tantanan ako please

September 29, 2008

hindi ko alam kung bakit sa tuwing may pagkakataon akong mag-online, makapag-ym at makausap ang mga kaibigan ko, isa lang ang tanong nilang lahat;

“may jowa ka na ba diyan?”

as in everyone i talk to tinatanong yan, and i don’t get it! kailangan ba may jowa na ko dito? o mukha bang kailangan ko nang mag-jowa? i mean, requirement ba ang jowa?

anong meron?

minsan, may hirit pa na, “si kung si ano nga meron na agad diba, ikaw rin, dapat meron na,” na para sa akin, nakakatawa naman, highschool ba tayo? kasi, “ano ba yun?!?!”

alam ko na yung iba sa mga nagtatanong ng ganoon ay medyo concerned lang. kesyo majonders na raw ako. at may mga tao kasi na feeling nila malungkot pag wala kang ka-HHWWPSSP (holding hands while walking, pa-swing-swing pa) o kasabay umuwi, matulog, magising, atbp. well, naiintindihan ko kayo, pero hindi kasi lahat ng tao ay ganoon. hindi ako ganun.

hindi ako ang tipo ng taong maghahanap, maghahabol at magkukumahog para sa isang jowa. hindi ako naniniwalang kailangan gawin yun. hindi ako naniniwalang may dahilan kung bakit ka nai-inlab, dahil para sa akin, bigla na lang nangyayari yun. hindi hinihintay, hindi hinahanap, bigla na lang dumarating.

alam kong very romantic, idealistic, o kalokohan para sa iba, pero ganun ako, e. hahaha! hindi naman imposible yun, e. nangyari na sa ‘kin yun dati, so palagay ko naman pwede pang maulit o kung hindi man, ok lang din… kaya ko naman sigurong mabuhay mag-isa. hindi ako nagyayabang, ang sinasabi ko lang ay hindi naman siguro katapusan ng mundo kung wala kang makatagpong magmamahal sa’yo nang ganong level. tama naman, diba?

kaya wag kayong mag-alala, friends. i know i’ve been alone for what, a year now? kung iniisip ninyong nawalan na ‘ko ng pag-asa sa pag-ibig, hindi naman ganon. siguro, kuntento lang ako sa buhay ko ngayon at nagkataong iba din ang priorities ko ngayon, which is to survive.

HAHAHA!

tangina, ayoko na uling magsulat ng ganito, a. punyeta nakakadire!!! so tantanan na ko, ok?

ayos.

at kung magkaron man, hello, imposibleng hindi ninyo malaman. ako pa, e ang daldal-daldal ko. like THE!!!

ma-fa-flatter ka ba?

April 18, 2008

nung isang lingo, habang naghihintay ng elevator pababa para magyosi, sabi ni kaye (bago naming officemate) sa’ken, “mukha kang college student…”

:shock: ow? hanggang ngayon?

teka… bente-siete anyos na ‘ko. hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong isukli sa ganong komento. siguro two years ago andali lang mag-react don, “o talaga :D thanks!”. actually, 2 years ago nagagamit ko pa yon na strategy para makatipid (kasi kulang pa pang pamasahe ang sinisweldo ko non). tuwing sumasakay sa bus sinasabi ko, “quirino. estudyante,” tas may 20% na diskwento na ko :twisted:

pero ngayon, mukha pa rin akong estudyante? hanggang ngayon? ibig ba sabihin non hindi ako mukhang credible sa ginagawa ko? na hanggang ngayon hindi pa rin ako mukhang seryoso sa buhay.

hmm… ano sa palagay nyo?

———-

gwapo yung air2100 guy na nagdedeliver dito sa building namin. crush siya ni Lita, at halos lahat ng bading sa building ay aware sa existence ng nasabing delivery man.

kahapon, habang nagchichikahan sa gilid ng building, napalapit siya sa amin (dahil sa pwesto namin may basurahan at tinapon niya dun ang kanyang sprite tin can). isa yong makapigil-hiningang sandali kay Lita, as in nag-freeze siya.

pagka-alis ni air2100 guy biglang inexpress ni Lita ang pagkaloka niya. sabi ng officemate naming si G, “dapat nagkunwari kang nahimatay tas bumagsak ka sa kanya… o kaya sinagi mo tapos, oops. sorry.

sabi ni K, “or tinanong mo… can you deliver?

habang patawid, ako, “‘de, para kumpleto dapat… so, how’s your package? can you deliver?:lol:

kung ikaw yung air2100 guy at may nagsabi nun sa’yo (na babae syempre), anong magiging reaksyon mo?

———-

eto nakakaloka.

nung isang lingo umuwi mula Italia ang dati namin officemate na si A. nagchikahan sila ng iba pang ancient one’s sa corridor ng office namin. nung napadaan ako papuntang banyo, naalala nila yung first impression nila sa ‘kin… “akala namin tibo ka.”

ako: : shock: ha?”

O: kasi lagi ka lang naka-shirt tsaka jeans. wala lang, may ganun kang aura.

ako: ganon? :lol:

O: oo. nagbago lang yung isip namin nung sinundo ka na ng boyfriend mong gwapo.

lahat: BWAHAHAHAHA!!!

O: babae ka pala.

kinagabihan, naglakad ako papuntang SM. at as usual, bago umakyat ng hagdan pa-bus stop, huminto ako sa bilihan ng yosi. pumwesto ako sa gilid ng hagdan. biglang may dalawang babaeng pumwesto sa may gilid ko, naghahagikgikan. nagsindi ako ng yosi… nagsindi rin yung isa. may dumaang isang tropahan na kilala ata nung dalawang babaeng nasa gilid ko, “o, anong ginagawa nyo diyan?” inangat nung isang babae ang yosi niya para ipakita, at ngumuso na parang tinuturo ako sa bumati sa kanya. nagtawanan sila. medyo naimbyerna na ko.

binaling ko ang tingin sa dust pan na nakasandal sa dingding sa harap ko, pilit kong nilulunod ang malakas na boses ng babae habang nagkukwento. nakakaimbyerna talaga! nakataas ang kilay, tumingin ako sa kanila. tumahimik siya, pero nagulat ako sa itsura nya, dahil pagtingin ko nakangiti siya. nakangiti siya sa ‘kin at tinutuck ang buhok niya sa likod ng tenga.

hala!

ilang minuto pa, ramdam ko na ang classic signs ng pagpapakyut ng babae mula sa kanya. nakakaloka. alam kong iniitsa nya sken ang bawat senyales na ‘yon… alam ko dahil babae ako, at yun ang ginagawa namin ng mga kaibigan ko pag nagpapakyut (nung bata pa kami).

tangina, bat nagpapakyut sa ‘ken ang hitad na ‘to?

yuck!!!

hindi ko na tinapos ang yosi ko. tinapon ko sa dustpan.

kinabukasan, tinanong ko si Lita, “mukha ba talaga akong tibo?”

L: bakit? masyado ka namang affected dun sa sinabi namin kahapon.

ako: hindi yun.

kinwento ko ang insidente.

L: … siguro dahil sa suot mo kahapon. tsaka ang macho mo kasi maglakad.

ako: so dapat mag-aral akong kumendeng?

L: oo :lol: tsaka mag-ayos ka kasi.

ako: e nakakatamad e.

kinagabihan ng araw na yon (biyernes) nagka-ayaan kaming uminom. pumunta kami sa penguin, tulad ng nakagawian tamang inom, chicka, lafang lang kami. wala pang tao dahil maaga pa nang dumating kami… prenteng-prente kami sa pagkakatambay. maya-maya may dumating na babae, napatingin kami sa kanya dahil aligaga siya. ‘di matahimik sa isang pwesto, at paikot-ikot sa smoking area. pero hindi naman siya kaingayan kaya deadma. kwentuhan uli kaming magkakaibigan.

after 1 hour siguro, nagpunta ko sa banyo. may tao pa sa loob at pangalawa ako sa pila… so hintay muna kami sa corridor. after 10 minutes, bumukas ang pinto. lumabas ang amoy ng juts kasabay ang pagbungad ng babaeng aligaga, “oh hi! sorry, i didn’t know you guys were waiting.” kebs kami nung sinusundan ko sa pila.

papasok na sana ang nasa-unahan ko sa banyo pero nag-alangang siya. bandang huli naisip niya sigurong naiihi na talaga siya… so matapos ang mga dalawang minuto ng pagtanga sa may pinto naglakad na siya papasok. naisip niya siguro, “bahala na.” lumampas na siya sa door frame, pero ‘di pa man naipapasok ang isa pang paa sa loob ng banyo lumabas uli siya, “umm… excuse me, you left your beer inside.” “o, sorry!” sabi ng babaeng aligaga at kinuha ang beer nya.

sumara na ang pinto ng banyo. nakatayo ako sa harap non… nagfofocus ako sa pagka-pula nito. nag-aayos ng buhok ang babaeng aligaga sa gilid ko. ilang minuto pa, may naramdaman akong titig, napatingin ako sa kanya. “hi! i’m maria.” napangiti akong bahagya… “hi!” iniabot nya sa kin ang kamay niya, so i shook it. “i’m chelot.” “wow! that’s a nice name.” “thanks!”

nagmake-up na siya. ako naman nagfocus na uli sa pinto… awkward moment. hindi ako marunong mag-small talk. iniisip ko, ano naman ang sasabihin ko sa kanya: “may juts ka pa?” hindi naman ako nag-ju-juts; “you come here often?” BWAHAHAHA!!! classic! o “are you with the band?” hmmm… wag na lang. so hindi ko siya kinausap. i just stood there.

awkward.

awkward.

awkward.

after 58 years, natapos siya sa pag-aayos nya. lumabas siya ng corridor. bumagsak ang pinto sa likod niya. lumabas rin maya-maya ang babaeng nasa loob ng banyo… ako na.

pagbalik ko sa mesa, kinwento ko kay L ang nangyari sa may banyo. “ang weird.” maya-maya, ang babaeng aligaga nandun na naman sa smoking area. umupo siya sa katapat naming table, naglotus position, at tumitig sa ‘ken.

:shock: tumitig!

nakakatakot.

L: shet!!! grabe yung factor mo.

ako: :(

L: pero, hindi ka ba nafa-flatter? dapat ma-flatter ka!

ako: ma-flatter ako… because i’m starting to attract other women?!!?

L: oo!

ako: :mad: ayoko nga!

L: sige na nga, sasamahan ka na lang namin mag-shopping.

di ba, kaloka? kung ako ikaw, mafa-flatter ka ba?

———–

dahil sa mga pangyayaring yon nung isang lingo, nagpapaka-girl na ko. shet, nakakapagod!

ang hirap intindihin ang ang tok-tok-tok ng takong ng closed shoes habang naglalakad sa madulas na sidewalk, at malakas ang buhos ng ulan. dumadagdag pa dyan ang buhok mo nililipad ng bawat ihip ng hangin. di ka na rin magkandaugaga sa paghawak ng payong, pag-ipit ng bag sa tagiliran habang humihithit ng yosi.

nakakainis rin ang titig ng mga construction workers, ang “good morning ma’am” na galing sa bawat naka-ngising security guard na madadaanan mo, ang sudden burst into “bakit ngayon ka lang…” o “binibini sa aking…” ng iba pang lalaking nakakasalubong mo. ang mga “wit-a-woo” ng mga walang magawa sa lansangan.

ANG HIRAP MAGING BABAE!!! at hindi pa ko kagandahan sa lagay ng yan a, pano pa kaya yung mga magaganda talaga, diba?

at dahil sa sudden change na ito, napagtitripan ka pa… kahapon, binigyan na ko ng mga officemates ko ng bagong pangalan… “ngayon, ikaw na si Girla Lou Belan” :lol:

nyeta!

i haven’t been watching TV lately, because i don’t feel like it (i’m in film mode now). but there’s one show i watch out for once a week – American Idol. why?

Michael Johns! ano/sino pa ba? :lol:

but he got voted off last night :(

shet!!!

so, hindi na talaga ko manonood ng TV ngayon :roll:

apart from that “light my fire” performance, here’s another great one from the man who gets you dreaming of becoming the mic/mic stand :D

kulang sa S

April 3, 2008

SELF-ESTEEM

wala akong tiwala sa sarili ko, lalo na pagdating sa pagsusulat. ewan ko. siguro ganun talaga, dahil marami rin akong kaibigang nagsusulat na wala ring tiwala sa sarili nila.

sa kaso ko, ang kawalan ng kumpiyansa sa gawa ay ang dahilan kung bat ako wimp. ni minsan, di ko sinubukan na maging parte ng maski anong publication nung nag-aaral pa lang ako (nagcontibute lang ako sa litt folio nung huling sem ko na sa dasma). kaya nung naging copywriter ako matapos mag-aral, nagulat silang lahat. (teka, ngayon ko lang naisip na baka ito rin ang dahilan kung bat nandito ako sa industriyang to :lol: wala kasing by line.)

kaya naman, dahil lang sa kababawan, tumataba na ang puso ko ‘pag may mga taong lumalapit para magpatulong sa ano mang writing needs (at hindi lang dahil sa pera, a… totoo!). nitong mga nakaraan, ilan ang lumapit para magpagawa ng; content, resume, at kung anu-ano pang chu writing. tapos nung isang araw, pagka-check ko ng stat ng shortfix (na minsan ko lang pinupuntahan), ni-refer ako ng site na ‘to.

salamat po sa paglink sir!

———-

S*****

WARNING: ang bahaging ito ay para lang sa mga girls

Totoo bang habang tumatanda ka, lumalala ang dysmenorrhea?

Nung high school kasi ako, wala akong nararamdamang pagsakit ng puson kapag meron ako. Nung nagcollege na, paminsan-minsan, akong nakaramdam ng PMS… dumalas yun noong bandang 24 na ko.

Kahapon, ‘di ko na kinayang pumasok.

sabi ni Lita sa ‘kin, “kulang ka lang sa s*****.” medyo baboy diba, pero bakit nga ba?

———-

Sabon

hindi ko alam kung madumi lang ang utak ko, o talagang sinadya nilang gawing ganon ‘to (for subliminal messages and shit)… nagpa-footspa ko kagabi (yes naman!salamat sa raket :D ) habang namimili ng nail polish, napansin ko lang na medyo green ang pangalan ng mga shades…

1. pussy red

2. touch of tan

3. african plum

4. screaming tangerine (squeeze!)

biro lang yung huli (baka hanapin nyo), pero diba? sinadya kaya nila… :lol:

———-

may nasulat akong tula, pero wala dito. nasa shortfix, at gusto kong puntahan nyo dun.  kaya click mo ‘to.

ngayon, pwede nyo nang tawagin ang bahaging ito ng entry na kulang sa sampal :D

———-

napanood ko ‘to nung isang gabi…

my-sassy-girl.jpg

at na-realize kong, kulang pa pala ko sa pagiging sassy :lol:

kaya naman pala…

———-

sabaw

siguro matagal nang hindi nakakahigop ng sabaw ang mga kliyente namin.

patay na naman ang mga accounts… may dumarating na task every day pero isa-isa lang (nung isang araw nga, isang sentence lang e).

malapit nang maging malabnaw na sabaw ang utak ko.

chenez!

so this is christmas! :D

December 26, 2007

nine years ago, a week before i turned 18, i got myself this…

una.jpg
sorry naman sa liit at pagka-grainy ng picture :D (btw, that’s by joe saliendra)

i’ve always wanted to have a tattoo (since i was 13), buti nakilala ko si zel c. (na pagka-transfer pa lang sa CSA may tattoo na). sila ni ginang ang kasama ko nung pinagawa ko yan.

kaso mo nung ginawa yan wala pa kong pakelam sa design. basta gusto ko lang magkaroon ng tattoo, so wala lang yan. tribal something. i don’t get to look at it often so after some years of having it, siguro two or three, tri-ny kong titigan isang beses para may maimbento akong tawag sa kanya (HAHAHA!!! magimbento daw ba talaga?). ngayon pag may nagtatanong sa’ken kung anong ibig sabihin or kung ano yan, ang sinasagot ko; “tribal vagina”, dahil mukhang female reproductive system :lol:

kapag nakapagpatattoo ka raw sabi nila, gusto mo nang ulit-ulitin… parang pringles! “once you pop you just can’t stop.” totoo yon. kasi kala ng marami sobrang sakit magpatattoo, pero sa totoo lang, VERY bearable ang pain. sabi ko nga masmasakit pa ang piercing, kaysa tattoo. sa totoo lang, maskakayanin ko pang magpatattoo ng buong katawan kaysa magpa-pierce pa uli, kasi ang tattoo after 30 minutes to an hour hindi na masakit (well, mahapdi konti after but that’s it… more kati, more fun na lang for two weeks or less). e yung piercing tangina isang buwan na masakit pa rin e. kundi lang ako nanghinayang sa effort kong tiisin ang sakit during the first two weeks at sa pinambili ko ng lahat ng ponstan at amoxicillin tinanggal ko yung mga putanginang yon e :lol:

so ma-balik tayo sa… after i got that tribal vagina tattoo, i started researching (geek) for other designs i’d like to have someday :D sabi ko nun… gusto ko ng dragon na red sa hips (pag sumeksi na ko… so hindi ko na magagawa yon. hahaha!), ng star sa gilid batok, ng sun sa lower back, ng chinese character na “woman” sa gitna ng batok, ng alibata ng diwangLaya sa forearm, ng tattoo ni lilu sa 5th element somewhere, ng ano tsaka ano tsaka ano tsaka ano… pero nung medyo tumatanda na ko, naisip ko; “magastos tong gusto kong gawin” :lol:

so dahil mahirap na ang buhay nung natungtong ako sa kolehiyo at imposibleng makaipon ako noong mga panahong yon sa gastos ko sa media prod at photography classes (tangines, di naman ako naging photographer :lol: ) na-postpone ang lahat ng tattoo plans. miski nung naka-gradweyt na ko’t nagkatrabaho ako hindi ko pa rin natuloy ang plano, kasi marami pang masmahalagang bagay na kinailangan unahin; kumain, magbayad ng bills, bumili ng toiletries, mga ganun ba… :D

pero nitong pasko… dahil may mga natapos naman na ‘kong responsibilidad, at naging patient ako sa pagpapahaba ng buhok :lol: at tumagal ako sa isang company ng higit sa 4 months at higit sa lahat dahil buhay pa rin ako :lol: naisip kong bigyan ng reward ang sarili ko.

after 3 years+ of corporate whoring, 1 down na!!!

finished.jpg
yes, babae po ako:)

pinagsama ko na sa lower back ang tribal na sun at ang chinez-chinezan character na ‘woman’. sabi kasi sa ancient chu na natagpuan ko nung nagre-research pa lang ako, ang mga babae daw noong araw tinatatuan sa part na yan for fertility. the sun symbolizes fertility as well (halata bang takot ako maging baog?). then yung woman, kasi babae ako (believe it or not :D ), at proud ako sa pagiging babae ko… isa pa, ngayong taon ko lang napatunanyan sa sarili kong ganap na nga akong babae, dahil ‘di ko kailangan ng lalaki para mabuhay :D

uiii!!! konsepto ko yan, kaya sa may balak manggaya; “pak yu ka! wala kang utak!!! magpakamatay ka na!” :lol: pero serioso, MAMATAY NA MANGGAYA! (may kilala kasi ako na mahilig manggaya kaya ngayon may tattoo rin siyang kasing kulay nung nauna kong tattoo) badtrip! PLEASE mag-isip ka, miski konti lang para sa sarili mong design.

anyway, ang saya-saya! yan ang gift ko sa sarili ko. sana masundan agad at di umabot ng isa pang 9 years bago matupad ang iba pa :D

may isang gip pa pala ko sa sarili ko, pero sa enero pa darating… yun ang first step ng aking ‘hello world’ project :D (oo, ginaya ko yung ‘hello world’ ng wordpress, pero putek hindi naman permanent mark yun sa katawan no! at nilagyan ko naman ng ” “)

BWAHAHAHA!!! warfreak ang lola ninyo.

btw, si kuya bert almarines po ang tumira ng bago kong tattoo. sa may tapat lang ng padis point biñan ang shop niya (lilipat daw siya sa bagong shop this january, pero same area… bago daw mag-tulay ng perpetual). so yung mga taga-pacita, sta. rosa, alabang at iba pang malapit sa area na gusto magpatattoo, pwede nyo siyang kontakin sa 0919-861-5109… mahusay magtrabaho si kuya bert; award winning din siya sa competitions (masmagaling pa nga siya kay… e) at member din siya ng Philtag. masaya pa kasi ang charge niya not as expensive at parang masmabilis siya gumawa (pag nabasa kaya to ni kuya bert may free akong piece? :mrgreen: ). or you can just wait for a big time tattoo artists reply :grin:

PEACE!!!

nga pala, nainggit kapatid ko nung sinamahan niya ko, kaya…

yanyan.jpg
i-inggitin na naming dalawa ang ate namin ngayon! BWAHAHA!!!:D

bon voyage ginang!

December 21, 2007

noong elementary ako… bilang na bilang lang ang mga kaibigan ko. as in hindi lalampas sa mga daliri ng isang kamay; si raissa, si erin, si penny, at si dianne (kung bibilangin ang kaibigan na kasulatan lang). hindi ko alam kung bakit ganun ako kailap, siguro dahil may lihim akong hindi ko pa kayang ibunyag sa mundo.

noong tumuntong ako ng high school nag-iba ang lahat. nakilala ko kasi si ginang.

dawn.jpg
“dawn marie, how do i love thee?” -bro. denobo

kilala ko na siya grade 5 pa lang dahil naging classmate ko siya, pero popular kasi siya noon pa man. lagi kasi siyang leader kapag may field demo, nanalo rin siya ng singing contest noon dahil sa mahusay at makapagbagbag damdamin niyang rendition ng ‘paraiso’ ng smokey mountain. sikat talaga siya kaya nahiya akong makipagkaibigan sa kanya. di ko akalain na magiging close kami, biruin mo popular girl at geek na friends… close friends… super close na umabot sa puntong nagselos si zel j. kasi inaagaw ko raw ang best friend nya :lol:

siya ang kauna-unahang naging best friend ko. siya kasi yung tipo ng tao na di ka iiwan miski pa anong sabihin ng iba tungkol sa’yo. siya ang unang sinabihan ko ng, “anak ako sa ika-lawa. oo D, bastarda ako. oo, D, anak kaming magkakapatid ng tatay ko sa labas. totoo! hindi ako nag-i-imbento. hindi lang sa maala-ala mo kaya nangyayari ang mga love child.” paulit-ulit ako kasi akala niya nung una ginagago ko lang siya. nasa tricycle kami noon papunta sa bahay nila.

mula noon siya na ang kasama kong pumunta ng glorietta pag sabado at may naipon kaming tira sa mga baon namin. binili namin ang lahat ng papemelroti stationery na gusto namin. ginamit namin ang mga walang kamatayang statio na iyon sa aming pagsusulatan. araw-araw kami nagsulatan miski magkatabi kami sa classroom. at hindi lang papemel statio ang nagamit namin sa pagpapalitan ng mga sulat, na kung minsan e kung anu-ano na lang ang nakalagay (tulad ng; dogsh-dogsh-dogsh! samdalanielot… samdalanielot… o walang humpay na hahaha!), nung third year na kami ginawa na rin naming statio ang mga worksheets sa accounting, bond paper na may borders para sa drawing (o kung ano mang tawag dun sa putanginang subject na yun na panay cube at hagdan ang pinagagawa ng titser) at mga sheets ng notebook na pilit naming pinagpupuno ng kung anu-anong anik sa gilid para lang magkaroon ng ’style’. chinallenge din namin ang isa’t isa sa pagbukas ng mga sulat na yon sa pamamagitan ng pagpuno sa bawat sulat ng staple wires; minsan buong pangalan mo ang nakalagay na seal ng envelop kaya ihanda mo na ang mga daliri mo sa pagdugo kakatanggal ng sandamakmak na staple wires. andami-dami na naming sulat sa isa’t isa pagka-graduate… kung mahahanap ko ang iba pang hindi ko naisalansan sa box na may label na D’s letters, siguro ilang sako na yon.

si ginang rin ang nagturo sa akin na makipag-usap sa phone. bukod sa pagsusulatan, gabi-gabi rin kaming magkausap sa phone. noon (actually hanggang ngayon) wala kaming landline, kaya para lang maka-scoop kami sa isa’t isa pumupunta pa ako ng payphone. minsan dalawang oras ako sa loob ng phone booth. kesihodang papakin ng lamok ang mga binti ko, chicka pa rin… pag magba-ba-bye ka na kasi lagi niyang sinasabing; “teka lang… anu pa?” ganon kakulit si ginang, hindi ka niya bibitawan miski minsan kakantahan ka na lang niya (habang pinapapak ka ng lamok sa loob ng phonebooth). lagi ako tinatanong ng ate ko dati kung anong pinag-uusapan namin kasi magkasama nga naman kami maghapon,”wala yung mga nangyari kanina,” sagot ko. may isang beses pa nga na pakiramdam ko nasunog na ang tenga ko dahil hindi ako pumunta sa payphone at ginamit ko ang cellphone sa bahay pantawag sa kanya. nagtago pa ko nun sa kabinet dahil tiyak na pagagalitan at mababatukan ako ng ate ko pag nakita akong nakikipagtelebabad gamit ang cell (linya pa kasi lahat noon) :lol:

si ginang rin ang naging official recruiter ng barkadahan namin. una kasi si Z, V, C at siya lang yun… sinama nya ako nung 1st year. nung 2nd year si L at M naman, at nung 3rd year sinama niya naman si H. kaya nung graduation walo na kami sa grupo.

hs.jpg

ooops… wala si hazel c., lovely at may dito :D

hanggang nung mga unang taon ng college araw-araw kaming magkasama ni ginang; gumimik, uminom, magyosi, atpb. pero may mga panahon rin na nagkatampuhan kami. hindi naman lahat ng friendships perpekto. dumating pa nga kami sa puntong sinulatan ko siya ng ’siguro nga we’ve grown apart’, yun yung mga panahong nagpapaka-lone wolf na naman ako. naging busy sa ‘family life’ habang sila’y nagsasaya pa. akala ko nun hindi na mababalik ang dati naming pinagsamahan, pero after sometime, ganun na uli kami… ni hindi na namin kinailangang pag-usapan pa.

nitong mga nakaraan buwan, lagi na uli kaming magkasama ni ginang… at nung dumilim ang mundo ko, siya ang kasama ko… at sa pamamagitan ng kanyang ‘ewoks’ eyes (joke lang… hehehe) ginuide nya ako pabalik sa path na tinatahak ko.

kagabi, nagpunta ako sa bahay nila. akala ko mag-iinuman lang kami basta, pero nung pagpasok ko sa kwarto niya, tinuro na sa ‘kin ni L ang mga maleta. si ginang kumanta ng…”all my bags are packed, i’m ready to go…”

matagal na niya tong hinintay… finally, after 5 years of waiting to be together, magkakasama na sila ng love of her life. aalis na si ginang sa thursday… malungkot, dahil matagal namin siya hindi makikita, pero masayang-masaya kami para sa kanya. ngayon, she’d get to spend every waking hour with her husband :) woohoo!!! go!go!go! :lol:

dawnphilip.jpg
mr. and mrs. manno

alam kong kering-keri mo yan day, kaya relax ka lang…

at dahil favorite mo ito (for reasons na binabalikan na lang natin para pagtawanan), here’s your song…

cheers!

aplaya.jpg

beautiful…

December 13, 2007

dati nag-uwi ang kuya ko ng Smart Symphonies ng Mead Johnson. compilation yun ng classical music. para daw yun sa mga baby… pag pinarinig mo daw yun sa kanila tatalino sila (o kung ano man). at dahil laging ako ang kasama ng mga pamangkin ko tuwing summer, napakinggan ko ang cd na yun.

sa lahat ng kanta roon, ang pinakagusto ko ay ang Concerto for 2 mandolins ni Vivaldi. at dahil nagustuhan ko ito ng sobra-sobra, nung sumunod na pasukan dinala ko yung cd sa dorm (inagawan ko ng cd ang mga pamangkin ko) :lol: punong-puno kasi ng emosyon yung kanta… ewan ko ba. parang lagi akong naiiyak tuwing naririnig ko yon. matagal kong hinanap ang kantang ito online, para mapakinggan ko sa office ‘pag gusto kong magrelax o mawala ang pagkaburat ko sa mundo (sinauli ko na kasi yung cd sa mga pamangkin ko dahil may bago silang kapatid). about 3 months ago nahanap ko ‘to…

share ko lang sa inyo ngayon, kasi biglang bumalik sa akin ang kanta. may sinagutan kasi akong ’survey’ sa friendster kanina, ang tanong; anong song ang gusto mong itugtog sa kasal mo? … ito yung kantang inilagay ko sa sagot ko (ni hindi ko na inisip kung darating nga ang pagkakataong ‘yon o hindi… basta gusto ko ‘to).

ilang beses ko nang naimagine (dati) ang sarili kong naglalakad nang nakaputi sa isang aisle sa tutok ng isang burol… sa harapan ko, dalawang batang babaeng nagsasayaw habang nagsasaboy ng talulot ng dilaw na rosas, at ito ang kantang sinasaliwan nila. hmp!  sometimes, mapangarap… kala mo may pambili ng ganoon karaming bulaklak :lol:

anyway, click nyo yang video sa baba tas pumikit kayo habang pinapakinggan para maramdaman nyo kung gaano kaganda yung kanta… weird ba? nagpost ako ng video pero hindi ko naman objective na ipanood sa inyo :lol: wala kasi akong mahanap na song lang kaya ayan. pero magaling yung batang nag-gi-gitara, kaya kung gusto nyo panoorin nyo na rin :D

enjoy!

ang aming dalaginding

December 10, 2007

13 na ako nung magkaroon uli ng baby sa bahay namin (na na-feel ko, kasi 2 years lang ang agwat namin ng bunso kong kapatid). ang liit-liit niya; kasing laki ng palad ko ang ulo niya, at ang buong katawan niya’y kasing haba lang ng braso ko. nakakatakot siyang buhatin lalo na nung una siyang dumating, dahil bukod sa pagiging maliit niya, manilaw-nilaw rin siya… isang buwan kasi siyang baka-incubator (at isang buwan kami nagpabalik-balik sa UST ng mama ko at ng kapatid kong bunso).

siya ang dahilan ng pagkatuto kong maghugas ng puwit ng baby ng ganoong edad. siya rin ang unang batang napatulog ko sa may dibdib ko, ang unang batang tinimplahan ko ng dodo, ang una kong binasahan ng mga kwento, at lumaon tinuruan sa homework, mag-arts and crafts at iba pa.

naaalala ko nga isang beses umuwi ako galing sa dorm, dinrowingan naming dalawa ang dingding ng kwarto kong dilaw habang nakikinig kay joey ayala. nung sinilip kami ng ate ko naloka siya at napasigaw ng; “ano na namang kawirdohan ang tinuturo mo sa anak ko cherie lou?!!?” :lol:

eto na ang baby na yun ngayon;

bianca-series.jpg

kamusta naman at trese na siya?

ascend

November 19, 2007

she has learned
to take each step easily now; as if
gliding.
no more fast, long strides…
no more racing with the minute hand of the watch… hurrying home,
no more.
she has learned to take her time.

she no longer feels her heartbeat racing or
hear it drumming in her ear with each pace,
instead a hum; intently, she listens
to the hum of an enchanting music
that comes with the wind.
she moves with its rhythm,
and begins to take-off.

with love so great

November 1, 2007

i found this poem while scavanging for scratch paper last night. i wrote it 1 or 2 years ago… this scared the shit out of H :lol:

with love so great
i want to smother you
with the pillow
you embrace
so tightly in your sleep.

and i wonder
if you’d answer back
when i say;

“can you feel it?
this love
burning inside me?”
as i smother you dear.

i deliver the lines
like the child vampire Claudia,

“i just want to show you…
how beautiful it is.
this place i
am in now.”

and again
smiling…

“see what i’ve become?
can you even imagine
how i got here?
how much i beared
all these years?”

and as you go…

“slip away dear,
and remember
the memories
of we.”

“slip away…
and forever dream
of me!”

as i smother you
with love so great.