ang puting lobo
March 4, 2008
March 1 (Sabado) — Papuntang Alabang, huminto ang jeep na sinasakyan ko sa Tunasan. Nag-abang ng pasahero ang tsuper sa tapat ng Mercury Drug. Habang nakahinto ang jeep, pinagmasdan ko ang mag-inang nakatambay sa gilid ng Mercury, sa gilid na malapit sa mga litsunan.
Nakatanghod ang ina. Marahil naghihintay ng limos sa mga nagsisidaan o ‘di kaya hinihintay ang paglapit ng asawa niyang pumapapel bilang dispatser sa gilid ng kalsada. Naghihintay siya ng pira-pirasong barya na ipambibili ng hapunan mamaya. Ang anak naman ay naglalaro sa ‘di kalayuan. Pilit inaaliw ng bata ang sarili sa maliliit na batong napulot nito; pinaglalaruan niya ang mga batong iyon ng parang mga holen.
Siguro umaga pa lang nakapirmi na ang mag-ina roon. Alas-kwatro y medya na ng mga oras na ‘yon, marungis na ang bata. Pansin ring kumportable siya sa lugar dahil kung makasalampak siya sa sahig ay ganoon na lang. Malamang malimit sila do’n ng kanyang ina… hindi malayong araw-araw silang nandon sa sulok na ‘yon ng Muntinlupa.
Maya-maya, may lalaking lumapit sa bata. Isang lalaking may dalang tatlong lobo; pink, blue, puti. Ang mga lobong ‘yon ay ang uring hindi lumilipad. Hindi ‘yon nakakabit sa puting pisi na pag nabitawan ay mabilis na bumubulusok pataas hanggang sa tuluyan nang ‘di maabot miski ng pinakamatangkad mong tiyuhin. Hindi ‘yon ang lobong unti-unting lumiliit sa ‘yong paning habang tuloy-tuloy sa pag-angat sa himpapawid hanggang sa mawala at iisipin mong, “wala na. may tumuka sigurong ibon na ‘di ko rin maaninag sa langit dahil sa nagkalat na ulap.” Hindi yon. Ang mga lobong dala ng mama ay ang mga nakakabit sa stick. Masmadaling hawakan.
Nagulat ako ng biglang iabot ng mama ang puting lobo sa batang madungis. Nung una, tinignan ko kung marungis din siya. Baka kuya, tiyo, o ninong niya… Pero isang tingin pa lang alam ko nang hindi siya miski ano sa mga yon sa bata. Nakabihis ng magara ang mama. Ilang segundo lang nakita ko ang pamilya nitong nakasunod pala sa kanya. Ang nanay buhat ang bunso nilang babae at may akay-akay na batang lalaking nakakapit sa dulo ng blouse niya. Galing sila sa loob ng Mercury. Siguro galing din sila sa handaan, tapos bago tuluyang umuwi may binili sa loob ng drugstore. Siguro rin, ilang minuto nang pinapanood ng mama ang batang nasa labas na naglalaro ng mga bato, at para bigyan ng maskaaya-ayang pagkaka-abalahan, binigay niya rito ang extra nilang lobo. Ang bait naman nila.
Nagulat rin ang bata sa mama, pero walang pasubali niyang kinuha ang puting lobo at sinuklian ang nagbigay ng matamis na ngiti. Niyakap ng bata ang bago niyang laruan. Napangiti rin ng tuluyan ang mama, bago kinuha ang panganay mula sa blouse ng asawa at tuluyang naglakad papunta sa paradahan ng tricycle.
“Nay, o!” pinakita ng bata ang puting lobo sa kanyang ina na nakatanghod pa rin sa kanyang pwesto. Agad-agad tinanggal ng bata ang lobo sa stick at initsa ito sa ere na parang bola. Itsa-sambot, itsa-sambot, ‘di magkamaliw ang bata sa paglalaro. Itsa-takbo-sambot, itsa-takbo-sambot… ‘di mo aakalaing kaya niyang magligalig ng ganoon. Walang ngawit ang bata sa pagtingala, at sa pag-aabang para di umabot sa lupa ang kanyang puting lobo.
Siguro naisip niyang masmasaya kung masmalayo ang tatakbuhin niya bago sambutin ang lobong ginawang bola. Initsa niya ito ng pagkalakas-lakas. Hinangin ang lobo papalayo. Dali-daling tumakbo ang bata hanggang sa umabot siya sa kabilang dulo ng Mercury. Unti-unting bumaba ang lobo pero imbis na masambot ito ng ayos ng bata, muli itong umangat. Hayu’t papalapit na ang lobo sa parte ng sidewalk na maraming nagkalat na bato… dun sa parteng may dinemolish na poste ang MMDA nung mga nakaraang buwan (na hanggang ngayon ay ‘di pa naiimis).
Hinabol ng bata ang lobo, di alintana ang mga nakausling kabilya sa gitna ng batuhan. Pilit niyang inunat ang mga braso para abutin ang lobo na halos sayad na sa matutulis na kanto ng mga bato. Hay salamat… lapat na ang dulo ng mga daliri niya sa bagong laruan. Kaunti na lang toto, kontrolin mo ang mumunti mong daliri para masapo mo ng husto ang lobo.
Siguro masyado pang maliit ang mga daliri ng bata, dahil nung umihip ang hangin nakawalang muli ang lobo at…
toink… toink… POOOHK!!!
Nawala nang parang bula ang puting lobo sa batuhan. Napatalungko ang bata sa kanyang kinatatayuan. Ang mamang nakatambay sa gilid na ‘yon ng Mercury, na kanina’y nakatalikod, napatingin sa pinagmulan ng tunog, pero ‘di mawari kung ano nga ba ang sumabog.
Dahan-dahang tumayo ang bata, napakamot-ulo at patakbong bumalik sa kanyang ina. “Nay…” dismayado siya, pero alam kong ‘di siya iiyak.
Mga anim hanggang walong tao na ang paisa-isang sumakay sa jeep habang nakatigil kami sa tapat ng drugstore. Naghanda nang umarangkada si manong. Naisip ko, ang bata at ang puting lobo, parang ako at ang dalawang linggo kong sweldo.
STOP making a big deal out of pure imagination!
July 3, 2007
BUT if you insist… eto sa’yo!
So keep on calling me names, keep on, keep on
And I’ll keep kicking the crap till it’s gone
If you keep on killing, you could get me to settle
And as soon as I settle, I bet I’ll be
Able to move on
-Fiona Apple
Protected: pure imagination…
April 11, 2007
HAIKU:nirvana
March 23, 2007
I started writing poetry when I was around 8 years old. Since then, I never wrote anything measured, they were all prose. Last night I made my first try on HAIKU(5-7-5). here goes…
live and be happy.
go on, take away the pain…
set your spirit free!
iris (2nd installment)
March 15, 2007
She just finished putting on her bracelet when I saw her again last Friday. I only go to Linden M-W-F, so I had say… ‘63rd please,’ again. I just don’t like giving other people the hard time. Besides, I’m not a regular there, and she’s just a sub. She might not have remembered me. She still wore that blank expression I’ve seen before and as I got in I knew that it’s gonna be a loooooooong ride up.
And then… silence.
As the car nearly approached my floor, I tried to make eye contact. But to my frustration, she just continued staring at the wall…or the light indicator above the elevator door. I really wanted to start a conversation, coz I didn’t want to feel that whole 10 minutes of being inside this small metal case. But it appears I’m gonna have to suffer long rides picking the wrong car. Damn! So I just went back to keeping my cool. I didn’t want her to feel awkward, and I started to feel pathetic staring. Besides, she might be in the middle of daydreaming (I think that’s what she usually does, coz what else can she do inside this yoyo for a whole day?). Anyway, I went down at the 63rd, and smiled as I left. The usual. And as the door closed, I saw her pulling something out of her pocket.
to be continued…
iris
March 9, 2007
I was driving home when the streetlamps started to light up in the expressway. I never noticed how pretty they made the 6-lane paved highway look. Pretty… how artificial. Beautiful? Exaggerated. Nice! Everything looks nice.
My name’s Jack. I’m a consultant. I don’t have a regular job, because most companies can’t afford my full time service. Well, I don’t mean to brag… but that’s the way it is for me. So, instead of waking up, going to work and spend the rest of the day in a corner office with a spectacular view, I just stay home and keep my phone-lines open. I just wait for their call… I get an average of 5 projects a week, and its not bad.
I have clients from everywhere. Sometimes, I travel. Sometimes, I get to stay with one company for a short period, and it’s where I get the taste of having a regular job. But usually, I spend the day going up and down different buildings in the financial district. That’s how it is for me… but I’m thinking of making this whole thing history…
For the past month, I’ve been doing this project for Linden Solutions. They’re on the 63rd floor of Chrysler. There’s really nothing much about Linden, but there’s one thing I love about being there.
10 minutes. That’s how long the elevator ride is, or at least, I think it’s that long before I get to the 63rd. Most people would freak out if they were in an elevator for more than 3 minutes, but not me. I got used to it.
“63rd please,” I tell the operator as I get in.
I’ve never seen her before.
I usually talk to these elevator operators. I don’t know why. Maybe I just don’t want to feel that whole 10 minutes of being inside the box while it travels up and down dangled in steel wires. But this girl’s new. She might just be filling in for the operator who used to be in this car. Maybe he got sick. Poor buddy. I try to stay cool with the deafening silence…
“63rd”, she finally says.
I smiled at her as I took off.
to be continued…
