it is  to FUCK OFF… but since you’re asking for it, here’s what you should get in that bloated head of yours;

YOU MAY BE  BRILLIANT, YOU MAY KNOW A LOT ABOUT THINGS (YOU THINK MATTER), BUT HONEY YOU’RE WRONG THIS TIME.

DON’T TALK ABOUT SOMETHING YOU DON’T UNDERSTAND!

———-

“Talk not of wasted affection; affection never was wasted.”

  —  Henry Wadsworth Longfellow