yellow
December 10, 2009
i recently bought a mustard yellow sweatshirt.
the first day i wore it to work, i got comments like,”oh nice ah,” or “ei, i like.” and because people usually ask me why i like wearing yellow, this conversation played in my head the other night [i intended to blog it yesterday but then the job bag typhoon hit me
]
someone: so you like wearing yellow, ah?
me: yeah!
someone: why, ah? its so vibrant. it’s so hard to wear.
me: that’s exactly why. because it’s a happy colour– it’s the colour of sunshine. and i hope to brighten up everyone’s day by wearing it. kidding. that’s just a crazy idealistic answer. truth is, i just think it goes well with black, brown and dark blue, and those are the colours of the pairs of jeans that i have [that still fit me]
someone: oh okie. hahaha!!!
me: yeah. and i think it goes well with my skin tone too.
someone: actually ho!
me: yeah. and i also read somewhere that people who wear yellow know that they’re beautiful.
someone: hor?!! so you think you’re beautiful?!!
me: aren’t we all?
and because you all have to agree that i indeed look good [chos!] or at least nice in yellow, see below.
decisions, decisions…
June 19, 2009
i’m facing yet another mind-boggling crossroad and i’m only given the weekend to think things through
i’m in dire need of an enlightened decision, and so aside from just driving myself crazy weighing pro’s and con’s, i’m consulting sensible & trustworthy friends. i’m also browsing the web for “signs” and horoscopes (BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! “what’s with Scorpio’s and horoscopes,” sabi nga ng team mate ko sa CVG dati).
anyway, my one and only colleague saw me reading my horoscope today. she just smiled. she’s a free thinker, and has claimed countless of times that she doesn’t believe in anything (luck, religion, etc.)
“I have no one to pray to for money,” she jests.
so when i asked her earlier if she never, even once, looked into her horoscope, she said, “No. I don’t believe in things like that. I only believe in opportunity.”
Oha! Good point! Di naman pala siya blur lagi
———-
also, she doesn’t want me to get sick or mad at G. Baba. “I will be lonely lah…”
sweet.
Sabi nga ni Pareng Johnny…
March 16, 2009
“keep walking”
———-
10:05 PM
Ika-12 Marso 2009
Sinusulat ko ‘to ngayon sa may dining table. Sinusulat ko ‘to sa papel. Matagal na kong hindi nagsusulat sa papel. Nitong mga nagdaang buwan kasi, panay tala ng “to do’s”, “to buy’s”, at “debts” (oo, marami akong utang) na lang ang naisusulat ko sa papel. Puwera na lang kung patulog na ‘ko’t biglang may naisip na ayaw kong malimutan kinaumagahan.
Mula ngayon, gagawan ko ng oras ang pagsusulat na gamit ang papel at lapis, para masmalinaw kong maipahayag ang nilalaman ng isip ko. Para makapag-isip ako habang nagsusulat. Matagal ko na ring hindi nagagawa ‘to.
Nasa harap ko ngayon ang mga susi ko, isang kahang Marlboro, lighter, telepono, at isang lata ng Heineken (na noong isang linggo pa ko tinatawag). Para na uli akong nasa kwarto ko sa Pacita.
———-
Mula noong isang linggo (Martes), nagsimula akong maglakad pauwi mula Outram. Inaabot ng 30-45 minuto ang paglalakad ko gabi-gabi. Noong unang gabing ginawa ko yun, di ko akalain na kakayanin kong umabot sa bahay, dahil sa kalagitnaan ng paglalakad, napagtanto ko kung gaano ngang kalayo ang starting at finish line ng pinili kong ruta. “Bakit ba hindi na lang ako sa baba ng Henderson Bridge nagsimula?” Pero nakaya ko naman. Kaya ko pa palang maglakad. Sabi ko nga kay Chellita, “Araw-araw ko rin naman tong ginagawa dati.” Pero noon kasi, 15-20 minutes lang yun sa umaga at ganoon din katagal sa gabi at sa mall ang daan. Ngayon, literal na kalye ang binabaybay ko.
Maraming liko, ma-puno, at may mga drainage na umuuga’t umiinda pag na-mali ka ng tapak. Pero, masarap ang simoy ng hangin sa gabi. Masarap pakinggan ang huni ng mga kuliglig sa paligid. Masarap ang pakiramdam ng tumutulong butil-butil ng pawis sa likuran matapos ang maghapong pagkakabilad sa nakatodong aircon ng opisina. Masarap pakinggan ang monolog sa utak ko habang naglalakad sa katahimikan ng Lower Delta Road.
———-
Dalawang lingo bago masira ang TV namin, napanood ko ‘to;

Nakakatuwa siyang pelikula. Simple lang. Nakakakilig (HAHAHAHA!!!) Tsaka nakakatuwa kasi Michelle Chong (yung bidang babae).
Sa sequence kung san pinakita ang first date ni Ah Fong (leading man) at Chio (sino pa ba?), kinuwento ni Ah Fong kung bat siya malungkot nung una silang nagkakilala ni Chio. Kamamatay lang pala kasi ng tatay niya, tas siya yung nag-alaga dun mula nang magkasakit. Para na rin daw siyang namatay nung nawala ang tatay nya. Sabi sa kanya ni Chio(parang ganito lang a kasi di ko naman minemorize at di ko ma-search ang script. Hehe), “Have you ever experienced walking in new shoes, and it hurts after a while walking? Ah Fong, the shoes will only feel comfortable when you keep walking in it. So just keep walking.”
———-
Mabalik tayo dun sa paglalakad ko. Dahil ganoon kahaba ang pagbibrisk walk ko gabi-gabi, andami nang bansag ang nabigay sa kin;
- Adik
- Baliw
- OA
“Bakit mo ginagawa yan sa sarili mo,” tanong ni Love.
Maganda sanang sagot ang, “dahil gusto ko lang,” pero ang totoo, naglalakad ako dahil umabot na ko sa 57 kgs.
———-
Umabot na siguro ako sa timbang na ‘to noon. Imposibleng hindi sa hilig kong lumamon. Haha! Pero ewan ko ba… ngayon, pakiramdam ko, sobrang taba, pangit at dungis ko.
At ayoko na ng ganito.
Kailangan kong baguhin ang takbo ng pag-iisip na ‘to.
Bukas, babangon ako ng masmaaga. Pipili ako ng matinong ‘outfit’, magpupulbo at dadayo sa Esplanade para manood ng tugtugan.
Maraming paraan para maging masaya, at gagawin ko ang mga yon mula ngayon.
———-
Malapit nang i-launch ang neverending story ng project namin sa opis.
Sa wakas!
Update: Hindi ako nag-ayos nung Biyernes. Pumasok pa rin akong nakaT-shirt, pantaloon at tsinelas. Pagkatapos ng maghapon, pwede pa ring pagprintuhan ng itlog ang mukha ko, pero dumayo pa rin ako ng Esplanade
it’s sad…
February 13, 2009
when things are gone even before you had them, because you let them slip away.
———-
cognitive dissonance is that you?
super random shit
February 13, 2009
the problem with writing for a living is that you never really get to write.
of course that’s cliche, so everyone agrees. correct or not?
———-
madalas, nitong mga nakaraang araw, gusto kong bulyawan ang boss ko nang, “tangina, hindi tayo matatapos nito kakabago ng isip mo, e. puta tsong, gusto ko nang kumita!”
but then again, sabi nga nila sa Singlish, “that’s just play play, lor!”
———-
i had another thought earlier when i decided to click the “new post” button, but then i forgot what it was. so in the end, everything i write now would really be just random blabber (again).
and yes, i am that old and ulyanin!
———-
i know. i express myself better in Filipino. but who reads this anyway?
may sasagot. si chelly! hahahaha.
———-
i’m on my 7th month here in SG. i haven’t gone home. i never thought i’d last this long without seeing my family. especially nina.
yesterday, as i rode the elevator to the 18th floor, i thought of her. i saw their pictures in friendster, and she’s grown so much. nakoo, dalaginding na din siya!!! shet.
anyway, i realised that she’s my favorite and — yes, it’s wrong playing favorites, but she IS my favorite pamangkin and i don’t think anyone can do anything about it (bad ninang!!!). maybe it’s because i got to take care of her more than my other pamangkins, and because she looks like me when i was little. and she does remind me of me sometimes (coz we’re both maldita!)
i miss ninay.
———-
connected to the previous section (haha!)
it’s only when i got here that i realised;
- how much i love everyone i care for back home. *yakap*
- how OC i am. i never thought my case was that serious. i have this constant urge to clean up and organise. i can’t keep still until i see things ‘clean’,
- i am an addict. i cannot quit smoking (i’m actually in my, what, 8th/9th try of quitting? puta talaga). i tried giving up coca cola too, but then the habit’s back. min of 335mL/day. tas putek, ngayon pati chocolate (hence the chabellitaness). i don’t have f*cking discipline.
- also, i never thought that i can actually force myself to wake-up early in the morning just so i can eat breakfast (e hindi nga ko nagbebreakfast sa Manila e), and cook my baon (OO, BAON! never in my life did i bring baon. maski nung prep pa lang ako pera na baon ko, e).
- i really love walking aimlessly in urban jungles. i do. i really really do. and i love the fact that this is a beautiful city to get lost into. even if you get lost, you find yourself stumbling upon something beautiful, amusing and interesting.
———-
anyway, i would really want to be happy where i am. i’m not giving up until i enjoy and experience this adventure to the fullest (o ayan, a. parang sumpa na).
i hope in time, i’d find a job that i can love in this city. i hope i’d find a ‘fuentes’ here.
seriously.
“hi sir edd!!! tayo kayo ng fuentes singapore!”
hahaha.
———-
ano pa ba?
ahh!!!
2 of my closest friends here are sick. and i mean really sick.
kawawa naman ang mga OFW, walang nag-aalaga.
i hope you both get well soon. at sana hindi nyo ko mahawa dahil ok, kaya ko rin alagaan ang sarili ko, pero wala akong pera. hahahaha!
*hugs to you both*
-chabellita
Astig Siya talaga!!!
December 12, 2008
anak nang! iba na naman ang itsura ng wordpress. ngayon na lang uli ako nakapunta dito, e. nagulat ako, pagkasign-in ko, kala ko naligaw na ko. ang dami-daming box at kung anu-anong ka-lekatan. hay…
hindi ko alam kung mahihimay ko pa nang husto ang bagong pakulo na ‘to. kainis. baka katamaran ko na to, a. hindi na kasi siya mukhang user friendly. nai-intimidate ako sa itsura ng interface (yan, iniimbento ko na yung mga tawag kasi hindi ko talaga alam kung anong tawag dun e. haha)
pero ganito yan, “website ka lang, tao ako. hindi mo ko kaya!” eto ngang pinagdaanan ko nitong dalawang linggong nakaraan e higit na nakakaloka, nalampasan ko, eto pa kaya?
sus, sisiw! sisiw ka wordpress.
———-
so anyway, hindi ko na isishare sa blogosphere ang pinagdaanan kong nakakaloka na nabanggit ko sa taas. ang mahalaga, alam ng mga taong malapit sa akin yun at tinulungan nila ako sa kanya-kanya nilang paraan. MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!
pero, eto ang gusto kong i-share.
Sunday School Song:
Oo! Mahal ako ng nanay ko.
Oo! Mahal ako ng tatay ko,
Pero may higit na nagmamahal
sa akin…Mahal ako ni Hesus!
Mahal ako ni Hesus!
Tinuro sa amin yan ni Dawn Marie the baby nung High School, isang hapon, habang nagbebreak nung gumagawa kami ng cheer para sa intersection chorva namin. Para lang malinaw, hindi po ako cheerleader nun (baka kasi iniisip ninyong ang feeling ko naman mag-claim na cheerleader ako). Ako lang yung gumawa ng cheer, kasi hindi naman ako cheerleader material dahil: A. ako si chabelita, noon, ngayon, at magpakailanman B. hindi ako maputi, makinis. Hindi ako maganda sa conventional standards ng karamihang utaw. haha! at C. poor balance and hand-eye coordination. But that’s another story. Ang gusto ko lang talagang sabihin ay…
Grabe, ang galing-galing talaga ni Lord!!! Astig! Astig talaga. Astig si Hesus! Astig Siya talaga!!! At hindi lang ako ang nagsasabi nun, marami pang iba at kabilang na riyan si Gary Granada at si J.D. Salinger. weeha!
Kaya, isa pang Sunday School Song:
Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you my Jesus,
Thank you!
si Jackylyn Chan naman ang nagturo sa klase namin niyan nung Grade 2 ako. oo, seryoso, may kaklase ako noon na Jackylyn Chan ang pangalan (pero di ko na alam kung nasan na siya ngayon). yun lang.
muli, salamat Po!
———-
Hayawn!
Gusto ko lang malaman ninyong hindi pa ko nasiraan ng bait (fine. nang tuluyan) at nakakafunction pa naman ako. At naniniwala akong, i never did it alone… Salamat sa lahat ng taong nagtiwala sa akin lalo na sa mga panahong wala akong tiwala sa sarili ko.
*yakap sa inyong lahat*
ipagpatuloy lang po natin ang mga dasal para sa ganap kong pag-o-overcome sa lahat ng ito. siyempre, hindi ko naman sinasabing panay ako lang ang ipagpray ninyo… ipagpray niyo rin ang sarili ninyo, pamilya ninyo, pati na ang mga taong sadyang niloko at pinagkaisahan kayo. mga ganun. haha. basta, pa-damay lang ako sa prayer : ) (salamat in advance!)
basta, magpray tayong lahat lagi.
okey? ayos.
———-
*clap-clap-clap*
Mahusay!
nagfifeeling
November 26, 2008
hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat ng sasabihin ko. bahala na kung kalat-kalat. palagay ko naman walang magrereklamo sa inyo dahil namiss ninyo ako, tama?
hayaan nyo na lang ako magfeeling. tutal, wala na rin naman kayong magagawa dahil ako ang diyos ng blog na ‘to.
*belat*
———-
hindi ako makapag-update kasi andami kong gustong sabihin, pero tinatamad akong ayusin ang flow. o diba, paulit-ulit na ko. kasi mahirap yun, e diba? lalo na kung marami kang iniintindi. tulad ng; “ano kayang makakain mamaya na masarap pero di singmahal?” o “darating ba ang panahong sasapat ang kinikita ko sa lahat ng pangangailangan ko?” o “hanggang kailan magiging walang kwenta ang lahat ng ginagawa ko?” o “anong gagawin ko sa putanginang buhay kong ‘to?!?!”
ikaw, kung paulit-ulit umiikot sa utak mo ang mga tanong na ganyan (hindi ko alam kung dahil sa Metroretrograde), makakapag-ayos ka ba ng thoughts? (kung “oo” ang sagot mo, ang tawag sa’yo: mayabang. haha!)
may nagsabi sa akin noong nakaraan na, ang pag-ayos ng flow ng thoughts, madali lang. hindi siya mayabang sa pagsabi nun, pero hindi rin ako naniniwalang henyo siya maiigi dahil mahusay siyang mag-ayos ng thoughts. siguro, wala lang masyadong laman ang isip niya. ang tanging naroon lang ay; pera, pera, pera. numbers, numbers, numbers. tapos.
———-
ilang beses umalingawngaw sa tenga ko noong nakaraan ang pahayag na, “clarity of thought. clarity of thought. clarity of thought is the key.” pero sadyang wala siguro ako noon ngayon.
paano ka magkakaroon nun kung paulit-ulit isinisiksik sa utak mong, “tanga ka”. maski pilitin mong bumira nang bumira at umikot sa mundo ng words, words, words, pagkasingliit at kasingpeste na ng langaw ang tingin mo sa sarili mo, wala ka nang bilang.
kung wala ka nang bilang, hindi ka na uugma kailanman sa taong ang laman lang ng isip ay; pera, pera, pera. numbers, numbers, numbers. tapos.
———-
hanggang diyan na lang ang drama sa entryng ito. ayoko masampal ni ning
———-
nung nakaraan, nag-ym ako. nakausap ko ang 2 kaibigan. yung isa nagkajowa, yung isa naman, nawalan.
mahirap palang makipag-usap nang sabay sa 2 taong nasa magkabilang mukha ng barya, ano. medyo nakakaschizo. kasi andaming chika tas extreme ends.
sabi nga ng APO, “ganyan talaga ang buhay.”
———-
nagbirthday nga pala ako! ito siguro ang kaarawang di ko malilimutan, dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga taong mahalaga sa akin. parang masmaraming naka-alala sa ‘kin nitong taon, siguro dahil wala ako sa paningin nila. masmaraming nagpaiyak. leche kayong lahat!
HAHAHA!
salamat sa lahat ng bati via net, sa tawag, sa pizza, sa Puccini Opera, at sa sinindihang kandila sa Quiapo.
pakshet late 20’s na lola nyo. kalowka! pero kebs, dahil hindi pa naman halata (o, sabi nang hayaan ninyong magfeeling kasi wala naman kayong magagawa, e.)
———-
marami pa kong gustong sabihin, pero sa susunod na.
gutom na ko e. bibitinin ko muna kayo.
(feeling talaga, ampotah, ano!)
tao nga naman
October 18, 2008
hindi na dapat ako magsusulat ngayon. 2:06 na ng madaling araw, at maglilipat pa kami bukas ng umaga, pero marami akong gustong sabihin.
———-
nung lunes, masama ang timpla ko. hindi ko alam kung bakit, pero di ako mapakali. isa pa, masyado akong iritable nung araw na yun at pabago-bago ng isip. ewan ko ba. iniisip ko kung bakit ganun kasi tapos na ang setyembre at hindi na panahon ng walang hanggang paglilimi para sa akin, pero sabi ko nga… marahil dahil yun sa Mercury Retrograde (sorry kung paulit-ulit na ko a, pero palagay ko yun talaga yun) isa pa, bilog na bilog ang buwan nung araw na yun kaya baka rin ako praning.
so yun. umalis ako ala-sais impunto sa opisina… nagmamadali ako. dapat may lakad ako, pero kinansela kong bigla kasi nga wala na ko sa mood. papunta sa tren may nakasabay akong differently-abled. pinolyo siguro yun nung bata pa siya. nakikipagsabayan siya sa amin sa paglalakad maski hirap na hirap. hindi siya dumaan sa pang-differently-abled na daanan sa tap-apan ng ez-link. “grabe,” kako sa isip ko. “ang tibay ng taong ‘to.”
pagdating ko sa flat namin, tumambay muna kong saglit sa baba, sa may mga mailbox. maya-maya, may dumating na matandang babae. siguro lampas 60 na siya. hirap na siyang maglakad kaya may dala-dala siyang tungkod. unti-unti ang usad niya papunta sa mailbox niya, at habang papalapit sa puwestong kinauupuan ko, nginitian niya ako. sminall talk ako ni lola. hindi ako mahusay mag-small talk, puwera kapag mga matandang ganun, kasi sa mga matatanda, ang gagawin mo lang naman talaga ay makinig.
habang naglalakad papunta sa mailbox niya, nagkwento siya tungkol sa kung saan na siya napadpad kakalakad noong gabing ‘yon. nabanggit niya rin na ako ang ikalawang babaeng nakita niyang naninigarilyo sa lugar ng mga mailbox.
“there was another lady smoking at the other building. over there. yes, over there.” tinuro niya yung “there” sa pamamagitan ng pagnguso… aba, uso rin pala sa kanila yun, no? napapapalatak si lola habang nagkukwento, pero hindi siya irita. alam kong hindi siya irita dahil lagi siyang nakangiti. siguro nakasanayan lang niyang pumalatak. baka nanunuyot na ang lalamunan niya.
“my daughter lives upstairs. at the 6th floor, (palatak) and she’s married. (ngiti) i went out for dinner, (ngiti) and i had fish! (palatak) and i had tea. i paid one dollar thirty cents… (ngiti) one dollar and thirty. at the other coffee shop where i usually eat, it’s only eighty cents… (ngiti) only eighty cents. they charged me too much. (long pause) my daughter lives on the sixth floor. and she’s married (ngiti) she works at KFC. she’s a manager. she’s at the sixth floor. (palatak) you? what floor do you stay?”
maya-maya may dumating na lalaki sa lugar ng mga mailbox at parang ayaw ng usok ng yosi. nahiya na rin ako kay lola dahil nasisinghot ng mahina na niyang baga ang usok ng sigarilyo ko, kaya nagpaalam na ako.
habang naglalakad palayo, naisip ko, “ang kapal naman ng mukha mo para maglungkot-lungkutan, chelot. wala kang karapatan.”
———-
2:33 a.m na. hala.
———-
iba-iba nga naman talaga ang mga tao, no? may mga taong ayaw mapansin. sila yung mga laging nagtatago, kimi, o maski pansinin mo na umiiwas pa rin. deadma. tamang ganun. meron naman, papansin nang papansin maski ayaw nang pansinin ng mundo.
itong mga uri ng nilalang na ito e yung kesyo meron daw gustong i-share, pero ang totoo gusto lang magbida. marami akong nakakasalamuhang ganito ngayon; si hipon, si HB, at nadagdagan pa ng isa. akalain mo nga naman, ang swerte ko, ano!
ang totoo niyan hindi talaga ako direktang apektado nung huling pa-pampam, pero dahil ayokong sinasaling ang mga taong malapit sa akin, rambol kung rambol na ‘to. kenkoyin mo nang lahat wag lang ang pamilya’t mga totoong kaibigan ko. oo, basag ulo talaga ako.
dapat kasi, bago mo i-hello world ang mga iniisip at reminiscing mo, iniisip mo muna kung, “ano bang maidudulot nito sa mundo? anong masasabi ng makakabasa? ano bang gusto kong palabasin?”
hindi ako nagpapakaself-righteous,a. ang sa akin lang, huwag sanang kung anu-ano ang pinagsasabi natin para lang makapagbida. masakit na kung masakit, pero totoo; may mga bagay na dapat nating ikimkim sa sarili natin hanggang sa mangamatay tayo. hindi lahat ng nasa isip at damdamin natin, kailangan nating i-share, lalo’t may mga nananahimik na taong madadamay. ano ba, ang tanda-tanda na hindi pa rin alam ang tama sa mali? aba, aba, aba…
ang punto, huwag ang sarili mo lang ang iniisip mo. mahiya ka ‘uy! kung ang trip mo ay magsulat ng tungkol sa mga kung anu-anong fiction, aba, mag-apply ka nang writer ng teleserye. dun kikita ka, maaaliw mo pa ang masa, diba?
sa ginagawa mong yan, hindi ka talaga magiging masaya sa buhay mo. wala pa akong nakilalang makasarili na naging masaya, maniwala ka.
———-
ayan tuloy, highblood na ko. pano na ko makakatulog nito?
lekat!
———-
kahapon, bumili ako ng crispy noodles. first time kong bumili non kahapon. pagbalik ko sa table, tinanong ako ni HB, “anu yan?”
“e di crispy noodles.”
tas kumain na ko…
kumain lang ako nang kumain.
kain lang… habang tahimik niyang tinititigan ang crispy noodles ko.
wala akong paki. akala niya siguro aalukin ko siya.
sorry. sabi nga nila, nauubos ang pasensiya. may hangganan ang lahat, at sa kaso ko, lalo na ang pambuburaot.
———-
ayan, 3:04 na. patay.
tantanan ako please
September 29, 2008
hindi ko alam kung bakit sa tuwing may pagkakataon akong mag-online, makapag-ym at makausap ang mga kaibigan ko, isa lang ang tanong nilang lahat;
“may jowa ka na ba diyan?”
as in everyone i talk to tinatanong yan, and i don’t get it! kailangan ba may jowa na ko dito? o mukha bang kailangan ko nang mag-jowa? i mean, requirement ba ang jowa?
anong meron?
minsan, may hirit pa na, “si kung si ano nga meron na agad diba, ikaw rin, dapat meron na,” na para sa akin, nakakatawa naman, highschool ba tayo? kasi, “ano ba yun?!?!”
alam ko na yung iba sa mga nagtatanong ng ganoon ay medyo concerned lang. kesyo majonders na raw ako. at may mga tao kasi na feeling nila malungkot pag wala kang ka-HHWWPSSP (holding hands while walking, pa-swing-swing pa) o kasabay umuwi, matulog, magising, atbp. well, naiintindihan ko kayo, pero hindi kasi lahat ng tao ay ganoon. hindi ako ganun.
hindi ako ang tipo ng taong maghahanap, maghahabol at magkukumahog para sa isang jowa. hindi ako naniniwalang kailangan gawin yun. hindi ako naniniwalang may dahilan kung bakit ka nai-inlab, dahil para sa akin, bigla na lang nangyayari yun. hindi hinihintay, hindi hinahanap, bigla na lang dumarating.
alam kong very romantic, idealistic, o kalokohan para sa iba, pero ganun ako, e. hahaha! hindi naman imposible yun, e. nangyari na sa ‘kin yun dati, so palagay ko naman pwede pang maulit o kung hindi man, ok lang din… kaya ko naman sigurong mabuhay mag-isa. hindi ako nagyayabang, ang sinasabi ko lang ay hindi naman siguro katapusan ng mundo kung wala kang makatagpong magmamahal sa’yo nang ganong level. tama naman, diba?
kaya wag kayong mag-alala, friends. i know i’ve been alone for what, a year now? kung iniisip ninyong nawalan na ‘ko ng pag-asa sa pag-ibig, hindi naman ganon. siguro, kuntento lang ako sa buhay ko ngayon at nagkataong iba din ang priorities ko ngayon, which is to survive.
HAHAHA!
tangina, ayoko na uling magsulat ng ganito, a. punyeta nakakadire!!! so tantanan na ko, ok?
ayos.
at kung magkaron man, hello, imposibleng hindi ninyo malaman. ako pa, e ang daldal-daldal ko. like THE!!!
of Kindness
September 29, 2008
people have forgotten the meaning of Kindness; and so, they gave it a new name─ Charity. and they say not every one can afford giving charity, only the rich and prominent can dole out mercy, like Brad Pitt and Angelina Jolie.



